HINDI PALA BINIBIGYAN NG NANAY KO NG PERA ANG ASAWA KONG P.W.D.AT MGA ANAK KO SA PADALA KO MULA SAUDI ../hi
Ako po si Arman ate ella 40 years old na ngayon may asawa at dalawang anak …
Ang naging asawa ko po na si Anita ay may kapansanan..Pipi at Bingi din po siya pero napakabait naman po at napakasipag Nakilala ko ito ng minsang madistino ang project namin sa Batanggas..
Tanging lola niya lang ang kasama niya sa buhay at nagtitinda sila ng mga meryenta sa site namin .Noong una ay biruan lang ng tropa ang pag ririto nila sa akin kay Anita dahil palagi itong mabait sa akin na minsan ay ayaw pabayaran ang kinukuha ko ..
Ngunit paglipas ng mga araw ay na mimiss ko na ang mga nahihiyang ngiti nito sa akin .Noon ay 20 palang siya samantalang ako naman ay 25 na ..
Malapit lang bahay nila sa baraks namin kaya tuluyan ko siyang niligawan kahit senyasan lang kami .
Pagkaraan ng ilang linggo ay sinagot niya ako at tuluyan na din kaming nagsaman at tumira kami sa bahay ng lola niya.
Lalo kong minahal si Anita dahil sa dami ng naging kasintahan ko ay tanging siya lang ang nakuha ko ng malinis kaya agad ko siyang pinakasalan kahit ayaw pumayag ng pamilya ko ng malaman nilang PWD ang magiging asawa ko Hindi din sila pumunta sa kasal ko.
Naging maayos at masaya ang pagsasama namin at sa magkasunod lang na taon ay magkasunod din ang anak namin na parehong lalaki ..Lalo pa akong nagsipag sa buhay..
4 na taon ang panganay ko at tatlo naman ang bunso ng magkaroon ako ng pagkakataon na makapag abroad sa saudi bilang skilled construction worker. ..Bago ako maka alis ay kinausap ako ng mga magulang at kapatid ko na sa kanila ko iwan ang asawa ko at mga anak para maalagaan ng ayos ang mga bata ..
Sabagay ay matanda na si lola Sabel ayoko na mahirapan ito dahil maliliit pa mga anak ko kaya iniuwi ko ang mag iina ko sa Cainta.Kahit papaano ay madyo malaki at maayos ang aming bahay andon din ang tatlo kong nakababatang kapatid para mag alaga sa mga anak ko..
Kampanti akong naka alis ng bansa dahil alam ko na nasa ma ayos ang pamilya ko ..
Hindi pala ganun kadali ang buhay sa ibang bansan napakatindi ng init ng araw at nakakapaso ng balat..Ang hirap din mag adjust ng pakikisama sa mga kapwa pilipino at ibang lahi,iba ibang lenggwahe at kultura na sa pag lipas ng mga araw ay nakasanayan na din .Excited akong ipinadala ang 25 limang libo kay mama at ibinilin na bigyan ng 10k ang aswa ko para may pag may gustong bilhin ang mag iina .Nagpadagdag pa si mama ng 5k dahil kapos daw ang 20k sa food allownance dahil madami silang kakain Hindi ko lang masabi kay mama na may trabaho naman ang mga kapatid ko dapat na pamilya ko makinabang sa pera …
Paminsan minsan lang ipaka usap sa akin ni mama ang asawa ko at mga anak Ganun na set up namin buwan-buwan buti na lang at may mga extra naman akong income para may extra pang pera …After 2 years hindi ako umuwi sayang ang plane ticket pinira ko na lang at renew contract gusto ko maka ipon bago umuwi ..
Kay bilis na lumipas ng limang taon .Naluluha ako habang sakay ng eroplano,sa wakas ay makikita ko na ang aking mag iina 9 at walong taong gulang na ang aking mga anak..Tiyak ma surprise ang asawa ko at mga anak pati mga magulang at kapatid dahil hindi ko pina alam n uuwi na ako ..
Itutuloy ..