-
Mainit ang sikat ng araw tuwing linggo sa baryo ng San Isidro. Ngunit mas mainit ang pakiramdam ni Carmen, tuwing tumatapak sila sa bakuran ng malaking mansyon ni Donya Leonora. Bata pa lamang siya noon ngunit malinaw sa kanyang isipan ang bawat titig, bawat buntong hininga at bawat salitang may laso na ibinabato sa kanyang mga magulang.
-
Ang kanyang ama, si Mang Ruben, ay isang karpinterong halos hindi na makapagpahinga sa kakahanap ng pagkakakitaan. Ang kanyang ina namang si Aling Martha ay naglalabada sa mayayamang pamilya. upang may pangtustos sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Ang kanilang bahay ay yari sa pinagtagpi-tagping kahoy at yero.
-
Malayo sa grandeng tahanan ng kanyang tiyahin. Tuwing may handaan sa mansyon, inaanyayahan naman sila ngunit hindi bilang kapantay. Isang beses nga sa kaarawan ng anak ni Donya Leonora na si Adriano, pinapunta sila upang makisaya. Ngunit pagdating nila, pinatayo lamang sila sa may gilid ng bakuran. “Diyan lang kayo ha.
-
” Malamig na sabi ng donya habang tinatanaw nito ang sapatos ni Aling Martha. “Baka marumihan pa ang sahig.” Napayuko na lamang si Aling Martha. Si Mang Roben naman ay pilit na ngumiti. Ngunit kita ni Carmen ang higpit ng pagkakasara ng kamao ng kanyang ama. Habang ang ibang bata ay nagtatakpuhan sa loob ng mansyon, si Carmen ay nakaupo lamang sa bangko sa labas.
-
Nakikita niya ang liwanag mula sa loob, mga kristal na ilaw, makintab na marmol sa sahiga at mamahaling mesa na puno ng pagkain. Ang kanyang bao na tinapay ay biglang tila lumiit sa kanyang palad. Minsan pa nang mangutang si Mang Ruben upang maipagamot ang lagnat ni Carmen, tumungo sila sa mansyon. Pinapasok naman sila ngunit hindi pinaupo.
-
“Ruben,” sabi ni Donya Lonora [musika] habang hinihimas ang kanyang mamahaling kwintas. Hindi habang buhay aasa ka lang sa awa ng iba. Pero yun, babayaran ko naman. Pango. Mahina ang ngunit matatag na sagot ng ama ni Carmen. Ngumiti ang donya, isang walang init. Kung marunong ka lang sana eh sana umasenso ka na.
-
Tignan mo nga ang anak mo. Kung magaling ka saan ng ama eh sana nabigyan mo ng magandang buhay yan. Pero ang nakikita ko sa kanya parang hanggang sa pagtanda eh magiging katulong lang. Parang may kumurot sa puso ni Carmen. Bata pa siya ngunit malinaw na sa kanya ang ibig sabihin ng pangmamaliit. Sa bawat pag-uwi nila mula sa mansyon, tahimik ang biyahe pauwi.
-
Ngunit sa loob ng kanyang murang isip, may namumuong panata. Isang gabi, habang nakahiga siya sa manipis na banig, narinig niya ang mahinang pag-ihak ng kanyang ina. Nakaupo si Mang Ruben sa tabi nito. Hawak ang kamay ng asawa. Darating rin ang araw maharta. Bulong ng ama ni Carmen. At sa dilim ng kanilang maliit na tahanan, nagmulat si Carmen ng kanyang mga mata. Hindi siya umiyak.
-
Hindi siya nagsalita. Ngunit sa puso niya ay may apoy na hindi basta-basta mapapatay. Balang araw mahina niyang bulong sa sarili. Hindi na kami yuyhira. Lumipas ang mga taon ngunit hindi kumupas ang mga salitang minsang tumarak sa murang puso ni Carmen. Sa bawat paggising niya ng madaling araw upang tumulong sa kanyang ina sa paglalakoang kakanin, sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang malamig na boses ni Donya Lonora.
-
4:00 pa lamang ng umaga ay gising na si Aling Marta. Sumisingaw ang init mula sa nilulutong bibingka habang tahimik na hinahalo ni Carmen ang galapong. Sa labas naghahanda na si Mang Ruben para sa isa na namang araw ng pagkakarpintero. “Anak, magpahinga ka muna.” sabi ng ina minsan [musika] ngunit ngumiti si Carmen.
