Ayaw na akong galawin ni mister
Kuya jay Labing-isang taon. Lima ang naging bunga ng pagsasama namin ni Romulo. Sa loob ng mahigit isang dekada, akala ko sapat na ang pamilya para manatiling buo ang lahat.
Pero habang tumatagal, parang nauupos na kandila ang pasensya namin sa isa’t isa. Dumating kami sa punto na kahit maliliit na bagay, isang naiwan na baso, maling tono ng pagsasalita, o nakalimutang utos, nagiging mitsa ng malalalang away. Pagod na ako. Pagod na rin siya.
Kaya isang gabi, mula sa isang pagtatalo na naman, nag-usap kami nang matino. Nagkasundo kami: Parenting na lang tayo. Para sa mga bata. Magkasama sa iisang bubong, pero wala nang kami.
Magkaibang kwarto, magkaibang mundo. Nag usap kami kuya jay ng asawa ko na wala ng pakialaman ng personal na buhay, sabi nya sakin, kung gusto ko daw mag asawa ng iba, or mag bf, okey lang sa kanya, basta hindi affected ang bata, noong una, naisip ko agad na may babae ang asawa ko, dahil sa sinabi nya, pero ilang buwan na, ganun parin ang routine nya, pasok sa office, 6pm nasa bahay na, manonood ng tv, tapos tulog na, kaya doon ko naisip ang matagal ng may gusto sa akin,
Ilang buwan lang ang lumipas, dumating naging kami ni Eugene, Noong una, akala ko mahihirapan akong sabihin kay Romulo. Pero dahil kailangan ng katapatan para sa set-up namin, naging direkta ako. Sinabi ko sa kanya na may boyfriend na ako. Inaasahan ko na baka kahit paano, may makita akong bakas ng lungkot, galit, o kahit konting selos man lang sa mga mata niya.
Pero wala.
“Sige, basta ayusin mo lang at huwag madadamay ang mga bata, ‘yan lang ang sagot niya. Kalmado. Masyadong kalmado. Dahil sa inis ko, mas naging detalyado ang pag-amin ko. Sinabi ko sa kanya na may nangyayari na sa amin ni Eugene. Diniretso ko talaga sta kuya jaym Gabi-gabi, Romulo, may nangyayari sa amin. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong makita na kahit papaano, may halaga pa ako bilang asawa niya na naagaw ng iba.
Ang masakit? Parang wala lang talaga sa kanya. Tinanggap niya na parang ulat lang ng panahon. Tinuloy niya ang pagtitimpla ng gatas ng anak namin, o ang panonood ng TV na parang wala siyang narinig na nakakayanig-mundo. Bakit hindi man lang siya nasasaktan?
Ganun na ba ako kadaling palitan o balewalain? Wala na ba talaga akong puwang sa puso niya matapos ang limang anak at 11 taon?
Magkasama pa rin sa bahay. Ginagampanan namin nang maayos ang pagiging magulang. Masaya ang mga bata dahil hindi na nila kami naririnig na nag-aaway. Sa harap nila, kami ang Team Mommy at Daddy. Pero pagpatak ng gabi, magkahiwalay ang higaan namin. Ako, abala sa pakikipag-usap o pakikipagkita kay Eugene. Siya, abala sa sarili niyang buhay. Nakuha ko nga ang kalayaan ko, pero bakit parang mas masakit itong katahimikan ni Romulo kaysa sa mga dati naming pag-aaway? Mas nakakabaliw pala ang indifference kaysa sa galit.
Isang gabi, pagkatapos naming mapatulog ang mga bata, hindi ko na natiis. Nakaupo si Romulo sa sofa, tahimik na nagbabasa sa cellphone niya. Ang kalmado ng mukha niya, samantalang ako, parang sasabog na ang dibdib sa inis at kalituhan.
