-
Taong sa Mandaluyong City. Nagsimula ang kwento ng isang babaeng umasa na magbabago ang kanyang kapalaran. Si Kimberley Coloma 24 na taong gulang ay lumaki sa Malate, Maynila. Anak siya ng isang tindera sa palengke at ng isang amang na mamasada ng tricycle. Bata pa lamang ay namulat na siya sa hirap ng buhay na kung hindi didiskarte ay wala silang kakainin kung kaya’t natuto siyang magbanat ng buto sa sarili niyang paraan sa murang edad.
-
Matapos ang high school, hindi na siya nakapagpatuloy sa kolehiyo. Walang panggastos at sa pananaw niya hindi na rin naman kailangang mag-aral para kumita. Bagam’t marunong kang dumiskarte ay sapat na yon. Kaya naman nag-apply siya bilang waitress sa isang bar sa Makati. Isang lugar na malayo sa kanyang nakasanayang kapaligiran.
-
Doon niya natutunang gamitin ang kanyang kagandahan at kakayahang makihalubilo sa mga tao. Kaya naman maraming customer ang nagagandahan sa kanya at natutuwa sa kanyang pagiging maasikaso. Kaya’t madalas siyang nabibigyan ng malalaking tip. Sa mga gabing puno ng ingay at ilaw ng bar, nakilala niya si Stevan Cabral.
-
48 taong gulang, doble ng kanyang edad at isang negosyante. Sa una, tila isang simpleng customer lamang ito na nagpupunta sa baripas ng oras. Um-order ito ng alak na madalas namang hinihahatid ni Kim. Ngunit hindi nagtagal, napansin niyang palagi siyang hinahanap ng lalaki tila may espesyal na atensyon para sa kanya ito.
-
Kaya naman sa dalas ng pag-uusap ay naging magaanang loob ni Kim sa lalaki hanggang unti-unti itong nauwi sa isang lihim na relasyon. Si Stevan ang nagbukas kay Kim sa mundo ng karangyaan. Ibinigay nito ang lahat ng bagay na hindi niya naranasan mula pagkabata. Tulad ng isang apartment sa Ortigas na hindi niya kailangang bayaran buwan-buwan.
-
Isang sasakyang hindi niya kailan man naisip na masasakyan niya at buwa ng allowance na higit pa sa kinikita niya. at ng kanyang mga magulang. Ang lahat ng ito ay parang biglang sagot sa kanyang pangarap na komportableng buhay. Ngunit kasabay ng ginwa ay ang bigat ng katotohanan. Ang relasyon nila ni Stevan ay nakatali sa pera hindi sa tunay na pagmamahal.
-
Kaya naman sa bawat oras na magkasama sila ay laging may kapalit ito. Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya kailan man makikilala bilang kasintahan ni Stevan dahil siya ay isa lamang babae sa gilid ng buhay ng isang lalaking mayroon ng asawa at pamilya. Ngunit sa bawat buwan na lumilipas, lalong lumalalim ang kanyang pagkalulong sa marang buhay.
-
Mula 2014 hanggang 2016, nagpatuloy ang ganitong sitwasyon. Ang kanyang mga magulang naman ay masaya sa paniniwalang nakahanap siya ng maayos na trabaho ngunit walang alam sa totoong pinagmumulan ng kanyang pera. Sa loob ng apat na sulok ng kanyang bagong apartment, madalas niyang tanungin ang sarili kung tama ba ang kanyang pinili.
-
Ngunit sa tuwing naiisip niya ang hirap ng nakaraan, mas pinipili niyang manatili na lamang. Pagsapit ng 2016, nagsimulang mabagot si Kim sa paulit-ulit na takbo ng kanyang buhay. Ang ginhawang dulot ng relasyon kay Stevan ay nandoon pa rin. Ngunit kasabay nito ay ang malamig na damdaming hindi niya maikukubli.
-
Ang bawat buwan ng allowance, ang sasakyan at ang apartment ay hindi kayang punan ang kakulangan sa kanyang puso. Hindi niya ramdam na siya ay minamahal kundi binabayaran lamang. Sa mga araw na siya’y mag-isa, madalas siyang bumisita sa isang gym sa Quezon City. Doon niya nakilala si Romel Bernabé. 27 taong gulang.