-
Ayos lang po, Nay. Mas maaga akong matatapos. Mas maaga akong makakapag-aral. Sa paaralan, hindi siya kabilang sa mga batang may bagong bag o mamahaling sapatos. Minsan tinatahi na lamang niya ang lumang tsinelas upang hindi tuluyang masira. Ngunit sa kabila ng kakulangan, siya ang laging nangunguna sa klase. Tahimik, masipag at determinado.
-
May mga kaklaseng bumubulong patungkol sa kanyang lumang unipore. May ring nagsasabing mahirap lang siya kaya dapat maghinay-hinay sa pangarap. Ngunit sa tuwing naaalala niya ang mga gabing umiiyak ang kanyang ina, mas lalo siyang nagsusumikap. Isang hapon, matapos ang recognition day sa elementary kung saan siya ang naging validictorian, wala ni isa mang kamag-anak ang dumalo maliban sa kanyang mga magulang.
-
Nakasuot ng simpleng barong si Mang Ruben at si Aling Martha naman ay nakapanghir lamang ng bestida. Sa gilid ng entablado, nakita ni Carmen ang ilang mga kamag-anak kabilang si Donya Lonora na dumalo para suportahan ang iba niyang pinsan. Sandali siyang nag-abang ng tingin mula sa donya ngunit tila wala itong pakialam.
-
“Congratulations,” maikling bati nito habang nakatingin sa ibang direksyon. Sana kayanin mong panindigan ang talino mo. Hindi yun papuri. Paalala yun na hindi sapat ang talino kung mahirap ka. Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, ginamit iyon ni Carmen bilang gasolina sa kanyang pangarap. Nang makatapos siya ng high school bill ang top student muli, nakakuha siya ng scholarship sa isang kilalang unibersidad sa Maynila.
-
Doon niya mas naramdaman ang agwat ng estado sa buhay. May mga kaklaseng may sariling sasakyan. May allowance na ikit pa sa kinikita ng kanyang ama sa isang buwan. Upang makatulong sa gastusin, tumanggap siya ng parttime na trabaho sa isang maliit na cafe malapit sa kanilang campus. Doon niya nakilala si Professor Daniel, isang negosyanteng nagtuturo ng entrepreneurship bilang volunteer lecturer.
-
Napansin nito ang sipag at talas ng isip ni Carmen. Hindi ka lang pangempleyado, Iha. Sabi ng professor. May isip kang pangnegosyante. Ang mga salitang iyon ay tumimo sa kanya. Sa unang pagkakataon, may taong naniwala sa kakaya niya ng walang pagduda. Sa gabing iyon, tumawag siya sa kanyang mga magulang. “Tay, nay, sabi niya sa kabilang linya.
-
Ako naman po ang aahon sa atin. Hindi na tayo babalik sa dati. Sa maliit nilang bahay sa probinsya, tahimik na napaluha si Aling Martha. At si Mang Roben na sanay ng magtiis ay napangiti ng may pag-asa. Hindi pa man natutupad ang pangarap pero ramdam na nila ang pagbabago. At sa puso ni Carmen, ang apoy na minsang sinindihan ng pang-api.
-
Ngayon ay nagsisilbing ilaw sa landas patungo sa tagumpay. Hindi naging madali ang unang hakbang ni Carmen sa mundo ng negosyo matapos niyang makapagtapos sa kursong business administration bilang isa sa may pinakamataas na marka sa kanilang batch. Marami ang nag-alok sa kanya ng trabaho. Ngunit sa halip ng maging empleyado, pinili niyang magsimula ng kanyang sarili.
-
Naalala niya ang sinabi ni Professor Daniel. Ang negosyo hindi lang patungkol sa pera. Patungkol ito sa problema na kaya mong solusyunan. Sa probinsya nila, maraming lupainang napapabayaan. May mga magsasakang kulang sa puhunan at kulang sa kaalaman sa tamang distribusyon. Ito ay nagsimula ang ideya ni Carmen.
-
Isang agri business natutulong sa maliliit na magsasaka na maibenta ng tama ang kanilang ani sa mas malaking pamilihan. Ang una niyang puhunan ay maliit lamang. Ipon mula sa part-time jobs at kaunting tulong mula sa scholarship grant na kanyang naipon. Nagrenta siya ng maliit na bodega. Wala siyang magarang opisina.
