• Madalas nating tingnan ang pangingibang bansa bilang biyaya. Isang pagkakataong makahanap ng oportunidad para sa mas magandang buhay. Gayun pa manong sinusubukan nito ang tatag ng relasyon ng isang pamilya at may mga pagkakataong nasisira ang tiwala ng mag-asawa. dahil sa kapusukan o pagtataksil na kaakibat ng malayong distansya.
  • Abente ng Novyembre 2016 sa isang dormetoryo sa Doha, Qatar, nakaupo si Arturo Sevilla. 42 taong gulang habang hawak ang kanyang cellphone. Natapos ang maghapong trabaho sa construction site. Sanay na siya sa paglilibang, pagbabasa ng mga mensahe, pag-scan sa mga larawan ng pamilya at pangangamusta sa kanyang asawang si Cecilia.
  • Ngunit ng gabing ion, isang mensahe ang kanyang natanggap na tuluyang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Isang chat ang dumating mula kay Else Nierva, asawa ng kanyang kumpare at matalik na kaibigang si Dindo Nierva. May kalaki pitong larawan at screenshots ng mga mensahe, mga malalaswang palitan ng chat. Sa pagitan ni Cecilia na kanyang asawa at ng kumpareng si Dindo.
  • Nanginginig ang mga kamay ni Arturo habang binabasa ang bawat linya. Ang mga salitang hindi naaayon sa magkumpare ay ipinapadala niya sa isang lalaking hindi naman niya asawa. sa lalaking halos ituring na niyang kapatid. Ayon kay Else, una niyang napansin ang kakaibang kilos ng asawa. Madalas itong umuwi ng 10 oras ng gabi.
  • Tila palaging may itinatago sa cellphone at laging maayos ang pstura bago lumabas na hindi naman ito ginagawa noon. Noongunay’y pinaniwalaan pa niya ang paliwanag na tungkol sa trabaho ang lahat. Ngunit nang isang gabi na naiwan ni Dindo ang kanyang iPad na naka-sink sa kanyang cellphone, doon na niya nadiskubre ang lahat.
  • Sa mga chat ay may mga plano, may mga pagtatagpo at mga salitang nagkukumpirma ng pagtataksil ng dalawa. Hindi natapos doon ang rebelasyon. Isiniwalat ni Else kay Arturo na posibleng hindi nito kadugo ang isa sa kanilang tatlong anak. Base umano sa petsa ng pagbubuntis at sa mga larawan ng bata. Malinaw ang pagkakahawig ng kanyang pangalawang anak kay Dindo.
  • Sa tono ng kanyang mga salita, ramdam ang galit at panlulumo. Nang gabing yon, halos mabaliw si Arturo. Gulong-gulo ang kanyang isip habang binabalikan ang mga ala-ala ng nakalipas. Ang turingang magkapatid nila ni Dindo ang pagpipresenta nito bilang ninong ng kanyang panganay na anak. Ang unang pagkakakilala ng kanyang asawa at ng kanyang kumpare ang lahat ay tila mabigat na pasanin sa kanyang dibdib.
  • Habang nasa malayong lugar. Hindi niya agad kinausap ang asawa para kumpirmahin ang lahat. Sa halip, nagsimulang mabuo sa loob niya ang tahimik na plano. Isang planong gugulantang sa kanyang taksil na asawa at kaibigan. Sa mga sumunod na araw, nanatili si Arturo sa Qatar na parang lumulutang ang isipan. Habang patuloy na pumapasok sa trabaho, bumabalik sa ala-ala niya ang mahabang taon nila ni Cecilia. sa Bacoor, Cavite.
  • Isang tahanang pinundar nila sa kabila ng hirap ng pangingibang bansa. Tatlong anak na magkasama nilang pinalaki at l taong pagsasamang inakala niyang matatag at hindi basta-basta matitibag. Sa tuwing naiisip niya ang mga sandaling yon, paulit-ulit na sinisingit ng isip niya ang imahe ni Dindo.
  • Ang matagal na niyang kaibigan mula pagkabata. Magkasama silang lumaki, naglalakad papuntang eskwela, nagkakanda ugaga sa ligawan nung kabataan, at nagsasaluhan sa mga problema ng buhay bago pa man sila nagkanya-kanyang pamilya. Sanay na itong madalas dumaan sa kanilang bahay tuwing wala siya sa Pilipinas.
