
-
Breaking news mga kabayan. Isang listahan na puno ng mga makapangyarihang pangalan. Hawak na ngayon ng isang kongresista. Listahang galing mismo kay Yusek Catalina Cabral bago siya mawala. Isang bomba na magpapayanig hindi lang sa kongreso kundi maging sa buong executive. Pangalawang, breaking news. Isa pang ahensya ang pumasok sa imbestigasyon sa misteryosong pagkamatay ni Josef Cabral.
-
Ang kanilang unang pahayag, hindi pa nila tinatanggal ang posibilidad na may foul play. Pangatlong breaking news, cellphone at driver ni Yusek Cabral. Hawak na ng PNP. Ano ang mga pasabog na detalye na posibleng magbago sa buong takbo ng imbestigasyon sa kanyang pagkamatay? Panghuli sa ating mga balita, isang matapang na hamon ang binitawan sa ICI.
-
Kasunod ng pagkamatay ni Josef Cabral. Ano nga ba ang nilalaman ng mga dokumento at testimonya na kanyang iniwan? At bakit maraming gustong mais publiko ang nilalaman ng mga ito? Bago tayo mag-umpisa, baka pwede pa-like ng video na ito. Malaking bagay na to sa aming mga content creators. Maraming salamat po. Sa isang panayam, kinumpirma ng National Bureau of Investigation na nagsasagawa sila ngayon ng isang parallel investigation sa kaso ni dating DPW Undcretary Catalina Katy Cabral.
-
Ang hakbang na ito ay kasunod ng mga agam-agam at espekulasyon sa ginagawang imbestigasyon ng PNP kung saan isa pa sa kanilang mga hepe ang na-relieve dahil sa mga lapses. At dito na binitawan ni NBI spokesperson Attorney Palmer Malyari. Ang isang napaka-critical na pahayag. Bagam’t nauna ng sinabi ng PNP na tila na rule out na nila ang foul play para sa NBI, hindi pa sarado ang usapin.
-
Ayon kay Attorney Malyari, sa ngayon wala pa silang conclusive findings at hindi pa nila tinatanggal ang posibilidad na may foul play sa pagkamatay ni Cabral. Para sa kanila, lahat ng anggulo ay bukas pa rin. At para makarating sa katotohanan, sunod-sunod na ang kanilang mga hakbang. Kinumpirma niya na nag-implement na sila ng isang search warrant sa Iron Hotel sa Baguio kung saan huling nag-stay si Cabral.
-
Marami raw silang nakuha na karamihan ay mga personal effects ngunit tumanggi muna silang magbigay ng detalye dahil kailangan pa nilang isauli ang warrant sa korte. Kinumpirma rin niya na nakuha na nila ang CCTV footage mula sa hotel at ang kanilang nakita ay tumutugma sa naunang pahayag ni DG Secretary John Vick Rimula na mag-isa lang si Cabral sa hotel.
-
Tungkol naman sa issue ng pagmamay-ari ng hotel, kinumpirma rin ng NBI na mayroon silang parehong impormasyon na dati itong pag-aari ni Cabral at ibinenta kay Congressman Eric Yap. Ngunit sa ngayon kinukuha pa nila ang mga certified through copy ng mga dokumento para maging opisyal na ebidensya. Good evening po, Sir George.
-
Good evening po. Okay, sir. Simulan po natin sa paglilinaw sa role ng NBI dito sa kaso ng pagkamatay ni dating Kathy Cabral. Ang NBI po ba ay nagsasagawa ng parallel investigation o joint ito with PNP? >> Well, it’s actually a parallel investigation. uh we are uh complementing whatever efforts that are being conducted by our counterpart from the PNP.
-
Okay? Kasi natanong ko po yan kasi sa dami ng espekulasyon at mga agam-agam sa isinasagawang investigation ng PNP, may na-relieve pa nga ditong isang hepe ng pulis ano dahil sa lapses sa investigation. Some are calling for a parallel investigation na nasabi mo nga mabuti ginagawa ngayon ng NBI para lang matapos na po itong mga haka-haka gaya nung fake death.
-
Can you tell us attorney ano po particularly ang interest ng NBI sa pagkamatay ni Josef Cabral? >> Well, uh first and foremost because the death of Usek Cabral uh came under mysterious circumstances, we want to come up with more or less evidence that would be able to prove kung ano talaga ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
-
So as to uh dispell all speculations and doubts on the case. >> Okay. Pero sa findings po kasi ng PNP at Autopsy Report tila lumalabas po na na-rule out na yyung foul play sa pagkamatay ni Yus Cabral. As an investigative body, do you agree? O may dapat pang anggulong dapat siya sa atin po sa kanyang pagkamatay? >> Well, I am not in a position to uh issue any comment on the matter. Mhm.
