-
Isang gabi noong Disyembre 2016. Dumating si Raffy de la Peya, 39 anyos sa kanilang bahay sa San Mateo, Rizal ng walang pasabi. Isa siyang OFW na nagtatrabaho bilang welder sa Alcobar, Saudi Arabia sa loob ng mahabang panahon. dala niya ang pagod ng biyahe ngunit naroon din ng pananabik ang pag-asang muling mayayakap ang asawa’t anak na tatlong taon na niyang hindi nasisilayan.
-
Ngunit imbes na kasiyahan pagkabigla ang bumungad sa kanya, pinagbuksan siya ng pinto ng kanyang asawa. Si Lara de la Peña, 36 anyos. Sa halip na ngiti o yakap, takot ang unang nakita niya sa mga mata nito. Tahimik si Lara tila hindi makakilos. Doon pa lamang ay ramdam na ni Raffy na para bang may mali. Pagpasok niya sa bahay, napansin niya ang malaking pagbabago sa paligid.
-
Wala ang malaking TV set sa sala. Bakante ang lugar kung saan dati ay nakalagay ang ref at sofa. Sa kwarto naman wala ang mga alahas ni Lara at ang mga gadgets ng mga anak. Habang iniikot niya ang bahay, unti-unting bumigat ang kanyang dibdib. Ang lahat ng pinaghirapan niya sa ibang bansa ay tila naglahong parang bula.
-
Pagkalipas ng pag-ikot niya sa bahay, agad niyang sinuri ang bank account ng misis niya na nagsisilbing savings account nilang mag-asawa. Halos wala na rin itong laman. Bukod pa roon, nalaman niyang may mga utang na nakapangalan sa asawa, mga lending at private loans mula sa mga lokal na bangko. Lahat ng ito ay nangyari sa loob lamang ng isang taon.
-
Nanginginig si Raffy habang humihingi ng kasagutan sa asawa. Ngunit si Lara ay takot na takot at hindi alam kung saan huhugutin ang mga salita para magpaliwanag. Taong halos magtatatlong taon na ang lumipas mula ng umalis si Raffy para sa ikalawang kontrata niya sa Saudi. Sa panahong iyon, sinigurado niyang regular ang padala, maayos ang komunikasyon, kumpleto ang pangangailangan ng kanyang mag-ina.
-
Ngunit sa bawat buwan ng pagkakalayo, unti-unting nagbago ang mundo ni Lara. Nakaramdam si Lara na tila may kulang sa kanyang buhay. Bagam’t hindi nagkulang si Raffy sa pagbibigay ng lahat, sa kanya ay naghanap pa rin si Lara at hindi naento sa pagmamahal ng asawa. Noong mga unang buwan ng 2016, sa gitna ng pagkabagot, natutunan niyang mag-explore sa internet at makipagkilala sa ibang mga indibidwal.
-
Noong una ay binalak lang niyang magkaroon ng mga bagong kaibigan ngunit nag-iba ang ihip ng hangin nang makilala niya si Glen. Si Glenn ay tubong Maynila 29 anyos. Matipuno at malakas ang karisma. Sa una simpleng usapan lang. Magaan nakakatawa at nagbibigay ng pansin na matagal na niyang hindi naramdaman. Ngunit habang tumatagal, naging mas madalas ang kanilang komunikasyon.
-
Ang mga mensahe ni Glenn ay naging sandigan niya sa bawat gabi at unti-unti napalapit siya rito. Sa kalagitnaan ng 2016, dumating ang gabing nagbago ang lahat. Habang nasa sleepover ang anak, inimbitahan ni Lara si Glenn sa kanilang bahay. Nagkaroon sila ng inuman. pagsasaya at kwentuhan at sa gabing iyon ay nangyari ang isang ipinagbabawal na pagniniig sa dalawa.
-
Naging mapusok ang gabi na para bang hindi nila iniisip ang kahahantungan ng kanilang maalab na pagtatagpo. Kalaunan ay napagod si Lara at mahimbing na nakatulog habang katabi sa iisang higaan ang lalaking hindi niya asawa. Hindi niya alam na ang gabing iyon ang magiging simula ng bangungot na hindi niya matatakasan.
