-
Mayo sa isang maliit na kwarto sa Manama Berin. Hindi mapakali si Arln Flores, 32 anyos. Habang paulit-ulit na sinusubukang tumawag kay Lean, 27 anyos. Walang sagot. Putol ang linya. Kaya naman sa mga oras na yon, ramdam ni Arln na may hindi tama. Alam niyang nasa panganib si Lean. Magkapatid silang parehong domestic helper sa Bahrain.
-
Si Arln tatlong taon ng naninilbihan sa isang pamilyang arabo. Tahimik lang siya sa trabaho, matipid magsalita. May iniwan siyang asawa at isang anak sa Nueva Ecija at halos lahat ng kita ipinapadala sa kanila. Ang bawat riyal na naitatabi niya ay katumbas ng paglapit sa pangarap upang matapos ang pinapagawa nilang bahay at makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang anak upang makauwi na siya ng tuluyan.
-
Sian ang bunsong kapatid. Mas masigla mas pala kaibigan. Wala pa itong asawa at ang tanging inaasikasoy ang pagpapadala sa kanilang mga magulang sa Pilipinas. Pareho silang may dahilan kung bakit nanatili sa gitna ng banyagang bansa para sa kanilang pamilya. Tuwing linggo, kapag sabay silang naka-dayoff, lagi silang nagkikita.
-
Minsan sa simbahan, madalas sa kainan malapit sa Alpha Mosque, nagkukwentuhan sila at nagtatawanan, nagpapalitan ng bagong biling gamit. Sa mga sandaling yon, tila gumagaan ang bigat ng bawat araw na malayo sa sariling bayan. Hanggang sa isang linggo may ipinakilala si Lian sa kanya. Isang lalaking matangkad, mestiso at mapormang manamit.
-
Si Johan Suton. Sabi ni Lian na kilala raw niya ito sa Facebook, isang turista mula sa United Kingdom na ngayon ay nasa brain. Tahimik lang si Arln habang tinitingnan ang lalaki. Hindi niya gusto ang pakiramdam. Masyado ang pagkakahumaling ng kanyang kapatid at may dating ang lalaki na parang hindi katiwa-tiwala.
-
Maingat naman niyang binalaan ang kanyang kapatid na mag-ingat at huwag basta-basta magtitiwala dahil iba ang ugali ng ibang lahi. Pero ngumiti lamang si Lian at hindi na sumagot pa. Makalipas ang ilang araw, naputol ang ugnayan nilang magkapatid. Wala ng sagot sa mga tawag. Wala na ring reply sa mga text messages at chat.
-
At nagsimula na ang mga gabi na nababalot na ng kaba ang dibdib ni Arln. Sa kabila ng katahimikan ng desyerto, may impit na sigaw sa kanyang puso. Isang kutob na may nangyayaring hindi tama sa kanyang kapatid. Isang pakiramdam at koneksyon na hindi man nakikita ay nararamdaman ng magkakapamilya. Isang linggo ang lumipas.
-
May 31, 2015. Sa araw na iyon dapat sila magkikita ng kanyang kapatid na si Liyan. Iyun ang araw ng kanilang kasunduan. Parehong dayoff nila yon at parehong may libreng oras. Ngunit naghintay si Arln sa dati nilang tagpuan sa isang maliit na coffee shop sa isang kanto malapit sa soak sa Bahrain. Dalawang oras na ang lumipas.
-
Malamig na ang kape ngunit wala pa ring dumating na lian. Muli siyang tumawag at nag-chat ngunit walang bago. Huling online ni Lian, halos limang araw na ang nakalilipas. Walang kahit isang pasabi kung saan ito nanaroon. Maging ang ilang kapamilya ng dalawa sa Pilipinas ay nagtatanong na sa kanya dahil hindi raw nila makausap si Lian ngunit pinaalam ni Arln ang sitwasyon.
-
Ayaw niyang mag-alala ang kanyang pamilya at magpanik ang mga ito lalo pa’t hindi pa rin malinaw kung nasaan nga ito ano ang nangyayari sa kanya. Kinabukasan, humingi ng live si Arln sa kanyang amo at maagang nagtungo sa bahay ng amo ng kapatid. Pinapasok siya ng matandang katulong ngunit sinabi ng amo na umalis na raw si Lian ilang araw na ang nakakaraan.
