Naging babae ang tomboy ng makatikim
Good day admin, kuya jay gusto ko lang share ang aking buhay, n asana maging isang halimbawa sa mga katulad ko, pero hindi ko sinasabi na gayahin ninyo ang ginawa ko,
Ako ng pala si Nadine, isa akong tomboy, Pitong taon. Pitong taon naming binuo ni Monette ang mundong akala ko ay sapat na para sa amin. Sa pitong taon na ‘yon, ako ang naging haligi niya, ang taga-protekta, at ang kaisa-isang taong nagparamdam sa kanya na hindi niya kailangan ng iba. Pero mukhang nagkamali ako.
Isang gabi, habang nakahiga kami, diretsahan niyang sinabi ang matagal na palang bumabagabag sa kanya.
Nadine, gusto kong magkaanak. Gusto ko ng totoong pamilya,” sabi niya habang hindi makatingin sa akin.
Nung una, naisip ko, baka pwedeng IVF o surrogacy. Pero hindi lang pala ‘yun. Habang tumatagal ang usapan, lumabas ang totoong dahilan, isang dahilan na mabigat sa dibdib ko nang Gusto niyang makaranas ng totoong lalaki. Hindi sapat ang pagmamahal ko, at mas lalong hindi sapat ang mga daliri ko lang.
Gusto kong magalit.
Gusto kong magmura. Pero nangingibabaw ang takot ko na iwan niya ako. Mahal na mahal ko si Monette, at kung ang pagbibigay sa kanya ng karanasang ‘yun ang tanging paraan para manatili siya sa piling ko, gagawin ko. Kahit madurog ako.
Siya ang electrician namin na madalas kong tawagan kapag may sira sa bahay o problema sa sasakyan. Alam kong mapagkakatiwalaan siya at tahimik lang at hindi naman nalalayo sa mga may hitsura na lalake, kaya alam ko hindi makakatanggi doon si Monette,
Isang hapon, kinausap ko si Lito sa garahe habang kunyari ay tinitingnan niya ang makina ng kotse ko.
“Lito, may pakiusap ako,” panimula ko. “Aalis ako bukas ng gabi. Maiiwan si Monette dito. Gusto kong… pumasok ka sa kwarto niya. Gawin mo ang dapat gawin ng isang lalaki.”
Gulat ang rumesponde sa mukha ni Lito. “Ha? Ma’am Nadine, seryoso ba kayo? Alam niyo namang malaki ang respeto ko sa inyo.”
“Seryoso ako, Lito. Ito ang gusto niya. Ito ang kailangan niya para hindi siya lumayo sa akin. Huwag mo siyang sasaktan, pero ibigay mo sa kanya ‘yung karanasang hindi ko kayang ibigay.”
Dumating ang gabi ng plano. Nagpaalam ako kay Monette na may kailangan akong asikasuhin sa malayo at hindi ako makakauwi. Nakita ko ang kislap sa mga mata niya, isang kislap na hindi para sa akin, kundi para sa mangyayari.
Habang nagmamaneho ako palayo, tumigil ako sa isang tabi at doon humagulgol. Masakit isipin na sa loob ng kwartong pinagsaluhan namin ng pitong taon, may ibang lalaking papasok para punan ang pagkukulang ko.
7 taon ng pagsasama. 1 gabi na wawasak sa aking pagkatao.
1 pangarap ni Monette na kailangang matupad.
Pinili kong maging bulag at bingi. Pinili kong magparaya dahil mas takot akong magising isang araw na wala na siya sa tabi ko at tumanda ako na mag isa.
Pauwi na ako. Mabigat ang bawat hakbang ko papasok ng gate. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Monette sa kusina, tahimik na nagkakape. Iba ang aura niya. May ningning ang kanyang mga mata na matagal ko nang hindi nakikita sa kanya.
“Nandyan ka na pala,” bungad niya. Hindi siya makatingin nang diretso.
“Oo. Kamusta ang gabi mo?” tanong ko, pilit na pinatatag ang boses ko kahit nanginginig ang kalooban ko.
Bigla siyang umiyak. Lumapit siya sa akin at humawak sa braso ko. “Nadine, patawarin mo ako… may nangyari sa amin ni Lito kagabi. Pumasok siya sa kwarto, at… hindi ko siya napigilan. Sa totoo lang, Nadine, hinayaan ko siya.”
