NA INLOVE AKO SA TOMBOY KONG TROPA KAYA GUMAWA AKO NG PARAAN PARA MA FACTORY RESET KO SIYA, PINAPAKITA KO ANG ABS KO BAKA SAKALING MA AKIT KO SIYA. PERO SABI NIYA LANG. “T4NG!N4 PARE SANA MERON DIN AKO NIYAN PARA MORE CHICKS TO COME. TARA GYM TAYO.” PERO SIYEMPRE DI AKO SUSUKO
Kilalanin niyo si Alex. Ang tropa kong tibo na mas barako pa sa akin kung maglakad, mas malupit pumorma, at mas maraming napapa-ibig na babae. At heto naman ako, si Justine, ang dakilang biktima ng malfunctioning na puso.

​Sabi nila, kapag ang babae raw nasaktan, nagbabago. Ang goal ko? Baguhin siya pabalik. Ang tawag ko rito: Project Factory Reset.

​Nasa kwarto kami ni Alex, naglalaro ng video games. Pawis na pawis ako sinadya ko talagang patayin ang electric fan para may rason ako. Ito na ang pagkakataon ko.

​Tumayo ako, kunyari ay naiinitan, at dahan-dahang hinubad ang t-shirt ko. Nag-flex ako nang konti’yung sakto lang, ‘yung parang hindi pilit pero bakas ang pinaghirapan ko sa gym nang anim na buwan.

​”Grabe, ang init naman dito, Lex,” sabi ko habang nagpapunas ng pawis sa leeg, sulyap sa kanya sa gilid ng mata ko. Ayan na,Tingnan mo na ang mga abs na ‘to. Ma-inlove ka, bumalik ka sa pagiging Maria Clara!

​Tinigil ni Alex ang pagpindot sa controller. Tumingin siya sa tiyan ko. Nanlaki ang mata niya. Hinihintay ko na ang mga salitang, “Gosh, Justine, ang manly mo pala,” o kaya “Bigla akong kinilig.”

​Lumapit siya. Hinawakan niya ang abs ko. “Pucha, Pare…”

​Huminga ako nang malalim. This is it!

​”T4ng!n4, Pare! Ang lupit!” sigaw niya, sabay sapok sa balikat ko. “Sana meron din ako niyan! Isipin mo, kung ganito kaganda ang pandesal ko, mas maraming chicks ang luluhod sa harap ko. More chicks to come, ‘tol!”

​Gumuho ang mundo ko. Ang “Factory Reset” ko, naging “Hardware Upgrade” para sa kanya.

​”Tara, gym tayo bukas!” dagdag pa niya habang naka-akbay sa akin. “Turuan mo ako nung routine mo ha? Para sabay tayong mambabae sa susunod!”

​Sinuot ko na lang ulit ang damit ko. Masakit, pero sabi nga sa kanta, never say die. Hindi pa tapos ang laban. Kung ayaw niya sa abs ko bilang lalake, baka kailangan ko siyang dalhin sa isang candle-lit dinner pero ang isaserve ko… balot. Para hardcore pa rin.

​Hindi ako susuko. Kung kailangang i-reformat ang buong system niya, gagawin ko. Pero sa ngayon? Mag-be-bench press muna kami bukas dahil kailangan daw niya ng “chest” para sa mga chicks niya.

​Ayos na rin ‘yun. At least, mahahawakan ko ang kamay niya… kapag mag-i-spot ako sa kanya sa gym. Diskarte lang ‘yan

Naniniwala na ako sa sinabi nilang “You only realize the importance of something when it’s gone.”

Matapos mabigo ang abs strategy ko na imbes na ma-inlove ay ginawa lang akong gym instructor ni Alex nagpalit ako ng strategy.

Masakit, pero kailangan kong burahin ang imahe ko bilang “tropang barako” sa paningin niya. Pumasok sa eksena si Karla. Si Karla ang “system update” na hindi inaasahan ni Alex. taga kabilang section na sobrang chicks na chicks. Niligawan ko sabay sinagot naman ako.

