Lihim namin ni hipag at lihim ni kuya at misis
Kuya jay Ako nga pala si Marlon. Simple lang ang buhay ko noon sa probinsya, tulong-tulong sa bukid, gala kasama ang mga tropa, at tagabantay sa bahay tuwing gabi. Ang kuya kong si kuya Lando ay isang security guard sa bayan. Dahil night shift siya, madalas kaming dalawa lang ng asawa niyang si ate Elena ang naiiwan sa bahay.
Si ate Elena… aminin ko, maganda talaga ang hipag ko. Bata pa siya, masayahin, at ibang-iba ang kilos kumpara kay Kuya Lando na laging seryoso at parang laging pagod sa buhay. Alam ko na may kulang sa kanila, ramdam ko ‘yun sa bawat buntong-hininga ni Elena kapag gabi.
Isang gabi, grabe ang buhos ng ulan. Talagang zero visibility sa labas at biglang Brownout noon, walang magawa kundi matulog. Pero hindi ako makatulog. Ang lakas ng pintig ng puso ko, at hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa tapat ng kwarto nila.
Pinihit ko ang door knob. Hindi naka-lock.
Sa dilim, narinig ko ang mahinang boses ni Elena. “Lando? Akala ko ba duty mo?”
Hindi ako sumagot. Ayaw kong malaman niya na ako ito. Lumapit ako sa kanya, at sa gitna ng lamig ng ulan, naramdaman ko ang init ng balat niya. Noong gabing ‘yun, tila nawala ang lahat ng respeto ko sa pagiging magkapatid namin ni Kuya. Nanaig ang bugso ng damdamin ko,. Alam kong mali, pero sa bawat haplos ko, ramdam kong kailangan din niya ako. Hindi siya lumaban. Sa halip, niyakap niya ako nang mahigpit, tila ba matagal na niyang hinintay ang pagpasok ko,
Bago magliwanag, dahan-dahan akong lumabas ng kwarto.
Kinabukasan, pagdating ni Kuya Lando, acting normal lang ako. Nagkakape ako sa kusina habang siya naman ay nagkukuwento tungkol sa baha sa bayan. Nang magtama ang paningin namin ni Elena, may kakaibang kislap sa mga mata niya. Walang salita, pero alam ko na alam na niya. Alam niyang hindi ang asawa niya ang nakasama niya sa dilim, pero pinili niyang manahimik.
Naging routine namin ‘yun. Tuwing sasampa si Kuya sa duty, alam ko na ang signal. Hindi kami nag-uusap tungkol doon, parang isang unwritten rule. Sa harap ng ibang tao, hipag at bayaw kami. Pero kapag wala na ang mga ilaw, kami lang ang nakakaalam ng totoo.
Isang gabi, akala namin ay safe na ang lahat. Maagang umalis si Kuya Lando para sa kanyang graveyard shift, at gaya ng dati, dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni ate Elena. Pero ang hindi namin alam, nakalimutan ni Kuya ang kanyang flashlight at bumalik siya nang hindi man lang nagpapasabi.
Sa gitna ng aming paglalambingan, biglang narinig namin ang lagutok ng pinto sa labas. “Elena? Honey, naiwan ko yung flashlight ko!” boses ni Kuya Lando, malakas at papalapit na sa kwarto.
Nanigas kami pareho. “Si Lando!” bulong ni Elena na halatang nag-panic.
Wala nang oras para mag-isip. Mabilis akong bumangon, hinablot ang t-shirt at maong ko, at hindi na nag-atubiling tumalon sa bintana ng kwarto. Buti na lang, medyo mababa lang ang bahay at bumagsak ako sa malambot na damuhan sa ilalim ng puno ng santol. Mabilis akong gumapang palayo at nagtago sa dilim ng niyugan, habang hinihingal sa kaba.
Eksakto namang bumukas ang pinto ng kwarto. Pagpasok ni Kuya, nakita niya si Elena na nakahiga, medyo gulo ang buhok at tila nagulat.
“O, Honey, bakit gising ka pa?” tanong ni Kuya habang kinukuha ang flashlight sa cabinet. Pero napansin niya ang isang bagay. Nakataas ang kumot at kitang-kita na walang suot na kahit na anong pang-ibaba ang asawa.