-
Isa itong personal trainer na kilala sa kanyang masiglang presensya at magandang pangangatawan. Madali siyang lapitan, puno ng enerhiya at may kakayahang iparamdam sa kahit na sino na sila ay mahalaga. Kaya naman sa mga unang linggo ng kanilang pagkikita, naging magaan ang loob ni Kim sa kanya. Habang lumilipas ang mga araw, nararamdaman ni Kim ang mga bagay na matagal na niyang hinahanap, atensyon at lambing.
-
Sa feeling ni Romel, nakaramdam siya ng pagiging espesyal hindi dahil sa pera o alok ng materyal na bagay kundi dahil sa mga oras na ibinibigay nito. Unti-unting umusbong ang isang lihim na relasyon sa pagitan nila. Ngunit may alam si Kim. May matagal ng kasintahan si Romel sa Bulacan. Isang babaeng ilang taon na niyang kinakasama.
-
Hindi ito inamin ni Romel at nanatili itong lihim sa ilalim ng kanyang mga pangako at matatamis na salita. Sa kabila ng kasinungalingang ito, mas pinili ni Kim na maniwala. Para sa kanya si Romel ang kanyang naging pahinga mula sa malamig at kontroladong relasyon niya kay Stevan. Ngunit nagsimula ring lumabas ang ibang anyo ni Romel sa una simpleng paghingi lamang ng tulong.
-
Maliit na halaga para sa pamasahe, dagdag para sa pagkain at kaunting puhunan para sa kanyang mga gamit sa trabaho. Kalaunan, ang mga hiling ay lumaki, mga fitness equipment, bagong gadgets at kung anu-ano pang luho. Dahil labis ang pagkakabighani ni Kim sa kanya, hindi siya nagdalawang isip sa tuwing hinihingi ni Romel. Lagi itong may sagot na oo.
-
Ginamit ni Kim ang kanyang access pera ni Stevan. Sa simula, maliit lamang ang kinukuha niya, dinadaan sa palusot na dagdag gastusin. Ngunit habang lumalalim ang relasyon nila ni Romel, mas lumalaki ang halaga ng perang inilalabas niya. Sa kanyang isip, ito ay isang investment para sa kinabukasan nilang dalawa ni Romel.
-
Sa paningin naman ng iba, masaya at busog sa pagmamahal si Kim. Ngunit sa likod ng kanyang ngiti, nagsisimula na siyang malugmok sa bitag ng sariling mga desisyon. Ang mga bagay na ibinigay niya kay Romel ay unti-unting nagiging mabikat na pasanin. Ngunit sa bawat gabing magkasama sila, naniniwala siyang sulit ang lahat.
-
Si Romel ay nanatiling misteryo. Isang taong puno ng pangako ngunit may ikinukubli. At si Kim naman, isang babaeng handang ipagpalit ang lahat para sa paniniwalang siya ay tunay na minamahal. Sa loob ng dalawang taon, higit milyong ang nawala sa mga account ni Stevan. Ang perang iyon ay ginamit ni Romel para sa mga luho na dati’y pangarap lamang niya.
-
Nakabili siya ng kotse, nakapag-down payment sa isang condominium unit at nakapagsimula ng maliit na negosyo na isinulat sa pangalan ng kanyang pinsan upang hindi siya mabuko. Ang lahat ng ito ay nangyari habang si Kim naman ay naniniwala sa kinabukasan nilang dalawa. Ngunit dumating ang sandaling bumagsak ang ilusyon.
-
Nalaman ni Kim sa pamamagitan ng isang kakilala niya na nakatakda ng ikasal si Romel sa kanyang kasintahan sa Bulacan. ang babaeng matagal na niyang kasama bago pa man dumating si Kim sa kanyang buhay. Ang lahat ng pangako ng pagmamahalan ay biglang naglaho at ang paniniwala ni Kim na siya ang pipiliin ay nauwi sa pagkabigo.