“Romulo, mag-usap tayo,” bungad ko, Hindi man lang siya natinag. “Bakit ganun? Sinabi ko sa’yo lahat tungkol sa amin ni Eugene. Sinabi ko sa’yong may nangyayari sa amin gabi-gabi. Bakit parang wala lang sa’yo? Tao ka ba? Wala ka bang pakiramdam?”
Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone niya. Tumingin siya sa akin, hindi galit, kundi pagod. Isang uri ng pagod na ngayon ko lang nakita sa buong labing-isang taon namin.
“Melden, tinatanong mo kung bakit hindi ako nasasaktan?” mahinahon niyang panimula, Ang totoo, matagal na akong tapos masaktan. Ubos na ako. Napuno na ako,
Tumayo siya at lumapit nang kaunti,
“Noon, Melden, bawat away natin, sinubukan kong magpaliwanag. Sinubukan kong sabihin ang panig ko. Pero kailan mo ba ako pinakinggan? Sa relasyon natin, ikaw lang ang laging tama. Bawat salita mo, batas. Kapag nagsasalita ako, binabara mo ako. Kapag nagpapaliwanag ako, sumisigaw ka. Naalala mo ba nung may sakit ako at gusto ko lang ng konting kalinga?
Pinagdabugan mo ako dahil nakakaabala ako sa routine mo. Naalala mo ba nung nagtatrabaho ako nang doble para sa birthday ng mga bata? Ni hindi mo napansin ang pagod ko, bagkus ay pinuna mo pa ang kulang na handa. Doon, Melden, doon pa lang ay unti-unti mo nang pinapatay ang emosyon ko. tinatanggalan mo ako ng dangal bilang asawa hanggang sa wala nang matira kundi ang obligasyon ko sa mga bata.
Pinagod mo ang puso ko sa paulit-ulit na pagsisigaw mo hanggang sa ang tanging paraan para makahinga ako ay ang huwag na lang makaramdam.”
Napahinto ako kuya, iyon ang unang pagkakataon na magsalita sya ng mahaba, dahil noon, hindi sya nakakasingit kapag nagsasagutan kami,
Gusto kong sumagot, pero itinuloy niya. “Kaya nanahimik na lang ako. Hinayaan ko na lang na isipin mong ikaw ang tama sa lahat ng bagay para lang tumigil ang away. Pero habang tumatahimik ako, doon unti-unting namamatay ‘yung pagmamahal ko sa’yo. Bawat beses na hindi mo ako pinakinggan, nababawasan ang halaga mo sa akin. Kaya nung sabihin mo na may iba ka na, at may nangyayari sa inyo… Melden, hindi ako manhid.
Pero wala na kasing tayo sa puso ko bago pa man dumating si Eugene. Matagal mo na akong pinalayas sa buhay mo, ngayon lang naging opisyal.”
Tumalikod siya at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto niya. Huwag kang mainis kung wala kang makitang selos. Dapat kang matakot, kasi ang selos, tanda ‘yan na may gusto pang ilaban. Pero ang katahimikan ko? Tanda yan na sumuko na ako.”
Kuya jay Naiwan akong nakatayo sa gitna ng sala. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang tunay na bigat ng set-up namin. Akala ko ako ang panalo dahil may bago akong kaligayahan, pero doon ko narealize: natalo ako sa asawa ko dahil hinayaan ko siyang mapagod hanggang sa mawalan na siya ng pakialam.
Matapos ang gabing iyon, parang natauhan ako, Tama lahat ang sinabi ni Romulo. Sa loob ng labing-isang taon, naging diktador ako sa relasyon namin. Naging bingi ako sa mga paliwanag niya hanggang sa mapagod na siyang magsalita. Ang akala ko ay pagkapanalo ko, iyon pala ang unti-unting pagpatay sa nararamdaman niya para sa akin.
