• Sa isang maliit na baryo sa gilid ng bayan, nakatira ang isang binatilyong si Joshua. Lab na taong gulang pa lamang siya. Ngunit kilala na siya ng halos lahat ng kapitbahay. Hindi dahil sa kanyang kabaitan, kung hindi dahil sa kanyang kapilihan. Tuwing umaga bago pumasok sa eskwela, makikita siyang tumatakbo sa kalye.
  • Nangaasar ng mga batang mas bata sa kanya o kaya itinutukso ang mga kalarong hindi marunong sumagot sa biruan. Minsan ay tinatawag niyang pandaka ang isang kaklase o kaya naman ay babatuhin ng maliliit na bato ang aso ng kapitbahay para lamang mapatawa ang kanyang mga kaibigan. Joshua, ano na namang kalokohan yan? Sigaw ng kanyang ina ngunit tila bingi siya sa mga paalala.
  • Alam niyang hindi siya masyadong nababantayan ang kanyang mga magulang na abalas sa pagtatrabaho para lamang maitawid ang pangaraw-araw na gastusin. Kaya naman lumaki siyang may kalayaan na gawin ang lahat ng kanyang maisipan. Kahit paminsan ay nakakasakit na ito sa iba. Hindi rin siya paborito sa paaralan. Sa halip na mag-aral ng maayos, madalas ay napapatawag ang kanyang mga magulang dahil sa reklamo ng guro.
  • Nakikipag-away, nangungupit ng lapis ng kaklase o kaya naman ay biglang tatawa ng malakas sa gitna ng klase. Para sa kanya, mas masaya ang mang-asar kesa magbasa ng mga libro. Sa kanyang isipan, ang buhay ay laro lamang at ang mga taong hindi makasabay sa biro ay dapat lang talagang laitin. Ngunit sa likod ng matigas na ugali ni Joshua, may tinatago palang hinanakit.
  • Madalas ay naiwan siyang mag-isa sa bahay habang ang kanyang amay nasa construction at ang kanyang ina naman ay nagtitinda sa palengke. Lumaki siyang walang gaanong gumagabay at kumakalinga. Kahit natutunan niyang pagtakpan ng kalungkutan sa pamamagitan ng pang-aasar at pagpapatawa. Hindi ito napapansin ng marami dahil ang nakikita lamang ng lahat ay ang kanyang pagiging pasaway at magulo.
  • Isang araw habang siya’y naglalakad pauwi mula sa paaralan kasama ang ilang mga kaklase, napansin nila ang isang matandang babae na ay naglalakad sa gilid ng kalsada. Puting-puti na ang buhok nito. Kulobot ang balat at talaga namang matanda na. Nakasuot ng kupas na saya at may bitbit pang lumang supot na para bang puno ng papel.
  • May kakaibang aura ang matanda. Parang may hinahanap pero malayo ang tingin at pabalik-balik ang lakad. Ayan na naman yung ulyanin. Bulong ng isang kaklase ni Joshua. Lagi na lamang naglalakad. Paulit-ulit ang sinasabi. Parang baliw. Dahil doon ay napangisi si Joshua. Bagay na target yan para sumaya ang hapo apo natin. Tugon niya.
  • At mula noon, nagsimulang umikot ang atensyon niya sa matandang iyon. Siya si Aling Lucia, isang matanda na hindi masyadong pinapansin ng mga tao sa baryo. Uyanin, makakalimutin at madalas ay may mga kwento na tilawalang saysay. Maraming bata ang natatakot sa kanya habang matatanda na may umiiwas. Ngunit para kay Joshua, ang presensya ng matanda ay naging bagong laruan.
  • Ngunit ang hindi niya alam na ang matandang iyon na pinagtatawanan at kinukutya ay hindi pala basta-basta. Mayroon itong lihim na matagal ng nakatago. Isang kasaysayan na magbabago ng landas ng kanyang buhay. Mula ng araw ng unang makita ni Joshua si Aling Lucia, tila ba ito na ang naging paborito niyang target ng mga kalokohan.
