Grabe na ’to. Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa matinding kagustuhan kong maglaho na parang bula o kaya ay lamunin na lang ako ng tiles dito sa SM.

​Nasa gitna kami ng hallway, tapat mismo ng Watsons. At ang girlfriend ko? Ayun, parang uod na binudburan ng asin naglulup4say sa sahig.

​”Ayoko! Gusto ko nung limited edition na serum! Bakit sold out?! Sabi mo bibilhan mo ‘ko!” sigaw ni Mitch habang pumupadyak habang nakahiga.

​Take note: naka-skirt siya. Pero wala siyang pakialam. Para siyang bata na inagawan ng lollipop, pero ang version na ‘to, 24 years old na may skincare routine na mas mahal pa sa downpayment ng motor ko.

​”Mitch, tumayo ka nga riyan. Nakakahiya, pinagtitinginan na tayo ng mga tao,” bulong ko.

Sinubukan kong hawakan ang braso niya pero nag-ala The Exorcist siya. Nag-spin pa ata siya nang konti sa sahig.

​”HINDI! Hindi ako tatayo hangga’t walang set ng makeup! You don’t love me anymore!”

​Tumingin ako sa paligid. May mga lola na nag-aantanda ng krus habang dumadaan. May mga teenager na naka-labas na ang phone, malamang naka-TikTok Live na ‘tong si Mitch

​Inaasahan niya siguro na luluhod ako, susuyuin ko siya, at magmamakaawa akong tumayo siya habang sinasabi kong, “Sige na baby, hahanap tayo sa ibang branch.”

​Pero ibang switch ang nag-click sa utak ko. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkapagod.

Hindi pagod sa relasyon, kundi pagod sa kahihiyan. Tiningnan ko siya yung blush-on niyang kalat na, at yung hair extension niyang medyo humihiwalay na sa anit niya dahil sa paggulong.

​Nope. Not today, Satan.

​Dahan-dahan akong umatras. Isang hakbang. Dalawa.

​”O, ba’t ka lumalayo?!” sigaw niya, akala niya part pa rin ‘to ng suyuan namin.

​Ngumiti ako nang pilit. Yung ngiting “I don’t know this person.”

Tumingin ako sa lumalapit na guard na mukhang magtatanong kung anong nangyayari. Bago pa siya makalapit, lumingon ako sa kaliwa, tiningnan yung poster ng Bench, at naglakad palayo nang mabilis.

​”Kuya! Yung asawa niyo po!” sigaw nung isang ale.

​Lumingon ako nang bahagya, seryoso ang mukha.

“Sino po? Ah, yung babaeng nagwawala? Grabe nga po, ‘no? Sana po matulungan niyo siya. Mukhang kailangan ng medical attention.”

​Tuloy-tuloy ang lakad ko. Rinig na rinig ko pa ang hiyaw ni Mitch sa likod.

​”HOY! VINCENT! BUMALIK KA DITO! VINCENTTTT!”

​Pagdating ko sa parking lot, huminga ako nang malalim. Sumakay ako sa kotse at ni-lock ang pinto. Five minutes later, sunod-sunod na ang text.

“WALANGYA KA!!! INIWAN MO ‘KO DITO?!”
“PINAGTITINGINAN AKO NG MGA TAO!
“VINCENT SUMAGOT KA!”

​Nag-reply ako habang nag-e-engine start…

​”Sino ‘to? Pasensya na, baka maling number na-text mo. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng phone, galing akong bundok.”

​Block. Drive.

​Minsan talaga, kailangan mo lang i-refresh ang buhay mo parang skin care lang, kailangan mong tanggalin yung mga “dead skin cells” para kuminis ang kinabukasan.