Me kaklase po ba kayo noon na saksak4n ng b*bo at duw@g pero mayaman na ngayun ?!

Ako po kase,  eiii meron… si Elzon— anak ng mag-asawang nagtitinda lang ng gulay noon dito sa amin sa A******.

Paano ko nasabing b*bo, author ?! kase nga po lagi ko syang pinapatulad ng assignment noong nag-aaral pa kami dahil mahina sya sa academic— awa nga ako dahil palagi syang pinapag4litan ng titser namin saka pinapa-squ4t pa buong period pag hindi nakakasagot !!!

Sa awa ko ay naging magkaibigan kami dahil saksak4n rin sya ng hiyain noon… iy4kin pa !!!

Mahina talaga ang loob nya noon at palaging binubul*ly sa school dahil payatin—

Ako ang naging tag4pagtanggol nya nun kase medyo bat4k naman ang katawan ko nun sa trabaho dahil anak naman ako ng magsasaka… at nag-aar4ro ako ng bukid.

Ako rin ang palaging nagpapalakas ng loob nya dahil ikako paano pag hindi na kami magkaklase eiii di kawawa sya… madalas ko pa nga syang turuan nun ng kar4te kar4te’han sa buntøn ng mga dayami kaya palagi ng hapon kami umuuwi ng mga bahay namin… kaya madal4s akong masermun4n ni inay.

“Balang araw makakab4wi rin ako sa’yo ‘tol… ako naman ang magtatanggol sa’yo… ” sabi nya !!!”

Nagkahiwalay lang kami ng landas pagka graduate ng highschool dahil kinuh4 na daw ito ng tiyahin nya sa lungsod… ni hindi na nga kami naka pagpaalaman sa isa’t isa nun.

Hanggang sa lumipas ang panahon at nagkapamilya na ako, pero mahirap pa rin dahil hindi na ako nakaderitso ng college dahil hindi kaya ng mga magulang ko na pag-aralin ako— kaya sin4ka at nilin4ng ko na lang rin ang lupa namin… iyun din ang ibinuhay ko sa asawa at mga anak ko.

Pero dahil nagkasakit at na ospital ang magulang ko nun ay naisalanla ko sa bangko ang lupa namin…

Pero nahirapan na akong tubusīn dahil naging mahina ang ani ko— sa makatuwid ay hindi ko na nababayaran ang interest sa bangko !!!

Hanggang sa tuluyan na lang ‘yung naremāta… at kalaunan ay nabalita ko na may bumili daw agad.

May nakapagsabi nga sa akin na ang nakabili daw nun sa bangko ay isang mayamang lalaki na sibøl ding taga sa amin… pero hindi ko na inalam pa kung sino dahil nanghihinayang talaga ako sa lupa namin dahil kailangan na naming lisanin— kahit hindi pa naman kami pinalal4yas ng bagong may-4ri… sa isip ko nun syempre ay kailangan pa rin naming umalis dahil wala na nga sa pangalan ko ang lupa !

Isa pa… may ibinababa na ring mga materyales dun dahil magpapagawa daw doon ng bahay bakasyunan ang bagong may-4ri, kaya inihanda ko na talaga ang pamilya ko para lumisan…

Pero hindi agad nangyari ang pag-alis namin dahil bigla namang nagkasakit ng dengue ang bunso ko at naubos ang kaunting pera namin sa pambay4d sa hospital… perang inilalaan ko sana sa paglipat namin.

Hanggang isang araw… may pumaradāng isang magarang itim na sasakyan sa tapat ng bahay namin— sabi ng mga trabahador na gumagawa ng bahay-bakasyunan sa tabi namin ay dumating na daw ang may-4ri !

Sa isip ko nun— pat4y, malamang palay4sin na talaga kami !!!

Bumaba nga sa sasakyan ang isang lalaking bigutilyo at may shades pa tapos malaki ang katawan— halatang nag gi-gym dahil maskulado ang katawan pero halatang mayaman dahil branded at mamahalin ang mga suot— sa madaling salita ay hindi ko agad sya nakilala !!!

Salubøng ko agad sa kanya…

“Pasensya na ho sir… aalis naman po talaga kami dito sa lupa nyo kaya lang ay biglaan pong nagkasakit ang anak kong bunso kaya—“

Pero humalakhak lang ng malakas at nakaka-aliw ‘yung lalaki…

“Sino ba ang may sabing pinapa-alīs ko kayo ha ?! ‘di wala na akong uuwian dito, lungkot kaya nun ‘tol, kaya ko nga binili ang lupang ito eh dahil sa’yo tapos lalayas4n mo pala ako ?!” sabay alis din nya ng suot na shades at yak4p sa akin !!!

At dun ko lang sya nakilala !!!

Si Elzon pala— ang dati kong b*bo at lamp4ng kaibigan nung highschool !!!

Hindi talaga ako makapaniwala na sya ang nasa harapan ko dahil ibang iba na sya… ang layo na ng hitsura nya ngayun !!!