  • Ang matanda laging naglalakad sa parehong kalsada. Bitbit ang kanyang lumang supot na puno ng mga papel at lumang gamit na walang halaga sa paningin ng iba. Nakasuot siya palagi ng lumang saya at pati na rin blusa nakupos na ang kulay at ang tsinelas niya butas-butas na. May mga pagkakataong tila may hinahanap siya ngunit madalas ay nauutal sa pagsasalita.
  • paulit-ulit ang mga katagang lumalabas sa bibig nito. Nasaan? Nasaan na ba yon? Hinahanap ko. Hinahanap ko. Mga salitang palaging naririnig ng mga bata at agad silang natatawa. Para kay Joshua, si Aling Lucia ay parang palabas sa kalsada. Na handa niyang asarin at paglaruan. Kapag dumaraan ito, tatawagin niya ito ng uy Lola Uyanin.
  • Sabay tawa ng malakas. Minsan ay gagayahin pa niya ang paraan ng paglalakad ng matanda. Paika-ika, mabagal at tila palaging pagod. Kapag naririnig ito ng mga kalaro, lalo silang natatawa at naghihiyawan pa para bang siya’y komedyante sa kanilang harapan. Ngunit ang matanda sa halip na magalit ay nakangiti lamang.
  • Minsan ay sumasagot siya ng anak, huwag ka namang ganyan. Darating ang araw ay maiintindihan mo rin. Ngunit dahil sa pagigingin niya, hindi rin niya maipaliwanag ng malinaw ang kanyang mga sinasabi. Para kay Joshua, mas lalo lamang itong nakakatawa. Isang hapon, nagtatago si Joshua sa likod ng puno habang inabangan si Lucia. Nang makita niyang dadaan na ito, mabilis siyang pumulot ng maliit na bato at inihagis malapit sa paa ng matanda.
  • Napasigaw si Lucia ng maramdaman ang hampas ng lupa at napaupo siya sa gilid ng daan. Imbes na matakot, nagtawanan sina Joshua at pati na rin ang kanyang mga kasama. Joshua, tama na ‘yan. Sigaw ng isang kaklase niyang hindi makatawa. Baka masaktan si lola oh. Ngunit ngumisi lamang si Joshua. Eh ano naman ngayon? Baliw naman yan.
  • Hindi niya mararamdaman ang sakit. Mula noon, naging pang araw-araw na gawi na niya ang pag-aabang kay Lola Lucia. Kapag walang assignment o kapag wala siyang ginagawa, yun ang kanyang pampalipas oras. pinagtatawanan, binubully at pinaglalaruan ng matanda na tila wala ng halaga. Ngunit sa likod ng kanyang pangutya may mga mataring na kamasid.
  • Ang ibang mga matatanda sa baryo’y laging napapailing na lamang. At may isa o dalawang matanda na minsan ay lumapit kay Joshua upang ito ay sawin. Anak, huwag mong tutuksin si Aling Lucia. Hindi mo alam ang pinagdaraan niya. Ngunit hindi niya ito pinapansin. Para kay Joshua, walang sisay ang kanilang babala. Sa mata ng batang Pilyo, si Aling Lucy ay isang matandang ulyanin na pwedeng pagtawanan, bulihin at kutsain.
  • Ngunit sa mata ng iba, siya’y isang palaisipan, isang nilalang na may dalang kasaysayang matagal ng nakabaon at hindi patuluyang nabubun. At sa paglipas ng mga araw, unti-unting lumalapit ang katotohanan. Si Aling Lucia Palay hindi lamang basta isang matanda. Siya isang mahalagang bahagi ng nakaraan ng kanilang baryo.
  • Isang kasaysayang malapit ng matuklasan ang batang si Joshua. At sa paraan na hindi inaasahan. Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo at lalo lamang lumala ang kapilyuhan ni Joshua laban kay Aling Lucia. Para bang naging misyon niya na araw-araw ang paghahanap ng paraan para ito ay asarin. Sa tuwing makikita niya ito, agad siyang merroong pakulo, pagpapatawaman, pagmumura o pagbato ng kung ano-anong mga bagay.
