-
Septyembre 212 Sa isang lumang kumbento sa Albay natagpuan ang katawan ni Jerome Hasinto 22 anyos sakristan na matagal ng nagsisilbi sa simbahan nakahandusay siya sa sahig ng bodega sa likod ng kumbento. ay tama sa ulo at nakasubsob. Bukod sa katawan ay wala ng ibang nakitang kahin-hinala sa loob ng silid. Ang balitang ito ay labis na gumulantang sa mga tagaparokia.
-
Kilala si Jerome bilang tahimik, magalang at laging maaasahan tuwing may misa o mga pagtitipon. Lumaki siyang malapit sa simbahan at malimit niyang ginugol ang kanyang oras sa pananatili roon. Kaya’t ang pagkawala niya ng buhay sa ganitong paraan ay isang malaking misteryo. Dumating ang mga pulis bandang 9 ng umaga at agad na nagsagawa ng imbestigasyon.
-
Habang sinusuri ang paligid, napansin nila ang mga natuyong bakas ng sapatos na tila mula sa babae. Sa pagsusuri ng katawan ng binata, natuklasan ang fingerprint ng isa sa mga madre ng kumbento. Si sister Veronica Alcaraz, 29 anyos na ayon sa bulung-bulungan ay malapit sa biktima. [Musika] Huling nakita si Jerome kasama ni Sister Veronica bago ito mawala.
-
Nang tanungin siya tungkol dito, hindi siya agad nagbigay ng malinaw na paliwanag. Marami ang nagtanong kung bakit siya tahimik sa panahon na dapat sana ay tumutulong siya na maituwid ang mga pangyayari. Dahil dito, pansamantalang isinara ang kumbento para sa internal investigation. Ang mga tao sa paligid ay nagsimulang magdikit-dikit ng mga sariling bersyon ng kwento.
-
Mga kwentong may malisyosong dating. Bagam’t wala ni isa man ang makapagpatunay na totoo ang mga ito. Ngunit ang katotohanan ay laging may paraan upang mangibabaw at wala ni isa man sa mga tagakumbento ang naging handa para sa rebelasyon na nagbabadyang mabunyag. Matagal ng kilala si Sister Veronica ng mga tao sa simbahan at maging ng publiko.
-
Pumasok siya bilang postulent sa edad na 15. Ilang buwan matapos umalis sa sariling tahanan sa Camarines Norte. Lumaki siya sa pamilyang deboto ngunit ang loob ng bahay ay hindi kailan man naging tahimik. Ang kanyang ama ay mainitin ang ulo, madalas umuwi na lasing at may kasaysayan ng pananakit sa kanilang mag-ina. Sa simbahan siya unang natutong huminga ng maluwag.
-
Doon siya lumapit sa mga madre. Nag-alay ng oras bilang choir aid at cleaner hanggang tuluyan siyang sumama sa buhay kumbento. Sa mga sumunod na taon. Isinagawa kay sister Veronica ang kaniyang final vow celebacy bilang huling bahagi ng pag-aalay ng kanyang sarili bilang tunay na madre. Sa pagkakataong ito, tuluyan ng isinuko ni Veronica ang kanyang sarili sa paglilingkod sa simbahan.
-
Sa mga sumunod na taon, siya ang naging pinakamasipag. Maagang gumigising at ginagampanan ang pagiging relihiyosa. Mabilis siyang pinagkatiwalaan ng mga superior at nang tumungtong sa edad na 26, inatasan siyang maging gabay sa altar service kung saan pinangasiwaan niya ang mga sakristan tulad ni Jerome Hacinto at ni Elijah Castillo.
-
Sa paningin ng mga tao sa labas, maayos ang kanyang pamamalakad. Tahimik at kagalang-galang. Ngunit may isang bahagi sa kanya na hindi lubusang naghilom. Hindi niya natutunan sa simbahan kung paano isang tabi ang takot, lungkot at pangungulila na matagal ng nakaukit sa pagkabata niya. Doon na nagsimulang sumingit ang mga maling damdamin bilang isang ganap na madre lalo na nang dumating sa buhay niya si Jerome.