-
Nagpaalam daw ito na lilipat ng ibang employer. Ibinigay kay Arln ang ilang gamit na naiwan ni Lian sa kwarto nito at isang bag na may ilang lumang damit. Hindi nakaimik si Arln. Bakit wala man lang pasabi ang kanyang kapatid? Bakit hindi ito nagpaalam sa kanya? Ito ay napakaimposible. Sa kanyang pag-uwi, tiningnan ni Arln ang social media account ng kapatid.
-
Nagbabaka sakaling makahanap ng clue o kaya naman ay baka online na ito. Doon niya muling nakita ang pangalan ni Johan. Nasa listahan ito ng mga contacts ni Lean. Pareho pa rin ang larawan, maputi, may itsura nakasuot ng polo. Ngunit sa puntong yon ay kakaiba ang nararamdaman ni Arln. Wala man siyang katibayan ngunit sa kanyang kutob ay may kinalaman si Johan sa kung nasaan man ngayon ang kanyang kapatid.
-
Nagpadala siya ng mensahe sa lalaki. Makalipas ang ilang minuto ay sumagot ito. Una pa lamang ay naghinala na si Arln. Hindi man lang nagtataka ang lalaki kung bakit kinontact ni Arln. Bagkos agad-agad ay may malaswang biro na ang lalaki. May pasaaring parang sanay na sanay sa ganng klase ng pag-uusap. Hindi naman nagpahalata si Arln.
-
Sa halip sinakyan niya ito. Maingat ang bawat salita. Tila nagbabasa ng lihim sa pagitan ng pangungusap. Gusto niyang malaman kung nasaan si Lean at kung anong papel ng lalaking ito sa pagkawala ng kanyang kapatid. Kaya naman mas lalong lumalim ang kutob ni Arln. Hindi ito basta simpleng paglipat ng trabaho at lalong hindi ito basta desisyon ng isang kapatid na iiwan siya ng walang kahit anong paalam.
-
Sa mga sumunod na araw, tuluyang hindi na nagparamdam si Lian, wala pa ring sagot mula sa dating employer, hindi na rin aktibo ang kanyang social media account. Walang bakas ito kung nasaan naroon. Sinabi ni Arln sa ilang kamag-anak sa Pilipinas na nakabakasyon lamang si Lian kasama ang kanyang mga amo.
-
Ngunit ang totoo ay wala siyang ideya kung nasaan ang kanyang kapatid. Sa kabilang banda, mas naging madalas ang mensahe ni Johan. Mabilis sumagot pero laging may halong kalaswaan ang usapan. Kahit anong iwas ni Arln, pilit siyang hinihila ng lalaki sa mga paksang hindi niya gusto. Halos gabi-gabi habang nasa silid siya ng amo, tahimik siyang nakipag-usap sa taong sa tingin niya ay may malaking lihim na tinatago.
-
Hindi na nag-aksaya ng oras si Arln. Kinausap niya ang isang kaibigan, isa sa mga kasamahan niyang matagal na sa Bahrain. May kakilala itong nagtatrabaho sa Emda. Doon nagsimula ang maingat na ugnayan. Humingi sila ng gabay upang matunton ang kinaroroonan ng kapatid. Nagdesisyon si Arln na lalo pang palalimin ang pakikipag-usap kay Johan.
-
Nagpanggap siyang interesado. Kailangang makuha niya ang tiwala ng lalaki kaya’t sinakyan niya ang mga usapan. Kumilos siya ayon sa ikinikilos ng lalaki kahit kabaliktaran nito ang kanyang pagkatao. Dahan-dahan niyang inipon ang mga impormasyon kahit maliliit na detalye na maaaring makapagturo sa kanya sa kinaroroonan ni Lean.
-
Hanggang isang araw noong Hulyo 2015, inanyayahan siya ng lalaki na makipagkita. Ramdam ni Arln ang panganib ngunit hindi niya maaaring palagpasin ang pagkakataon dahil maaaring iyun na ang magdadala sa kanya sa hinahanap niyang kasagutan. Halos maiyak na si Arln. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniyang kapatid pero kailangan niyang maging matatag.
