-
Novyembre 2015 sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport abala ang mga pasaherong paalis. Sa gitna ng pila nakatayo si Jemalyn Lozano, 35 anyos. Mahigpit na yakap ang anak niyang si Jra at ang asawang si Nelson. 37 anyos. Sa mga mata ni Jemalyn, halata ang kaba at lungkot.
-
Ngunit mas nangingibabaw ang pag-asang makakapagbigay siya ng mas magandang buhay sa pamilya. Isang kontrata bilang household worker sa Doha, Qatar ang naghihintay sa kanya. isang oportunidad na inaasahan niyang magiging susi sa mas maayos na kinabukasan nilang mag-anak. Sa gitna ng abalang paliparan, ipinangako niya sa anak na kapag sapat na ang kanyang ipon, uuwi siya at hindi na muling lalayo pa.
-
Sa unang mga buwan sa abroad, naging mabigat ang bawat araw. Maagang gumigising si Jemalyn. Naglilinis, nagluluto at tinatanggap ang lahat ng utos ng among mahigpit. Madalas siyang mapagalitan dahil hindi siya ganoon kabiyasang magsalita at may mga hindi pa siya nauunawaan sa mga utos ng amo ngunit tinitiis niya ang lahat.
-
Sa gabi, tanging cellphone ang naging pahinga at libangan niya. Sa mga tawag at video call, nakikita niya ang anak at asawang si Nelson. Bukod dito, madalas siyang makipag-usap sa kaibigan niyang si Roda. 34 anyos ang taong nagmungkahi sa kanya na mag-abroad. Si Roda ang tumulong sa kanya sa pagproseso ng papeles at ito rin ang madalas maghatid ng balita tungkol sa kalagayan ng kanyang mag-ama.
-
Nakatira din si Roda sa parehong barangay. Walang anak ngunit may asawa ring nakabase sa Kuwait. Madalas niyang sabihin kay Jemalyn na maayos ang lahat na responsableng ama si Nelson sa kanilang anak at si Jra. ay mas lalo pang nagiging masipag sa pag-aaral. Sa mga sandaling yon, nagiging panatag ang loob ni Jemalyn.
-
Sa tuwing nakakaramdam siya ng pangungulila, ang mga mensaheng iyon mula kay Roda ang nagsisilbing pahinga ng kanyang isip. Walang ideya si Jemalyn na habang pinipilit niyang maging mabuting asawa at ina sa malayo, may unti-unting nabubuong lihim sa sarili nilang tahanan. Sa likod ng mga salitang maayos ang lahat, nagsisimula na pala na masira ang tiwalang matagal niyang inalagaan.
-
Ilang buwan pa lamang ang lumipas mula ng umalis si Jemalyn papuntang Qatar. Nung umpisa tila normal ang takbo ng buhay sa Pilipinas. Si Nelson ay abala sa maliit na vulcanizing shop sa tapat ng kanilang bahay. At si Roda naman ay madalas dumadalaw para kumustahin si Jira. Sa mata ng mga kapitbahay, maganda ang samahan ng dalawa.
-
Wala ni isa ang nagduda na sa bawat pagdalaw ni Roda may lihim na unti-unting nabubuo. Nagsimula ang lahat sa mga simpleng pangungumusta. Si Roda ay minsang naghahatid ng pagkain sa bahay nina Nelson. Nagpapakita ng pagiging mabuting kaibigan. Ngunit sa paglipas ng panahon, naging madalas ang pagbisita ni Roda.
-
Minsan ay tanghaling tapat, minsan naman ay gabi na. Sa mga pagkakataong yon, nagsusuot siya ng mga damit na hindi akma sa isang babaeng dumadalaw lamang. May ikling shorts, manipis na kamiseta, at pabangong mahirap ipagsawalang bahala. Nong umpisa hindi pinansin ni Nelson ang mga ito.