Umacting ako. Nagpanggap akong nagulat, nagalit, at nasaktan. “Ano?! Si Lito? Pinagkatiwalaan ko ‘yun! Bakit mo hinayaan, Monette? Pitong taon tayo, tapos sa isang gabi lang?!”
“Sorry, Nadine… pero ito ‘yung sinasabi ko sa ‘yo. Gusto ko maranasan. At ngayon, alam ko na. Ngayon, naramdaman ko na ang kulang sa atin,” hagulhol niya.
Pinalipas ko ang eksena. Pinatawad ko siya “kunwari.” Pero ang hindi ko inaasahan, doon pala magsisimula ang totoong kalbaryo ko.
Akala ko, isang beses lang. Akala ko, kapag natikman na niya, hihinto na siya. Pero nagkamali ako. Simula nung gabing ‘yun, naging madalas ang pagpunta ni Lito sa bahay.
Lunes: May aayusin daw na saksakan sa kwarto.
Miyerkules: May titingnan daw sa fuse box.
Biyernes: Biglang nasira ang gripo.
Alam ko ang totoo. At ang mas masakit, nakikita ko kung paano mag-ayos si Monette kapag alam niyang darating si Lito. Mas maikli ang suot niyang pambahay, mas mabango ang pabango niya.
Isang hapon, hindi ko na matiis. Kunwari ay umalis ako pero nanatili lang ako sa labas ng bintana ng kwarto namin. Doon ko nasaksihan ang lahat.
Nakita ko kung paano hawakan ni Lito si Monette sa paraang hindi ko magawa. Nakita ko ang ekspresyon sa mukha ni Monette, ang kaligayahan at sapat na pagkapuno na hindi ko kailanman naibigay sa loob ng pitong taon.
Doon ako tinamaan ng matinding inggit. Hindi lang dahil sa lalaki si Lito, kundi dahil nakikita ko ang mahal ko na buo ang nararamdaman habang ako, unti-unting nadudurog sa bawat ung*l na naririnig ko.
Gusto kong sumigaw at palayasin si Lito. Pero naalala ko, ako ang may kasalanan nito. Ako ang nagtulak sa kanila. Ako ang nakiusap kay Lito. Ngayon, parang ako na ang anino sa sarili kong bahay.
Hindi ko na kaya. Bawat tawa ni Monette kapag kausap si Lito, bawat haplos na nakikita kong palihim nilang ginagawa, parang may kung unt-unting pum@patay sa akin. Ako ang nagbukas ng pintong ito, pero ako rin ang magsasara.
Isang gabi, pagkaalis na pagkaalis ni Lito pagkatapos ng serbisyo niya sa gripo na alam kong hindi naman gripo ang inayos, hinarap ko si Monette sa kwarto.
“Monette, kailangan nating mag-usap,” seryoso kong sabi.
“Bakit, Nadine? May problema ba?” tanong niya, habang nag-aayos ng buhok, bakas pa ang saya sa kanyang mukha.
“Alam ko ang lahat. Alam kong hindi lang aksidente ang nangyari nung gabing umalis ako. At alam kong kaya pabalik-balik si Lito dito ay dahil gusto mo siya,” diretsahan kong bitaw.
Nanlaki ang mga mata ni Monette. “Nadine… akala ko ba okay na tayo? Akala ko ba pinatawad mo ako?”
“Pinatawad kita dahil mahal kita. Pero Monette, pitong taon tayong binuo ang pamilyang ito. Hindi ko kayang panoorin na unti-unti kang kinukuha ng ibang tao sa harap ko mismo. Pinagbigyan ko ang gusto mong ‘experience’, pero sapat na ‘yun. Sapat na, Monette.”
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang kamay. “Piliin mo ako, Monette. Piliin mo tayo. Kaya nating magka-anak sa ibang paraan. May mga legal na proseso, may adoption, may IVF. Pero huwag si Lito. Huwag sa ganitong paraan.”
Umiyak si Monette. “Pero Nadine, iba ang pakiramdam… Iba ang pakiramdam na may totoong lalaki.”
