Nabuntis ako ng Engkanto pero ang iniisip ng mga tao nababaliw ako..
Ako si Minda,45 years ang kwentong ibabahagi ko ay sarili kong kranasann mahirap paniwalan…higit dalawang dekada na ang nagdaan.
Lumaki ako sa isang maliit na baryo sa Quezon, malapit sa bundok Banahaw. Tahimik lang ang buhay ko,Dahil sa mahirap lang ang buhay namin hind na ako nag aral pagkatapos ko ng highschool.
Nagtrabaho ako sa palengke sa umaga, bilang tindira sa gulayan,tapos pag uwi ko naman sa gabi ay nag-aalaga ng nanay kong may sakit
sa pag iisip ang ate ko namang may asawa na ang tumitingin sa kanya sa umaga..
Wala akong ibang libangan kundi mangarap ng buhay na mas maganda, ‘yung may kakaibang kulay. Hindi ko alam, isang araw, literal pala yung pangarap kong yun ay totoong aking mararanasan..
Isang gabi, pauwi ako galing palengke.ginabi na ako dahil nagpatulong pa si nanay annie na nag repak ng mga asin at paminta na binbinta ng tingian…
Alas-otso na, medyo maambon. Habang naglalakad ako sa gilid ng gubat, napansin kong parang may ilaw sa loob. Akala ko una Taong may dalang solo o flashlight, pero hindi parang alitaptap na napakalaki.
“Sino ‘yan? Tao ka ba?”
“Hindi mo kailangang matakot,Minda
Isa akong kaibigan na humahanga sayo.
Kinilabutan ako. Hindi ko naman siya kilala, pero parang alam niya ang pangalan ko. Lumabas siya mula sa dilim isang lalaking matangkad, moreno, may magandang pangangatawan may mapungay na mata.
at mas mahaba kaysa sa normal na tao ang kanyang tainga..
Ang ngiti niya… parang may dalang kapayapaan,nakakadala,nakaka alis ng pagod at sa unang pagkikita ay naramdaman ko na agad ang kakaibng damdamin sa kanya
“Paanong alam mo pangalan ko?”
“Matagal na kitang pinagmamasdan,Minda bata ka pa lang ay palagi na kitang binabantayan upang hindi ka mapahamak lalo na kapag naglalakad ka sa dilim nang nagiisa
Doon nagsimula ang lahat. Araw-araw, gabi-gabi, binabalikan niya ako. Ang pangalan daw niya ay Elias, tagapagbantay ng kagubatan. Sa una, ayokong maniwala pero paano mo tatanggihan ang isang lalaking kayang gumawa ng mga bulaklak sa ere, o magpawala ng ulan kapag nilalamig ka?
Hanggang sa isang gabi,habang inihahatid niya ako pauwi sa amin ay bigla niya akong tinanong…
“Minda, gusto mo bang makita ang tunay kong mundo?
“Anong ibig mong sabihin?”
“Isang hakbang lang, at makikita mo ang kagandahan na matagal mong hinahanap.,
“Sa mundo ko ang lahat ay maganda..
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Siguro dahil pagod na ako sa lahat, o baka dahil sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko—mainit, pero may kuryenteng dumaloy. Ilang segundo lang, pero pagdilat ko, ibang-iba na ang paligid.
Walang araw, pero maliwanag. May ilog na kumikislap na parang salamin, mga puno na kumakanta sa hangin, at mga nilalang na hindi ko maipaliwanag.
Nasa mundo ng mga engkanto na ba ako.
“Elias… totoo ba ‘to?”
Elias: “Totoo. Pero tandaan mo,Minda, ang pumapasok dito ay bihirang makabalik.
Hindi ko inisip ‘yon noon. Kasi sa piling niya, para akong buhay na buhay. Doon, hindi ako pagod, walang gutom, walang inaalagaang may sakit na nanay, at ako’y masaya.
Araw- araw ang lahat nangyayari ay ang mga bagay lang na aking pinapangarap..
Palagi kaming magkaniig ni Elias siya ang unang lalaki sa buhay ko isa man siyang Engkanto ay pinaranas niya sa akin ang romansang kagaya ng sa mga tao..