Hindi ko na hinintay ang susunod na araw. Tinawagan ko si Eugene. “Tigil na tayo. Ayoko na,” direkta kong sabi. “Babalik na ako sa asawa ko. Okay na kami, nagkaayos na kami.” Kahit hindi totoo, iyon ang pinanindigan ko. Gusto kong itama ang lahat. Gusto kong bawiin ang pamilyang halos isuko ko na dahil lang sa pansamantalang kilig at pride.
Nilapitan ko si Romulo sa kusina. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya, pero dahan-dahan niyang inilayo ito.
Romulo, humihingi ako ng tawad. Tama ka sa lahat. Naging matigas ang ulo ko, hindi kita pinakinggan,” pagsusumamo ko habang humahagulgol. Nakipaghiwalay na ako kay Eugene. Wala na kami. Handa akong magbago, handa akong bawiin lahat. Mag-umpisa tayo ulit para sa mga bata… para sa atin.”
Tumingin siya sa akin. Pero ang tingin na iyon, hindi awa ang laman. Walang pag-ibig, kundi pandidiri.
Mag-umpisa ulit? aBahagya siyang ngumisi, “Melden, labing-isang taon kitang kasama. Alam mo kung anong klaseng tao ako. Madiriin ako. Hindi ako kumakain sa plato na dinilaan ng aso. Hindi ako gumagamit ng baso na may lamat. At lalong hindi ako kumakain ng sukang mabaho.”
Napahinto ang paghinga ko sa talim ng mga salita niya. Itinuloy niya ang pag-atake na parang bawat salita ay saksak sa aking pagkatao.
Pagkatapos mong ipakain ang pagkabab@e mo sa iba? Pagkatapos mong papasukan sa ibang lalaki ‘yan gabi-gabi, tapos ngayon babalik ka sa akin at sasabihing ‘mag-umpisa tayo ulit’?
Hindi ganyan kadali ‘yun, Melden. Ang dumi na ng tingin ko sa’yo. Magkasama tayo sa bahay para sa mga bata. ‘Yun ang usapan natin, ‘di ba? Parenting na lang. Gagampanan ko ang obligasyon ko bilang ama, pero huwag na huwag mo nang asahan na tatabihan kita ulit o hahawakan bilang asawa. Dahil sa tuwing titingnan kita, hindi ko na nakikita ‘yung babaeng pinakasalan ko… ang nakikita ko na lang ay ‘yung dumi na iniwan ng ibang lalaki sa’yo.”
Lumabas siya ng kusina at iniwan akong mag-isa,
Nasa iisang bahay nga kami, pero habambuhay na akong mag-isa. Araw-araw, parang nagsusuot ako ng maskara. Paglabas namin ng pinto para mag-grocery, sabay kami ni Romulo. Sa harap ng mga bata, nakangiti kami. Sa mga school events, kami ang tinaguriang Perfect Couple ng mga ibang magulang. Ang tingin nila sa amin, isang matatag na pamilyang hindi natitinag ng labing-isang taon. Pero pagpasok sa loob ng sasakyan, pagkasara ng pinto ng bahay, doon nagsisimula ang totoong buhay namin,
Hindi mawala sa isip ko ang mga salita ni Romulo. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa pandinig ko: Pagkatapos mong papasukan ng iba ‘yan… babalik ka sa akin?” Bawat beses na magkakatabi kami sa sofa habang nanonood ang mga bata, nararamdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Alam kong diring-diri siya sa akin. Para akong isang maruming bagay na ayaw niyang madikit sa balat niya.
Habang namimili kami ng kailangan ng mga bata, tatawa siya sa biro ko. Pero pagtalikod ng mga tao, ang mga mata ay makikita moa ng lungkotm Sa Harap ng mga Anak naming, Magaling siyang umarte. Maalaga siyang ama. Pero kapag nagtatama ang paningin namin, wala akong maramdaman, parang nandiyan lang sya,
Ang sakit-sakit kuya jay, Higit pa sa sampal ang mga salita niya. Mas maigi pa siguro na sinaktan ako ng pisikal, dahil alam kong ako ang may gawa nito sa sarili ko. pero Pinili kong maging matapang at ipamukha sa kanya ang pakikiapid ko kay Eugene para lang saktan siya, pero ang ending, ako ang habambuhay na sugatan.
