INIMBITAHAN SIYA SA CLASS REUNION PARA IPAHIYA, KAYA DUMATING SIYA NAKA-UNIPORME NG KATULONG — PERO NATIGILAN ANG LAHAT NANG BUMABA ANG ISANG HELICOPTER PARA SUNDUIN ANG “REYNA”

Si Maya ay kilala noong High School bilang “scholar na anak ng labandera.” Dahil dito, lagi siyang binu-bully ni Beatrice, ang Reyna ng Campus at anak ng Mayor.

Sampung taon na ang nakalipas. Nakatanggap si Maya ng imbitasyon para sa Grand Alumni Homecoming na gaganapin sa Beatrice Garden Resort.

Ang imbitasyon ay may nakasulat na note galing mismo kay Beatrice: “Maya, sana makapunta ka. Don’t worry, walang entrance fee para sa’yo. We need someone to remind us kung gaano kami ka-swerte sa buhay. Wear your best… uniform.”

Alam ni Maya na patibong ito. Gusto lang siyang pagtawanan ni Beatrice. Gusto nitong ipakita sa lahat na hanggang ngayon, “alila” pa rin ang tingin sa kanya.

Pero imbes na magalit, ngumiti si Maya. Tinanggap niya ang hamon.

Sa gabi ng Reunion, nagniningning ang Beatrice Garden Resort. Ang mga dating kaklase ni Maya ay naka-gown at tuxedo. Nagyayabangan sila ng mga kotse at negosyo.

Dumating si Maya.

Tinotoo niya ang sinabi ni Beatrice. Nakasuot siya ng uniporme ng katulong—isang puting polo, itim na palda, at may apron pa. Wala siyang makeup. Naka-flat shoes lang siya.

Pagpasok niya sa gate, nagtinginan ang lahat.

“Omg, is that Maya?” “Grabe, totoo nga ang chismis. Katulong pa rin siya hanggang ngayon.” “Ang lakas ng loob niyang pumunta nang ganyan ang suot!”

Sinalubong siya ni Beatrice, hawak ang isang baso ng champagne. Naka-pulang gown ito na kumikinang..