-
Wala ring sekretarya. Siya ang tumatawag sa mga buyers. Siya ang nag-aayos ng mga papeles. At siya rin minsan ang nagbubuhat ng mga produkto kung kinakailangan. Sa unang taon, muntika na siyang sumuko dahil sa hirap. May isang buyer na hindi nagbayad kaagad dahil doon ay inalugi siya sa isang batch ng gulay na nasira dahil sa delay sa delivery.
-
Ilang gabi siyang hindi nakatulog non. Iniisip kung tama ba ang desisyon niyang tahakin ng ganitong landas. Ngunit tuwing maiisip niya ang maliit nilang bahay noon, ang mga matang puno ng pagod ng kanyang ina at ang mga salitang minsang ipinukol sa kanila, bumabalik ang kanyang lakas. Unti-unti nakilala ang kanyang negosyo.
-
Naging maayos ang sistema ng distribusyon. Nakakuha siya ng kontrata sa isang supermarket chain. Ang maliit na bodega ay napalitan ng mas malaking warehouse. Nagkaroon siya ng mga empleyado. Mga dating magsasaka ngayon ay may regular na kita. Isang gabi habang nasa opisina siya may tawag mula sa isang matandang kakilala sa baryo.
-
Garmen, sabi nito sa kabilang linya. Narinig mo na ba ang balita patungkol kay Donel Yonora? Natahimik siya. Ba na raw sa utang nalugi ang negosyo. Yung anak niyang si Adriano naloko sa maling investment. Ibinenta na ang ilan nilang sasakyan. At ngayon pati mansyon at lupa ay binebenta na rin. Hindi kaagad nakapagsalita si Carmen.
-
Sa loob ng maraming taon, iniisip niya kung ano ang mararamdaman niya kapag dumating ang ganitong sandali. Galit ba, saya o paghihiganti? Ngunit ang naramdaman niya ay kakaibang katahimikan. Ibinaba niya ang telepono at tumingin sa bintana ng kanyang opisina. Mula roon, tanaw niya ang ilaw ng lungsod. Patunay ng kanyang pinaghirapan.
-
Hindi niya kailan man hiniling ang pagbagsak ng kanyang tiyahin. Ngunit alam niyang ang mundo ay may paraan ng pagtutuwid ng mga maling hakbang. Kinabukasan, lumabas sa lokal na pahayagan ng balita na ang kilalang negosyante daw sa San Isidro ay nagbebenta ng mga ari-arian upang makapagbayad sa utang. Habang binabasa yon ni Carmen, unti-unting bumalik sa kanyang ala-ala ang malawak na hagdanan ng mansyon.
-
Ang marmol na sahig na ipinagkait sa kanilang tapakan at ang boses na minsang nagsabing hanggang katulong lamang ang mararating niya. Isinara niya ang pahayagan at tinawagan ng kanyang legal advisor. “Hanapin niyo kung sino ang nangangasiwa sa bintahan ng lupain at mansyon.” Kalmado niyang sabi.
-
Internteresado kasi akong bumili. Sa kabilang linya may sandaling katahimikan. Personal niyo po bang hahawakan? Bahagyang ngumiti si Carmen. “Hindi naman. Gawin natin itong tahimik.” At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, tila umiikot muli ang gulong ng tadhana. Ngunit ngayon pabor na sa kanya. Unti-unting nabalot ng katahimikan ang dating masiglang mansyon ni Donya Leonora.
-
Ang malawak na harding dati puno ng mga imported na bulaklak ay nagsimulang malanta. Ang marmol na hagdan ang minsang ipinagmalaki ng donya ay tila nawalan ng kinang. Parang salamin ang kanyang kasalukuyang kalagayan. Sunod-sunod ang pagdating ng mga sulat mula sa bangko. May mga tawag na hindi niya sinasagot.
-
May mga kaibigang dati palaging nakaupo sa kanyang sala tuwing may salo-salo. Ngunit ngayon ay hindi na nagpaparamdam. Isang umaga, nakita ng mga kapitbahay ang paghatak sa isa sa kanyang mamahaling sasakyan. Tahimik lamang si Donya Lonora. Habang pinapanood iyon mula sa bintana, ang kanyang anak na si Adriano ay hindi makatingin ng diretso.