Maganda siya, malambing, at higit sa lahat, babaeng-babae. Sinadya kong laging maging busy.

Kapag nag-aaya si Alex na mag-valorant, ang laging sagot ko ay, “Pass muna, Lex, may date kami ni Karla.” Kapag nag-aaya siyang mag-chest day, sinasabi ko na lang na “Kaya mo na yan Pre, sinasamahan ko si Karla mah shopping.”

​Noong una, parang wala lang sa kanya. “Sige, Pare! More chicks, more fun!” sabi pa niya habang tinatabig ang balikat ko.

Pero habang tumatagal na hindi ko na siya kinukulit, napapansin ko ang pagbabago sa mukha niya. Isang hapon, habang naglalakad kami ni Karla sa park, natanawan ko si Alex sa malayo.

Naka-jersey siya, mag-isa sa bench, at nakatitig sa kawalan. Dati, siguradong mambabastos ’yan ng asar o kaya ay tatakbo palapit para makipag-fist bump.

Tapos aasarin niya pa si Karla, sasabihin niya “ano nakita mo diyan kay Justine, baduy naman yan tsaka mas pogi pa ako diyan.”

Pero nung nagtama ang paningin namin, bigla siyang umiwas. Nakita ko ang pagbagsak ng mga balikat niya yung angas niyang maglakad, parang biglang nawala.

Doon ko naramdaman na gumagana na ang “reformat” ko. Masakit makitang malungkot ang best friend ko simula kinder, pero kailangan niyang maramdaman ang kulang para hanapin ang dati naming “tayo.”

​Isang gabi, sunod-sunod ang text niya sa akin.

“Pare, nahanap ko na ‘yung cheat code dun sa nilalaro natin dati. Laro tayo?” Hindi ako sumagot.

Sinundan niya ng, “Nakakatamad mag-gym pag walang maingay sa likod ko.”

At ang huli na talagang nagpatigil sa akin.. “Justine, miss ko na ‘yung asaran natin. Ba’t parang ang layo mo na? t4ng!n4mo wala na ako laging kasama wala na akong punching bag pag badtrip ako.”

Doon ko napatunayan na ang pusong “barako” ni Alex, unti-unti nang nagkakaroon ng glitch. Hindi na niya ako tinitingnan bilang tropa lang…

Tinitingnan na niya ako bilang isang taong hindi niya kayang mawala. Ang dating “Hardware Upgrade” niya para sa mga chicks, mukhang nagiging self-realization na para sa aming dalawa.

​Hindi ko pa siya rereplyan. Hahayaan ko muna siyang malito, hahayaan ko muna siyang magselos kay Karla, at hahayaan ko muna siyang marealize na ang hinahanap niyang “partner” ay nasa harap lang niya buong buhay niya. Konting tiis na lang, Alex.

Malapit na kitang ma-factory reset.

Wala eh talo nami miss mo na ako naksss…

Comment… ng kahit ano at kung gusto niyo pa ng next sa story namin ng tomboy na bestfriend kong se Alex. At kung gusto niyo bang malaman kung ma factory reset ko ba si Alex

Akala ko master strategist na ako. Akala ko kontrolado ko na ang bawat galaw sa chessboard ng “Operation Factory Reset.” Pero sabi nga nila, expect the unexpected.

Hindi ko akalaing ang catalyst ng pagbabago ni Alex ay hindi ang selos kay Karla, kundi isang kulay pink na tela at ang 18th birthday niya. Kasi ewan ko baka hindi naman talaga siya nagseselos kay Karla. Akala ko lang siguro? ay ewan.

​18th birthday ni Alex ang “Debu-tumboy.” Pero dahil “busy” ako kunyari kay Karla, nag-mall kami. Nanood kami ng sine, kumain ng pasta, pero ang totoo, bawat limang minuto ay tumitingin ako sa relo ko. Ang isip ko, nandoon sa bahay nila Alex.

​”Justine, okay ka lang?” tanong ni Karla habang nakahawak sa braso ko.

“Ah, oo naman. Medyo pagod lang sa work este, sa school,” pagsisinungaling ko.

