Kailangan ko bang ilihim?
Sana ay itago mo ang aking identity,. Nagustuhan ko talaga ang mga kuwento rito kaya nagsimula ako sa pag-follow hanggang sa pag-join. Ngayon, humantong na sa puntong gusto ko na rin mag-share ng sarili kong karanasan.
, sa kalagayan ko ngayon, naiipit ako sa isang sitwasyon na hindi ko alam kung paano makakawala.
Para akong nasa isang madilim na bangungot,ngunit ang masakit, hindi ito panaginip kundi isang malupit na reality. Hirap na hirap na ako, Kuya Jay. Gabi-gabi akong nakikipaglaban sa sarili ko kung tama ba ang pinili kong manahimik o kung nilalamon na ako ng sarili kong desisyon.
Ganito kasi ‘yun. Sa ngayon, lima na ang anak namin ng asawa ko. Pero nung matuklasan ko ang pangyayaring magpapabangungot sa akin, tatlo pa lang ang anak namin noon. Isang katotohanan na sana ay hindi ko na lang nalaman.
Dalawa lang kaming magkapatid na babae.
Ako ang panganay sa aming anim na magkakapatid, at yung kapatid kong babae ang pang-lima. Dahil separated ang parents namin , sa akin napasa ang lahat ng obligasyon.
Kahit hindi mapapantayan ang totoong pag-aalaga at pagmamahal ng magulang, ginawa ko pa rin ang makakaya ko bilang isang Ate. Ibinigay ko ang buhay ko para sa kanila, kaya ganoon na lang kasakit ang kapalit.
Nagsimula ang lahat sa mga maliit na payuhan. Pinagsasabihan ng asawa ko ang kapatid ko na bilang isang dalaga, hindi magandang kung saan-saan ginagabi kahit kaibigan pa ang kasama dahil pangit tingnan.
Aminado naman ako na iba ang pamamaraan ng pananalita ng asawa ko, maski sa mga kapatid kong lalaki. Sabihin na nating concern din naman siya, pero sadyang prangka siya at may mga masasakit na salitang nabibitawan na hindi ko ma-explain,
Noong pinagsasabihan niya ang kapatid ko, hindi ako kumikibo dahil alam kong totoo naman ang pinapangaral niya. Sabi ko pa nga sa sarili ko, “Blessed pa ako kasi may katuwang akong nagdidisiplina sa mga kapatid ko.”
Isang araw, nasa kusina ako at nagluluto ng ulam. Pumasok ako sandali sa loob dahil may kinuha ako, at doon ko nakita ang kapatid ko na babae umiiyak. Sabi ko, “Oh, bakit ka umiiyak? Huwag kang ano diyan kasi matagal ka na ring pinagsasabihan na iwasan mong ginagabi ka kung saan-saan.”
Lumabas na ako papuntang kusina, pero sinundan niya ako. Humagulgol siya ng iyak kaya tinanong ko, “Napanaoka ba?” (Nasaktan ka ba?). Doon na siya nagsalita:
“Ate, kinapa ako minsan ng asawa mo. ‘Yun ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali sa bahay.”
, Para akong hihimatayin sa tindi ng sakit sa dibdib. Buntis pa naman ako sa pang-apat na anak namin noong oras na iyon. Narinig ng asawa ko kung paano iyon sinabi ng kapatid ko. Sa takot ng kapatid ko, nagtago siya sa likod ko habang tinatanong ko ang asawa ko.
Namumula ang asawa ko noon. Alam mo ‘yung tipo na maamo ang mukha? Kaya hindi ako makapaniwala na magagawa niya ‘yun. Sabi niya, “Hindi, hindi ko ginawa ‘yan!” Nagtatalo na kami, pero ang sabi niya lang, “Huminahon ka at buntis ka, baka kung ano pa ang mangyari sa iyo. Pag-uusapan natin ito.”
Doon, biglang nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Hindi na ako nagpapahawak. Pinipigilan niya ang bunganga ko na huwag daw akong mag-eskandalo dahil nakakahiya. Sabi ko, “Wala ka namang talagang hiya, kasi kung meron, hindi mo magagawa iyan sa kapatid ko mismo!”
Pero sa huli, nakontrol ko rin ang sarili ko. Alam ko kasing nakakahiya at maari din siyang mapatay ng tatay ko kapag nalaman ng side namin. At the same time, nasa bahay kami ng biyanan ko dahil nga buntis ako. Kumain muna kami ng mga anak at kapatid ko, tapos pagkatapos noon ay umuwi na kami sa munting bahay namin na medyo malapit lang sa bahay ng biyanan ko.
Doon kami natulog. Sinundan kami ng asawa ko roon na umiiyak na, pero hindi ko na siya kinibo. Kinaumagahan, nagpaalam siyang may trabaho sa uma (bukid). Hindi na ako nagsasalita. Kinausap ko ng masinsinan ang kapatid ko. Sabi ko, “Bakit ngayon mo lang sinabi e matagal na pala?”