-
“Ma, maayos din ito.” pilit nitong sabi. Ngunit alam ng Donya na malalim na ang sugat ng kanilang pagkakamali. Ang maling pag-invest sa isang negosyong ipinangako ni Adriano na siguradong kikita ang nagsimula ng lahat ng ito. Nang bumagsak ang merkado, Domino na ang sumunod. Utang dito, utang roon, sanglarito at sanglaroon.
-
Hanggang sa wala ng natara kung hindi ang mansyon at lupain. At ngayon pati ang mga iyon ay kailangang bitawan. Sa loob ng opisina ng isang kilalang real estate broker sa bayan, tahimik na pumirma si Donya Linora sa papelas ng pagbebenta. Hindi niya kilala ang buyer. Isang korporasyon ang nakalagay sa dokumento.
-
Isang pangalan na wala sa kanyang ala-ala. Sigurado po ba kayong ito na ang pinakamataas na alok? May bahid pa rin na aoridad sa kanyang tinig. Opo, Donya. Ito na po. Magalang na sagot ng broker. Cash payment po ito. Mabilis po ang proseso. Cash. Isang salitang dati maliit para sa kanya.
-
Ngunit ngay tila nagdadala ng mabigat na katapusan. Samantala, sa kanyang modernong opisina sa lungsod, tahimik na nakaupo si Carmen habang tinatanggap ang report ng kanyang abogado. Naaprubahan na po ang pagpili, ma’am. Ilang linggo na lang. tuluyan ng malilipat ang titulo. Tumango si Carmen. Wala ni anumang emosyon ang makikita sa kanyang mukha.
-
Ngunit sa loob niya’y unti-unting bumabalik ang mga ala-ala. Ang bakurang iyon kung saan sila pinatayo, ang pintuang hindi nila maaaring tahakin. Ang hagdang bawal nilang akyatin. Gusto ko ng full discretion. Dagdag niya. Walang makakaalam hangga’t hindi pa tapos ang lahat. Opo, ma’am Carmen. Ibinaba niya ang telepono at saglit na ipinikit ang mga mata.
-
Hindi niya inaasahan na darating ang pagkakataong ito. Ngunit heto na parang isang eksenang dahan-dahang binubuo ng panahon. Sa mansyon, nagsimula ng iempake ang mga natitirang gamit. Ang ilang antigongebles ay pinasubasta. Ang malalaking painting sa dingding ay isa-isa ng tinanggal. Habang naglalakad si Donya Lonora sa loob ng halos bakanteng sala, tila naririnig niya ang mga dating halakhakan, ang tunog ng baso tuwing may handaan at ang kanyang sariling boses.
-
Malakas, mayabang, puno ng kumpyansa. Ngunit ngayon ang naririnig na lamang niya ay ang tunog ng kanyang takong sa malamig na sahig ng kanilang dating mansyon. Tapahinto siya sa tapat ng malaking salamin. Tinitiga niya ang sariling refleksyon. Hindi na yan ang dating babaeng kinakatakutan at hinahangaan ng lahat.
-
Sa kauna-unahang pagkakataon, may bahid ng takot ang kanyang mga mata. At habang papalapit ang aral ng Pinal na turnover, hindi niya alam na ang bagong may-ari ng kanyang kaharian ay hindi isang estranghero. Ito ay isang pangalang matagal na niyang minamali. isang pangalang babalik upang ipaalala sa kanya ang mga aninong minsan niyang nilikha.
-
Tahimik ang conference room ng law firm na humahawak sa bentaha ng mansyon. Makapal ang mga dokumentong nakalatag sa mesa. Mga titulo ng lupa, dead of sales. Clearance mula sa bangko. Sa bawat paina, may katumbas na ala-ala ang lugar na ‘yon. Sa kabilang panig ng lungsod, nasa opisina si Carmen habang nakikipag-video call sa kanyang abogado.
-
“Sigurado na po, ma’am.” sabi nito. Sa araw ng pirmahan, ililipat na po ang buong pagmamay-ari sa ilalim ng San Isidro Harvest Corporation. Yun ang pangalan ng kanyang kumpanyang itinataga. Ilang taon na ang nakakalipas. Walang nakakaalam na siya mismo ang pangunahing may-ari nito. Walang dapat makaalam, paalala niya.
-
Hanggang sa ako mismo ang magsabi. Opo, ma’am. Ibinaba niya ang tawag at saglit na tumingin sa frame photo doon sa kanyang mesa. Larawan nilang tatlo nina Aling Martha at Mang Ruben nong araw ng pagtatapos niya sa kolehiyo. Simple lang ang suot niya ngunit punong-puno [musika] ng ngiti. Kinagabihan, hindi napigilan ni Carmen ang sarili.