-
Isang pagkakamaling habang buhay niyang pagsisisihan. Kinabukasan, maagang nagising si Lara. Tahimik ang buong bahay at wala na si Glenn. Sa halip na aliw, kabaang bumalot sa kanya. Nang suriin niya ang paligid, napansin niyang may mga bagay na nawawala. Wala na ang kahon ng mga alahas na noong gabi lang ay nasa ibabaw ng mesa sa tabi ng kanilang kama.
-
Nawawala rin ang perang nasa aparador pati ang ilang mga gadgets sa kwarto. Hindi niya alam na habang nakikipag-inuman siya kay Glenn ay minamanmanan na pala nito ang mga gamit sa kanyang bahay. Nung una hindi niya alam kung anong gagawin. Tinawagan niya si Glenn ngunit hindi ito sumasagot. Ilang oras lang ang lumipas nakatanggap siya ng mensahe.
-
Ang tono ay malamig at walang pakundangan. May hawak daw siyang video ng kanilang pagtatalik nong gabing yon. Isang kopya na maaaring makarating kay Raffy kung hindi siya susunod sa gusto ng lalaki. Unang hiningi ni Glenn ang Php30,000 mula kay Lara. Sa takot na mabunyag ang kanyang kasalanan, agad siyang nagpadala ngunit hindi doon natapos ang lahat.
-
Muling nagpadala si Glenn ng mensahe. Humihingi ito ng dagdag. Sa bawat linggong may bagong halaga 10,,000 minsan 15. Sa bawat banta ay mas lalong lumalalim ang takot ni Lara. Unti-unti ay nabawasan ni Lara ang ipon nilang mag-asawa sa bangko. Nang maubos yon, sinimulan niyang ibenta ang ilang mga gamit sa bahay.
-
Sinundan yon ng pangungutang sa lending at pagbebenta ng maliit na lote na pag-aari ng kanilang pamilya. Lahat ng ito ay ginawa niya ng palihim sa pag-asang matatapos na ang pangingikil. Ngunit habang nagpapatuloy lalo lamang siyang nasasadlak sa tila kumunoy ng pagdudusa. Natutunan niyang magsinungaling kay Raffy kapag tumatawag ito mula sa Saudi.
-
Palaging nagdadahilan na siya ay abala. Iniiwasan niya ang mga video call at mas pinipiling hindi magpakita. Sa bawat mensahe ay may kasabay na guilt at takot. Ngunit wala siyang magawa. Sa isip niya, ang pag-amin sa kasalanan ay tuluyang sisira sa kanilang pamilya. Maging sa kanilang anak ay naglihim si Lara.
-
Sinabi niyang kailangan niyang ibenta ang mga kagamtan dahil sa hinaharap ay lilipat sa mas magandang tirahan. Naniwala ang kanyang anak at hindi naghinala na may mas malalim palang dahilan kung bakit ginagawa yon ng kanyang ina. Sa loob ng ilang buwan, halos maubos ang lahat ng kanilang naipundar. Ang mga kapitbahay ay nagsimulang magtanong kung bakit tila unti-unting nababawasan ang mga gamit sa kanilang bahay.
-
Hindi niya na maalala kung ilang beses siyang umiyak sa gabi, hawak ang telepono at binabasa ang mga mensahe ng lalaking minsang nagpangiti sa kanya. Ang boses na dating nagbibigay ng aliwin ngayon ng kanyang pangamba. Alam niyang mali, alam niyang kasalanan. Ngunit hindi na niya alam kung paano makakalabas sa pinasok na gusot.
-
Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan ng naubos ang lahat ng ipon, ang gamit pati ang respeto niya sa kanyang sarili. Sa kabilang banda, napapansin ni Raffy ang pagbabago sa kanyang asawa. Alam niyang may mali ngunit hindi niya matukoy kung kaya’t siya na ang nagpasang gumawa ng hakbang. Makalipas ang ilang buwan, dumating ang araw na matagal ng kinatatakutan ni Lara.