Nagtaka ang mukha ni Kuya. “Bakit… bakit wala kang suot na pante? At bakit parang hinihingal ka?”
Doon ko hinangaan ang galing ni Elena sa pag-arte. Imbes na mautal, ngumiti siya nang nakatitig nang diretso sa mga mata ni Kuya. Iniunat niya ang kanyang mga braso at marahang hinila ang laylayan ng damit niya pababa.
“Kasi Honey, akala ko hindi ka na babalik,” malambing na sagot ni Elena. “Actually, hinintay talaga kita bago ka umalis kanina, kaya lang nagmadali ka. Sabi ko, baka bumalik ka para i-surprise ako, kaya nag-ready na ako. Ready na sana ako para sa ‘yo, kaso akala ko nakatulog na ako sa kakahintay.”
Napakamot sa ulo si Kuya Lando, sabay ngiti nang malapad. Nawala lahat ng pagdududa niya. “Ganun ba? Sayang naman, Honey. Kaso kailangan ko na talagang bumalik sa duty, baka mapagalitan ako ng supervisor.”
“Okay lang, bawi ka na lang pag-uwi mo bukas,” sagot ni Elena habang kunwaring nag-iinat.
Nung marinig ko ang pagsara ng pinto sa labas at ang paalis na tunog ng motor ni Kuya, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Grabe, muntik na ‘yun. Habang naglalakad ako pabalik sa likod ng bahay para pumasok sa sarili kong kwarto, napaisip ako, hindi lang pala ako ang magaling magtago ng sikreto. Mas magaling pala ang hipag ko pagdating sa lusutan
Kinabukasan, pagkaalis ni Kuya Lando para sa kanyang huling shift bago ang kanilang pag-alis, nag-usap kami ni Elena sa likod ng bahay, doon sa may malaking puno ng santol kung saan ako tumalon kagabi. Seryoso ang mukha niya, walang bahid ng biro.
“Marlon, kailangan na nating itigil ‘to,” simula niya, habang nakatingin sa malayo. “Malilipat na ng destino ang Kuya mo sa kabilang probinsya. Isasama na niya ako. Bukas na bukas din, aalis na kami.”
Nanahimik ako. Alam ko namang darating ang araw na ito, pero parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. “Alam ko, Elena. Muntik na rin tayo kagabi. Siguro nga, ito na yung sign na dapat na nating tapusin ‘to bago pa tayo mabulilyaso.”
Tumingin siya sa akin, at unti-unting lumambot ang kanyang ekspresyon. “Gusto ko lang na maayos tayong maghiwalay. Ayaw kong umalis na may sama ng loob o bitin na nararamdaman.”
Noong gabing iyon, parang nakisama ang tadhana. Walang ulan, pero sobrang tahimik ng paligid. Dahil alam naming ito na ang huling gabi, parang nag-iba ang timpla ng lahat. Pumasok ako sa kwarto niya nang may halong lungkot at pananabik.
Doon, pinalasap sa akin ni Elena ang lahat ng nalaman at natutunan niya sa loob ng ilang buwan naming pagsasama. Kung dati ay may pag-aalinlangan pa kami, noong gabing iyon, ibinuhos niya ang lahat. Bawat haplos at bawat galaw ay may kasamang mensahe ng pamamaalam. Tila gusto niyang itanim sa isip ko ang bawat detalye ng sandaling iyon para hindi ko siya makalimutan habambuhay.
“Para sa huling pagkakataon, Marlon,” bulong niya sa akin sa hanggang inabot kami ng madaling araw, hindi na ako naghintay na magliwanag,. Dahan-dahan akong tumayo, binihisan ang sarili, at bago ako lumabas ng pinto, tiningnan ko muna siya sa huling pagkakataon. Tulog na siya, maamo ang mukha, at tila nakahinga na nang maluwag dahil sa wakas ay matatapos na ang maling kabanatang ito.
Kinaumagahan, maingay ang buong bahay. Nag-eempake na sila ng mga gamit. Tinulungan ko pa si Kuya Lando na magbuhat ng mga mabibigat na kahon papunta sa sasakyan.