​Paghatid ko kay Karla, humarurot agad ako pauwi. 11:30 PM na. T4ngin4, baka tulog na ‘yung tomboy na yun eh, isip-isip ko. Pero kailangan kong magpakita, kasi sa lahat ng Birhtday niya mula kinder garten pa kami lagi akong present

Sasapakin ako sa mukha nun, pag di ako nakarating ngayon sa 18th Birhtday niya debu niya ‘to… binata na siya.

​Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, patay na ang mga party lights. Ang natira na lang ay ang amoy ng k!nat4y na b4boy at mga bakanteng bote ng softdrinks at alak. Matamlay akong pumasok sa gate.

​”Alex? Pare?” tawag ko.

​Walang sumasagot. Dumiretso ako sa garahe kung nasaan ang mga tirang handa. Doon ko siya nakita. Nakatalikod siya, nagliligpit ng mga paper plates. Pero teka… bakit parang iba ang silhouette niya?

​Dahan-dahan siyang lumingon. At doon, muntik ko nang mabitawan ang dala kong regalo.

​Si Alex, ang tropa kong mas malaki pa ang biceps sa akin noon, ang laging naka-jersey at sumisinghot ng amoy ng pawis sa gym… ay naka-pink na cocktail dress. Naka-make up siya na halatang pinilit lang ng mga ate niya, at may maliit na tiara na nakatabingi sa buhok niyang maikling panlalake.

Gagi ang cute…

​”T4ngin4 mo, sige pagtawanan mo ako, gago,” bungad niya agad sa akin, sira ulo talaga ‘tong tomboy na ‘to eh wala pa nga akong sinasabi natadtad na ako ng mura.

Ang boses niya, barako pa rin, pero ang mga mata niya… namumula. Parang maiiyak na ewan.

​Hindi ako nakapagsalita. Ang plano ko ay asarin siya, sabihing “Mukha kang mascot ng bubblegum,” pero walang lumabas sa bibig ko.

​System Status:Overheating. Core temperature rising. Visual data processing error.

​”Bakit… bakit ganyan suot mo? para kang si Balmond sa ML na nagdalaga.” nauutal kong tanong na may pang aasar.

S!nuntok niya ako ng malakas sa braso ko. T4ng!n4 ang sakit. Ang hirap na talaga ma factory reser ni Alex sobrang lakas manuntok parang bakal na kamay ng tomboy na ‘to… kulang na lang maghalo na rin ‘to ng scramble.

“G4go ka talaga! mas kamukha mo yun si Balmond.”

​”Pinagtripan ako nila Ate! Sabi nila, ‘pag hindi daw ako nag-dress kahit 30 minutes, hindi nila ibibigay ‘yung bagong rubber sapatos na gusto ko. Tapos ikaw… akala ko hindi ka na darating, eh inaabangan ko yung regalo mo eh.” sabi niya sabay padyak.

Wait, padyak ba ‘yun o stampede? Pero sa suot niya, mukha siyang galit na prinsesa.

Medyo na guilty tuloy ako, tuwing birthday niya may regalo ako sa kanya. Inabot ko yung malaking karton na nakabalot ng gift wrapper na naglalaman ng regalo ko.

Kinuha naman niya yun.

“Ano ‘to?” nakasimangot parin na sabi niya.

“12 dozen of soen panties.” Asar na sabi ko.

“T4ng!n4 mo talaga g4go!!!” Sabay hampas niya sakin ng paper bag.

“Aray! ang sakit biro lang!” Sigaw ko. Wag mo ng ihampas sakin baka masira pa yan eh.

“Ano ba kasi ‘to? ang bigat nito ah.” Inis nasabi niya.

“Exactly, so di nga yan p4nty. Buksan mo na.” Sabi ko pa.

Tapos pinunit niya na yung gift wrapper. Nanlaki mata ni tomboy sa nakita niya.

“G4go seryoso ka! ito regalo mo sakin?” Di makapaniwalang sabi niya.

“Oo, tiniis ko gutom ko sa recess para mabili yan… pinag ipunan ko.” Sabi ko naman.