  • Dala ang paalala na binili ni Arturo na silipin ang mag-ina. Ngunit nang tumagal, napagtanto niyang may mga palatandaang hindi niya noon binigyang pansin. Sa mga kwentong ibinabahagi ni Elice, unti-unting nagiging malinaw ang lahat. Ang pagiging masyadong malapit ni Dindo kay Cecilia. Ang pagkukwento nitong napakaswerte raw niya sa asawa at ang tila labis nitong panghihimasok sa kanilang mga problema noon.
  • Kahit na hindi naman ito kailangan, noon pa man kakaibang kinang ang mga mata ni Cecilia sa tuwing nababanggit si Dindo. Ngunit hindi iyun binigyang kulay ni Arturo dahil nanalig siya sa tiwala. Lalong tumindi ang lahat ng ibinahagi ni Else ang isa pang matagal niya ng pinagdududahan, ang pangalawang anak ni Arturo. Ayon sa kanya ay hindi tugma sa timeline ng unang kontrata nito sa abroad.
  • Isang buwan pa lang noon si Arturo sa Qatar. Ngunit sa parehong panahon, mas madalas daw dumadalaw si Dindo sa kanilang bahay para tumulong. Matagal na ang kinain ng pagdududa ang isipan ni Else lalo na’t kamukhang-kamukha ng bata si Dindo. Ang hugis ng ilong, ang mga mata, ang kulay ng balat. Habang pinakikinggan ni Arturo ang mga detalye, naaalala niya ang mga pagkakataong hindi niya maunawaan kung bakit tila walang koneksyon ang bata sa kanya.
  • Ilang beses niya ring tinanong si Cecilia kung bakit may pagkamistiso ang bata ngunit idinadahilan lamang nitong may kinalaman sa kanyang paglilihi ang naging itsura nito. Sa mga sumunod pang salaysay ni Else, lalo pang lumalim ang sugat. Sa pagmamanman nito, nakita niyang kasabay ni Dindo si Cecilia at ang pangalawang anak sa isang mall.
  • kumakain sa restaurant at matapos non ay nanood pa ng sini. Sa mga impormasyong hawak, nagsimulang mag-isip si Arturo ng hakbang upang harapin ang lahat. Hindi siya nagpadalos-dalos at naging kalkulado ang lahat ng kanyang galaw. Isang desisyong walang pasabi ang kanyang ginawa. Umuwi siya ng Pilipinas hindi para ayusin ang anumang nasira kundi upang aktwal na masaksihan ang kawalang hiyaan ng mga taong pinahalagahan niya.
  • Pagdating ni Arturo sa Pilipinas, hindi siya umuwi sa sariling bahay. Sa halip, tumuloy siya sa isang mumurahing hotel sa Imus. isang lugar na sapat para manatiling hindi napapansin. Tahimik niyang pinag-aralan ang bawat galaw ni Cecilia habang umaasang magkakaroon ng pagkakataong mahuli ng direkta ang kataksilan ng asawa.
  • Sa panahong yon, patuloy ang komunikasyon nila ni Else siya ang naging mata at tenga ni Arturo. Sa mga oras na nagpapadala ng mensahe si Cecilia kay Arturo, lalo nitong pinatutunayan ang unti-unting paglayo. Wala ng lambing, wala n pag-aalala. Tanging obligadong pakikipag-uusap lamang para sa usaping padala at sustento.
  • Sa tulong ni Else, lumitaw ang eksaktong araw na muling magkikita ang dalawa. Isang hapon, sinabi ni Else na nabasa niyang magkikita ang magkalaguyo sa isang partikular na hotel sa bayan. Nagdesisyon si Arturo na sunda ang address na ipinadala ni Elsec. Tahimik siyang umalis sa tinutuluyan dalaang galit na matagal na niyang kinikimkim.
  • Ilang oras pa ay naganap na nga ang sandaling magwawakas ng buong kataksilan. Enero 2017. Sa CCTV ng hotel, malinaw ang sunod-sunod na pangyayari. Unang pumasok si Cecilia, kasunod niya ay si Dindo. Maya-maya pa ay nagdikit na sila na animo’y magkasintahan at tila walang takot kung may ibang taong makakita sa kanila.