-
Ngunit sa paulit-ulit na paglapit at mga pahiwatig ni Roda, unti-unti ring bumigay ang kanyang pagpipigil. Ang huling pagbisita ni Roda sa bahay nina Nelson ay nauwi sa tagpong hindi dapat mangyari. At mula noon, nagsimulang magkaroon ng lihim na relasyon ang dalawa. Sa mata ng ibang tao, sila ay magkumpare lamang.
-
Ngunit sa apat na sulok ng bahay ng pamilya Luzano ay may kataksi lang nagaganap. Habang abala si Jemalyn sa Doha, patuloy naman siyang nakikipag-usap kay Roda sa pamamagitan ng chat at video calls. Lagi niyang tinatanong ang kalagayan ng kanyang pamilya o kung may hindi magandang ginagawa si Nelson at si Roda naman ang palaging nag-aabot ng kasiguruhan na maayos ang lahat.
-
Na mabait si Nelson na walang dapat ipag-alala. Sa tuwing maririnig yon, nakakahinga si Jemaly ng maluwag. Hindi niya alam na sa mismong oras na iyon kasama ni Roda ang lalaking nangakong magiging tapat sa kanya. Isang hapon ng Oktubre 2017, biglang umuwi ng maaga si Jira mula sa paaralan.
-
naiwan daw ang isang proyekto at kailangang kunin ito bago bumalik sa eskwela. Tahimik siyang pumasok sa bahay. Ngunit sa sandaling binuksan niya ang pinto, nakarinig siya ng kakaibang tunog mula sa silid ng kanyang mga magulang. Dahan-dahan siyang sumilip at lumapit sa maliit na siwang ng pinto. Sa loob, nakita niya si Roda at si Nelson sa gitna ng pagkakasala.
-
Nanginginig si Gra sa nasaksihan. Ngunit sa kabila ng takot, nagawa niyang kunan ng maikling video ang mga tagpo kung saan malinaw na makikita ang mukha ng kanyang ama. at ng matalik na kaibigan ng kanyang ina na si Roda. Paglabas niya ng bahay, mabilis siyang nagkubli sa tagong lugar. Gamit ang social media, nakipag-chat siya sa kanyang ina sa Qatar.
-
Sa pagitan ng kaba at mga luha, ipinadala niya ang video. Sa Doha, halos mabitawan ni Jemaly ang cellphone nang mapanood ang clip. Sa loob ng ilang minuto, tila huminto ang kanyang mundo. Ang lalaking kasama niyang humarap sa altar at ang kaibigang itinuring niyang kapatid. magkasama at pinagsasaluhan ang isa’t isa sa iisang kama.
-
Mula ng araw na yon, hindi na siya mapakali, hindi siya makakain, hindi makatulog. Sa bawat pagpikit ng mga mata niya, sa kanyang gunita ang mga eksenang nakita niya sa video. Sa puntong yon, unti-unting napuno ng galit at puot ang kanyang puso. Hindi niya ipinarating kay Nelson o kay Roda ang nalaman niya.
-
Sa halip, tahimik siyang nag-ipon ng lakas ng loob. Ilang araw ang lumipas. Nagbook siya ng ticket pabalik ng Pilipinas. Walang pasabi o babala. Ang tanging dala niya lang ay galit at ang matinding hangaring mapanagot ang mga nagkasala sa kanya. Pagdating ni Jemalyn sa Pilipinas, galing sa matagal na biyahe, direkta siyang nagtungo sa kanilang bahay sa San Pedro, Laguna.
-
Tahimik ang paligid nang marating niya ang gate. Sa pagpasok niya, nadat niya si Jira sa loob. Nakaupo sa mesa at walang kibo. Nang magtama ang kanilang paningin, bumagsak ang luha ng bata. Niyakap niya ito ng mahigpit. Yakap ng inang nangulila sa mahabang panahon. Hinanap niya ang asawa ngunit wala doon si Nelson.