Doon ako nasaktan nang sagad. Pero hindi ako sumuko. “Ang ‘ibang pakiramdam’ na ‘yan ay panandalian lang, Monette. Pero ang pag-ibig ko sa ‘yo, pitong taon na napatunayan. Kaya mo bang itapon ang lahat ng pinagsamahan natin para lang sa ‘karanasang’ ‘yan?”
Habang nag-uusap kami, hindi namin namalayan na bumalik pala si Lito dahil naiwan niya ang kanyang cellphone sa sala. Narinig niya ang lahat, pati ang pag-amin ko na ako ang nag-utos sa kanya nung una.
Pumasok si Lito sa kwarto. “Ma’am Nadine, Monette… narinig ko ang lahat. Sorry, pero mukhang kailangan ko na ring magsalita.sabi ni lito,
Kuya jay Nag usap usap kami ay nauwi sa isang kasunduan na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na gagawin ko,
Hindi ko kayang iwan si Monette. At si Monette, hindi kayang iwan ang pagkalalaki ni Lito. Kaya sa gabing iyon, sa loob ng kwartong dati ay para sa aming dalawa lang, nabuo ang isang kasunduang wawasak sa tradisyunal na depinisyon ng pamilya.
“Sige,” bulong ko habang nakatingin sa sahig. “Manatili ka, Monette. Pero kailangan nating tanggapin si Lito sa buhay natin. Kung iyan lang ang paraan para hindi ka lumayo, gagawin ko.”
Nagsimula ang isang setup na kahit sa panaginip ay hindi ko inakalang papasukin ko. Si Lito ay hindi na lang basta electrician; naging bahagi na siya ng aming tahanan.
Sa Hapag-kainan, Tatlo na kaming kumakain. Ang katahimikan ay nakakabingi, pero nakikita ko ang pasulyap-sulyap na tingin ni Monette kay Lito na may kasamang ngiti.
Sa Gabi, Ito ang pinakamahirap. Hinahayaan ko silang magkasama sa kwarto habang ako ay nasa sala, nakikinig sa bawat ingay na nagmumula sa loob. Bawat kalabog ay parang martilyo sa puso ko.
Sa labas, kami pa rin ni Monette ang magkapareha. Pero sa loob ng apat na sulok ng bahay, alam naming tatlo ang totoong tao.
Habang tumatagal, ang inggit ko ay naging isang uri ng “obsession.” Pinapanood ko sila hindi lang dahil masakit, kundi dahil gusto kong makita kung ano ang meron si Lito na wala ako. Gusto kong makita kung paano lumiligaya si Monette sa paraang hindi ko kailanman nagawa.
Minsan, nahuhuli ko si Lito na nakatingin din sa akin. Parang binabasa niya ang iniisip ko. Alam niyang talo ako, pero alam din niyang ako ang nagpapatakbo ng bahay na ito.
“Ma’am Nadine,” sabi ni Lito isang gabi habang tulog na si Monette. “Alam kong masakit sa inyo ‘to. Pero nakikita niyo naman, masaya si Monette. Hindi lang anak ang mabibigay ko sa kanya… mabibigay ko rin ang saya na kailangan niya bilang babae.”
Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ay ang pangako ni Monette, Magkaka-anak kami. Kahit alam kong si Lito ang ama, ako ang tatayong magulang. Ang dugo ni Lito ang dadaloy sa ugat ng bata, pero ang apelyido at pagmamahal ko ang magpapadakila rito.
Gabi-gabi, bago ako makatulog sa sofa, tinatanong ko ang sarili ko:
“Mahal ko pa ba siya, o natatakot lang akong mag-isa?”
Naging “provider” ako sa isang relasyong hindi na sa akin lang. Ako ang nagbabayad ng kuryente, ng pagkain, at ng bahay namin, habang si Lito ang nagbibigay ng l@man na hinahangad ni Monette.
Lumipas ang mga buwan. Ang bahay namin na dati ay puno ng katahimikan at simpleng pagmamahalan, ngayon ay naging pugad ng isang lihim na kasunduan. Pakiramdam ko, ako ang talo sa sarili ko,
. Ang swerte ni Lito, libre ang pagkain, libre ang tirahan, enjoy pa sya bahay
Isang gabi, umuwi ako nang mas maaga kaysa sa inaasahan. Hindi ako kumatok. Dahan-dahan kong pinihit ang pinto ng aming kwarto.