  • Isang hapon habang naglalaro sila ng mga kaibigan niya sa may kalsada, nakita nilang muli si Aling Lucia ng mabagal na naglalakad. Nakayuko ito at tila may inaapuhap sa supot na dala-dala. O ayan na si Lola Uyanin. Tignan niyo baka nahulog na naman ang isip niya. Sigaw ni Joshua sabay tawa ng malakas. Joshua, huwag na. Kawawa naman oh.
  • bulong ng isa sa mga bata ngunit dahil nais niyang magpatawa ay hindi siya nakinig. Kumuha siya ng prutas na hilaw mula sa isang puno at inihagi sa paanan ng matanda. Nagulat si Aling Lucia na dapa at halos mabasag ang tuh sa pagkakaupo sa alikabok. Tumawa ng malakas si Joshua at ang ilan niyang kasamang walang magawa kung hindi makisabay sa halakhakan.
  • Ang iba namang bata ay natigilan. Ramdam nila ang hiya at awa. Joshua, bakit mo naman yan ginawa? Sigaw ng isang batang babae. Ngunit sinagot lamang niya ito ng pangungutya. Eh ano naman? Hindi naman niya alam kung ano ang nangyayari. Tignan mo. Nakangiti pa rin. At totoo nga.
  • Nang bumangon si Aling Lucia, hindi galit ang mukha nito. Sa alip ay ngumiti siya. Sabay sabi ng mahina, “Anak, darating ang oras. Maihan mo rin. Huwag kang matakot sa kabutihan.” Ngunit para kay Joshua, yon ay tila isang biro. “Narinig niyo ba? Ang gulo ng sinasabi. Walang kwenta.” Tumawa siyang muli habang lumalakad pa palayo ang matanda. Sa mga sumunod na araw, mas lalo niyang nilakasan ang loob sa pangaabuso.
  • May pagkakataong sinasabuya niya si Aling Luci ng tubig tabang habang ito ay dumaraan. Sa isa namang araw, tinago niya ang supot ng matanda at pinagpasa-pasahan nila ng mga kaibigan niya na para bang laruan. Napahagulkol si Lucia. Hinahanap ang kanyang gamit. Ngunit sa huli ay iniabot rin nila ito habang humahalakhak.
  • Hindi niyo ba nakikita? Paliw na talaga si Lola. Nakakatuwa. Ulalas ni Joshua na mayroong pagmamalaki. Ngunit hindi lahat ay natutuwa. Unti-unti ay napapansin na siya ng mga matatanda sa baryo. Mila na nagsimula ng magsabi sa kanya, “Joshua, magtigil ka na. Hindi mo alam ang kwento ng matandang yan.
  • Ngunit para sa kanya, lahat ng iyon ay walang saysay. Bahata pa siya at iniisip niyang wala siyang dapat na katakutan o respetuhin. Minsan sa gitna ng kanyang panunukso, napansin niya ang mga matang nakatingin mula sa malayo. Isang matandang lalaki na tila nagmamasid. Hindi niya pinansin. Iniisip na chismoso lamang yon. Ngunit hindi niya alam, unti-unti ng kumakalat sa baryo ang balitang sobra na ang kanyang ginagawa kay Alen Lucia.
  • At habang siya’y abala sa kanyang kasiyahan, hindi niya namamalayan na bawat pagtawa at pangungotya ay naghuhukay ng sarili niyang kaparusahan dahil ang pang-aabuso sa taong walang laban ay mayroong kapalit at ang karma ay tahimik lamang na nag-aabang. Isang hapon matapos na naman ang isa sa mga kalokohang ginawa ni Joshua kay Aling Lucia.
  • May isang matandang kapitbahay na nakakita sa lahat. Si Mang Ernesto, isa sa mga pinakamatagal ng nakatira sa baryo. Kilala siya bilang isang mapagmasita at tahimik na tao. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi niya nakinaya ang nakitang pambubul ng binatilyo. “Joshua!” sigaw niya mula sa kabilang kalsada. Hindi mo ba talaga alam kung sino ang tinutukso mo? Nagulat si Joshua at ang mga kalaro.