Sabi niya, dalawa pa lang daw ang anak namin nung ginawa ‘yun ng asawa ko sa kubo namin sa bukid. Natakot daw siya kaya hindi siya nakapagsalita agad.
Sabi ko, “Ngayon, ang dami na nating anak… ang hirap.”
Mahal ko ang asawa ko,. As in mahal. Kaya sobrang naiipit ako sa sitwasyon ko. Magdamag akong nag-isip kung ano ang gagawin ko. Kapag hindi ko hiniwalayan ang asawa ko, malalaman at malalaman pa rin ito ng mga kapamilya namin. Kapag tinanong nila ang kapatid ko at sinabi niyang alam ko ang nangyari pero nanatili ako, madadamay kaming lahat, baka pat@yin silang dalawa.
Pero iniisip ko naman ang kalagayan ng mga anak ko.
Lahat sila, malapit sa tatay nila. Iniisip ko, kapag hinanap nila ang tatay nila, anong isasagot ko? Kapag naghiwalay kami nang biglaan at nagtanong ang mga kapitbahay kung anong dahilan, anong sasabihin ko? Nakikita naman kasi nila kung gaano namin kamahal ang isa’t isa.
Kaya ‘yun nga, , mas nanaig pa rin sa akin ang kapakanan ng mga anak ko. Tinanong ko ulit ang kapatid ko, “Kinapa ka lang ba talaga o may ginawa pa sa iyo, o ginalaw ba sya,? Sabi niya, wala naman daw, kinapa lang.
Ayun, sinabi ko sa kanya, “Kaya mo ba na makita ang mga anak ko na magdurusa? At kaya mo pa bang tanggapin siya bilang bayaw
Sabi niya oo, pero alam kong sapilitang sagot lang ‘yun.
Sabi ko sa kapatid ko, kung maipapangako niya na wala siyang pagsasabihan, hindi ako makikipaghiwalay. Bukod sa mahal ko ang asawa ko at hindi ko kayang biglaan siyang hindi makapiling, hindi ko rin kayang makitang umiiyak ang mga anak ko at hinahanap ang tatay nila.
 hindi lang basta hiya ang kinatatakutan ko. Ang mas malalim na dahilan kung bakit tinitikom ko ang bibig ko ay dahil sa tindi ng aming tradisyon. Sa pamilya namin, ang ganitong uri ng pagtataksil at pambab@stos sa sariling dugo ay hindi pinapalampas.
Kapag nalaman ito ng mga kamag-anak ko, lalo na ng tatay ko, alam kong hindi lang simpleng away ang mangyayari. Siguradong may dad@nak na dug*
Natatakot ako dahil alam kong map@p@tay nila ang asawa ko. At dahil alam ko ang nangyari pero pinili kong manatili sa kanya, baka pati ako ay madamay at ituring na traydor sa sarili kong kapatid. Ang tradisyon namin ay malupit pagdating sa dangal ng pamilya, isang pagkakamali lang, kamat@yan agad ang kab@yaran.
Gabi-gabi, nakatingin ako sa mga anak ko habang natutulog sila. Ang papait ng mga luha ko dahil naiisip ko na sa isang iglap, pwedeng maubos ang pamilya namin. Naiipit ako sa pagitan ng pagiging isang Ate at pagiging isang Ina.
Kung isusumbong ko ang asawa ko, mawawalan ng ama ang mga anak ko at baka mawalan din ako ng asawa habambuhay dahil sa galit ng mga kamag-anak ko. Pero kung itatago ko naman ito, habambuhay akong uusigin ng konsensya ko dahil hinayaan kong manatili sa iisang bubong ang taong nambastos sa kapatid ko.
Kaya kahit durog na durog na ako, pinili kong pakiusapan ang kapatid ko. Sabi ko sa kanya, “Ilihim na lang natin ito. Isipin mo ang mga pamangkin mo. Alam ko,  na napaka-selfish ng hiling ko sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot at ang pilit na pag-oo, pero wala akong magawa. Kailangan kong protektahan ang buhay ng asawa ko mula sa mga kamay ng sarili kong pamilya, kahit na ang asawa ko mismo ang sumira sa tiwalang ibinigay ko.
Hanggang ngayon, bawat kilos ng asawa ko ay binabantayan ko. Hindi na ako mapakali sa sarili kong bahay. Para akong nakatira sa ilalim ng isang matalas na espada na anumang oras ay pwedeng mahulog at tapusin ang buhay naming lahat. Ang hirap magpanggap na masaya sa harap ng mga kapitbahay at biyanan, habang sa loob mo ay punong-puno ka ng takot na baka bukas, malaman nila ang lahat at doon na magtatapos ang lahat.
Napakahirap, Ang sakit-sakit sa loob na kailangang magpanggap na maayos ang lahat para sa katahimikan ng pamilya.