Wala na kaming ama,– maliliit palang kami ng maulila nya… kaya si Mama na ang tumayong ina at ama namin, para mabigyan kami ng magandang bukas.

Ang gabi ay ginagawa nya ring araw— wala syang pinipiling trabaho… basta marangal.

Naging katulong sya, labandera, nagtitinda ng gulay at isda at pati nga pag gag4pas ng palay ay pin4sok nya basta mapag-aral lang kami…

Kaya masasabi kong isa syang dakilang ina…

Hindi rin magaan ang kamay nya— ni minsan ay hindi kami nakatikīm ng kur∅t o p4lo sa kanya— sa halip dinadaan nya yun sa magandang pangaral !!!

Hanggang sa mapagtapos nya kaming tatlong magkakapatid sa kolehiyo na may kanya kanyang diploma.

Si kuya ay Marine, si ate ay Titser… at ako ay isang nurse…

Masayang masaya daw sya dahil hindi daw namin sinay4ng ang lahat ng pagod nya !!!

Hanggang sa magkaroon na kami ng kanya kanyang trabaho at madalang ng makauwi sa bahay namin… sa cellphone nalang rin kami madalas na magkumustahan… dahil may kanya kanya na rin kaming buhay.

Pero si Mama, ay walang kahit isa mang sinamahan sa aming magkakapatid… nanatili sya sa lumang bahay namin dahil nandun daw ang lahat ng magagandang alaala nya.

Kahit kailan rin ay hindi sya humingi sa amin… kaya kami na lang ang kusang nagbibigay sa kanya.

Hanggang isang araw… isa isa nya kaming tinawagang magkakapatid…

Ibigay nalang raw namin sa kanya ang araw ng Linggo at doon kami matulog ng sama sama sa kanya !!!

Madalang syang humiling, Ms. Nhie kaya pinagbigyan na namin… akala namin ay naglalambīng lang sya !!!

Sobrang saya ni Mama noon, at ang sigla nya— bagama’t napansin namin ang pangangayayat nya…

“Ganyan lang talaga ang tumatanda mga anak… pumapayat…” sagot nya ng tanungin namin.

Nang gabing iyun, Ms. Nhie ay hiniling nyang sa iisang kwarto nalang kaming apat sama-samang matulog… gaya daw nung dati, gaya nung maliliit pa raw kami…

Panay ang h4lik at y4kap nya sa amin ng gabing iyun, Ms. Nhie at panay ang pananariwa namin ng mga lumipas…

“Magpakatatag kayo palagi mga anak… at palagi nyong tandaan na mahal na mahal ko kayo… ” sabi nya na maluha luha pa…

Pero kinabukasan ay hindi na sya nagising… pero payapa ang mukha nya at may ngiti sa kanyang labi !!!

Parang masaya syang pumanaw…

Iyak kami ng iyak na magkakapatid nun…

Iyun na pala ang huling gabi na makakapiling namin sya at mayay4kap !!!

Lingid pala sa kaalaman namin ay may kanser sa baga si Mama. Hindi nya lang sinabi sa amin dahil ayaw nya kaming bigyan ng alalahanin…

Marahil dulot iyun ng kasipagan nya sa trabaho noong araw !!!

Ms. Nhie… tanggap na po namin ang pagkawala ni Mama… pero ganun pala yun, author— napakahirap palang mabuhay ng wala ka ng ina !!!

Wala na ang Ilaw at sandigan naming magkakapatid… iba pa rin talaga ang may ina sa tabi mo, na laging nakasuporta at naka-alalay sayo !!!

Kaya ito lang ang masasabi ko

“Mahalin ninyo ang inyong mga magulang habang buhay pa sila, at habang nakakasama nyo pa sila— iparamdam nyo sa kanila ang pagmamahal ng isang anak, dahil kaibigan… sasabihin ko sa’yo mahirap ang walang ina o ama sa tabi mo dahil parang lagi ng may puwang sa buhay mo