  • Napakamot siya ng ulo at sinagot ang matanda. Eh si Lola Uyanin eh ano naman ngayon. Wala namang kwenta y Mang Ernesto. Hindi nga niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid niya eh. Ngunit sa halip na sumagot ng sermon lumapit si Mang Ernesto. Mabigat ang bawat hakbang. Bata, hindi mo alam ang kasaysayan niya. Si Aling Lucia ay hindi basta matanda lang naulila o baliw.
  • Siya ang anak ng pinakamayamang pamilya rito sa ating baryo noon. Natikilan ang ilang mga bata ngunit si Joshua ay napangisi. Mayaman siya eh. Tignan niyo nga oh. ang tsinelas at puro luma ang dala. Paano siyang magiging mayaman? Huminga ng malalim si Mang Ernesto. Hindi mo alam ang nangyari kasi hindi ka pa ipinapanganak noon.
  • Bata pa si Lucia nang magkaroon ng malagim na pangyayari. May malaking trahedya sa kanilang pamilya noon. Isang sunog sa kanilang mansyon ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at kapatid. At mula noon, nag-iba na siya. Ang sabi ng ilan dahil sa sobrang lungkot raw, nalimutan niya ang maraming mga bagay. Umalis siya at matagal na nawala.
  • Ngayon lang siya muling nakita rito. Naglalakad-lakad parang hinahanap ang kanyang nakaraan. Dahil sa narinig, natahimik ang karamihan. Ngunit si Joshua salik na mantig ay tumawa pa rin. Eh ano naman kung galing siya sa mayamang pamilya wala na siyang pera ngayon ulyanin na siya. Baliw pa rin ang itsura niya. Umiling si Mang Ernesto halatang nadismaya.
  • Io. Matuto kang gumalang sa matanda. Hindi lahat ng nakikita mong mahina ay walang halaga. Ang totoo, matagal n hinahanap si Aling Lucian ng mga kamag-anak niya. May iniwang malaking mana ang kanyang pamilya at siya ang tagapagbana. Baka balang araw ay mag-ulat ka na lamang sa katotohanan. Pagkauwi ni Joshua, hindi maalis-alis sa isip niya ang sinabi ng matanda.
  • “Tagapagmana, pinakamayaman.” “Imposible.” bulong niya sa sarili. Subalit kahit anong ipilik niyang hindi maniwala, may maliit na takot at pagkailang na sumisiksik sa kanyang dibdib. Kinabukasan, muli niyang nakita si Aling Lucia. Naglalakad sa parehong daan. Tila ba meron pa ring hinahanap. Ngunit imbes na ng umisi, natigilan siya sandali.
  • Sa loob ng kanyang isip, nagsimulang kumutob na baka totoo nga ang sinabi ni Mang Ernesto. Baka nga may mas malalim pang dahilan kung bakit tila wala sa sarili si Aling Lucia. Ngunit dahil sa kanyang kayabangan at pagmamataas, tinabunan niya ang kutob na ion. Baliw pa rin siya. At kahit anong kwento ang sabihin nila, hindi ko pa naniniwalaan.
  • bulong niya sabay hagis ng tuyong dahon sa hangin. Dumating ang araw na tuluyan na ngang lumala ang kapilyuhan ni Joshua laban kay Aling Lucia. Isang hapon, nagkumpulan ang mga bata sa gilid ng kalsada habang pabataan si Aling Lucia. Mabagal itong naglalakad. Dala pa rin ang supot na para bang mabigat sa kanyang kamay.
  • Tila ba walang nakikita at walang naririnig. Nakayiko lamang siya. Inuusal ang parehong mga salita na laging naririnig ng lahat. Nasaan na ba ang hinahanap ko? Nasaan na ba yon? Nang makita ni Joshua, agad siyang nakaisip ng bagong kalokohan. Tignan niyo mga tol. Pag natumba siya ngayon baka hindi na yan makatayo.
  • Wika niya na may kasamang halakhak. Bago pa man makapagpigil ang isa sa mga bata, mabilis na tumakbo si Joshua papunta sa harap ni Lucia at biglang itinulak ang supot na hawak nito. Nabitawan ng matanda ang dala at kumalat sa lupa ang mga nilalaman. Ang luma at kupas na larawan, ilang sulat na naninilaw na sa katagalan at isang maliit na kwintas na tila napakahalaga.