-
Sa isip niya, iisa lang ang maaaring dahilan ng pagkawala ng asawa niya dahil malamang ay nasa bahay ito ni Roda. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Bitbit ang matinding galit. Lumabas siya at nagtungo sa kabilang kanto saan nakatira ang dating kaibigan. Sa bawat hakbang, bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Pagdating niya sa tapat ng bahay, naron nga si Roda.
-
Nakaupo ito sa terrace, suot ang manipis na damit at maikling shorts. Nang magtama ang kanilang mga mata. Tila naniga si Roda. Sa di kalayuan, naron din si Nelson nakatambay sa tindahan at tila hindi agad namukhaan ng asawa. Walang salitang lumabas sa bibig ni Jemalyn. Agad siyang lumapit at sinunggaban si Roda.
-
Sa loob ng ilang segundo, nagulantang ang buong kapitbahay. Nahila ni Jemaly si Roda sa buhok. Ipinagsisigawan habang kinakaladkad papunta sa kalsada. Pilit na kumakawala si Roda ngunit mas malakas si Gemelyn. Galit na galit. sugatan sa damdamin at puno ng hinanakit. Naglabasan ang mga tao sa paligid. Ang ilan ay pumagitna.
-
Sa gitna ng kaguluhan, lumapit si Nelson. Imbes na kumampi sa asawa, siya pa ang sumigaw kay Jemaln na tigilan ang pag-iiskandalo. Sa halip na ipagtanggol ang asawang galing sa ibang bansa, si Roda pa ang kanyang pinanigan. Nang mapagtanto ni Jemaly na hindi siya pinili ng asawa, wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang katotohanan.
-
Luwaan siyang umuwi habang ang paligid ay tahimik at puno ng bulungan. Alam niyang sa mga sumunod na araw magiging laman siya ng tiismis ngunit hindi na iyon mahalaga. Ang masakit ay ang katotohanang sa kabila ng matagal na pagkakawalay ay tila wala ng nararamdaman sa kanya si Nelson nang sila ay magkita. Ilang araw ang lumipas nagpatuloy ang dalawa sa relasyon na para bang walang nangyari.
-
Si Nelson ay hindi na umuuwi sa bahay at si Roda ay hayagang ipinagmamalaki ang pagsasama nila. Minsan pang nagtangka si Roda sa bahay ni Jemaly na bumisita. Nagpakita ng hiti na puno ng pang-uuyam. Sinabihan pa siya nitong bumalik na lang sa Qatar dahil siya na raw ang piniling makasama ni Nelson. Doon tuluyang naglaho ang natitirang pasensya ni Jemaly.
-
Doon niya naintindihan na hindi lang ito pagtataksil. Ito ay planong matagal ng binalak ni Roda. Ang sughesyon pala nito na mag-abroad siya ay paraan lamang niya para maagaw si Nelson. Sa halip na gumanti sa init ng ulo, pinili ni Jemalyn ang ibang paraan. Naghanda siya para sa isang laban at siniguro niyang sa pagkakataong ito siya ang magwawagi.
-
Kinabukasan, maagang gumising si Jemaly. Sa unang pagkakataon, matapos ang lahat. Malinaw sa isip niya ang dapat gawin. Hindi siya babalik sa abroad. Hindi rin siya magpapakain sa galit o makikipagpalitan ng murahan sa kalye. Ang gusto niya ay hustisya sa paraang legal. Dala ang cellphone ni JRA at kopya ng video.
-
Nagtungo siya sa women’s desk ng kanilang bayan. Ipinakita niya ang ebidensya at ikinuwento ang buong pangyayari. kung paano siya niloko ng kaibigan at pinagtaksilan ng asawa habang siya ay nagsasakripisyo sa ibang bansa. Mula roon, ini-refer siya ng mga pulis sa isang abogado ng Public Attorney’s office o PIO na tutulong sa kanya sa pagsasampa ng kaso.