-
Si Jerome noon ay ulila. Namatay ang ama niya dahil sa atake sa puso at ang kanyang ina naman ay nagtatrabaho sa ibang probinsya. Sa simbahan. Siya ay madalas tumambay pagkatapos ng klase. Madaling lapitan, masayahin at may respeto kay Veronica. Madalas silang magkausap hindi lamang tungkol sa simbahan kundi sa pagod, pangarap at mga bagay na personal.
-
Hindi ito sinadya ni Veronica ngunit unti-unti siyang nasanay na hanapin ang presensya ni Jerome. Sa mga oras ng pag-aayos ng bulaklak sa altar, paghahanda ng kandila o paglilinis ng kumbento, may mga tingin at sandaling mahirap ipaliwanag. Hindi iyon lantaran ngunit sapat para magdulot ng kakaibang init sa kanyang damdamin.
-
Pagkalipas ng ilang bu napansin ang ilang madre na mas nagiging tahimik si Jerome sa mga misa ngunit mas madalas manatili sa Sakristi kahit tapos na ang gawain. Sa mga oras na yon si Sister Veronica rin ang naroon. Hindi ito pinansin ng karamihan dahil matagal n kilala si Veronica bilang tagapayo ng mga kabataang Alter Boy.
-
Ngunit para kay Jerome, ang mga sandaling iyon ay hindi na lamang pang-esiritwal na gabay. Isang gabi, bumuhos ang malakas na ulan at hindi nakauwi si Jerome dahil nagkaproblema sa sasakyang maghahatid. Nagpaiwan siya sa kumbento. Doon sila nagkatagpo sa maliit na opisina ni Veronica. Wala namang kakaiba kung titingnan mula sa labas.
-
Ngunit ang katahimikan ng gabi at pagod ng maghapon ay naglapit ng damdamin na hindi nila kayang labanan. Nang sumunod na mga linggo, hindi na lamang ito pag-aalaga. May mga gabing pareho nilang pinipiling manatili ng mas matagal. Unti nabuo ang kakaibang relasyon sa pagitan ni Jerome at ng madre hanggang sa dumating din sa simbahan si Elijah o mas kilala bilang Ellie na noon ay 19 anyos pa lamang.
-
Si Ellie ay tahimik, maingat at mapagmasid. At may ilang pagkakataon napalitan ni Ellie si Jerome sa mga gawain. Mula roon, naging mas komplikado ang tahimik na mundong bumabalot sa kanila. Unti-unti ay napalapit din si sister Veronica kay Ellie hanggang sa humusbong rin ang parehong damdamin sa pagitan nilang dalawa.
-
Sa mga panahong ito, ang madre na sanay’ tanglaw ng kabutihang loob ay unti-unting nilamon ng kamunduhan. Sabay siyang nakipaglaro ng apoy sa dalawang binatang walang kamalay-malay na nahulog sa bitag ng kasalanan. Nagpatuloy si Veronica sa palihim na pakikipagkita sa dalawa sa magkahiwalay na mga pagkakataon upang hindi maghinala ang isa’t isa.
-
Sa mga oras na ito ay puno ng kapusukan ang bawat sandali at ang lahat ng ito ay nangyayari sa kumbento kung saan itinuturo ang pagiging banal at pag-iwas sa kasalanan. Hanggang sa dumating ang isang gabi na hindi inaasahan. Nagpaalam si Veronica na pupunta sa chapel para magdasal. Sinundan siya ni Jerome.
-
Doon niya nakita mula sa malayo si Ellie sa paanan ng altar. Nakaupo kasama si Veronica. Matagal silang magkasama bago naghiwalay. Wala namang pag-aaklas na naganap. Ngunit ng gabing iyon, nagbago ang tingin ni Jerome kay Veronica. Ang pagiging espesyal na akala niya ay sa pagitan lamang nilang dalawa ay hindi pala totoo. Mula roon, nagsimula ang tensyon sa pagitan nina Jerome at Ellie.