PS5 ang niregalo ko ay Alex, kasi malapit na masira yung PS4 niya. Eh dakilang gamer kasi ang tomboy na yan. Kaya naisip ko yan ang ikakatuwa niya. Baka maging way pa ‘to para ma factory reset ko na si Alex. Syempre matata touch siya sakin… naksss.

At nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit. T4ng!n4 men yung puso ko parang tanga nagwawala ang puchaaa. Di tuloy ako nakapagsalita… Ang bango no Alex, winisikan ata siya ng mga ate niya ng pambabaeng pabango.

“Gagi ang saya ko!!!” sigaw niya… tapos siguro nagulat din siya sa biglang pagyakap niya kaya bigla niya rin akong tinulak.

Tapos pareho kaming natahimik ang awkward…

Bigla na lang siyang naupo sa bench, at doon ko nakita ang isang bagay na mas malala pa sa dress naka-rubber shoes pa rin siya. Hirap na talaga nitong ireset gagana pa ba plano ko?

​Tinabihan ko siya.

​”So di ka na galit niyan ah, nabili ko na yang panharap mong PS5. tsaka bagay pala sayo pre yung dress eh oh chicks na chicks,” biro ko.

​”Gago, wag mo ‘kong ma-chicks-chicks diyan. Naiinis parin akp sayo, dumating ka tapos na yung party dito.” Inis na sabi niya.

​”Sorry na nganii, wag ka ng magalit diyan… lalo kang nagiging cute pag galit ka.”

​Tumingin siya sa akin. Yung dating “angas” sa mata niya, napalitan ng pagkalito.
“Justine… bakit parang ang weird mo na ngayon? Dati naman, uunahan mo pa akong uminom. Ngayon, para kang… ewan. tigilan mo ako sa kakaganyan mo nakakakilabot ka na.”

​”Siguro kasi, ngayon ko lang narealize na mas maganda ka pa sa mga ‘chicks’ na hinahanap mo sa gym,” seryoso kong sabi ko… di ko pinansin yung mga sinasabi niya.

​Biglang namula si Alex. Hindi dahil sa blush-on na nilagay ng ate niya, kundi totoong pamumula. Umiwas siya ng tingin at uminom ng natirang Coke sa mesa.

​”T4ngin4 mo talaga… tara na nga, tulungan mo ako mag-ligpit dito. Pero bawal mo ‘tong ikwento sa gym, kundi bubuhatin kita at ihahagis sa bench press!”

​Habang nagliligpit kami, paminsan-minsan ay nagkakadikit ang balat namin. Bawat dikit, parang may static electricity. Alam ko, ramdam din niya. Hindi na ito glitch. Ito na ang simula ng Total System Overhaul.

​Malamang bukas, mag-aaya na naman ‘to mag-sparring para itago ang hiya niya. Pero ngayon? Hahayaan ko muna siyang matulog na alam niyang bumalik na ang “tropa” niya… pero may kasama nang upgrade.

Konti na lang Alex factory reset ka na sakin.

Follow mo ang page at comment ka lang sa comment section para updated ka sa next Part ng kwento ni Tombits

Akala ko talaga nung gabi ng debut niya, nakuha ko na. Iyong yakap na ‘yun? Iyong amoy ng pambabaeng pabango? Iyong pamumula ng pisngi niya? Sabi ng instinct ko, 85% na ang progress bar ng formatting ni Alex. Konti na lang, magiging Maria Clara na ‘to.

​Pero nagkamali ako. Malaki ang pagkakamali ko.

​Kinabukasan, pagdungaw ko sa bintana, hindi pink na dress ang sumalubong sa akin. Isang kulay matte black na Mio Sporty na may Thai-look na mags at maingay na tambutso ang nakaparada sa tapat ng bahay.

At ang driver? Si Alex. Naka-jersey ng Lakers, naka-shades,

​”Hoy Justine! Bagal mo naman mag-impake ng gym bag! Tara na, binyagan natin ‘tong regalo ni Papa!” sigaw niya habang pini-piga ang silinyador. Vroom! Vroom! Niregaluhan pala siya ng Mio ng Papa niya.

