MARAMI AKONG PIMPLES, TADT4D NA PARANG WALA NG PAGLAGYAN SA MUKHA KO . AT NARINIG KO ANG MAMA NI GF PAGLAPIT KO SA HANDA SA LAMESA KASI BIRTHDAY NI GF. SABI NG MAMA NIYA. “ANONG KAKAININ MO? WAG KA NA LUMAPIT SA MESA, BAKA MATALSIKAN NG PIMPLES MO NAKAKADIRI! ITURO MO NA LANG KAKAININ MO AKO NA MAGSASANDOK SAYO IHO.” AT NARINIG NG MGA BISITA BIGLA AKONG NAPAHIYA, KAYA UMUWI NA LANG AKO AT HINDI NA KUMAIN

Nakapustura ako. Naka-polo shirt na bagong plantsa, amoy Penshoppe, at ang buhok ko, selyado ng matinding gel. Pero ang bida talaga? Ang mukha ko.

Kung ang Google Maps ay may “volcanic activity” alert, sa pisngi ko ‘yun nakaturo. Tadtad ako ng pimples yung iba namumula, yung iba parang nagpaplano na ng rebolusyon.

​Lumapit ako sa buffet table. Amoy na amoy ko na yung Menudo at Kare-kare. Akmang kukuha na ako ng plato nang biglang humarang ang Mama ng girlfriend ko, si Tita Lab. Hawak niya ang sandok na parang espada.

​”Anong kakainin mo?” tanong niya, pero ang mata niya, naka-focus sa noo ko.

“Wag ka na lumapit sa mesa, baka matalsikan ng pimples mo! Nakakadiri! Ituro mo na lang kakainin mo, ako na magsasandok sa iyo, iho.”

​Parang tumigil ang mundo. Ang mga bisita? Naka-freeze. Pati yung batang kumakain ng spaghetti, napahinto sa pagsubo.

​Sa isip ko… Grabe naman si Tita. Ano tingin niya sa pimples ko, gran4da? Na kapag nasinghot ko yung singaw ng kanin, bigla na lang magsisiliparan yung n4na na parang fireworks sa New Year?

​”Ah, Tita…” sambit ko, habang dahan-dahang umaatras.

​”Huwag kang gagalaw!” sigaw ni Tita Lab, habang binabakuran ang tray ng Shanghai. “Baka mamaya yung isa dyan, sum4bog sa ibabaw ng Lechon! Kawawa naman ang balat, madadamay sa balat mo!”

​Nagbulungan ang mga kumakaing tita sa kabilang lamesa.

“Hala, infectious ba ‘yan?”

“Baka pag tumawa siya, mag-splatter!”

​Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Mas lalong namula ang mga pimples ko ngayon, mukha na talaga akong walking strawberry.

​”O, ito na! Menudo! Layuan mo ‘tong platong ‘to, baka mahulog dyan yung ‘active’ ingredient ng mukha mo!” abot ni Tita sa akin ng plato mula sa malayo, parang nagpapakain ng leon sa zoo.

​Hindi ko na hinintay yung cake. Hindi ko na rin hinanap ang girlfriend ko. Tiningnan ko yung plato dalawang pirasong atay at maraming carrots. Wala man lang sahog na karne.

​”Salamat po, Tita,” sabi ko nang may pait hindi galing sa apdo ng baka, kundi sa puso ko. “Uuwi na lang po ako. Baka kasi pagbahing ko, maging ‘polka dots’ na lahat ng bisita niyo.”

​Tumalikod ako at mabilis na naglakad palabas. Habang naglalakad pauwi, hinawakan ko ang pisngi ko.

​”Don’t worry, boys,” bulong ko sa mga pimples ko.

“Masarap daw ang manok sa kanto. At least doon, walang takot sa ‘projectile’ n4na niyo.”