Lalaki ang mga anak naming limang maayos ang pamilya. Hindi nila malalaman ang baho sa likod ng aming mga ngiti. Pero gabi-gabi, bago ako matulog sa magkahiwalay naming kwarto, tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Totoo nga ang sabi ni Romulo. Kahit anong ligo, kahit anong bango, hindi na mabubura ang amoy ng sukang mabaho sa paningin ng taong minsang nagmahal sa akin nang tapat pero sinayang ko lang.
Akala ko matitiis ko ang lamig ni Romulo, ang pagiging tahimik sya, doon ako naiinis, Sa gitna ng pangungulila at galit, muli akong bumalik kay Eugene. Isang pagkakamali na akala ko ay magbibigay sa akin ng pansamantalang ginhawa. Nagkita kami muli,
May nangyari muli sa amin. Pero pagkatapos ng lahat, doon ko nalaman ang totoo.
“Eugene, ayoko na sa bahay. Gusto ko nang bumalik sa’yo,” sabi ko habang nag-aayos ng damit. Ngumisi lang siya, “Melden, nagkaayos na kami ng asawa ko. Huwag kang ambisyosa. Nandito lang tayo para sa ‘ganito.’ Masar@p ka, enjoy ka rin naman sa akin, hanggang doon lang tayo,
Kuya jay Para akong sinampal ng sampung beses. Ginamit lang ako. Pinatunayan ko lang ang sinabi ni Romulo na isa nga lang akong sukang mabaho sa paningin ng mga lalaki. Ngayon, wala na akong mapuntahan. Sa sobrang desperasyon ko na makuha ulit si Romulo, naisip ko ang panganay naming anak na si Marcus. Malaki na siya, nasa tamang edad na para makaintindi. Naisip ko, baka kung malaman ni Marcus ang totoo, siya ang maging tulay para mapalambot ang puso ng kanyang ama.
Pero bago ko gawin iyon, kailangan kong pag-isipan nang mabuti:
Kaya Isang gabi, habang nag-aaral si Marcus sa kanyang kwarto, pumasok ako dala ang isang baso ng gatas. Si Marcus ang pinakamatalino at pinakamalapit sa amin, kaya naisip ko, siya lang ang makakapagpalambot sa puso ng tatay niya.
“Marcus, anak… may itatanong sana si Mommy,” Huminto siya sa pagtipa sa laptop at tumingin sa akin. Ang mga mata niya, hawig na hawig kay Romulo—malamig at tila nakikita ang nasa loob ng kaluluwa ko.
“Tungkol ba ito kay Papa, My?” tanong niya agad. Parang nabasa niya ang isip ko.
“Oo, anak. Napapansin mo ba na… na parang malayo kami sa isa’t isa? Gusto ko sanang tulungan mo ako. Kausapin mo si Papa. Sabihin mo na kailangan natin siyang buo, na kailangan natin ang dating pagmamahalan namin.”
Dahan-dahang isinara ni Marcus ang kanyang laptop. Hindi siya umiyak. Hindi rin siya nagulat. Sa halip, bumuntong-hininga siya ng malalim na parang isang matandang pasan ang mundo.
“My, akala niyo ba hindi namin alam?” Akala niyo ba bulag kaming lima? Nakikita namin na hindi na kayo nagtatabi. Nakikita namin na kapag tinitingnan ka ni Papa, parang wala siyang nakikita. At nakikita ko rin, My… ‘yung pag-alis-alis mo para makipagkita sa lalaking ‘yun.”
. Nanlamig ang buong katawan ko. Alam ng anak ko ang tungkol kay Eugene.