​System Status: Critical Failure. Progress reverted to 0%.

T4ngin4. Ang hirap na talaga ni Alex i reset… tomboy na naka mio na nganiii.

​”O, dahan-dahan sa pagsakay, baka magasgas ‘yung mags,” paalala niya habang inaabot sa akin ang extra helmet.

​”Alex, seryoso? Naka-Mio ka na? Akala ko ba… alam mo na, ‘di ba nag-dress ka kagabi?” tanong ko habang sumasakay sa angkas.

​”G4go, pang-isang gabi lang ‘yun! diba nga napilit lang ‘ako nila Ate. Ngayon, balik-binata na ulit tayo.” asar niya habang tumatawa nang barako.

​”Baka naka brief ka na rin ah.” Asar na sabi ko.

​”G4go di pa naman hahaha naka boxer lang!” sagot niya sabay harurot.

“In4mo talaga hayysss ang lala.” Napapa iling na lang na sabi ko.

Si Tomboy tawa lang ng tawa ampt…

​Pagdating sa may parking lot sa gym, doon na nangyari ang “The Great Lock Incident.” Hirap na hirap ako tanggalin ‘yung lock ng helmet ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao kasi nagmumukha akong tangang nakikipagbuno sa sarili kong baba.

​”Tsk, masyado ka kasing excited eh. Kalmahan mo lang kasi pre… excited ka na namang makita ‘yung mga chicks na nagwo-workout, no? Ako na nga,” sabi ni Alex.

​Lumapit siya. Sobrang lapit. Ramdam ko ‘yung init ng katawan niya at ‘yung amoy ng mint na bubble gum na kinakain niya.

Tinabig niya ang kamay ko at hinila ang tali ng helmet konmuntik na akong masakal pero ang angas ng dating niya. Nakatitig lang ako sa labi niyang gumagalaw sa pag-nguya.

​T4ngin4, napaka angas talaga ng tomboy na ‘to.. pero bakit parang mas lalo na siyang gumaganda sa paningin ko?

​Sa loob ng gym, habang nag-iisparring kami, doon na nag-escalate ang lahat. Sa sobrang hyper ni Alex dahil sa bagong motor, aksidente niyang nasiko sa Dibdib ang isang maskuladong lalake iyong tipong ang braso ay kasing laki ng hita ko.

​”Pasensya na pre, ‘di sadya,” sabi ni Alex, cool lang.

​Pero ‘yung lalake, mukhang bad trip. “Angas mong tomboy ka ah!”

​Sinubukan ni Alex magpakumbaba, pero ‘yung lalake, nagsimulang mambastos. “Makipag-date ka na lang sa akin, magpakababae ka… sayang ganda mo.”

Tapoa tumawa siya pati yung mga tropa niyang lalake sa gilid niya.

​Doon na kumulo ang dugo ko. Akala ko ba ako lang ang may “Oplan Factory Reset”? Bakit ‘tong tsonggo na ‘to, may version din?

​”Hoy pre, tama na ‘yan,” pumagitna na ako. “Anlalaki ng katawan niyo pero parang sinliit ng munggo ang utak niyo.”

​”Aba, sino ka naman? Bakla ka siguro ‘no? Mag-jowa ata kayo nitong tomboy na ‘to eh!” pang-aasar nung lalake habang tumatawa ang mga tropa niya.

​System Alert: Ego Damage Detected.

​”Ano?! What the f—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko.

​POW!

​Isang solidong left hook ang dumapo sa panga nung lalake. Mula kay Alex. Sa sobrang lakas, napa-atras ‘yung maskulado.

​”Pre, takbo na! Bilis!” sigaw ni Alex habang hinahatak ang kamay ko.

​Naghabulan kami palabas. Rinig ko pa ‘yung sigaw nung lalake… “Hoy! Habulin niyo ‘yung mag-jowang tomboy at bakla!”