“Salamat sa pagbabantay sa hipag mo ha, Marlon,” sabi ni Kuya habang tinatapik ang balikat ko. “Bantayan mo na lang itong bahay natin.”
“Walang anuman, Kuya. Mag-ingat kayo doon,” sagot ko, pilit na hindi tumitingin kay Elena.
Nang paalis na ang sasakyan, sumilip si Elena sa bintana. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin, isang ngiting nagsasabing “Tapos na tayo, pero salamat.” Pinanood ko ang sasakyan nila hanggang sa mawala ito sa kanto,
Kuya jay, Sampung taon ang mabilis na lumipas. Isang fiesta noon sa aming probinsya nang muling mag-krus ang landas namin ni ate Elena. Marami na ang nagbago. Si Elena ay may dalawa nang anak na nakabuntot sa kanya, isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Kuya Lando at isang batang babae. Ako naman ay may asawa na rin, si Gina, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami biniyayaan ng anak.
Nang magtagpo ang aming mga mata sa tapat ng plasa, tila tumigil ang ikot ng mundo. Ang dating 25 years old na Elena ay isa nang ganap na ginang, pero naroon pa rin ang ganda na minsan kong pinagsaluhan sa dilim.
“Marlon! Kumusta na?” bati ni Kuya Lando habang tinatapik ako sa balikat. “Ang laki na ng pinagbago mo,
“Ayos naman, Kuya. Kayo, balita ko’y asensado na kayo sa Manila,” sagot ko, pero ang totoo, ang atensyon ko ay nasa likuran niya.
Nagkatinginan kami ni Elena. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi ,yung ngiting kaming dalawa lang ang nakakaalam ng kahulugan. Sa loob ng ilang segundo, bumalik sa isip ko ang amoy ng ulan, ang langitngit ng kawayang papag, at ang bawat haplos noong huling gabi namin. Alam kong ganoon din ang tumatakbo sa isip niya. Ramdam ko ang tensyon, ang pagnanasang sana ay maulit kahit isang sandali lang ang tamis ng nakaraan.
Pero hanggang doon na lang ‘yun.
Gusto ko sanang yayain siyang maglakad-lakad o humanap ng tyempo para makapag-usap kami nang kaming dalawa lang, pero hindi puwede. Nakakapit sa braso ko si Gina, ang asawa ko na laging nakasubaybay sa bawat kilos ko. Si Elena naman ay abala sa pag-aasikaso sa kanyang mga anak na hindi siya mabitawan. Si Kuya Lando naman ay walang tigil sa pagkukwento sa akin tungkol sa trabaho niya.
Habang nagkakainan, nagkakatitigan kami ni Elena sa kabila ng hapag. May mga pagkakataong nagkakaabot ang aming mga kamay sa pagpasa ng plato, at ang munting dampi na iyon ay tila kuryenteng gumuguhit sa aking katawan.
Ngunit bawat balak na “gumawa ng paraan” ay agad nahaharang ng dami ng tao sa paligid. Ang dating tahimik na bahay sa niyugan ay isa na ngayong mataong selebrasyon.
Nang sumapit ang hapon, oras na para bumalik sila sa Manila.
“O paano, Marlon? Mauna na kami. Bisita kayo sa Manila kapag may time,” sabi ni Kuya Lando habang nag-aayos ng gamit sa sasakyan.
Tumango ako. “Sige, Kuya. Ingat sa biyahe.”
Lumapit si Elena para magpaalam. “Sige, Marlon. Masaya akong makita na maayos ang buhay mo,” sabi niya sa harap ng aming mga asawa. Pero sa likod ng mga salitang iyon, ang kanyang mga mata ay nagsasabing, “Hanggang dito na lang talaga tayo.”
Kuya jay, kahit na matagal ng nangyari, parang may sakit parin sa dibdib ko, hindi ko ala, pero, ganun ang nararamdaman ko, Sumakay na sila sa sasakyan. Habang umaandar ito palayo, nakita ko si Elena na nakatingin sa side mirror. Nagkangitiian na lang kami, isang ngiting may halong pagtanggap.
Habang pinapanood ko ang paglaho ng sasakyan nina Elena sa kanto, huminga ako nang malalim. May kaunting pait, pero mas nangingibabaw ang gaan ng loob. Alam kong iyon na ang huling kabanata ng aming sikreto.