“Ay putch@ !!! buhay ka pa palang kum4g ka, ba’t ngayun ka lang nagpakita sa akin ha, na miss kita ‘tol ?!”

Sabi ko naman sa kanya na tuwang tuwa, maluha luha pa nga ako nun dahil si Elzon talaga ang itinuturing kong best of friend… nalungkot talaga ako nun ng bigla syang umalis ng hindi nagpapa-alam sa akin…

“Sagutin mo muna ako ‘tol, bakit ka nga aalis, ba’t mo iiwan itong lupa mo… eh sino na ang mag-aasikaso dito, alangan namang ako maawa ka naman sa akin ‘tol dami ko ng iniisip na negosyo dadagdag ka pa ?!” ngirīt nya.

“Yan ohhh, regalo ko sa’yo dahil matagal tayong ‘di nagkita… alam ko namang importante sa’yo ang lupang ito… !”

Sabay s4lpak din nya sa akin ng titulo ng lupa…

“I-ibig mong sabihin ‘tol ay—” namuo na talaga ang luha ko nun.

“Oo ‘tol… sa’yo pa rin nakapangalan ang lupang ito dahil alam ko na napakahalaga nito sa’yo dahil pamana pa ito ng kanuno-nunuan nyo, binili ko lang ito para sa’yo dahil ‘di ba sabi ko nun balang araw ay makakab4wi din ako sa’yo…!”

Hindi na ako nun nakapagsalita basta napay4kap nalang ulit ako sa kanya ng mahīgpit— yakap ng pasasalamat !

” ‘Tol salamat talaga ‘tol !!!

Hindi ko na din nun naiwasang magpun4s ng luha dahil doble ang malaking regalong natanggap ko ng araw na iyun— ang muli naming pagkikita ng matalik kong kaibigan at ang lupa .

“Wag mong sabihing nabalikt4d na ‘tol, ikaw na pala ang iyakīn ngayun ?!” busk4 rin nya sa akin.

“Bu4ng ka !!!” b4tok ko naman sa kanya, tulad nung kabataan pa namin.

‘Ay h’wag mo akong mab4tok b@tukan dyan dahil kayang kaya na kitang gumu*kin ngayun !!!” sabay pakita nya rin sa akin ng mga namumukøl nyang masel… kaya sabay kaming nagkatawanan.

“Salamat talaga ‘tol… kung alam mo lang kung gaano kalaki ang nagawa mong ito sa akin…”

“Alam ko… kaya siguro naman ay hindi mo ako papa-alisin dito kung nagpat4yo ako ng bahay bakasyunan kalapit ng bahay mo, gusto ko kaseng maging magkapit-bahay tayo pag uuwi ako dito sa atin, ‘lam muna pat4y na kase sina erpat, wala na akong ibang kapamilyang uuwian dito, ikaw lang…” ngi*si nya ulit.

“Oo naman ‘tol, gusto mo dito ka nalang tumira forever eiii para lagi tayong magkasama, na miss talaga kitang d4muho ka !!!”

“Talaga ba ‘tol ?! baka magsisi ka, malakas na akong lumamøn ngayun ?!”

“Ayus lang ‘tol dami naman d’yang saging at kamoteng kahoy !!!” kaya sabay ulit kaming nagkatawanan.

“Haaaay na miss din kita ng sobra ‘tol… ” kilīk nya sa ulo ko… walang duda na kayang kaya na nga nya ako ngayung lumpu*hīn sa lalaki ng mga masel nya, kahit sino siguro ay mangingimi nang k@ntiin sya ngayun !!!

Kwento nya sa akin na bat4k daw sya sa gym dahil iyun lang daw ang libangan nya sa lungsod.

Magka-akb4y rin kaming pumasok ng bahay… dahil naghain daw si misis ng nilagang mais para mapagsaluh4n namin…

At noon rin niya sinabi sa akin na kahit naman daw malayo sya ay updated pa rin daw sya sa nangyayari sa akin— marami daw kayang mga marites sa lugar namin… kaya alam daw nyang nakas4nla ang lupa ko sa bangko kaya nang nabalita nyang narem4ta ay agad nyang binili…

Tinanong ko rin sya kung paano yumaman ?

“Diskarte ‘tol at tap4ng ng loob… ‘di ba ikaw ang nagturo sa akin kung paano maging matap4ng at lumab4n ng patas sa buhay ?! “kung hindi dahil sa mga payo mo nun baka wala ako sa kinatatayuan ko ngayun…” dagdag pa nya.

Ako daw kase ang inspirasyon nya, author kaya matap@ng nyang pin4sok ang pagba buy and sell ng mga sasakyan… at pag-aahente ng mga lupa !!!

Ayun sinuwerte naman daw sya at uunti-unting tumib4 at guminhawa ang buhay !!!

Binili rin niya, author ang mga kalapit-naming palayan, at ako ang pinamahala nya…

Madalang syang umuwi at magbakasyon dito sa amin, Ms. Nhie pero kahit kaylan ay hindi nagbabago ang pagkakaibigan namin… dahil itinuring ko na syang kapatid at ganun din sya sa akin..