  • Napatigil ang lahat ng mga bata. Si Aling Lucia noo atos mangiyak-ngiyak. Yumuko para pulutin ang mga gamit. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang sinasabing, “Akin ang mga ito. Ito na lamang ang natira.” Ngunit si Joshua sa halip na maawa ay tumawa pa at sinabing, “Ano ‘yan? Basura lang naman yan.
  • ” Aba napakayaman nga pala ng basura mo Lola Uyani no. Malakas ang kanyang tawa ngunit mabilis ring natigil ng marinig ang mga sigaw mula sa mga kapitbahay na nakakita sa pangyayari. “Hoy, sobra ka na! sigaw ni Mang Ernesto habang ito ay papalapit. Hindi mo na alam ang tama at mali. Hindi na maganda ang ginagawa mo. Masyado ka na.
  • Ang ibang mga tao’y lumapit at tinulungan si Aling Lucia. Pinulot ang mga nahulog na gamit. Ang isa namang ginang ay agad na sumugod kay Joshua at sinabing, “Hindi ka na nakakatuwa. Napakawalang galang mo.” Hindi nagtagal dumating ang kanyang mga magulang na ipinatawag ng mga nakasaksi. Halos hindi makapaniwala ang kanyang ina nang marinig ang kanyang ginawa.
  • Joshua, bakit mo tinatron ng ganyan si Aling Lucia? Ano bang klaseng anak ang pinalaki namin? Halos maiyak ang kanyang ina sa kahihiyan. Pinauwi siya ng kanyang magulang at doon siya pinagalitan at pinarusahan. Hindi siya pinayagang lumabas ng bahay sa loob ng isang linggo at pinagbawalang maglaro kasama ang kanyang mga kaibigan.
  • Ang mas mabigat pa, halos lahat ng bata sa baro ay umiwas na sa kanya. Nawalan siya ng kakampi at ang halakhak na dati sa gana ay napalitan ng katahimikan. Sa mga gabing iyon, pag-isa siyang nakaupo sa kanyang silid, iniisip ang mga nangyari. Naaalala niya ang mga mata ni Aling Lucia.
  • Hindi galit kung hindi puno ng lungkot. Para bang hindi siya isang kaaway kung hindi isang batang hindi nakakaintindi? Sa unang pagkakataon, nakaramdam si Joshua ng hiya. Ngunit ang higit na bumigat sa kanya ay ng ikwento ng kanyang ina ang narinig mula sa mga matatanda. Ang mga larawan at sulat na dala-dala ni Lucia ay ala-ala ng kanyang pamilya na siyang tanging natira mula sa trahedyang sumunog sa kanilang mansyon.
  • Ang kwintas na iyon ay pag-aari pa ng kanyang ina. Lahat ng pinagtatawanan niya ay hindi pala basura kung hindi kayamanang walang katumbas. Mula noon, hindi na mapakalis si Joshua. Ang dating halakhak ay napalitan ng katahimikan at ang dating yabang ay unti-unting natutunaw sa bigat ng konsyensyang bumabalot sa kanya.
  • Nagsimula na ang kanyang karma at alam niyang hindi pa roon natatapos ang lahat. Simula ng masangkot si Joshua sa insidente kay Aling Lucia, naging tampulan na siya ng galit at sermon hindi lamang ng kanyang mga magulang kung hindi pati na rin ang buong baryo. Halos lahat ng nakakakita sa kanya ay napapailing.
  • Ang mga batang dati natatawa sa kanyang mga biro, ngayon ay lumalayo at ayaw ng makisama. Ang tawanan at kasikatan niya bilang pilyo ng baryo ay napalitan ng katahimikan at pangutya. Isang araw ipinatawag siya ng barangay doon naipin na siya bilang parusa na dapat siyang tumulong kay Aling Lucia araw-araw pagkatapos ng klase.
