NAGALIT ANG MISTER KO DAHIL PAG UWI NIYA GALING TRABAHO AY WALA PA AKONG SINAING. HINDI AKO NAKAPAG SAING DAHIL RANK GAME KAMI SA MOBILE LEGENDS NG MGA KUMARE KO. SA GALIT NI MISTER, KINUHA NIYA ANG PHONE KO AT PINAKULUAN SA RICE COOKER

​”Lord, sana hindi i-ban si Nana. Lord, sana hindi i-ban si Nana,” bulong ko habang mabilis na pumipili ng hero.

​Nasa gitna kami ng matinding bakbakan ng mga kumare ko. Isang panalo na lang, Mythic na ako! Todo sigaw na si Mareng Tes sa voice chat:

“Gusion, asan ang back-up?! Huy, ‘yung tore natin tinitira na ng minions!”

​Sa sobrang focus ko, hindi ko na namalayan ang oras. Akala ko alas-singko pa lang, ‘yun pala alas-siyete na. Biglang bumukas ang pinto. Si Dante. Pawis, pagod, at mukhang gutom na hininga ng dragon.

​”Love! Gutom na ako, anong ulam?” tanong niya habang nagtatanggal ng sapatos.

​”Sandali lang, Dante! Lord, ‘yung Turtle kunin niyo! Dante, nasa ref ‘yung tirang menudo, initin mo na lang muna!” sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Kamay ko, parang lumilipad sa screen. Launch Attack!

​”Nasaan ang kanin?”

​Doon ako natigilan. Patay. “Ah… eh… malapit na, ‘yung signal kasi dito sa kusina mahina kaya lumipat ako sa sala—”

​”Love, alas-siyete na. Wala pang sinaing?!”

​”Wait lang, Love! Clash na ‘to! Pag nap4tay namin si Aldous, magsasaing na ako agad! Promise, ‘yung mabilisang luto lang, ‘yung parang instant noodles!”

​Sa kamalas-malasan, narinig ni Dante ang boses ni Mareng Tes sa phone ko: “Luming! Galingan mo, kailangan natin ng Savage!”

​Biglang nag-dilim ang paningin ng asawa ko.

Lumapit siya sa akin akala ko hahalikan ako sa noo bilang support—’yun pala, hinablot niya ang phone ko!

​”Dante! ‘Yung Rank Game ko! Report nila ako!” sigaw ko.

​Pero huli na ang lahat. Dire-diretso siya sa kusina. Kinuha niya ang rice cooker pot, nilagyan ng tatlong takal ng bigas, hinugasan nang mabilis infairness, malinis ang pagkakabanlaw, at nilagyan ng tubig.

​”Gusto mo ng mabilisang luto, ‘di ba?” sabi niya sa boses na kalmado pero nakakatakot.

​Plok.

​Hulog ang phone ko sa loob ng rice cooker. Sabay pindot ng “Cook.”

​”DANTE! HINDI ‘YAN ANG SANGKAP NG SINAING!” tili ko.

​”Para magka-silbi ‘yang ML mo,” sabi niya habang umuupo sa hapag-kainan. Hihintayin natin ‘yan. ‘Pag nag-warm na ‘yan, tignan natin kung Legend pa rin ‘yang screen mo.”

​Habang umuusok ang rice cooker, nakatitig lang ako. Iniisip ko… maba-ban kaya ako sa AFK? Kainis hindi na ako makaka mythic.

​Ang masaklap pa, nung kumulo na, amoy lithium battery ang hapunan namin.