  • Lang minuto ang lumipas bago pumasok si Arturo. Mabilis ang mga hakbang. Nagpakilala siyang driver ng dalawang guests. Nakakaakyat lamang at sinabing may emergency kung kaya’t kailangan nitong makausap ang dalawa. Napaniwala naman niya ang staff na siyang nagturo ng room number ng mga ito. Kumatok si Arturo at nagpakilala ang room service.
  • At nang mabuksan ang pinto, tumigil ang mundo niya sa eksenang bumungad. Hindi na kailangan ng salita para maunawaan ang nangyayari sa silid. Nakita niyang nagmamadaling inaayos ni Cecilia ang sarili habang si Dindo ay napatigagal sa tabi. Halatang nagulat sa biglang pagdating ng kumpare, sa loob ng ilang segundo, naghalo ang gulat niya.
  • Hiya at pagkataranta ng dalawa. Mga ekspresyong sapat para kumpirmahin ang matagal ng gumugulong hinala ni Arturo. Matapos isara ang pinto, ramdam ang mataas na tensyon. Sa sumunod na sandali, nagkaroon ng maikling pagtutulakan habang sinusubukan siyang pigilan ni Dindo. Sa paglapit at sinusubukan namang awatin ni Cecilia ang pag-igting ng sitwasyon.
  • Nang sandaling yon ay naroon ng kakaibang lakas ni Arturo na pinagtibay ng kanyang kinikimkim na galit. Ang dala niyang patalim ang nagsilbi niyang sandata at ilang sandali pa ang lumipas, ang ingay sa loob ng silid ay unti-unting binalot ng katahimikan. Ilang minuto ang itinagal bago muling bumukas ang pinto.
  • Sa pagkakataong yon, si Arturo lang ang lumabas. Naglakad ng mabilis at tila nanginginig ang kalamnan sa kakatapos lamang na eksena. Hindi nagtagal rumisponde ang hotel staff matapos makita ang mabilis na paglabas ng lalaki mula sa lobby ng hotel. Binuksan nito ang silid at dito na nga bumungad si Dindo at Cecilia na kapwa wala ng pulso.
  • Ilang minuto rin ang lumipas bago dumating ang mga aoridad. Kinumpirma ng forensics expert na may matinding galit ang suspect sa mga biktima. Agad na kinolekta ang mga ebidensya kabilang na ang cellphone ng dalawa. Natukoy ang kanilang pagkakakilanlan sa mga ID sa wallet na natagpuan sa kanilang kagamitan ngunit ipinagtaka ng mga aoridad kung bakit magkasama sila sa iisang kwarto gayong magkaiba ang kanilang apelido ngunit parehong kasal na sa kanilang identification.
  • Dahil dito agad na napagtanto na maaaring may kinalaman sa pag-ibig at pagtataksil ang kaso at hindi nga nagkamali ang pulisya. Nang subukang tawagan ang mga contact sa cellphone ng mga biktima, isa sa mga unang tumugon ay si Else, asawa ni Dindo na bagam’t hindi na nagulat na magkakaroon ng komprontasyon ay hindi kailan man inasahan ang bigat ng kahihinatn na nito.
  • Sa linya ng telepono, halata ang pagkabigla at pagkalito ng ginang. Ramdam na ramdam ang paninikip ng kanyang dibdib. Habang ibinabahagi niya sa pulisya ang huling impormasyon na alam niya na si Arturo ay umuwi para harapin ang pagtataksil ng dalawa. Ang mga ibinigay ni Else ang dahilan upang tuluyang isagawa ang manhunt operation laban kay Arturo Sevilla.
  • Tatlong araw lamang ang itinagal ng paghahanap dahil isinuko rin ni Arturo ang kanyang sarili sa police station. Sa presinto hindi umiwas si Arturo sa mga tanong. Tahimik siyang umupo. Walang pagtatangkang takasan ang anumang kasong isasampa sa kanya. Inilahad niya sa pulisya ang buong kwento.
