Hinintay lang pala ni Nanay ang grumaduate ako bago sya bumitaw



Isang OFW ang aking ina. Siya na lamang ang nagtataguyod sa akin simula ng iwan kami ni Itay at sumama sa ibang babae.

Dahil sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas ay nagawa ni Nanay na magpunta sa ibang bansa upang magtrabaho.

Iginugol nya ang lahat ng oras nya para kumayod at para may maipadala siya sa akin. Sa edad na sampu noong una nya akong iwan ay marunong na akong humawak ng pera.

Ginagastos ko ito kung kinakailangan upang hindi masayang ang pinagpapaguran ni inay habang nagkukuskos sya ng kubeta.

Pagtuntong ng kolehiyo, kursong Nurse ang kinuha at palapit na ang last sem, nitong mga nakaraan ay ramdam ko ang pagiging matamlay ng boses ni Nanay kapag nag uusap kami sa cellphone.

“Inay, may sakit po ba kayo?” tanong ko pero ang tanging sagot nya ay “WALA ANAK, BASTA PAGBUTIHIN MO ANG PAG-AARAL HA? PARA SA IYO DIN IYAN KAPAG NAKAPASA KA.”

Ewan ko pero parang may kurot sa puso ko ng mga sandaling iyon habang sinasabi ni Nanay ang mga katagang sinambit nya bago kami nawalan ng komyunikasyon.

Magkagayun man ay patuloy pa rin ang pagsusustento nya sa akin ng pera maski hindi na kami nag uusap.

Habang patuloy na lumilipas ang mga araw ay palapit ng palapit naman ang aming graduation. Lagi kong naaalala na sa graduation ko ay ang pangako ni Nanay na sya ang magsasabit sa akin ng medalyang matatanggap ko.

Lubos ang aking pag aalala dahil maski sumapit na ang araw na iyon ay wala pa rin syang paramdam sa akin. Natapos ang graduation ng hindi ko sya nakikita man lang.

Gusto kong magtanim ng sama ng loob sa kanya subalit hindi ko magawa sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag.

Pag uwi ko ng bahay ay isang babae na sa tantya kp ay kaedaran ni Nanay ang sumalubong sa akin. Mugto ang mga mata nito na tila ha nanggaling sa pag-iyak.

“Sino po kayo?” tanong ko.

“Iha-” hindi nya natapos ang sasabihin dahil bigla syang humagulgol. Pagpahid nya ng kanyang mga luha ay huminga sya ng malalim saka nya ako hinawakan sa kamay at inalalayang pumasok sa bahay.

Pagpasok ko ay nakita ko ang isang magarang ataol, sa gilid ay nakalagay ang isang white ribbon na may pangalan ni Nanay.

Pagbaling ko sa umaalalay sa aking babae ay tumango ito saka tinakpan ng panyo ang kanyang bibig.

Marahan akong naglakad palapit sa kabaong at nang matanaw ko ang laman nito ay dito na nag unahang pumatak ang aking mga luha.

“N-nay!” wika ko na halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan. Mabuti na lamang at nasalo ako ng isang lalakeng nasa aking likuran.

“Hindi nya talaga ipinaalam sa iyo na may sakit sya. Ayaw nyang mawala ang focus mo sa pag aaral kaya kinimkim na lamang nya ang lahat. Kaming mga kaibigan lang nya sa saudi ang nakakaalam ng tunay nyang kalagayan at maski lumalaban sya, nakikita naming nagagawa nyang sumaya kapag tinititigan ang mga litrato mo sa cellphone nya. Mahal na mahal ka ng nanay mo iha, walang katumbas ang ginawa nyang pagsasakripisyo.” saad ng babae na kaibigan pala ng aking ina at ng matapos nya ang sasabihin ay dito na nya ibinuhos ang kanyang emosyong yumakap sa labi ng aking nanay.

“Ramdam ko ang sakripisyo mo inay ko. Pasensya ka na ha, dahil sa pagtataguyod mo sa akin ay nagawa mong ilihim ang iyong malubhang karamdaman . Pangako Inay, hindi ko sasayangin ang mga sakripisyo mo. Magiging successful ako sa buhay balang araw. Mahal na mahal kita Nanay ko, paalam.” sabi ko kay Nanay habang nakatayo sa harap ng kanyang puntod.

wakas