-
Ibinigay ng lalaki ang address ng lugar at ang eksaktong araw at petsa ng kanilang pagkikita. Kasabay nito, nakipag-ugnayan din si Arln sa embahada na nakikipag-usap na rin sa mga aoridad ng Bahrain para sa assistance at para sa pagresponde. Kung kinakailangan. Hindi makatulog si Arln habang hinihintay ang araw ng pagkikita niya at ni Johan.
-
Nanalangin siyang sana ay tama ang kanyang naging desisyon. At sana ay ligtas si Lian sa mga oras na yon. Alam ni Arln na bilang ate siya ay dapat kumilo sa bawat oras ay mahalaga at wala ng batayan ngunit malakas ang sigaw ng kanyang kalooban na kailangan siya nito. Dumating ang araw ng itinakdang pagkikita.
-
Biyernes ngabahimik ang isang kalsada sa tabi ng lumang warehouse sa Al Muharrak. Iyun ang lokasyon na ibinigay ni Johan. Nagpasabi si Arln na darating siyang mag-isa gaya ng hinihingi ng lalaki. Pero hindi yun totoo. Nasa malapit lang ang mga tauhan mula sa embahada at lokal na pulisya. nakaabang sa mga sasakyan habang naka-undercover.
-
Dala ni Arlin ang isang voice recorder at isang alarm device na kung pipindutin niya ay magpapadala ng signal sa mga pulis na siya ay nasa panganib. Pagsapit ng 8:00 dumating si Johan sakay ng puting sidan. Malayo pa lang tanaw na ni Arln ang matangkad na lalaki na naglalakad ng may kumpyansa. Wala ni anino ng kaba sa katawan.
-
Kaya nang tumapat ito sa kanya, hindi man lang nagpakilala, diretso agad sa pakay. Inakbayan niya si Arln at inakay. Ilang minuto ang naging usapan bago siya isinakay sa kotse. Hindi umangal si Arln. Tahimik siyang sumunod habang ang loob niya ay parang sasabog sa kaba. Hindi siya nagpahalata dito. Umakto siya ng normal at parang gusto niyang kasama si Johan.
-
Binagtas ng sasakyan ni Johan ang daan. Samantala, sa kalayuan ay nakasunod ang mga sasakyan ng mga aoridad maingat at hindi nagpapahalata. Pagdating nila sa isang warehouse na walang signage, isinara agad ni Johan ang gate. Walang ibang tao sa labas at sa gilid ng warehouse tanaw ang ilan pang kalalakihang puti na tila banyagang tulad ni Johan.
-
Pagdating sa loob, ipinakilala ni Johan si Arln sa ilang kalalakihang naghihintay sa labas. Walang respeto habang inabot sa kanya ang isang itim na pouch na sa tingin niya ay naglalaman ng salapi. Parang ipinagpalit si Arln sa mga lalaki kapalit ng malaking halaga. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang tapang sa loob niya.
-
Pero bago pa siya tuluyang iwan ng Johan ay nagawa niyang pindutin ang device sa loob ng kanyang bag na nag-trigger ng alarm sa mga nakaabang na pulis. At iyun na nga ang senyas. Sa labas agad na gumalaw ang mga tauhan. Hinuli si Johan ilang metro mula ng makalabas ito sa gate. Tumawag ng dagdag na pwersa ang kapulisan at paglipas ng s minuto ay nagsimula ang paggalugad sa lugar.
-
Sa loob nagsimula ang kaguluhan. mabilis ang kilos ng pulis, kasabay ng sigaw, habulan at pagtakas ng ilang kalalakihan. Ang warehouse na parang ordinaryo lang kung titignan sa labas ngayo’y pinagmumulan ng mga boses ng mga babae. May ilang umiiyak, may nagpupumiglas. At sa pagpasok ng kapulisan, natiklop ang mga bantay at ilang parokano na galing sa loob ng warehouse at halos hindi pa nakakapagsuot ng damit.
-
Pinadapa ang mga ito at sabay-sabay pinapasok sa pulis control. Hindi nila nagawang manlaban sa dami ng pulis na rumespunde. Habang may kaguluhan, pinilit ni Arln na manatiling kalmado. Sa isang gilid, nakita niya ang isang babae na nakatalukpong, nakaupo at tila walang lakas. Pero pamilyar ang hubog ng katawan.