  • Ang mga screenshot na ipinadala ni Else ang hinala sa tunay na ama ng kanyang pangalawang anak hanggang sa pagkakahuli nito sa aktwal na pagtataksil ng kanyang asawa at kumpare na nagresulta sa malagim na trahedya. Hindi agad pinayagang makita ni Arturo ang kanyang mga anak habang pinoproseso ang kaso. Sa kabila nito, kinunan ng DNA sample sa mga anak ni Arturo upang kumpirmahin kung totoo ang kanyang alegasyon.
  • Makalipas ang ilang linggo, lumabas ang resulta. Ang gitnang anak ni Arturo ay hindi nga niya kadugo na nagpapatunay sa matagal ng panlilinlang sa kanya ni Cecilia. Habang nakakulong si Arturo ay napunta ang kustodiya ng kanyang mga anak sa kanilang mga kaanak. Nang muling magkita-kita ay humingi siya ng tawad sa mga ito dahil sa kanyang nagawa.
  • Naron ang galit sa mata ng kanyang mga anak. Ngunit naron din sa kanilang puso ang pag-unawa sa nagawa ng padre de pamilya. Niyakap ni Arturo ang mga anak at kahit pang alam niya na ang isa sa kanila ay hindi kanya, hindi nagbago ang kanyang pagmamahal sa mga ito. Agosto 2017 nang unang dinggin ang kaso ni Arturo sa korte.
  • Sa harap ng korte, inilahad ng abogado ni Arturo ang masalimuot na pinagdaanan niya. Ang pagkawasak ng kumpyansa, ang bigat ng pangungulila at ang pagtitiwalang sinira ng kanyang asawa at kumpare sa masusing pagsusuri ng hukom, ibinaba ang kaso tungo sa crime of passion na nakaugat sa matinding bugso ng damdamin.
  • Isang sitwasyong sa claw. ng article 247 ng revised penal code. Sa huli taong 2018 nang ipataw ng korte ang kaparusahang disiero o banishment na nangangahulugang hindi na makukulong si Arturo sa kanyang nagawa. Samantala, si Else ay hindi na rin nagtanim ng hinanakit kay Arturo dahil sa lahat ng tao, siya ang pinakakaintindi sa pinagdaanan ng lalaki.
  • Pagkalaya ni Arturo, agad niyang kinuha ang tatlo niyang anak. Lumipat sila sa probinsya ni Arturo sa Tarlak kung saan mas tahimik ang komunidad at mas malayo sa mga ala-alang hindi na dapat pang balikan. Samantala, nagpatuloy ang komunikasyon ni Arturo at Else, madalas na kinukumusta ang isa’t isa dahil batid ng dalawa na pareho silang naghihilom mula sa nangyaring trahedya.
  • Ang madalas na pag-uusap ang lalong nagpalapit sa kanila at sa hindi inaasahang pagliko ng kapalaran ang kanilang mga puso ay nahulog din sa isa’t isa. Muling binuksan ni Arturo ang kanyang sarili para sa pagkakataong umibig muli at ganun din naman si Elsecy. Taong 2019, halos tatlong taon matapos ang insidente ay opisyal na nagsama ang dalawa.
  • Ikinasal silang muli sa isang civil wedding na ginanap sa Tarlak noong 2022. Sa ngayon ay magkasama na nilang inaasikaso ang kanilang nabuong pamilya. Sa loob ng iisang bahay, naroon ang kani-kanilang mga anak sa unang asawa na tinuturing nilang tunay nilang mga anak. Hindi na sila binyayaan pa ng sariling supling dahil na rin sa edad, ngunit sapat na para sa kanila ang pagkakaroon ng isang pamilyang may pagmamahalan, pagkakaunawaan at walang umiiral na pagtataksil.
  • Sa huli, ang kwentong nag-ugat sa panloloko ay bumuo ng bagong kabanata sa kanilang mga buhay. Masakit man ang ala-ala ng nakalipas, nahanap din sa wakas ni Else at Arturo sa isa’t isa ang kapayapaan at kumpyansang ilang taon ding nawala. Sa pagkakataong ito, ipinangako nilang hindi kailan man pagtataksilan ang isa’t isa at hindi hahayaang maulit muli ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraan.