NAGSISISI AKO NA PINAG ARAL ANG AKING KAISA ISANG ANAK NA LALAKE


Kaisa-isang anak ko po si Joel. Simula pagkabata ay ako lamang ang naging katuwang nya sa buhay.

Wala syang kinagisnang ama dahil bata pa lamang siya nang iwan kami nito at mas piniling ipagpatuloy ang landas na kanyang tinahak.

Dahil sa sipag at determinado kong maitaguyod ang anak ko ay ginamit ko ang aking pinag-aralan hanggang sa magawa kong mapalago ang munti kong karinderya na naging isang restaurant.

Dito ay nasimulan kong mapaganda ang buhay naming mag-ina. Lahat ng kailangan ni Joel sa pag-aaral ay nakaya kong tustusan.

Pero ang sakripisyo kong ito ay hindi ko inaasahan na pagsisisihan ko sa bandang huli dahil sa napakapait na mangyayari.

Noong nasa serbisyo na ang aking anak ay nagpaalam ito sa akin na madedestino sila sa lugar na may pagka peligro ang sitwasyon.

Tumutol ako pero dahil sa klase ng kanyang trabaho ay hindi ko sya napigilan. Ipinalangin ko na lamang ang kanyang kaligtasan.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa makatanggap ako ng tawag mula sa isang opisyal ni Joel.

Malalim ba buntong hininga muna ang pinakawalan nito sa kabilang linya bago nya sabihin na wala na ang aking anak.

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari basta natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa harapan na ako ng kabaong ni Joel.
Có thể là hình vẽ ngẫu hứng
Durog na durog ako habang pinagmamasdan ang mukha ng aking anak. Para lamang syang natutulog.

“Anak, bakit mo naman ako iniwan. Ang unfair naman ng Diyos. Dapat ikaw ang magbabantay sa aking burol eh, bakit ako naman ang nagbabantay sa iyo.”

Nakangiti kong wika sa harap ng burol ng aking anak pero patuloy ang pag-agos ng aking luha. Hanggang sa ilibing sya ay hindi ko nagawang umalis sa kanyang tabi.

Nalaman ko na lamang na nahuli ang pumatay kay Joel na isang rebelde. Sundalo kasi ang aking anak. Bata pa lamang sya ay ito na ang kanyang pangarap na propesyon.

Mas lalong gumuho ang mundo ko ng mapagsino ang pumatay sa anak ko. Walang iba kung hindi ang mismo nyang ama.

Napaka mapagbiro talaga ng tadhana. Ilang taon ko syang inalagaan ng ako lamang mag isa tapos ang taong nang iwan pa sa amin ang kumitil ng kanyang buhay.

Kaya hindi ko naiwasan na sisihin ang sarili ko at sumbatan na “Sana hindi ko na lamang pinag aral ang aking anak