-
Agad niya itong nilapitan. Tumingala ang babae. Basang-basa ng pawis at luwaan si Lian. Payat at maputla. Hindi agad nakapagsalita. Parang sumabog ang damdami ni Arln. Halos walang salitang lumabas sa bibig ni Lian. Tanging paghagulgol. Kaya naman niyakap siya ni Arln ng mahigpit at pinaramdam sa kapatid na ligtas na ito.
-
Sa loob ng kalahating oras matapos ang rate, unti-unting luminaw ang mas malawak na katotohanan. Ang maliit na warehouse ay ginawang parang piitan, may mga silid at lumang kama at ilang mga ilaw na kulay dilaw at mahina ang sindi. Isa-isang inilabas ng mga aoridad ang mga babae. May Pilipina, may mga Thai, may mga Bangladesh, may iilang hindi makapagsalita at may iba naman na nanginginig pa sa takot.
-
Nagsimula ang pagkolekta sa mga ebidensya, mga passport, pekeng IDs, resibo ng transaksyon, lahat ay kinumpiska. May mga CCTV sa loob, mga papel na may listahan ng presyo at ilang pangalan na kapansin-pansing pawang kababaihan. Dinala ang mga nasa gap sa isang ligtas na shelter na pinangasiwaan ng embahada at local social welfare department.
-
Pinasalamatan si Arln ng mga naging biktima dahil ang kanyang naging hakbang ang nagligtas sa kanila. Isa-isang nag-undergo ang mga biktima ng physical at psychological evaluation. Pagkatapos nito ay binigyan sila ng paunang lunas at suporta tulad ng counseling. Marami sa kanila ang natruma at ikinuwento ng mga ito na nahulog sila sa parehong modus.
-
Isang banyagang lalaki na kilala online, nakipagkita at dinala sa warehouse kapalit ng pera. Sa lugar na yon, dumaan sila sa isang bangungot na n sa ala-ala ay ayaw na nilang balikan. Pinagmalupitan at pinagsawaan. Itinuring na parang mga bagay lamang na iiwan pagkatapos gamitin. Hindi na bumalik si Arln sa dating trabaho matapos ang insidente.
-
Sa tulong ng embahada at ilang NGO, pansamantala silang nanirahan ni Lian sa isang shelter habang hinihintay ang proseso ng pag-uwi. Sa bawat araw ng pananahimik, dahan-dahan ding bumalik ang lakas ng loob ni Lian. October 2015 sa Barrain Criminal Court, tumestigo sila laban kay Johan at sa iba pang miyembro ng sindikato.
-
Buo ang loob ng magkapatid habang binabasa ng prosecutor ang mga paratang sa mga suspect. paglabag sa karapatang pantao, iligal na pagpupuslit at mga kaso ng pang-aabuso. Isinantabi ni Lian ang takot para maibahagi ang kwento hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa iba pang mga biktima. Sa bawat salaysay niya sa korte, mas naging malinaw ang lawak nang naging paglabag.
-
Matapos ang ilang linggo ng pagdinig, ibinaba ang hatol habang buhay na pagkakabilanggo para kay Johan at sa iba pang mga kasabwat. Pagbalik nila sa Pilipinas, sinalubong sila ng luha ng pamilya. Luha ng matagal na pangungulila at pasasalamat sa kanilang kaligtasan. Sa kanyang bahay sa Laguna, nagsimula ng maliit na tindahan si Arln.
-
Mula sa tulong ng nakuha nila. Ayaw na niyang muling iwan ang pamilya. Si Lia naman ay sumailalim sa trauma counseling para sa tuluyang pag-recover. Malaking leksyon ang natutunan ni Lean. Nagpasalamat siya kay Arln dahil kung tutuusin ay napakalaking utang na loob ang mayroon siya sa kanyang ate. Nanatili namang naroon si Arln habang inaalalayan ang kanyang kapatid sa kanyang pagbangon.
-
Ang kanilang kwento ay nanatiling babala at inspirasyon para sa marami. Isang paalala na sa likod ng mga pangakong dala ng social media at trabaho sa ibang bayan, naroon ang panganib na kailangang bantayan. Para kay Arln at Lian, ang bangungot ay natapos. Ngunit ang aral na dala nito ay magpapaalala. na sa huli ang pinakamasandigan sa oras ng panganib at kagipitan ay ang ating sariling kadugo at tunay na pamilya Ja
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load