-
May mga panahong hindi na sila magkasabay sa misa. Mas bihira ang kanilang kwentuhan. Nagpatuloy ang pagmamanma ni Jerome sa galaw ni Veronica at ni Ellie. At sa isang pagkakataon, nakumpirma niya ang matagal na niyang hinala. Nakita niyang sabay na pumasok ang dalawa sa opisina ni Veronica. Doon sa parehong lugar kung saan sila madalas magniig ay kasama ng madre ang ibang lalaki.
-
Dito na umusbong ang galit ni Jerome. Kinabukasan ay personal niyang kinausap si Veronica. Nais niyang linawin sa madre ang kanilang relasyon kung kaya’t binalak nitong makipagkita sa kanya kinagabihan. Pumayag naman si Veronica na walang ideya sa anumang paparating. Nang gabing yon, nagtagpo sila sa lumang bodega para pag-usapan ang lahat.
-
Isang lugar na kadalasan ay tahimik, walang saksi at malayo sa tingin ng ibang mga tagaparokia. Sa gitna ng usapan, isiniwalat ni Jerome ang lahat ng kanyang nalalaman at nagbanta kay Veronica na ayusin ang gusot dahil kung hindi siya mismo ang magbubulgar sa lahat ng kanyang itinatagong baho at kasalanan. Para kay Veronica, ang mga salitang iyon ay tumama bilang panganib sa reputasyon, pananagutan at pangakong binigay sa simbahan.
-
Wala siyang balak na lumala pa ang sitwasyon ngunit sa gitna ng tensyon lumaki ang pagtatalo hanggang sa magkasakitan at mangyari ang hindi sinasadyang trahedya. Naitulak ng madre si Jerome at nang mawalan ito ng balanse ay tumama ang kanyang ulo sa gilid ng solidong mesa. Bumagsak ito at nangisay tila may tinamaang ugat sa likod na bahagi.
-
Nataranta si Veronica ngunit kalaunan, naisip niyang hindi pwedeng malaman ninuman ang katotohanan. Kung kaya’t imbes na isugod ang lalaki sa pagamutan ay hinayaan na lamang ito ni sister Veronica hanggang sa tuluyang malagutan ng hininga. Sa halip na tumawag ng tulong, nanatiling nakaluhod si Veronica sa sahig.
-
Nakalapat ang kamay sa dibdib na hindi mapakali. Ilang sandali ang lumipas bago tuluyang huminto ang paghinga ni Jerome. Ang bodega ay nagsilbing tahimik na saksi sa nangyaring trahedya. Ilang araw ang lumipas matapos hindi magpakita si Jerome, nagsimulang magtaka ang mga kasamahan at kakilala nito lalo pa’t huli itong nakita sa simbahan. Nong ikaapat na araw, nagreklamo ang ilang miyembro ng parokya ukol sa kakaibang amoy mula sa likurang bahagi ng kumbento.
-
Nang sinundan ng sakrista na naglilinis ang pinagmumulan, doon na niya natagpuan ang lumang pintuan ng bodega na bahagyang nakasiwang. Sa loob nagmula ang amoy. Tinawag niya ang ibang madre at tumawag ng pulis. Ang katawan ni Jerome ay natagpuan. Sa pagkuha ng ebidensya, isang bagay ang agad na lumutang. Fingerprint ni Sister Veronica.
-
Hindi agad nagbigay ng pahayag ang madre. Tahimik siya sa unang interogasyon. Nakayuko lamang habang nakaupo sa harap ng mga pulis. makikita ang pagod ngunit hindi agad maipagkakailaang tensyon sa kanyang dibdib. Ang iba pang madre ay nagulat. Ang ilan ay hindi makapaniwalang ang taong matagal ng namumuhay bilang relihiyoso ay maaaring madawit sa isang krimen.
-
Sa mga sumunod na araw, nagsimulang kumalat ang bulung-bulungan sa buong parokya. May nagsabing matagal ng napapansin ang pagiging malapit ni Veronica kay Jerome ngunit kailan man ay walang pumuna dahil sa wala naman silang matibay na ebidensya. Hanggang sa lumapit si Ellie sa imbestigasyon dala ng konsensya.