  • Maghatid, magbuhat ng dala at mag-alaga sakaling kailanganin. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod kahit labag sa kalooban niya. “Ang hirap naman nito. Para akong alila ng ulyanin!” reklamo niya sa sarili. Ngunit hindi niya masabi ng malakas dahil bantay sarado siya ng mga matatanda. Sa unang araw ng kanyang parusa, nagpunta siya sa bahay ni Aling Lucia.
  • Isang maliit at luma ng kubo iyon. Nakatayo sa dulo ng baryo. Habang pinapanood niya ang matanda ay talaga namang nagulat siya. Hindi pala gano kabaliw si Aling Lucia tulad ng palaging iniisip niya. Oot makakalimutin ito at mahina pero maayos ang pagkaayos ng bahay. Maraming lumang gamit, mga larawan sa dingding at mga sulat na nakalagay sa kahon.
  • Halatang meron itong pinapahalagahan. Bagay na hindi niya pinapansin dati. “Joshua.” Mahinaang ngunit malinaw na tinig ni Aling Ria. Salamat at dumating ka ha. Tulungan mo naman akong pulutin ang mga kahoy sa likod para sa pagluluto. Napilitan siyang tumulong. Habang kinukuha niya ang mga kahoy, napansin niyang nakatingin lamang si Aling Lucia.
  • Nakangiti. “Bakit niya po ako tinitignan ng ganyan?” irritadong tanong niya. Ngunit sumagot lang si Lucia. Kasi kahit pilyo ka, matagal ko ng hinahanap ang isang batang makakausap.” Hindi nakasagot si Joshua. Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng hiya at awa. Sa mga sumunod na araw, unti-unti siyang nasanay sa pagtulong kay Aling Lucia.
  • dala niya ang mga gamit nito kapag pumupunta sa palengke. Binubuhat ang tubig o kaya na may nag-aayos ng makakalat sa bahay. Sa una napipilitan lamang siya pero kalaunan ay parang gumagaan na ang pakiramdam niya. Habang tumatagal, napapansin niyang laging may kwento si Aling Lucia patungkol sa kabataan niya, sa kanyang mga magulang, sa buhay na puno ng kasiahan noon, at pati na rin sa mga nangyaring trahedya.
  • “Alam mo iho,” p minsang sabi ni Aling Lucia habang magkasama silang nag-aayos ng mga lumang larawan. Ang yaman ay nawawala. Ang mga ala-ala ay kumukupas pero ang kabutihan ng puso yan ang kayamanang hindi nananakaw. Hindi na siya nakatawa gaya ng daddy. Sa halip nakinig siya ng tahimik may kung anong kumikrot sa kanyang puso.
  • Unti-unti, natutunan niyang hindi siya natutuwa sa pangaasar. Ang halakhak na dati pinagmumulan ng saya ngayon ay tila walang lasa. Hindi na siya masaya rito sapagkat mas masaya palang makitang humingiti si Aling Lucia dahil sa pagtulong niya kesa sa ito’y pagtawanan. Dumating ang araw na kusang loob na siyang nagpunta kay Aling Lucia.
  • Kahit hindi siya pinapapunta, pinupulot niya ang mga kahoy, nagtidilig ng halaman at nakinig ng kwento ng matanda. At sa bawat araw na lumilipas, parang merroong nagbabago sa kanya. Ang batang Pilyo at mapang-asara ay unti-unting natutong rumespeto, umunawa at magmahal. Wala siyang kaalam-alam pero nagsisimula na pala ang tunay na pagbabago sa kanyang pagkatao.
  • Lumipas ang ilang mga linggo at tila ibang bata na si Joshua sa paningin ng mga tao. Ang dating pilyong laging may kalokohan ay unti-unti ng natutong manahimik at tumulong. Madalas siyang nakikita ng mga kapitbahay na kasama si Aling Lucia. Nagbubuhat ng mga dalahin nito, nakikinig sa mga kwento o kaya’y naglilinis sa paligid ng bahay ng matanda.
  • Marami ang nagulat sa pagbabago niya. Ang iba’y napapailing pa rin pero hindi na maikakaila na nag-iba na talaga ang ugali ng binatilyo. Isang hapon habang magkasamang naglalakad sina Joshua at Aling Lucia pauwi, may isang itim na sasakyan ang huminto sa kanilang harapan. Bumaba mula rito ang dalawang magarangis na tao.