-
Mag-isa siyang nagmaneho papunta sa probinsya. Nakatigil siya sa tapat ng lumang gate ng mansyon. Naka-lock na ito at wala ng mga ilaw na dati kumikinang tuwing gabi. Bumaba siya ng sasakyan at maraang hinawakan ng malamig na bakal ng gate. Saglit siyang napapikit parang bumalik ang lahat.
-
Ang batang siya na nakaupo sa labas habang ang ibang bata ay naglalaro sa loob. Ang ina niyang tahimik na nilalamon ng kahihiyan. Ang amang pinipilit na ngumiti sa kabila ng pangmamaliit. Dahan-dahan siyang naglakad paikot sa bakod. Hindi pa opisyal ang turnover. Ngunit sa kanyang isip, malinaw na. Ang lugar na yon ay malapit ng mapasa kanya.
-
Samantala, sa loob ng halos bakanteng mansyon, abala si Donya Lonora sa pag-aayos ng natitirang gamit. Isang malalaking kahon na lamang ang nakakalat sa sahig. Ma, kailan daw lilipat ang bagong may-ari? Tanong ni Adriano. Sa loob ng isang linggo anak. Malamig niyang sagot. Hindi man lang nagpakilala. May halong pait ang kanyang boses.
-
Sanay siyang siya ang kinakausap ng direkta. Sanay siyang siya ang may kontrol sa negosyasyon. Ngunit ngayon tila isa na lamang siyang karaniwang nagbebenta na walang kapangyarihan. Sa araw ng pirmahan, maagang dumating si Donya Leonora sa opisina ng abogado. Nakaayos pa rin siya ng maigi. Parang ayaw ipakita ang anumang bakas ng pagkatalo.
-
Isa-isang pinirmahan ng mga dokumento. Bawat lagda ay tila kumakalas sa kanyang pagkatao. Congratulations po, sabi ng abogado. Officially transferred na po ang property. “Pwede ko bang malaman kung sino ang bagong may-ari?” tanong niya. Pilit na kalmado. Sa turnover meeting niyo po malalaman. Naayos po kasi ng buyer na personal na ipakilala ang kanyang sarili.
-
Baggiang nagtaas ng kilay ang donya. May kung anong pakiramdam ang gumapang sa kanyang dibdib. Isang hindi maipaliwanag na kaba. Sa kabilang banda, tinanggap ni Carmen ang kumpirmasyon ng kanyang abogado. Pinal na po, ma’am. Sa susunod na linggo po ang formal turnover, nao po ang likal na may-ari talaga. Natahimik siya sandali, ilang taon na pagsusumikap, ilang taon ng pagbaon sa ala-ala ng pangmaliit.
-
At ngayon sa isang pirma, nabawi niya ang lugar na minsang naging simbolo ng kanilang kahihian. Ngunit hindi galit ang nangingibabaw sa kanya. Isa itong kakaibang pakiramdam. Hindi paghiganti kung hindi pagtupad sa isang panata. Tumayo siya at tumingin sa bintana ng kanyang opisina. Sa refleksyon ng salamin, hindi niya na nakikita ang batang tahimik na pinahiya.
-
Ang nakikita niya ngayon ay isang babaeng handang harapin ng nakaraan. Hindi para gumanti kung hindi para itama ang ikot ng tadhana. At sa susunod na linggo magtatagpo muli ang kanilang lindas. Dumating ang araw ng penal na turnover. Maagang nagising si Donya Lenora. Pinili niyang isot ang isa sa natitira niyang mamahaling damit.
-
isang simbolo ng dati niyang estado. Ayaw niyang magmukhang talunan kahit alam niyang wala na ang mansyong minsan niyang ipinagmalaki. Sa conference hall ng abogado, ginanap ang formal na turnover. Tahimik ang paligid, naroan ng broker, ang abogado at ilang mga staff. Ngunit wala pa ang bagong may-ari. Parating na raw po siya,” sabi ng secretary.
-
Bahagyang tumango ang donya ngunit may kung anong kaba ang gumugulo sa kanyang dibdib. Ilang minuto pa ang lumipas ng bumukas ang pinto. Unang pumasok ang isang lalaking naka-amerikana, ang legal advisor. Sumunod ang isang babaeng nakasuot ng simpleng ngunit eleganteng bestida. Diretso ang tindig. Tiwala ang hakbang.