Sa paglipas ng mga araw, hindi ko maikakaila na sumasagi pa rin sa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Elena. Mahirap burahin ang mga alaala ng init at tamis, lalo na’t naging bahagi iyon ng aking kabataan. Pero sa bawat oras na maalala ko iyon, mas lalo kong tinititigan si Gina, ang aking asawa.
Ayaw kong mangyari kay Gina ang nangyari kay Kuya Lando. Ayaw kong maranasan niya ang mawalay sa atensyon ng asawa hanggang sa humanap siya ng kalinga sa iba. Dahil alam ko kung gaano kadelikado ang pagkakataon, naging mas maingat ako. Pinili kong maging isang mabuting asawa, yung laging present, yung nakikinig, at yung nagbibigay ng oras.hindi napapagod, kahit na ang totoo, pagod din ako, pero ayaw ko na iparamdam sa asawa ko,
Lalo na’t may kasama rin kaming bayaw sa bahay, ang asawa ng nakababatang kapatid ni Gina.
Kapag nakikita ko silang nagkakausap o kapag naiiwan silang dalawa habang nasa trabaho ako, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Hindi dahil wala akong tiwala kay Gina, kundi dahil alam ko ang “galaw” ng isang lalaking naiiwan sa dilim kasama ang isang magandang babae. Alam ko ang tukso, dahil ako mismo ay naging anino sa loob ng kwarto ng kapatid ko noon.
“Gina, gusto mo bang sumama sa akin sa bayan?” aya ko sa kanya tuwing may pagkakataon. Ayaw kong masanay siyang naiiwan mag-isa o nakadepende sa ibang tao ang kanyang libangan.
Binabantayan ko ang aking pamilya, hindi dahil sa selos, kundi dahil sa responsibilidad. Ayaw kong maulit ang kasaysayan sa loob mismo ng sarili kong tahanan. Ang bawat haplos at atensyon na hinanap ni Elena kay Kuya Lando noon, sinisigurado kong nararamdaman iyon ni Gina sa akin ngayon.
Ang nakaraan namin ni Elena ay nagsilbing aral isang paalala , Ang mga lihim ng nakaraan ay nananatiling nakabaon sa probinsya, habang ang kasalukuyan ko ay nakatuon sa pagprotekta sa babaeng pinili kong pakasalan.
Pero kuya jay, kahit na anong bantay ko sa asawa, ko hindi talaga, mawala sa isip ko nabaka mangyari din sa asawa ko ang ganun,
Akala ko ay tapos na ang lahat, pero tila mapaglaro buhay naming, Isang gabi, bigla akong isinugod sa ospital dahil sa matinding pananakit ng tiyan. Apendicitis pala. Dahil kailangang operahan at kailangang may magbantay sa akin, mabilis na nakarating ang balita kay Kuya Lando sa Maynila.
Dahil bakasyon naman niya, hindi na siya nag-atubili. Umuwi siya ng probinsya para tumulong at kumustahin ako. “Marlon, dito na muna ako sa bahay niyo tutuloy habang nagpapagaling ka. Para may kasama rin si Gina sa mga gawaing-bahay,” sabi ni Kuya Lando habang dinadalaw ako sa ward.
Pumayag ako. Wala naman akong magagawa, at alam kong mabuti ang intensyon ni Kuya. Ang bayaw ko namang si Ramil ang pinaiwan muna sa ospital para magbantay sa akin sa gabi.
Pero habang nakahiga ako sa hospital bed, pinagmamasdan ang dahan-dahang patak ng swero, bigla akong binalot ng matinding kaba. Isang kaba na hindi galing sa sakit ng operasyon, kundi galing sa sarili kong konsensya.
Naalala ko ang sitwasyon sa bahay namin:
Dalawa lang sila doon. Si Kuya Lando at ang asawa kong si Gina.
Wala ang bayaw ko. Dahil siya ang kasama ko rito sa ospital.
Gabi na. At alam ko kung gaano katahimik ang bahay namin kapag sumasapit ang dilim.