Doon ko sila naabutan. Sa ilalim ng madilim na ilaw, nakita ko ang pawisang kat@wan ni Lito at ang mga ung*l ni Monette na punong-puno ng lig@ya, isang lig@yang kahit pitong taon kaming magkasama ay hindi ko kailanman narinig mula sa kanya.
Imbes na sumigaw, imbes na magwala at palayasin si Lito, may ibang emosyong gumapang sa katauhan ko.
Inggit ako, Pero hindi lang inggit kay Lito, kundi inggit sa nararamdaman ni Monette.
Pagod na akong maging taga-pakinig lang sa labas ng pinto. Pagod na akong maging provider na walang nakukuhang kapalit,.
Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob. Natigil ang dalawa. Bakas ang gulat at takot sa mukha ni Monette, habang si Lito naman ay napahinto pero hindi lumayo.
“Nadine… sandali, magpapaliwanag ako,” simula ni Monette, habang pilit tinatakpan ang sarili.
Tiningnan ko si Lito nang diretso sa mga mata. “Lito, ang swerte mo naman. Pinapakain kita, binabayaran kita, tapos ang asawa ko pa ang nagpapakasaya sa ‘yo habang ako, nagtitiyaga sa panonood?”
“Ma’am Nadine…” nauutal na sabi ni Lito.
“Ayoko nang maging tagapanood lang,” sabi ko habang dahan-dahang tinatanggal ang suot kong polo. “Kung ito ang kailangan para maging buo ang bahay na ‘to, sige. Sasali ako. Gusto ko ring maramdaman ang nararamdaman niya.”
Nakita ko ang dahan-dahang pagbabago sa mukha ni Lito. Mula sa kaba, napalitan ito ng isang klase ng kislap sa mata,
ang kislap ng isang lalaking naramdaman na siya na ang hari sa loob ng kwartong iyon. Mas lalong naging masigla ang kanyang kilos.
Hindi ko maikakaila, may ibang klaseng in*t na dala si Lito. Habang magkasama kaming dalawa ni Monette na nasa ilalim ng kanyang pangangalaga, naramdaman ko ang kakaibang koneksyon sa pagitan naming tatlo.
Kinabukasan, magkakasama kaming tatlo sa hapag. Mas matingkad ang tinginan nina Lito at Monette, at ako… ako ay tahimik lang, iniisip kung paano kami humantong dito. Pero nandoon na ‘yun. Wala nang balikan. Ang dating pamilya ng dalawa, ngayon ay naging tatlo na,
Isang taon. Isang taon na kaming namumuhay sa ilalim ng iisang bubong sa ganoong setup. Naging parang ritwal na ang gabi-gabi, si Lito, ang hari sa k@ma, at kaming dalawa ni Monette na tila mga aliping sumasamba sa kanya,
Pero sa loob ng isang taon na ’yon, unt-unting namuo ang tensyon. Si Monette, na siyang unang nangarap na magkaanak, ay nagsimula nang mabahala. Gabi-gabi silang sumusubok ni Lito, pero buwan-buwan din siyang dinadatnan ng dalaw.
Nakikita ko ang lungkot at frustration sa mga mata niya sa tuwing makikita niya ang negatibong resulta sa pregnancy test kit.
Habang si Monette ay nagkakandarapa, ako naman itong nakaramdam ng kakaiba sa sarili ko. Tatlong buwan pa lang mula nung nagsimula akong sumali sa kanila, napansin kong laging masama ang timpla ng sikmura ko sa umaga. Nahihilo ako at parang laging pagod.
Isang hapon, habang wala ang dalawa, naglakas-loob akong bumili ng test kit. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko naman ito hinangad. Sa totoo lang, ginawa ko lang ang pagsali para hindi ako mawalan ng puwang sa buhay ni Monette.
Nang lumabas ang dalawang guhit, parang huminto ang mundo ko.
Buntis ako. Si Nadine, ang tomboy na nagparaya, ang siyang unang nagdalang-tao
Gabi nang magkaharap kaming tatlo para kumain. Hawak ko ang test kit sa ilalim ng mesa, nanginginig ang mga kamay ko.
“Monette,” tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin, matamlay pa rin dahil sa huling negatibong resulta niya kahapon. “May kailangan akong ipakita sa inyo.”