-
[Musika] Noong una ayw niyang magsalita ngunit nang marinig na iniimbestigahan si Veronica bilang pangunahing suspect unti-unting bumigat ang kanyang loob. Siya ang unang nagpatunay na may espesyal na ugnayan si Jerome at Veronica. At matagal na umano niya itong alam. Inamin niyang katulad ni Jerome ay nakipagrelasyon din siya sa madre kung kaya’t maaaring may kinalaman dito ang nangyaring insidente.
-
[Musika] Sa paglalim ng imbestigasyon, na-recover sa cellphone ni Jerome ang mga mensahe nito kay Veronica na nagpapakita ng kanilang lihim na relasyon at pagbabanta. Dahil dito, napagtibay ang motibo. Hindi agad umamin si Veronica. Nanatili siya sa katahimikan. Nakapulupot ang rosaryo sa kanyang palad habang nagdarasal.
-
Nang ilipat si sister Veronica sa kustodiya ng mga pulis, naging tikom ang bibig ng mga tao sa kumbento. Hindi nila lubos sa kalain na mangyayari ang ganoong eskandalo sa lugar. Sa korte malinaw ang naging direksyon ng kaso. Hindi na maitatanggi ni Veronica ang ugnayan niya kay Jerome pati ang lihim na relasyon kay Ellie.
-
Ngunit nanindigan siyang hindi niya sinadya ang pagkamatay ni Jerome. Ayon sa kanyang pahayag, nagkaroon ng mainit na pagtatalo at sa labis na takot at pagkalito, nais niya lamang patahimikin ang banta na maaaring magwasak sa kanyang reputasyon. Ang pangyayari ayon sa kanya ay hindi planado. Ngunit sa mata ng batas, malinaw ang naging resulta nito ay kailangang pagbayaran.
-
Tumistigo si Ellie bilang pangunahing saksi. Hindi madali ang pagharap niya sa publiko. Sa pahayag niya, hindi niya intensyon na saktan ang sinuman man. Sinubukan niyang ilarawan ang naging relasyon nila ni Veronica. Kung paano siya naging kanlungan nito sa mga gabing tila, mabigat ang loob nito. Ngunit sa huli, sinabi niyang hindi siya nagkaroon ng papel sa nangyari.
-
Siya ay naging tagapagmasid at sa huli tagapagbigay ng katotohanan. Nang ibaba ng korte ang pasya, ang hatol ay malinaw. Homicide 15 ta pagkakakulong at sa panig ng simbahan tuluyang tinanggal si Veronica sa anumang posisyon at ganap na inalis sa paglilingkod. Si Ellie naman matapos ang paglilitis ay tuluyan ding umalis sa simbahan hindi dahil sa galit kundi dahil sa bigat ng kaganapan at kahihiyang nangyari.
-
Samantala, isang misa ang ginawa sa simbahan bilang paalala sa nangyaring insidente. Hindi man pinangalanan ngunit batid ng mga dumalo na ang homily ay patungkol sa nangyaring iskandalo. Nagbabala ang pari ukol sa panganib ng kamunduhan at kasalanan at ang pagpapanatili ng matibay na pananampalataya para maiwasan ang anumang tukso sa lahat ng oras.
-
Sa huli ang kaso ni si Veronica ay nanatiling isa sa pinakamatinding pagsubok sa imahe ng simbahan sa kanilang bayan. Hindi lamang ito kwento ng kasalanan at kaparusahan kundi paalala rin na ang kahinaan ay hindi namimili ng kasuotan, mapaordinaryong tao man o isang alagad ng pananampalataya. Sa bawat kandilang muling sisindihan sa kumbento.
-
Paalala ito na walang lihim na hindi nalalantad at walang kasalanang hindi haharap sa liwanag ng katotohanan. Ang katahimikan ng kumbento ay muling nagbalik ngunit ang aral ng nangyari ay nananatiling nakaukit. Nasa gitna ng pananampalataya ang tunay na kabanalan ay hindi nasusukat sa suot kundi sa dalisay na puso at katapatan ng kaluluwa
News
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad./hi
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad. Biglang tumayo ang boyfriend ko sa gitna ng maraming tao at…
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
End of content
No more pages to load