Biglang nag-flashback sa akin ang lahat ng ginawa ko kay Elena noon. Naalala ko kung paano ako dahan-dahang pumasok sa kwarto habang wala si Kuya. Naalala ko kung paano ko sinamantala ang pagkakataon. At ngayon, ang taong “ninakawan” ko noon ang siyang kasama ng asawa ko sa iisang bubong.
“Paano kung maghiganti si Kuya?” bulong ng isip ko. “O paano kung magkaroon din ng tukso sa pagitan nila, gaya ng nangyari sa amin ni Elena?”
Hindi ako makatulog. Bawat kaluskos sa labas ng ward ay nagpapatalon sa puso ko. Tinitingnan ko ang relo ko alas-dose na ng gabi. Ito yung oras na madalas akong “sumasalakay” noon. Napatingin ako kay Ramil na mahimbing na natutulog sa upuan sa tabi ko. Wala akong makausap.
Sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Gina. Ilang ring bago niya sinagot.
“Hello, Honey? Bakit napatawag ka? May masakit ba sa ‘yo?” boses ni Gina, parang bagong gising.
“Wala naman… gusto ko lang marinig ang boses mo. Ano… nasaan si Kuya?” pilit kong pinapakalma ang boses ko.
“Ah, si Kuya Lando? Kakatapos lang namin manood ng tv, kakatulog lang niya , Bakit?” tanong ni Gina.
“Wala naman. Sige na, matulog ka na. I-lock mo yung pinto ng kwarto natin, ha?” huling habilin ko bago ko ibaba ang phone.
Ito ang takbo ng isip ko noong gabing iyon ang gabing hinding-hindi ko malilimutan dahil tila gumuho ang mundo ko habang nakahiga ako sa hospital bed.
Alas-dose, ala-una, alas-dos… hindi ako makapikit. Kahit anong gawin kong pagpilit sa sarili ko na epekto lang ito ng gamot at operasyon, alam ko sa loob ko na may maling nangyayari. Ang bawat tibok ng puso ko ay parang babala. Hindi na ako nakatagal. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at muling idina-dial ang number ni Gina.
Nag-ring. Isa… dalawa… tatlo… hanggang sa maputol. Hindi sumasagot.
“Tulog lang ‘yun, Marlon. Pagod ‘yun sa pag-aasikaso sa ‘yo,” bulong ko sa sarili ko. Pero ang kaba ko, hindi nababawasan. Muli kong idina-dial. Paulit-ulit. Gusto ko lang makasigurado. Gusto ko lang marinig ang boses niya na mahimbing na natutulog.
Mag-aalas tres na ng madaling araw nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag.
“Hello… Gina?” halos pabulong na tawag ko.
Noong una, katahimikan lang ang narinig ko. Pero maya-maya, may narinig akong ibang tunog. Hindi ito boses ng taong bagong gising. Narinig ko ang mabigat at mabilis na paghinga ni Gina, yung parang hirap na hirap siya, parang kapos sa hangin. Pagkatapos, may narinig akong mahinang ungal, isang tunog na pamilyar na pamilyar sa pandinig ko… tunog na narinig ko na noon kay Elena.
“Honey… b-bakit…?” ang tanging nasabi ni Gina sa kabilang linya. Putol-putol ang boses niya, parang may ginagawa siyang sobrang nakakapagod.
“Gina! Anong nangyayari dyan? Bakit ganyan ang boses mo?! Nasaan si Kuya Lando?!” pasigaw na bulong ko. Pilit kong iginagalaw ang katawan ko kahit humahapdi ang tahi ko sa tindi ng kaba.
Hindi siya sumagot nang maayos. Ang narinig ko lang ay ang kaluskos ng kama at isang malalim na buntong-hininga ng isang lalaki sa background. Pagkatapos, biglang click, pinatay ang cellphone.
Agad ko itong tinawagan ulit. Sinubukan ko nang sampung beses, pero wala na. The subscriber cannot be reached. Pinatay na ang cellphone.
Napaupo ako sa kama, basang-basa ng malamig na pawis. Naalala ko kung paano ko pinasok ang kwarto ni Elena noon habang wala si Kuya Lando. Naalala ko ang bawat ungol na narinig ni Kuya sa labas ng pinto na akala niya ay “pusa” lang.
Ngayon, ako na ang nasa posisyon niya. Ako na ang asawang nasa malayo, walang magawa, at nagdududa sa sariling asawa at sariling kuya.