Inilapag ko ang test kit sa ibabaw ng mesa. Nanlaki ang mga mata ni Monette. Si Lito naman ay napangiti nang malapad, tila isang tropeo ang tingin niya sa akin.
“Buntis ka, Nadine?” mahinang tanong ni Monette. Ang boses niya ay hindi puno ng tuwa, kundi ng halo-halong gulat at. inggit.
“Oo, Monette. Tatlong buwan na,” sagot ko.
Doon nagsimulang magbago ang ihip ng hangin sa loob ng bahay. Ang pangarap na binuo ni Monette para sa sarili niya, ako ang tumutupad, pero sa paraang hindi niya ginusto.
Masakit makita na imbes na matuwa siya para sa akin bilang partner niya, nakikita ko ang poot sa mga mata niya sa tuwing titingnan niya ang tiyan ko. Pakiramdam niya ay ninakawan ko siya ng pagkakataon.
Mas lalong naging dominante si Lito. Pakiramdam niya ay napatunayan na niya ang kanyang pagkalalaki dahil sa akin. Ngayon, mas lalo siyang naging kampante sa bahay, tila siya na ang tunay na may-ari ng lahat.
Naging baliktad ang lahat. Ako na ngayon ang inaalagaan ni Lito, at si Monette ang naiwang nanonood sa gilid, ang babaeng naghangad ng lahat, pero ngayon ay tila nawawalan ng lugar sa sarili niyang pangarap.
Habang lumalaki ang tiyan ko, mas nararamdaman ko ang distansya namin ni Monette. Ang pitong taon naming pagsasama ay tila natatabunan na ng batang dinadala ko.
Tinatanong ko ang sarili ko: “Para kanino ba ang batang ito?” Para sa amin ni Monette? O para sa amin ni Lito? At paano na si Monette ngayong ang kakulangan ko bilang tomboy ay napunan na, pero siya naman itong tila naging kulang dahil hindi siya makabuo?
Pitong buwan na ang tiyan ko, sinamahan ako ni lito sa doctor, masaya kami pareho dahil alam namin na lalake ang anak namin, saya na hindi ko alam kung bakit, pero nalungkot ako pagdating namin sa bahay, ang cabinet bakante na, wala na ang mga damit na nakalagay doon, akala ko pinasok kami ng magnanakaw, pero may isang sulat si monette na iniwan,
Mahal kita Nadine, mahal ko din ang sarili, salamat sa maraming taon napagmamahal mo sa akin, alam ko na tama itong gagawin ko, masaya ako para sa inyo ni lito. Hindi man natupad sa akin, sayo natupad ang pangarap ko, salamat muli at ninang ako diyan sa anak ninyo,
Doon tumulo na ang luha ko, nagparaya si Monette, umalis sya at iniwan ako, para maging maayos ang lahat,
Si lito naman ay doon ko nakita ang pagmamahal nya sa akin, hindi dahil ama sya ng anak ko, dahil ako daw ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng direksyon ang kanyang buhay,
Wala naman problema kay lito, dahil binata naman ito at para patunayan na totoo sya sakin, pinakasalan ako ni lito after ko manganak,
marami ang nagtaka, hindi nya akalain na ang dating matigas na tulad ko, ikakasal isang lalake, pero marami din ang natuwa lalo na si mama at papa, na halos mawalan na ng pag asa na magkakaroon ng apo mula sa akin, pero isa sila sa pinaka masaya sa araw ng kasal ko,
Sa ngayon, babae na ako, tomboy parin gumalaw at kilos, pero kapag kasama ko si lito, babae talaga ako,
6 years anniversary namin ni lito next month, kaya lang nasa ibang bansa sya ngayon bilang ofw sa dubai, ayaw nya daw na umasa lang sa kinikita ko, marami syang pangarap para samin,
si Monette naman ay may asawa na din at isang anak at nasa probinsya nila nakatira, minsan nakaka chat kami at kumustahan, kami naman ni lito dalawa na ang anak, at masasabi ko na swerte parin ako, kahit na pala tomboy, magbabago din pala kung nanaisin mo ng masayang pamilya, may papa at mama,
Salamat dahil nagbago ang buhay ko sa isang maling disisyon ko, na nag umpisa sa mali, pero napunta sa tama at hindi ako nagsisi,