  • Isang babae at isang lalaki na halatang tagaungsod. Nagulat ang lahat nang agad silang lumapit kay Aling Lucia at halos mapaiyak sa tuwa. Nanay Lucia, matagal ka na naming hinahanap. Sigaw ng babae habang mahigpit na niyakap ang matanda. Naguluhan si Joshua. “Sino po kayo?” tanong niya. ngumiti naman ang lalaki. Kami ang mga pamangkin ni nanay Lucia.
  • Matagal na siyang hinahanap ng pamilya namin. Siya ang tanging tagapagmana ng malaking lupain at kayamanan ng aming mga lolo’t lola. Maraming taon kaming naghanap at salamat sa Diyos narito siya sa baryo niyo. Napatulala si Joshua. Naalala niya ang babala ni Mang Ernesto. Ang lahat pala ng sinabi nito ay totoo.
  • Ang matandang tinutukso at binabato niya ng bato ay hindi pala walang kwenta kung hindi isa palang pinakamahalagang tao ng kanilang lugar. Ngumiti si Lucia kahit bakas ang kalituhan sa kanyang mukha. “Hinahanap ako.” bulong niya ngunit halatang masesya sa pagyakap ng kanyang mga pamangkin. Habang pinagmamasdan ang tagpong iyon, tila may malamig na daloy sa dibdib ni Joshua.
  • Paano kung noon pa man ay narespeto ko na siya? Paano kung hindi ko siya pinagtawanan? Ngunit kahit puno ng hiya, alam niyang huli na ang lahat para bawiin ng nakaraan. Pagkaraan ng ilang araw, kumalat ang mga balita sa buong baryo. Si Aling Lucia nga ang tunay na tagapagmana ng yaman ng kanilang angkan. Ngunit imbes na magbago dahil sa pera, nanatili siyang simple.
  • Bago siya tuluyang isama ng kanyang mga pamangkin sa lungsod, kinausap niya muna si Joshua. Joshua, ihho! Mahinang wika niya habang hawak ang kamay ng binatilyo. Hindi ko kinalimutan ang lahat ng ginawa mo. Ang sakit at ang awa. Pero higit sa lahat, hindi ko rin kinalimutan ang pagbabago mo. Salamat sa mga araw na tinulungan mo akong makaramdam muli ng pamilya ha. Ang yaman.
  • Hindi ko madadala hanggang sa uli sapagkat matanda na ako. Pero ang kabutihang ipinakita mo, yun ang tunay na yaman na iiwan ko sa’yo. Hindi napigilan ni Joshua ang lumuha. Lola Lucia, patawad po sa lahat. Hindi ko po alam. Hindi ko alam kung bakit ko kayo tinrato ng ganon. Patawarin niyo po ako. Nagsisisi po ako sa lahat ng nagawa ko.
  • Ngumiti lamang ang matanda. Wala na yon iho. Ang mahalaga ay natuto ka. At mula ngayon dalhin mo ang aral ha. Huwag kang manguus ka sa panlabas na anyo at huwag gawing biro ang kahinaan ng iba. Tandaan mo ang respeto ay kayamanang hindi natatapos. Ilang linggo matapos isama si Lucia sa lungsod ng kanyang pamilya, naiwan sa baryo ang kwento ng kanyang kabutihan.
  • Ngunit higit sa lahat, naiwan kay Joshua ang aral na nagbago sa kanyang buhay. Simula noon, hindi na siya nangbubully. Sa halip, natuto siyang maging mabuting kaibigan at responsableng anak. Ang batang Pilyo ay napalitan ng isang binatilyong marunong gumalang at marunong umunawa. At tuwing naaalala niya si Alen Lucia, palagi niyang inuusal sa sarili.
  • Ang kabutihan ay mas mahalaga kaysa sa anumang yaman at ang paggalang ay hindi kailan man dapat ipinagkakait lalo na sa mga mahihina. Lumipas ang mga buwan mula ng isinama ng mga kamag-anak si Aling Lucia sa lungsod. Sa baryo, naging usap-usapan pa rin ang kanyang kwento. Ang matandang inakalang baliwat walang halaga pero siya pala ang tagapagmana ng yaman.