-
Saglit na hindi nakilala ni Donya Leonora ang mukha. Ngunit nang tuluyang magtama ang kanilang mga mata parang tumigil ang oras. “Magandang umaga po Donya.” Mahinaong bati ng babae. Nlaki ang mga mata ng Donya. “Kaarmen.” Tahimik na tumango si Carmen. Parang bumagsak ang lahat ng ingay sa paligid. Ang abogado ay nagpatuloy sa pagpapaliwanag ngunit tila malayo ang mga salita.
-
Sa isip ni Donya Leonora, sunod-sunod na bumabalik ang dating ala-ala. Ang batang si Carmen na nakaupo sa gilid ng bakuran. Ang kanyang sariling boses na nagsasabing hanggang katulong lang ang mararating nito. Ang paghingi ng tulong nina Aling Martha at Mang Ruben. Kasama na roon ang malamig niyang pagtawa. Ngayon ang batang minsan niyang minaliit ay nakatayo sa kanyang harapan bilang may-ari ng lahat ng minsan niyang ipinagkait.
-
Ikaw ikaw ang bumili. Mahina niyang tanong. Opo. Sagot ni Carmen ng kalmado. Sa ilalim ng kumpanya ko. Hindi galit ang tono. Hindi rin mayabang. Isang payabang kumpyansa lamang. Nakaupo si Donya Lonora. Sa unang pagkakataon wala siyang masabi. Hindi ko po sinadya na ipahiya kayo. Dagdag ni Carmen.
-
Tahimik lang ang proseso dahil mas maayos yun para sa negosyo. Napapikit ang donya. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging katapusan ng kanyang kaharian. Tadhana na nga naman. Bulong niya. Sandaling natahimik ang silid. Lumapit si Carmen sa mesa at marahang hinawakan ng isang dokumento. Ang titulo ng mansyon. Marami pong ala-ala ang lugar na ito.
-
Sabi niya, “Hindi lahat maganda pero mahalaga pa rin.” Nag-angat ng tingin si Donya Lonora. “Gaganti ka ba?” diretso ng tanong nito na may bayad ng takot. Hindi kaagad sumagot si Carmen. Sa halip, tumingin siya sa malawak na bintana ng Conference Hall kung saan tanaw ang bahagi ng lupain. “Hindi po ako nandito para gumanti.
-
” Sagot niya sa wakas. Nandito ako para tapusin ang isang siklo. Napaluha si Donya Lonora. Hindi dahil nawala ang mansyon kundi dahil ngayon niya lamang tunay na naramdaman ang bigat ng kanyang ginawa noon. Ang batang dati wala siyang nakitang halaga. Siya ngayon ang nagpapaalala sa kanya ng kahulugan ng kababaang loob.
-
Sa loob ng ilang minuto, pormal ng natapos ang turnover. Opisyal ng si Carmen ang may-ari ng mansyon at lupain. Habang papalabas ng silid si Donya Lonora, tila mas mabagal ang kanyang hakbang. Hindi na siya ang reyna ng lugar na yon. At sa likod niya nakatayo si Carmen. Hindi bilang naghihiganti kung hindi bilang patunay na ang pang-aapi ay maaaring maging binhi ng tagumpay.
-
Ngunit hindi paroon nagtatapos ang kwento dahil may plano si Carmen para sa mansyon. Isang plano na tuluyang magbabago sa kahulugan ng lugar na yon. Makalipas ang ilang araw matapos ang pagbubunyag. Bumalik si Carmen sa mansyon. Mansyon na ngayon ay legal na niyang pag-aari. Kasama niya sina Aling Martha at Mang Ruben.
-
Hindi alam ng kanyang mga magulang ang bagong detalye. Sinabi lamang niya na may mahalaga siyang ipapakita. Habang papasok sila sa malaking gate, napahinto si Aling Martha. “Anak, Tito. Pero bakit?” Ngumiti lang si Carmen. Opo, Nay. Mabagal ang kanilang paglalakad sa marmol na hagdan. Ang hagdanang dati bawal nilang tapakan. Dahil doon hindi maiwasang mapaluha si Mang Ruben.