-
I’m sure that the uh statements offered by the PNP are actually based on information they uh derive out of legitimate and legal processes such as the autop examination made on the body of Yus Cabral. Opo. >> Pero as of the moment, I’d rather not give any comment dahil unang-una it will be unfair to the uh PNP po.
-
But you are double checking sir kung talaga bang may wala or merong foul play. Opo. Ah part of the double checking will be yun nga po ah pag-check sa mga dokumento na nakaalap na ng NBI at ng PNP together with the autopsy report. >> Mhm. and the crime chain investigation made by the NBI and the results of the uh search warrant implementation at the hotel.
-
As far as the NBI is concerned, hindi pa po niru-ule out na posibleng may foul play. Wala pa pong naibibigay na ganyang ah kungklusibong ah findings ang aming mga imbestigador sa NBI car. Okay. Kagabi po nag-implement ng search warrant ang NBI sa Ion Hotel sa Baguio kung saan huling nag-stay itong si Josef Cabral bago siya mamatay.
-
Can you give us an update please? >> Well, we confirm that several items were seased and confiscated >> mostly personal effects. >> But we rather not give any enumeration >> because we have yet to return the search warrant to the issuing court together with the inventory of the items to cheres. >> Mhm. Because of this uh we are still under the disposition of the court kaya hindi po kami authorized na magbigay ng detalye ng kung ano ang nakuha.
-
How about CCTV footage sir? Yun kasi yung pinag-uusapan na importanteng makuha. Opo. Meron kaming videos ng ano ng CCTV footage. Are you at Liberty to discuss to us kung meron siyang na-meet na tao? Sino yung mga kinita niya doon sa hotel among other things? I think nabanggit na po yan ni SG Remulia. Oho. And ganun din naman po ang nakita ng MBI. Okay.
-
So similar lang sa findings ng ah DIG. Now sir, Interior Secretary John Vic Remulia confirmed to us in a text message that they have the papers to show that Cabral was a beneficial owner of the hotel itong Iron Hotel naging partner daw ho niya atransfer niya ito kay Eric Yap. Do you have the same information about this sir? Ah parehas din po.
-
>> Although wed rather get uh certified two copies of the documents para magkaroon kami ng kung ah impormasyon tungkol diyan. Okay. Now, sir, sinabi po ng DOJ na kahit patay na itong si Yus Cabral, patuloy pa ring hahabulin ang kanyang yaman lalo na kung uh mapapatunayang mula ito sa korupsyon.
-
Kamusta po ‘yung investigation niyo dito? Well, ganyan po talaga ang ano ang legalidad. Ah sinasabi po na one mode of the extinguishment of obligation, >> including criminal obligation, is the death of the person. Mm. >> Ah hindi man po makakasuhan ng kasong kriminal ang isang taong namatay na. Kung halimbawa naman pong there are certain properties or any assets have been purchased or acquired using the proceed of illegal activities, talagang pepwedeng habulin pa po yan. Mhm.
-
But as far as your investigation is concerned, nakalap bain o may inventory na po ba kayo ng mga properties nitong si uh Yus Cabral? >> Uh we ano we have started looking into it po. >> Okay. By any chance, nagkaroon po ba ng chance iyung NBI ng na makausap itong si Yos Cabral prior to her death in relation to the flood control scandal investigation? >> I am not sure kung nakausap ng mga imbestigador. Oho.
-
Ah alamin po natin yan and ipapaalam po natin sa inyo kapag nalaman na po natin. Okay. Ang mga huling araw ni dating DPW Under Secretary Catalina Cabral ay patuloy na nag-iiwan ng mga misteryo at pasabog. Ayon sa isang exclusive agenda report ng Bilonaryo News Channel, isang napakasensitibong dokumento na nagmula mismo kay Cabral, ang hawak ngayon ng isa sa mga pinakamaingay na kritiko ng corruption sa DPW.
-
Sa isang pahayag, inihayag ni Batangas First District Representative Leandro Leviste na handa niyang isiwalat sa publiko ang isang listahan. na naglalaman umano ng mga proponents o mga taong nasa likod ng mga budget insertion sa DPW sa buong bansa. Ngunit may isang malaking kondisyon. Gagawin lang daw niya ito kung papayagan siya ni DPW Secretary Vince Dio na pumasok ang isang nakakagulat na rebelasyon.