​T4ngin4, paano ako naging bakla sa kwentong ‘to?! Ako na nga ‘tong nagpapaka-alpha male para ma-reset siya, ako pa ‘yung naging sidekick na binabae ng Tomboy? T4ng!n4 talaga! hayuppp…

​Mabilis kaming nakarating sa Mio ni Alex. Talon agad ako sa likod.

​”Kumapit ka nang mahigpit, ‘Tang4! Baka mahulog ka, lalo ka pang maging bakla!” sigaw ni Alex habang pinapa-andar ang motor.. buwisit asarin din ba naman ako.

Grabe magpatakbo ng motor si Alex naka full speed parang biyaheng impyerno na… tomboy na tomboy talaga sobrang angas. Akala ko katapusan ko na hayup na yan. feeling ko nga kaya niya rin mag halo ng scramble habang nagmo motor.

Kakaibang tomboy talaga tong si Alex, kaya siguro lakas ng amats ko sa kanya. Sobrang rare nito pare.

​Huminto kami sa isang bakanteng lote malapit sa ilog. Pareho kaming hingal na hingal.

“Hoy! Bitaw ayos ah! yakap na yakap ka sa bewang ko ah!” Sigaw ni Alex.

“Ay g4go sorry! eh ambilis mo kasi magpatakbo.” Sabi ko naman, gagi nakakapit pala ako na parang linta sa bewang ni Alex.

Tapos bigla akong natauhan… naalala ko yung ginawa niya dun sa lalake.

​”G4go ka Alex! Bakit mo sinuntok?! Pwede naman nating pag-usapan!” sabi ko habang bumababa, nanginginig pa ang tuhod.

“Eh g4go yun eh! ininsulto ka na nga eh! sinabihan ka pang bakla! tapos ano daw? mag jowa tayo? g4go! kulang pa yun eh, i upper cut ko pa yung hayuppp na yun eh.” Nanggagalaiting sabi ni Alex.

habang punong puno parin ng angas. Napatitig na lang ako sa kanya.

“Hindi naman totoo… kaya dapat chill ka lang,” Sabi ko.

“Ah basta, tado siya angas eh… wag ko lang siya ulit makita tingnan mo dagdagan ko pa suntok ko sa mukh4 niya.” Sabi ni Alex habang pinapatunog mga buto sa daliri niya.

Haysss bakit ganito parang gusto ko ng sumuko sa oplan factory reset ko kay Alex tombits na tombits si Alex, nag iigting na yung panga sa sobrang galit at angas niya.

Back to zero talaga hayupp na yan.

Pinag walang bahala ba lang namin yung nangyari sa gym. Naglaro na lang kami ni Tombits Alex sa arcade. Si tomboy palong palo ayaw patalo dun sa basketball sa arcade.

Para gumaan yung pakiramdam niya. Sinadya ko magpatalo. Sa lahat ng nilaro namin sa Arcade nagpatalo ako, para lang sumaya na siya at mawala na pagka badtrip niya..

Wala eh, malakas amats ko sa tropa kong tomboy.

>>>>
Kinabukasan lunes na haysss papasok na naman kakatamad. Pagdating ko ng school tamad na tamad akong nagalalakad sa hallway habang humihikab pa.

Pero potaaa nawala antok ko nang makita ko yung pamilyar na lalakeng maskulado na naka uniform din. Yun yung lalakeng naka alitan ni Alex sa Gym.

T4ng!n4 dito rin nag aaral yun? college pa pala yung bakulaw na yun? bakit parang kamukha niya na yung tito kong single na 48 years old?

Pero teka nga, sandali… delikado ‘to… baka makita niya si Alex dito sa campus. Bigla akong nag alala kay Tomboy.

Kahit na sabihin na nating, maangas at matapang na tombits si Alex. babae parin ang katawan niya. Baka isang suntok lang siya ng bakulaw na to.

At di ako payag na masaktan niya si Alex. Nagmadali ako. Papunta sa classroom nila Alex. kailangan ma warningan ko siya na dito rin nag aaral yung bakulaw na lalakeng s!nuntok niya sa mukha.

Follow mo ang page at comment ka lang ng kahit sa comment section para updated ka sa next part ng kwento ni Tombits.