-
Habang sinusuri ng abogado ang video, malinaw ang pahayag. Sapat ito bilang ebidensya ng pakikiapid. Sa tulong ng mga legal na tagapayo, inihanda ni Jemalyn ang mga kasong isasampa, concubinage at psychological abuse sa ilalim ng Republic Act 9262 of Violence Against Women and Children Act. Ilang araw matapos yon, ipinatawag sina Nelson Troda sa Barangay Hearing ngunit hindi sila sumipot.
-
Sa halip, pinadala lamang nila ang mensaheng hindi raw sila natatakot dahil wala namang patutunguhan ang kaso. Samantala, ay pinagbigay alam din ni Jemaly ang nangyari sa asawa ni Roda na nagtatrabaho sa Kuwait. Sa pag-uusap sa Messenger, ipinadala niya ang video bilang patunay. Sa loob lamang ng ilang araw, umuwi rin sa bansa ang asawa ni Roda.
-
Hindi niya ito hinarap ngunit nagpunta siya sa estasyon ng pulis at sumama sa paghahain ng reklamo laban sa dalawa. Kinasuhan din si Roda ng kanyang mister ng adultery dala ng ebidensyang gamit ni Gemalyn sa pagkakaso kay Nelson. Habang abala sa pagbuo ng kaso, nanatiling kalmado si Jemalyn. Habang ang barangay at mga kapitbahay nagkakagulo sa balita.
-
Siya ay abala sa mga papeles na unti-unting nagpapatibay sa kanilang reklamo sa magkalaguyo. Sa harap ng piskal, malinaw ang kanyang mga salita. Hindi siya humihingi ng awa o ng pagkakataong bumalik ang kanyang asawa. Ang gusto niya ay panagutan ng dalawa ang ginawa nila hindi lang para sa kanya kundi para din sa kanilang anak na si Jira na sa murang edad ay nasaksihan na ang pagkasira ng isang pamilya dahil sa kataksilan.
-
Makalipas ang ilang buwan, nagsimula ang paglilitis sa kaso laban kina Nelson Lozano at Roda Alvarez. Ang bulwaga ng korte ay tahimik ngunit puno ng tensyon. Sa unang araw ng pagdinig, ipinresintan ng prosekusyon ang mga ebidensya. Ang video nakuha ni Jira at ang mga salaysay mula sa mga saksi. Gayun din ang affidavit mismo ni Jemalyn at ng asawa ni Roda.
-
Nang ipalabas sa korte ang video, walang nakapagsalita. Ang dating tagpo ng pagtataksil ay ngayo’y naging sandata ng katotohanan. Si Nelson ay nakatungo at si Roda ay halos hindi makatingin. Ang kanilang mga abogado ay pilit na naghanap ng dahilan upang kwestonin ang ebidensya ngunit malinaw ang lahat at mahirap pasubalian ang laman ng video.
-
Matapos ang halos anim na buwang paglilitis, inilabas ng korte ang hatol. Sa desisyong binasa ng Huwez napatunayang may sapat na ebidensya laban kina Nelson at Roda sa mga kasong adultery, concubinage at violation of RA9262 of violence against women and children act. Pinatawan ang dalawa ng hindi bababa sa tig 15 taon na pagkakakulong at pinagbabayad ng moral damages na tig Php200,000.
-
Para kayalynak niyang si Jra. Ayon sa hukuman, ang ginawa ng dalawa ay hindi lamang simpleng pagtataksil kundi isang malinaw na paglabag sa dangal at karapatan ng isang ina at asawa na nagbuwis ng sarili sa ibang bansa para sa kinabukasan ng pamilya. Habang binabasa ang hatol, walang salitang lumabas kay Nelson.
-
Si Roda ay tahimik lang. na umiiyak habang unti-unting isinusuot sa kanila ang posas. Sa bawat kalansing ng bakal, tila bumabalik kay Gemaly ang mga gabing puno ng luha, pangungulila at paghihirap. Ngunit ngayong nakikita niya ang hustisya tila nawala ang bigat sa kanyang dibdib. Pagkatapos ng desisyon, tuluyang nakulong ang dalawa.