-
Ayon kay Libiste, ang listahan ay personal na ibinigay sa kanya ni Josef Cabral noong ikaapat ng Setyembre. At ang pagbibigay na ito ay inutos daw mismo ni Secretary Don in the Interest of Transparency. Isang malinaw na utos para sa transparency na ngayon ay naglalagay kay Secretary Dion sa isang napakaalanganing posisyon. Pero ano nga ba ang laman ng listahang ito na tila isang mainit na patatas na pinagpapasahan? Ayon kay Congressman Leviste, ang paglalabas sa listahang ito ay magdudulot ng wide ranging consequences o malawakang epekto. Ang
-
dahilan, ang mga pangalang nakasulat dito ay hindi lang mga kongresista. Kasama rin daw sa listahan ang mga senador, mga opisyal mula sa executive at maging ilang private individual. Isang malinaw na indikasyon na ang sistema ng budget insertion ay hindi lang limitado sa Camara de Representantes kundi isang malawak na network na kinasasangkutan ng iba’t ibang sangay ng gobyerno.
-
Sa ngayon ayon kay Leviste, marami na ang pumipilit sa kanya na ilabas na ang listahan ngunit naninindigan siyang ipauubayan niya ang desisyon sa DPW para hindi na rin makompromiso ang kanyang trabaho bilang isang mambabatas. Pero hindi ibig sabihin na itinago niya lang ito. Kinumpirma ni Leviste na ang mga dokumentong ito ay naipakita na niya sa Independent Commission for Infrastructure at sa Office of the Ombudsman.
-
At ayon sa dalawang institusyon, malaki raw ang maitutulong nito sa kanilang kasalukuyang imbestigasyon. Ang sitwasyon ngayon ay isang malinaw na standoff. Sa isang banda, si Congressman Leviste ay may hawak na isang bombang handa ng sumabog. Sa kabilang banda naman si Secretary Don siyang nag-utos na ilabas ang impormasyon ngunit ngayon ay nananatiling tahimik ilalabas ba niya ang basbas para sa pinakamalaking name and shame campaign sa kasaysayan ng bansa o mananatiling isang misteryo ang mga pangalang nakasulat sa huling pasabog na iniwan ni Katalina Cabral.
-
Yan ang tanong na hinihintay ng buong sambayanan. Kasabay ng pag-imbestiga sa kanyang pagkamatay, sinisimulan na rin ng NBI ang pag-inventory sa lahat ng ari-arian ni Cabral. Ito ay bilang suporta sa naunang pahayag ng DOJ na hahabulin pa rin nila ang kanyang yaman sa pamamagitan ng asset for feature. Ang pagpasok ng NBI sa imbestigasyon ay isang mahalagang hakbang para matanggal ang lahat ng pagdududa.
-
Isang malawakang evidence gathering ang inilulunsad din kamakailan lang ng Philippine National Police. Ayon sa isang ulat ng bilyonary news channel, ang PNP ay nakikipag-ugnayan na sa lahat ng ahensya para masigurong walang makakalusot na detalye. Kinumpirma mismo ni PNP Chief Police Lieutenant General Jose Martias Jr.
-
na ang kanilang atensyon ay nakatuon ngayon sa pag-secure ng lahat ng ebidensya. Kabilang dito ang cellphone at iba pang mga gadget ni Cabral na posibleng maglaman ng mga kritikal na impormasyon tungkol sa kanyang mga huling kausap at transaksyon. Kasabay nito, kinumpirma rin niya na ang driver ni Cabral na siyang huling nakasama nito ay kasalukuyan ng kin-question.
-
Kung maalala natin, siya ang nag-iwan kay Cabral sa kahabaan ng Canon Road base na rin umano sa utos nito bago ang trahedya. Ang hakbang na ito ng PNP ay kasunod ng naunang operasyon ng NBI kung saan nagsilbi sila ng search warrant sa hotel room na tinuluyan ni Cabral sa Baguio City. Ayon sa PNP, mahigpit ang kanilang koordinasyon sa ICI.
-
at sa iba pang ahensya. Ang kanilang layunin, masigurong ang lahat ng ebidensya ay mapre-preserve at hindi mawawala. Ang bawat text message, bawat tawag at bawat dokumento ay mahalaga ngayon para buuin ang puzzle sa likod ng malagim na trahedya. Ang biglaang pagpanaw ni dating DPW Under Secretary Catalina Cabral ay nag-iwan ng isang malaking butas sa imbestigasyon sa flood control scandal.