-
Habang siya’y naguguluhan, lumabas din ang isa pang katotohanan. Ang matagal ng secretary ni Stevan ay nakapansin ng kakaibang withdrawals at transfers sa ibang account ng kanyang amo. Maingat at matagal ang kanyang pagsusuri hanggang sa makumpirma na may malaking perang nawawala. Sa gitna ng pagkabasag ng puso at ng paparating na panganib tuluyang nagising Kim sa bigat ng kanyang nagawa.
-
Naging alipin siya ng pagmamahal na walang kasiguraduhan. At ngayon malinaw na nakikita niyang lahat ng kanyang pinaghirapan at isinugal ay nauwi sa wala. Ang perang ipinagkatiwala sa kanya ay naglaho at ang lalaking kanyang ipinaglaban ay wala na. Kaya naman sa mga gabing mag-isa siya sa kanyang apartment sa Ortigas, paulit-ulit niyang iniisip kung paano siya nakarating sa ganitong sitwasyon.
-
Mula sa isang simpleng waitress na may pangarap ng ginhawa ay nauwi siya sa magulong sitwasyon. Agosto 2018. Dumating ang araw na kinatatakutan ni Kim. Hindi na nakaligtas sa matalas na mata ni Stevan ang lahat ng nawalang pera sa kanyang mga account. Sa tulong ng secretary, natuklasan niya ang kabuuang halaga ng perang unti-unting nawala sa loob ng dalawang taon.
-
Si Kim ang lumilitaw na nag-withdraw ng mga pera batay sa mga naging transaction dito. Hinarap siya ni Stevan sa kanyang apartment. Ang mga detalyeng inilatag sa kanyang harapan ay hindi na niya maikakaila. Hindi siya kaagad kinasuan ngunit binigyan siya ng taning. Isang buwan upang maibalik ang lahat ng pera na nawala sa kanya.
-
At kung hindi naman ito maibabalik ay haharap siya sa korte at sa publiko bilang magnanakaw. Sa kanyang isipan, alam niyang imposibleng maibalik ang limang milyon dahil karamihan sa pera ay naibigay na kay Romel. Minsan pa niyang sinubukan na kontakin si Romel at umaasang tutulungan siya nitong maibalik kahit kalahati.
-
Ngunit ang mga tawag ay hindi sinasagot. Kahit ang mga mensahe ay nananatiling walang tugon hanggang sa tuluyan ng hindi ma-contact ang numero ng lalaki. Kaya naman ang mga araw ay naging mabigat para kay Kim. Sa bawat paggising, mas lalo niyang nararamdaman ang bigat ng kanyang sitwasyon. Nawalan na siya ng allowance mula kay Stevan.
-
Ang kanyang apartment na dati’y puno ng mga bagong gamit at marang palamuti ay nagsimulang maging kulungan ng tahot at pangamba. Sa mga gabing mag-isa siya, halos hindi siya makakain, hindi rin makatulog. Nang dahil sa depresyon, nagtungo siya sa Bulacan at tinunton si Romel mula sa isang kakilala. Habang pinagmamasdan niya mula sa malayo ang paghahanda ng pamilya nito, lalo siyang binalot ng puot at pagkabigo.
-
Ang lalaking kanyang pinaglaban at pinagkatiwalaan ay may ibang buhay na walang bahid ng konsensya. Kaya naman sa kabila ng lahat hindi siya tumigil. paulit-ulit siyang naghanap ng paraan upang makausap si Romel. Ngunit sa bawat akbang ay nauuwi ito sa pagkatalo. September 2018. Isang buwang puno ng pangamba at depresyon para kay Kim.
-
Sa mga huling araw bago ang palugit na ibinigay ni Steban, lalong lumalala ang kanyang sitwasyon. Wala na siyang kakayang ibalik ang pera. Ang mga pagbisita niya sa Bulacan upang hanapin si Romel ay nauwi lamang sa pagtanggi at pag-iwas. Sa huling pagkakataon, sinubukan niyang bumalik sa kanyang condo sa Mandaluyong.
-
Sa loob ng labi, nakita pa siyang nakatayo tila nag-iisip ng malalim bago siya tuluyang umakyat. Iyun ang huling beses na siya’y nakitang buhay. Kinabukasan, natagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng kanyang sariling kotse nakaparada sa isang madilim na bahagi ng C5 sa Pasig. Wala ng buhay at may tama ng bala na hinihinalang galing sa silencer.