“Huwag mo akong gamitin para makuha ulit si Papa. Kasi kung ako ang tatanungin, My, mas bilib pa ako kay Papa dahil nanatili siya rito para sa amin kahit na dinumihan mo ang pangalan namin.
Alam mo ba kung gaano kahirap magpanggap sa school na ‘perfect tayo habang alam ko ang totoo? Huwag mong hingin sa akin na ibalik ang dating’ kayo. Kasi ‘yung ‘dating’ si Papa, pinatay mo na ‘yun noong pinili mo ang ibang lalaki kaysa sa amin. Kung gusto mong bumalik ang pagmamahal niya, huwag kang dumaan sa akin. Harapin mo ang ginawa mo.”
Bago siya lumabas, lumingon siya muli. “At My… ‘yung sinabi ni Papa tungkol sa ‘sukang mabaho’? Narinig ko ‘yun sa kusina noong isang gabi. Masakit, ‘di ba? Pero alam mo ang mas masakit? ‘Yung malamang totoo ‘yun. Kasi kahit ako, nahihirapan na ring yakapin ka nang hindi naiisip na galing ka sa iba.”kuya jay ang sakit, parang na brainwash ang isip ng anak ko na panganay,
Hindi naman ako nagloko, wala na kami ni Romulo ng dumating si Eugene, gusto ko lang naman ng mahihingahan, yung may makikinig sa akin, kaya lang iba naman pala ang gusto ni Eugene,
Kuya jay Lumipas ang mga buwan, at ang bahay na dati’y puno ng sigawan ay napalitan ng isang nakabibinging katahimikan. Si Romulo ay naging parang isang robot. Gigising siya sa umaga, magluluto, mag-aayos ng gamit ng mga bata, at papasok sa trabaho nang walang kibo.
Sa akin, ang tanging lumalabas sa bibig niya ay ang mga sagot na kailangan lang. “Romulo, nakita mo ba ang susi?” Nasa table “Romulo, anong gusto mong ulam mamaya?” Kahit ano. Walang emosyon. Walang tingin sa mata. Ang boses niya ay patag, parang isang makina na gumagana na lang dahil sa obligasyon. Para akong multo sa sarili kong pamamahay, nakikita pero hindi nararamdaman.
Pero ang masakit? Ang makita ang kaibahan kapag ang mga bata na ang kaharap niya. Kapag ang limang anak namin ang lumalapit, biglang nabubuhay ang bangkay niyang pagkatao. Ubod siya ng lambing sa kanila. Nakikipaglaro siya, tumatawa, at niyayakap sila nang mahigpit.
Siya ang paboritong takbuhan ng mga bata kapag may problema sa school o kapag gusto lang nilang maglambing. Dahil dito, ang limang anak namin ay mas lalong naging malapit sa kanya, habang ako ay unti-unting naitatabi sa isang sulok.
Kuya jay Habang pinapanood ko sila mula sa malayo, isang gabi, habang buhat-buhat ni Romulo ang bunso namin habang humahalakhak, napatanong ako sa sarili ko: Ano na ang gagawin ko? ako ba talaga ang may problema?
Gabi-gabi, bago ako matulog, naririnig ko ang tawanan nila sa kabilang kwarto. Ang hapdi sa dibdib ko ay hindi na maipaliwanag.
Akala ko noon ayos lang na magkaroon ng parenting setup, pero hindi ko akalaing ang parusa ko ay ang panoorin ang asawa kong nagbibigay ng lahat ng pag-ibig niya sa mga bata, habang sa akin ay ni isang tingin ay wala siyang maibigay.
Nasa gitna ako ng isang desisyon: Magpapakam@tay ba ako sa lungkot sa loob ng bahay na ito, o lalabas ako para hanapin ang sarili ko kahit alam kong wala nang babalikan?
Hirap na hirap na ako ano po ba ang gagawin ko?