-
“Hindi ko akalaing makakapasok tayo rito ng ganito, anak,” mahina niyang sabi. Sa loob ng mansyon, marami nang nabawas sa gamit. Ngunit nanatili ang lawak, ang kisam na mataas, ang malawak na bintana. Sa gitna ng sala, humarap si Carmen sa kanyang mga magulang. Ako po ang bumili ng mansyon at ng lupain. Diretso niyang sinabi. Saglit na natahimik ang dalawa.
-
Anak, nanginginig ang tinig ni Aling Marta. Bakit hindi mo sinabi? Dahil gusto ko pong siguraduhin muna. Sagot ni Carmen. Gusto kong mabawi hindi lamang ang lugar na ito kung hindi pati na rin ang dangal natin. Napaluha ang kanyang ina at niyakap siya. Si Mang Roben naman ay tahimik na tumango. Puno ng pagmamalaki.
-
Ngunit hindi yan ang tunay na plano ni Carmen. Kinabukasan, ipinatawag niya si Donya Lonora at si Adriano sa mansyon. Nag-alinlangan man pero pumunta pa rin ang dalawa. Sa malawak na sala, nagharap silang muli. Wala ng bakas ng dating kapangyarihan ng donya. Mas simple ang ayos, mas mababa ang tindig. “May sasabihin po ako,” panimula ni Carmen. Tahimik silang nakinig.
-
“Ang mansyon at lupa ay hindi ko gagawing pribadong tirahan.” Napakunot ang nonriano. “Ito ay gagawin kong foundation center para sa mga batang mahirap sa San Isidro. magkakaroon ng scholarship program, livelihood training para sa mga magulang at support sa maliliit na magsasaka. Napatitig si Donya Lonora.
-
Bakit? mahina niyang tanong dahil alam ko ang pakiramdam nung minamaliit. Sagot ni Carmen. At ayokong may batang maranasan iyon. May isa pa po dagdag niya. Pase sa lumang records na nahanap ng legal team ko, ang lupang ito raw ay orihinal na pag-aari ng ating lolo. Ipinamana ito sa magkakapatid, sa ama ninyo at sa ama ni tatay.
-
Ngunit sa hindi malinaw na paraan napunta ang buong titulo sa inyo. Nlaki ang mga mata ni Donya Lonora. Hindi ko alam ‘yun. Halos pabulong na sabi niya. Hindi ko po kayo inaakusahan. kalmadong sagot ni Carmen. Pero ang pagbili ko nito ay hindi lang para sa negosyo. Isa itong pagbawi sa dapat na patas mula pa noon.
-
Napaupo si Donya Lonora tila nawalan ng lakas. Kung nais ninyo, patuloy ni Carmen, maaari kayong manatili rito bilang caretaker ng foundation. Pero hindi bilang may-ari, hindi bilang donya, kung hindi bilang bahagi ng pagbabagong sisimulan natin, tahimik ang buong silid. Sa unang pagkakataon, yumuko si Donya Leonora. Hindi dahil sa napahiya, kung hindi dahil natauhan siya.
-
“Marami akong pagkukulang,” mahina niyang sabi. “At kung papayag ka, gusto kong itama ang kaya ko pang itama.” Lumapit si Carmen at tumango. Hindi niya binura ang nakaraan. Hindi niya rin hinayaang maghari ang galit. Sa labas ng mansyon, nagsimulang magtipon ang ilang mga bata mula sa baryo. Naglalaro sa malawak na damuhan.
-
Isang tanawin na noon ay para lamang sa iilan. Habang nakatanaw si Carmen kasama ang kanyang mga magulang, napangiti siya. Ang sugat ng kahapon ay hindi niya napasan bilang bigat. Ginawa niya itong tulay at sa wakas ang mansyon na minsang naging simbola ng pang-aapi ay naging tahanan ng pag-asa. Sa kwentong ito ay marami tayong mapupulot na aral.
-
Isa nang arian, ang pangapi ay hindi kailan man nagtatagal. Maaaring sa simula ay tila panalo ang may kapangyarihan. Ngunit ang panahon ay may sariling paraan ang pagbabalik ng lahat ng ginawa natin. Mabuti man ito o masama. Dito na po nagtatapos ang ating kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo at sana po ay kinapulutan niyo ng maraming aral.
-
Kayo mga kbarangay, ano ang masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng yan. Paki-like and share na rin ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba. At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng pakita ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito.
-
So paano mga kbarangay? Hanggang sa muli. Thank you so much and peace ou
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load