-
Habang nagsasagawa ng imbestigasyon, nakita ang isang lalaki na galing mismo sa sasakyang nakaparada 2 ng madaling araw bago natagpuan si Kim. Sa pagsisiyasat, natuklasang pagkakakilanla ng lalaki si Romel Bernabo, ang suspect sa pagkamatay ni Kim. Lumitaw na bago ito mangyari, nagkaroon sila ng matinding alitan.
-
May ilang mensahe si Kim sa text messages na tila ito ay nagbabanta na ilalantad ang kanilang relasyon sa fians ni Romel. Para sa lalaki, ito ang bantaisira sa kanyang mga plano sa buhay. Ang kanyang kinabukasan na nakasalalay sa isang kasal ay mabibigo kung lalabas ang katotohanan. Ngunit hindi nagtagal, dumating ang kapalit.
-
Bago pa maisilbi ang warrant of arrest, tinambangan si Romel ng isang armadong grupo sa Bulacan. Sa isang kalsada na madalas niyang binabagtas, bumigay ang kanyang katawan sa sunod-sunod na putok ng baril. Natapos ang kanyang buhay sa paraang hindi siya inaasahan. Ang lalaking minsan ay minahal at sinandalan ni Kim nauwi rin sa parehong kapalaran.
-
Sa mas malalim na imbestigasyon, lumabas ang mas komplikadong katotohanan. Isa sa mga nahuling gunman ang kusang umamin. Inutusan daw sila ni Stevan Cabral kapalit ng malaking halaga upang patahimikin si Romel. Matapos matuklasan ni Stevan na siya ang tumanggap ng milyon-milyyong pisong nawala sa kanyang mga account, pinili niyang wakasan ang lahat sa pamamagitan ng Dahas.
-
Ang relasyon ni Stevan kay Kim ay lumabas din sa imbestigasyon lalong nadurog ang kanyang pangalan nang ito ay malaman ng kanyang asawa. Ang sikreto ng kanilang ugnayan na halos limang taon niyang itinago ay naging mit siya ng pagkawala ng dalawang buhay at pagkawasak na kanyang sariling pamilya. [Musika] Pebrero 2019.
-
Nang arestuhin ni Stevan sa pagiging mastermind sa nangyari kay Romel, ang mga ebidensya at testimonya ay malinaw. Sa korte’y lumabas ang kasaysayan ng panlilinlang at pagnanakaw at pagtataksil. Ang umaming gunman ay nagpatunay na si Stevan ang nag-utos ng krimen. Sa harap ng publiko, nahubaran siya ng kanyang kapangyarihan. Ang kanyang asawa na dati’y kasangga sa negosyo at tahanan ay nagsampain ng hiwalay na kaso laban sa kanya dahil sa pakikiapid nito.
-
Hindi nagtagal pinatawan siya ng parusang habang buhay na pagkakabilanggo para sa dalawang magkahiwalay na kaso. Para sa pamilya ni Kim, nanatiling mabigat ang lahat. Ang kanyang mga magulang ay naiwang nagdadalamhati. Tinatanong ang sarili kung saan sila nagkulang at bakit nauwi sa ganong kapalaran ang kanilang anak.
-
Samantala, ang pamilya ni Romel sa Bulacan ay binalot ng hiya at galit. Ang kanilang anak na dapat ay ikakasal at magsisimula ng panibagong buhay ay nauwi sa maruming wakas. Ang kanyang fiance ay naiwan na sugatan ang puso. Dala ang sakit ng mga sikretong natuklasan. Ang kwento ay nagsilbing paalala na ang buhay na puno ng lihim ay napakadelikado.
-
Ang mga taong sangkot sa kaso ay malinaw na nanloko at nabuhay sa kasinungalingan. Ngunit sapat ba ang kanilang pagkakamali para humantong sa malagim na trahedya ang kanilang mga buhay? Kayo na ang humusga mga kakosa. Sana po ay nagustuhan niyo ang kasong inihain namin sa inyo mga kakosa. Shoutout po sa inyong lahat
News
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad./hi
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad. Biglang tumayo ang boyfriend ko sa gitna ng maraming tao at…
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
End of content
No more pages to load