“Karma na ito, Marlon,” sabi ng isang bahagi ng isip ko. “Sinisingil ka na sa lahat ng ginawa mo.”
Nakita ako ng bayaw ni gina kaya tinanong ako, kaya sinabi ko na tinatawagan ko si gina, kaya lang hindi na nasagot, sinabi ni ramin nab aka lowbat si gina, dahil sira ang charger nito, doon lamang ako medyo nakampante,
Hindi na ako nakatulog hanggang mag-umaga. Nakatitig lang ako sa kisame ng ospital, iniisip kung anong klaseng pagmumukha ang ihaharap ko sa kanila pagdating nila rito. Galit ba ako? O dapat ba akong tumahimik dahil alam ko sa sarili ko na ako ang unang nagturo sa tadhana kung paano maglaro ng ganito?
Hinding-hindi ko makakalimutan ang boses ni Gina sa telepono noong madaling araw na iyon. Ang boses na dati ay nagpapakalma sa akin, ngayon ay naging mitsa ng unti-unting pagkamatay ng tiwala ko.
Pagsikat ng araw, hindi pa rin ako mapakali. Nakatitig lang ako sa pinto ng ward habang hinihintay ang pagdating nila. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil wala akong hawak na ebidensya kundi ang boses sa telepono.
Maya-maya, bumukas ang pinto. Pumasok si Gina na preskong-presko ang hitsura. Bagong ligo siya, mabango, at may dala pang mga prutas. Masigla siyang lumapit sa akin, parang walang nangyari kagabi.
“Honey, kumusta? Maayos ba ang tulog mo?” tanong niya habang hinahalikan ako sa pisngi.
Tumingin ako sa likuran niya. Nandoon si Kuya Lando. Pero ibang-iba ang itsura niya kay Gina. Bagsak ang mga mata niya, parang puyat na puyat at pagod na pagod ang katawan.
“O, Kuya, bakit parang pagod na pagod ka? Parang hindi ka natulog, ah,” pansin ko sa kanya, pilit kong hinuhuli ang kanyang reaksyon.
“Ah, eh… nanibago lang ako sa higaan niyo, Marlon. Hindi ako nakatulog agad dahil iba ang amoy ng kwarto, tapos ang ingay pa ng mga kuliglig sa labas,” sagot ni Kuya, pero hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ko. Iniiwas niya ang paningin niya habang kinakamot ang batok.
Kumunot ang noo ko. Nanibago? Sampung taon siyang tumira sa probinsyang ito bago lumuwas ng Maynila. Hindi ako tanga. Alam ko ang itsura ng lalakeng puyat dahil sa ibang dahilan. Pero nanatili akong tahimik. Sa loob-loob ko, kumukulo na ang dugo ko.
“Gina, ikaw na muna ang magbantay sa akin dito sa ospital. Kuya, Ramil, bumalik na muna kayo sa bahay para makabawi kayo ng tulog,” utos ko. Gusto kong mapag-isa kami ni Gina para mahalughog ko ang isip niya, pero wala siyang binabanggit tungkol sa tawag ko kaninang madaling araw.
Lumipas ang apat na araw. Bumalik na si Kuya Lando sa Maynila dahil tapos na ang bakasyon niya. Pero bago siya tuluyang umalis, may napapansin ako. May kakaibang “vibe” sa pagitan nila ni Gina. ‘Yung mga tinginan nila, ‘yung mga simpleng haplos ni Kuya sa balikat ni Gina habang nagpapaalam, parang may lihim silang pinagsasaluhan.
Nang makaalis na ang sasakyan ni Kuya, napansin ko ang asawa ko. Madalas siyang nakatulala sa bintana, o kaya naman ay biglang ngingiti habang may tinitingnan sa cellphone niya. Mas lalong naging blooming si Gina, pero ramdam ko na lumalayo ang loob niya sa akin.
Isang gabi, habang nagpapagaling pa ako, nahuli ko siyang may tinitingnan sa drawer. Agad niyang isinara iyon nung makita niya ako. Parang may tinatago silang dalawa, isang bagay na hindi ko pa kayang aminin sa sarili ko.