Maalab, mapusok at punong puno ng pagmamahal…
Hanggang isang araw, gusto kong bumalik para makita si nanay. Nag aalala na ako sa kanya baka di na siya naalagaan ni ate…Pero sabi ni Elias…
“Kapag tumapak ka ulit sa mundo ng tao, makakalimutan mo na ako ng tuluyan,hindi na din ako papayagang makalabas sa mundo mo gaya ng dati mahal ko hindi na papayag sina ama at ina isa pa malapit na ang aking takdang edad upang tuluyang pamahalaan ang aming mundo makakaya mo ba akong iwan.
Napaluhod ako. Mahal ko siya, pero mahal ko rin si nanay.
Pinili kong bumalik. pero bago ako umaalis ay may ibinigay siya sa aking isang uri ng halaaman mula sa mundo niya at supot na hinddi ko alam kong para saan
“Minda mahal ko sanay isang araw muli tayong mgkita…
“Oo Elias mahal ko kung bibigyan ako ng pagkakataon nais kung bumalik sa mundo mo..
“Minda mahal ko gamitin mo ang halamang ito ilaga mo at ipa jnom sa nanay mo para gumagaling siya iyan ang mahiwagang halaman ng memorya..
“Talaga mahal maaring gumaling si nanay
“Maniwala ka mahal ko at ang supot na ito gamitin mo upang hindi ka na maghirap
“Wag ka sanang magbabago Minda..
“Hinalikan niya ako ng maalab bilang pamamaalam..
Pagdilat ko, nasa gilid ako ng gubat, suot pa rin ‘yung damit ko. Akala ko panaginip lang pero sa kamay ko, may halaman,at hawak.ko din ang isang supot na lalagyan
Pag uwi ko sa amin ay inabot ko si ate pinaliliguan si nanay gulat na gulat ito ng makita ako…Maging si manay na lalong namayat ay parang batang umiyak ng umiyak at yumakap sa akin
“Saan kb ngpunta halos dalawang taon kang nawala,ang sabi ni ate na pagalit pero nag aalal.
“Sa mundo ni Elias ate ang kasintahan kong engkanto.
“Tumigil ka na Minda tama ng si nanay na lang ang nawawala sa katinuan.May anak na ako minda hindi ko kakayanin kong dalawa pa kayo ni nanay na aalagaan ko.
“Totoo ba ate na matagal akong nawala pero ilang araw lang kaming magkasama ni Elias..
Tuluyan nag umiyak si ate iniisip niya na nawawala na ako sa aking sarili.Kaya iniwasan ko nalang ang mag banggitbsa kanya tungkol sa mundo ni Elias
Sinunod ko ang bilin ni Elias pitong araw pinaiimum ko si nanay ng isang baso ng pinaglagaan ng dahon ng memorya at pagkatapos non walang sino mam sa aming lugar ang mkapaniwala na ang halos dalawang dekadang pagkawala ni mama sa sarli ay bigla na lang gagaling..
Ang laman ng supot na bigay ni Elias ay mga piraso pa la ng ginto..
Unti unti ko yong ibinenta at bumili ng sariling pwesto ng gulayan si ate nman ay binigyan ko ng kapital para sa pangarap nilang mag asawa ng babuyan…
Marami ang nahihiwagaan sa bigla pagbabago ng aming buhay sinabi ng iba na noong mawala daw ako ay sumama ako sa isang mayaman,may nagsasabi naman na baka daw nagpunta ako ng maynila at kung kani kanino ko ibinenta ang aking sarili ang lahat ay hinyaan ko sa kanilang mga panghuhusga at haka haka…
Pagdaan pa ng ilang araw nagkaron ng pagbabago sa aking sarli at ng mag pa check up ako tatlong buwan na pala akong magdadalang tao o mas tamang sabihin na nagdadalang engkanto..
At tuwing gabi, naririnig ko pa rin ang boses niya sa hangin.Ngunit hindi ko na siya nakikita at nahahawakan..
“Ingatan mo ang magiging prnsesa ng aming lahi mahal ko.
“Babae pala ang magiging anak natin mahal ko
“Magpakita ka mahal ko gusto kong makasama ka namin.
‘Hindi na ako makalalabas mahal ko itinalaga na ako ni ama para mamuno sa aming angkan
” Pagdating ng takdang panahon mahal ko ihanda mo ang iyong sarli pagdating ng magiging anak natin sa takdang gulang ay makalalabas ako upang personal ko siyang masundo.
Bakit kukunin mo siya sa akin hindi ako papayag..
“Patawad mahal iyon ay nakatakda na kusang iiwan ng anak natin ang mundo ng tao sa tamang panahon..