-
Hindi na rin bumalik sa Qatar si Jemalyn. Sa tulong ng mga kapatid at ng ilang kaibigan, nakapagsimula siya ng maliit na negosyo ng karenderya sa tapat ng kanilang bahay. Unti-unting bumalik ang sigla ng tahanan. Si Jra ay nagpatuloy sa pag-aaral at lalo pang napalapit sa kanyang ina matapos ng insidente. Sa bawat araw na lumilipas, nagiging mas malinaw kay Gemelyn ang aral mula sa kanyang mga naging karanasan sa nakaraan.
-
Maaaring nawasak ng kataksilan ang kanyang pamilya ngunit hindi nito kailan man kayang wasakin ang dignidad ng isang taong marunong lumaban ng tama. Ngayon ay hindi kailangang magtiis ni Jemaly sa ibang bansa habang niloloko ng mga taong malapit sa kanya. Ngayon ay kasama niya ang kanyang anak.
-
Samantalang ang mga taksil ay nasa likod ng rehas, pinagbabayaran ang kanilang mga pagkakasala
News
Binato Niya ng Pera ang Dalaga sa Café—Pero Nang Dumating ang Lalaking Naka-Suit, Siya ang Nanigas sa Hiya/hi
Pagkasabi ng lalaking naka-itim na suit ng, “Chairwoman, hinihintay na po kayo ng mga stockholder,” para bang may kung anong bumagsak sa dibdib ng babaeng kanina lang ay punung-puno ng paghamak. Hindi agad siya nakagalaw. Ang kamay niyang nakataas pa…
Sumigaw ang ama: “Patay na ang mama mo!” — Pero ang pagpukpok ng bata ang naglantad ng isang nakakatakot na lihim/hi
Buong silid ng punerarya ay tila napatigil sa oras matapos bumukas ang kabaong. Walang laman. Walang bangkay. Ang ama ay nakatayo pa rin sa harap nito, nanginginig ang kamay, tila hindi makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata. Ang mga…
Naghagis Siya ng Barya sa Isang Server — Pero Naputla Siya Nang Malaman Kung Sino Ito/hi
Pagkatapos ng mabigat na “Opo… ako nga po.”, parang huminto ang buong fine-dining restaurant sa isang hininga. Yung malayong piano sa lounge, biglang naging tunog na parang nasa kabilang mundo. Yung mga baso, kubyertos, at bulungan—lahat nabawasan ng lakas, parang…
“Nakita ko ang picture mo sa yearbook ni Rica. Hinanap ko ang pangalan mo online… hanggang nakita ko ang LinkedIn mo.”/hi
Tatlong Taon Akong Kumakain ng Tanghalian sa Banyo Dahil sa Nambully sa Akin – Makalipas ang Dalawampung Taon, Tinawagan Ako ng Asawa NiyaMay mga nagsasabing nakakalimutan daw ang mga nangyari noong high school.Pero para sa akin, malinaw pa rin ang…
Kapag tinatanong ako kung pinatawad ko ba ang anak ko… Isa lang ang sagot ko:/hi
Dalawampung Taon Siyang Nawala, Iniwan Ako sa Utang at Sakit — Isang Araw, Kumatok Siya sa Pinto Ko kasama ang Isang Bata Dalawampung taon na ang lumipas mula nang mawala ang anak ko. Iniwan niya ako—may sakit, baon sa utang,…
KAYA PALA MAASIM ANG TUWALYA ANG NASA CR NG GIRLFRIEND KO…./hi
Hindi ko talaga makakalimutan ‘tong araw na ‘to… kasi dito ko napatunayan na minsan, hindi lahat ng tuwalya dapat pinagkakatiwalaan. So eto na nga,one random day, pinuntahan ko girlfriend ko kasi sabi niya may gagawin daw kami na “fun content”…
End of content
No more pages to load