-
Ngunit kasabay nito isang matapang na panawagan ang umalingawngaw. isang hamon na direktang tumututok sa transparency ng mismong ahensyang nag-iimbestiga. Ayon sa isang ulat ng bilyonaryo news channel sa isang panayam, inilarawan ni dating finance undcretary Shello Magno ang kritikal na papel na ginagampanan ni Cabral sa buong iskandalo.
-
Para kay Magno, si Cabral ang missing link. Ayon sa kanya, kung mayroong isang tao na kayang direktang ikonekta ang mga big fish o mga malalaking pulitiko sa mga maanomalyang proyekto. Walang iba kundi si Cabral. Kaya naman ang kanyang pagkawala ay isang malaking panghihinayang at dito na niya binitawan ang kanyang matapang na hamon sa ICI.
-
Nananawagan si Magno sa ICI na maging transparent at isapubliko ang lahat ng impormasyon na nakuha nila mula kay Cabral. Kabilang dito ang kanyang naging testimonya at ang mga dokumentong kanyang isinumiti nang humarap siya sa isang pagdinig ng komisyon noong Disyembre 24. Ayon kay Magno, hindi alam ng publiko kung ano ang naging usapan sa pagitan ng ICI at ni Cabral.
-
Hindi rin alam kung ano ang nilalaman ng mga dokumentong kanyang ibinigay. At dahil ang sistema ng budget insertion ay isang informal process na labag sa konstitusyon, napakahirap bumuo ng kaso laban sa mga pulitiko lalo na ngayong wala na ang isa sa mga pinakamahalagang testigo. Kaya naman iginiit niya na dapat maging bukas ang ICI sa kung nasaan na ang kanilang imbestigasyon para malaman ng taumbayan kung ano ang nangyayari.
-
Kasabay nito, tiniyak naman ng Department of Justice na hindi magiging hadlang ang pagkamatay ni Cabral para habulin ang kanyang mga umano’y ilgten wealth. Ipinaliwanag ng DOJ na bagam’t nabura na ang kanyang criminal liability o posibleng pagkakakulong, ang kanyang civil liability ay nananatili. Ibig sabihin, ang lahat ng kanyang mga ari-arian na mapapatunayang galing sa corruption ay maaari pa ring bawiin ng gobyerno sa pamamagitan ng Asset for feature at magpapatuloy umano ang imbestigasyon ng AMLC at NBI para dito.
-
Ang sitwasyon ngayon ay isang malinaw na pagsubok sa tiwala. Sa isang banda, ang gobyerno na nangangakong hahabulin ng yaman. Sa kabilang banda naman, isang panawagan para sa transparency para masigurong walang itinatago at walang pinoprotektahan sa gitna ng isa sa mga pinakamalaking issue ng corruption sa ating panahon.
-
Ang tanong, papakinggan ba ng ICI ang hamon ni Shelo Magno? Isang listahan ng mga makapangyarihang pangalan, isang imbestigasyong hindi pa nagsasara ng posibilidad ng foul play. Mga ebidensyang unti-unting binubuo mula sa cellphone, driver at mga huling galaw ni Yus Cabral at isang matapang na hamon para sa ganap na transparency.
-
Parang isang malaking domino effect. Kapag gumalaw ang isa, posibleng bumagsak ang buong sistema. Sa puntong ito, malinaw ang isang bagay. Hindi na lang ito tungkol sa pagkawala ng isang opisyal. Ito ay tungkol sa kung gaano kalalim ang ugat ng korupsyon. Kung sino-sino ang posibleng nakatala sa listahang iyon.
-
at kung may mga lihim bang sinubukang ibaon kasama ni Catalina Cabral habang nagsasalpukan ang PNP, NBI, DOJ at ICI. Ang tanong ay hindi na kung may lalabas na katotohanan kundi kung sino ang unang bibigay at sino ang unang madadamay. Mga kabayan, ito ang klase ng kwentong hindi bastta natatapos sa isang press release lang.
-
Habang may mga dokumentong hindi pa isinasa publiko at mga tanong na hindi pa nasasagot, mananatiling bukas ang sugat na ito sa harap ng sambayanan. Kami po ay patuloy na magbabantay, mag-uulat at magtatanong dahil sa laban na ito, ang katahimikan ay hindi option. Ito po ang pinakahuling update sa ngayon. Sa panahong ito, ang kaalaman ay sandata at ang katotohanan kahit gaano kabigat ay kailangang mailabas. am
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load