Dahil sa sinabi ni Elias ay iniwasan ko nag pakinggan ang kanyang tinig na dala ng hangin..
Hinarap ko ang mapanghusagang mga tao.ypokpok,bayaran,kabet ,malandi lahat na halos ng masasakit na salita ay ibinato nila sa akin..
Ang pamilya ko lang ang mhalaga wala akong paki alam sa kanila si ate ang aking tagapagtnggol bagamat hindi ito naniniwala na
Engkanto ang tatay ng anak ko iniisip niyang isang mayamang tao ang aking lihim na karelasyon…
Pero kung ang lhat ay may sinasabi may isang tao naman ang lubos na naniniwala sa akin,si Nanay …
Ayon kay nanay baby pa daw ako ng mamatay ang tatay namin ni ate na natuklaw umano ng makamandag na ahas sa gubat..
Dahil di siya maka move on ay may nakilala siya na isang lalaki na mahiwaga na palging tumutulong sa kanya sa pagkuha ng mga kahoy
Umibig daw siya sa lalaki na nang malaman niyang isang engkanto ng isama siya nito sa lugar nito ay ngmaka awa daw siyang makabalik dahil wlang nagbabantay sa amin ni ate pero ng maka alis na daw siya sa mundo ng engkanto ay huminto na rin ang lahat ng kanyang ala-ala sa mundo ng mga tao…
Noon ang akala ng lahat nawla si nanay sa katinuan dahil sa klungkutan ng pagkawala ni tatay..
Sa paglipas ng buwan naisilang ko ang magandang sanggol sa kahilingan ni Elias ay pinangalanan ko itong Eliza ..
Sa mabilis na paglipas ng panahon lumaking magandang bata si eliza ang pamumuhay naman namin ay patuloy na umunlad hindi ako tumanggap ng ibng lalaki tnging si elias lng ang mhal ko hindi ko man ito maramdman ang tinig naman niyay bumubuhay ng puso ko…
Inalagaan ko naman ng mabuti so Eliza na lumaki bilang tao pero hindi ko ito na pigilang magmahal..
Umibig ito at nabuntis ng kanyang kasintahan sa edad na desisiyete..
Ang masakit tinakasan siya ng lalaki at dinala sa ibang bansa ng mga magulang
Lalo kong inalagaan ang anak ko …galit man si elias sa lalaki ay wla namam magawa ang kanyang kapangyarihan dahil sarado ang portal para makalabs siya sa mundo ng tao …
Lumipas ang mga buwan hanggang sa tuluyan ng nagsilang si Eliza… Malusog na lalakinng sanggol ang kanyang naging anak na Adonis ang binigay ni Elias na pangalan…
Pagkatpos na magsilang ni Eliza ay hindi na naka recover sa panghihina ang katwan niya…
Ayon kay Elias ay hindi na magagamot ng doktor si Eliza dahil bago ito mag 18 ay susunduin na niya ito upang sundin ang batas sa pamumuno ng kanilang lahi..
Gaya ng inaasahan tuluyan ng nalagutan ng hiniga si Eliza…Dumating si Elias upang sunduin ang kanyang katawan..kahit sandali ay nagkasama sama ang kaming pamilya kasama si Adonis..
Sobrang sakit pero gaya ng sabi ni Elias hindi naman tlaga namatay si eliza..kaya tinanggap ko nalang na hindi na namin siya makakasama ni Adonis.
Nang ilibing si Eliza ay sarado ang kanyang kabaong sinabi ko na lang na yon hiling ng aking anak upang walang maraming tanong..
Ngayon po ate ella ay limang taon na si Adonis..Ngunit ang buhay ko ay nanatili ang hiwaga dahil may mga gabi na nakakasama ko ang pinaka mamahal kong si Elias…patuloy ko namang naririnig ang tinig ng anak kong si Eliza sa saliw ng hangin…
May mga taong ngapapakalat na pmilya kami ng may sayad kaya kahit may pera ay hindi gaano ang kaibigan namin ng nanay ko na 70years old na ngayon .
Hanggang dito nalang ang aking kwento ate ella kayo na po ang bahala kong nais nyo bang paniwalaan o gaya ng iba ay isipin din na nawawala n ako sa katinuan…
Mahirap paniwalaan pero naranasan ko ang tunay na pagmamahal at kaligayahan sa isang hindi ko kauri na pinasok ang aking realidad
Wakas
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load