Duda. ‘Yun lang ang mayroon ako sa ngayon. Pero ang bawat kilos nila, bawat puyat ni Kuya, at bawat preskong hitsura ni Gina sa umaga… lahat ‘yun ay bumabalik sa akin bilang isang malaking tanong: Ako na ba ang biktima ngayon?
Hanggang duda lang ako. Hindi ko kayang direktang itanong kay Gina ang tungkol sa narinig ko noong madaling araw sa ospital. Paano kung magdahilan lang siya? O paano kung baligtarin niya ako at sabihing paranoid lang ako dahil sa mga gamot na iniinom ko? Kaya pinili kong manahimik, kahit na parang may kumakain sa sistema ko.
Pero ang masakit, halos gabi-gabi ay walang bukambibig si Gina kundi si Kuya Lando.
“Honey, alam mo ba, nag-text si Kuya Lando. Sabi niya, pagaling ka raw nang mabuti para matuloy tayo sa Maynila sa April,” masayang sabi ni Gina habang nag-aayos ng gamit sa kwarto. “Isang buwan tayo roon! Isipin mo ‘yun, makakapag-relax tayo at maipapasyal mo ako sa mga mall. Excited na talaga ako!”
Pilit akong napangiti, pero ang totoo, nanlalamig ang mga kamay ko. Isang buwan sa bahay ni Kuya Lando? Isang buwan sa ilalim ng iisang bubong kasama ang taong naging puyat noong gabing nasa ospital ako?
“Ayaw mo ba, Honey? Parang hindi ka excited,” puna ni Gina nang mapansin niyang hindi ako kumikibo.
“Hindi naman sa ayaw… iniisip ko lang kung kaya ko na ba ang biyahe,” pagdadahilan ko.
“Kaya mo ‘yan! Malakas ka na kaya. At saka, sabi ni Kuya Lando, doon na tayo sa bahay niya tutuloy. May extra room naman siya, and at least, makakatipid tayo sa hotel,” sagot niya na may kasamang malambing na haplos sa balikat ko.
Napatingin ako sa kanya. Ibang-iba ang aura ni Gina ngayon. Mas lalong naging masiyahin, mas lalong naging maalaga sa sarili. Tuwing naririnig niya ang pangalan ni Kuya Lando, parang may kislap sa mga mata niya na dati ay para sa akin lang.
Habang nagpapagaling ako, tila ako naman ang unti-unting nanghihina sa sobrang pag-iisip. Alam ko ang pakiramdam ng “excited” na asawa o hipag kapag may lihim na niluluto. Naalala ko si Elena noon, kung paanong ang bawat ngiti niya ay may nakatagong kahulugan para sa akin habang nasa harap kami ni Kuya.
Ngayon, ang posisyon ay nagbaligtad. Ako na ang mahina. Ako na ang pinagsisilbihan. At ang Kuya ko na biktima ko noon, siya na ang “host” namin sa darating na Abril, kung saan magbabakasyon kami,
Kinakabahan ako. Sa bawat gabi na lumilipas, ang panaginip ko ay laging tungkol sa bahay sa Maynila. Nakikita ko ang sarili ko na nakahiga sa kwarto, mahina at hindi makabangon, habang naririnig ko ang mahihinang yabag sa pasilyo at ang dahan-dahang pagpihit ng door knob sa katabing silid.
. Hindi ko alam kung bakit ako napangiti nung sinabi ni Gina ang plano, siguro dahil naisip ko na sa wakas, doon sa Maynila, baka doon ko mahuli ang katotohanang pilit nilang itinatago. O baka naman, iyon na ang huling hantungan ng aming pagsasama.
Handa na si Gina. Nag-eempake na siya ng mga bagong damit na susuotin sa Maynila. Ako naman, tanging kaba at ang takot ng sarili kong karma ang dala-dala habang hinihintay ang pagdating ng Abril.
Kuya jay, hanggang dito na lang at hindi ko pa alam ang mga susunod na mangyayari, pero kung ako ang masusunod, ayaw ko na pumunta ng maynila, pero alam ko na magtatampo si gina, dahil naipangako konsa, kuya jay, sana dito na matigil ang aking kuwento, pero update parin ako sayo kung ano ang mangyayari sa abril.