  • Maraming tao ang nagsisi na hindi nila ito pinaalagahan noong naroon pa siya. Ngunit higit sa lahat, si Joshua ang pinaka naapektuhan ng lahat. Hindi na siya ang dating pilyong bata na palaging nasa gitna ng gulo. Unti-unti siyang nagbago hindi dahil pinilit siya, kung hindi dahil naramdaman niya ang hiya sa kanyang sarili at ang tunay na aral mula sa nangyari.
  • Kapag naaalala niya ang mga araw na pinagtatawanan at pinagmamalupitan siya ni Aling Lucia, kumikirot ang kanyang puso. Ngunit imbes na manatili sa pagkakasala, ginawa niyang inspirasyon iyon upang maging mas mabuting tao. Naging masipag siya sa pag-aaral. Hindi na siya napapatawag ng guro para sa hermonan.
  • Natuto siyang makisama ng maayos sa mga kaklase at sa halip ng mang asar. Siya pa ngayon ang pumipigil kapag may bagong batang nagsisimulang mangbulin ng iba. Madalas niyang sabihin, “Huwag niyo ng gawin yan. Hindi niyo alam ang kwento ng taong tinutukso niyo.” Minsan habang nakaupo siya sa ilalim ng punong dating pinagtataguan niya tuwing nangaasar siya, iniisip niya si Aling Lucia.
  • Naalala niya ang mga ngiti nito. Ang mga salitang pila dati walang saysay ngunit ngayon ay malinaw na malinaw na sa kanya. Lagi mong tandaan na ang kabutihan yan ang kayamanang hindi nananakaw. >> Dumating ang isang araw na nakatanggap sila ng sulat mula sa pamilya ni Aling Lucia. Nakasaad doon ang pasasalamat dahil may batang nag-alaga at tumulong sa kanya bago nila ito natagpuan.
  • At bagaman hindi siya binigyan ng pera o materyal na bagay, may iniwan si Aling Lucia para sa kanya. Isang lumang kwentas na laging bitbit ng matanda. May isang sulat sa maliit na papel na kasama nito. Para kay Joshua, isang paalala na ang tunay na yaman ay nasa puso. Napaiyak siya sa hawak na regalo. Sa wakas, naramdaman niyang napatawad na siya ng lubos ng matanda.
  • Mula noon, ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya magiging sanhi ng luha ng kahit na sino. Natutunan niyang ang bawat tao, bata man o matanda, merroong kwento at merroong pinagdaraan. Ang iba’y nagtatago ng sakit at ala-ala na hindi natin alam. Ketang pagreseto ay nararapat lamang para sa lahat. Habang siya’y lumalaki, bitbit niya ang aral mula kay Aling Lucia.
  • Ang mga kapitbahay na dati laging galit sa kanya ay unti-unting muling nagtiwala. Ang mga guro’y pinupuri siya at ang mga kaibigan niya ay mas minahal pa siya dahil sa kanyang napakalaking pagbabago. At sa bawat ngiti na kanyang naibibigay, pakiramdam niya’y naipagpapatuloy niya ang kabutihang itinuro ni Aling Lucia.
  • [Musika] Sa kwentong ito ay marami tayong mapupulot na aral. Ang panunukso at pang-aabuso ay meroong kaparusahan at may balik na hindi inaasahan. Ngunit ang tunay na pagbabago ay nagsisimula kapag natutunan nating igalang at mahalin ang bawat tao. An ang kanilang kalagayan. Ang kabutihan ay kayamanang hindi nauubos at ang paggalang ay handog na dapat na ipagkaloob sa lahat.
  • Dito na po nagtatapos ang ating kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo at sana po ay kinapulutan niyo ng maraming aral. Kayo mga kabarangay, ano ang masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng yan. I-comment niyo na rin kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan nakaabot ang video na ito.
  • Paki-like and share na rin ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba. At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng paki-hit ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kbarangay? Hanggang sa muli.
  • Thank you so much and peace out