-
Isang gabi ng Disyembre, taong 26, tahimik siyang naghuhugas ng pinggan nang marinig ang pagtigil ng isang tricycle sa labas. Pagbukas niya ng pinto, bumungad si Raffy. Hawak ang isang maleta at isang bag. Walang nasabi si Lara. Ang biglang pag-uwi ni Raffy ay labis niyang ikinagulat. Habang nakatayo ito sa may pinto, mabilis na napansin ang pagbabago sa bahay.
-
Wala ang mga dati nilang kagamitan. Wala ang mga alahas at maging ang dating maaliwalas na sala ay tila nilamon ng kawalaan. Sinubukan niyang tanungin si Lara kung ano ang nangyari. Natakot si Lara sa mga titig ni Raffy at sinubukang magdahilan na scam daw ito ng malaking halaga sa isang negosyong pinasok niya at natakot itong malaman ni Raffy.
-
Hindi makapaniwala ang lalaki sa mga naririnig. Natuklasan niyang bukod sa mga kagamitan ay naubos din ang kanilang ipon. Sa labis na galit ay pilit niyang pinaamin si Lara sa katotohanan hanggang sa tuluyang gumuho ang kasinungalingan ng babae. Nang kunin ni Raffy ang cellphone ni Lara, doon niya natuklasan ang buong katotohanan.
-
Ang pangingigil sa kanya ng lalaking si Glen at ang naging pagtataksil ni Lara habang siya ay nagpapakahirap sa ibang bansa. Nang gabing iyon ay pinalayas ni Raffy si Lara sa kanilang bahay. Ang kanilang anak ay saksi sa galit ng kanyang ama at hindi rin niya maunawaan kung paanong nagawa ng kanyang ina ang magtaksil sa kabila ng pagiging responsable ni Raffy.
-
Nagmakaawa si Lara ngunit wala siyang nakuhang awa mula kay Raffy. Habang nangyayari ang iskandalo ay naroon ng mga kapitbahay at nakatanaw sa paligid. Sa kahihiyaan, wala nang nagawa si Lara kundi umalis at umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang sa Laguna. Kinabukasan, umalis si Raffy sa bahay. Sa loob ng ilang araw, nagsampa siya ng kaso laban kay Lara.
-
Ang perang ginamit sa pakikipagkita, ang mga gamit na ibinenta at ang ipon na ginamit sa ibang lalaki ay naging bahagi ng reklamo. Tuluyan ding pinutol ng kanyang anak ang ugnayan nito kay Lara. Sa mga sumunod na linggo, nagsimulang mabuo ang kwento sa mga kapitbahay. Pagtataksil at panloloko ni Lara kay Raffy ay naging laman ng mga usapan nila.
-
Samantala, nagplano si Raffy upang matukoy ang lalaki sa likod ng pagkasira ng kanyang pamilya. Ginamit ni Raffy ang cellphone ni Lara. Patuloy ang pangingikil ni Glenn ngunit hindi niya alam na ibang tao na ang kanyang kausap. Sinabi ni Raffy gamit ang pagkakakilanlan ni Lara na may huling halagang dalb na handa niyang ibigay kapalit ng kopya ng video.
-
Sa una, tumanggi si Glenn ngunit kalaunay pumayag din dahil sa malaking halaga. Agad nakipag-ugnayan si Raffy sa mga autoridad. Sa tulong ng PNP anti-cyber crime group, isinagawa ang isang entrapment operation. Nakipagkita si Glenn sa isang cafe sa Maynila sa inaakala niyang si Lara. Ikaw ng Disyembre taong 26.
-
Bandang 5 ngpon, pumasok sa cafe ang isang lalaking pamilyar sa larawan sa cellphone. Nakasuot ng polo, bitbitang maliit na bag. Umupo ito sa mesa at maya-maya ay sinagot nito ang text na pinadala ni Raffy. Sa puntong yon, lumapit ang mga kooperatiba para tuluyang arestuhin si Glenn. Nakumpiska sa kanya ang cellphone na naglalaman ng conversation niya kay Lara.
-
Gayun din ang maselang video na ginamit niya upang i-blackmail ang babae. Sa imbestigasyon, natuklasan na matagal ng may kaso ang lalaking nakilala ni Lara bilang Glenn. Ang tunay nitong pangalan ay Virgilio Montabo. 32 anyos at may nakabimbing Warran of Ares sa parehong uri ng krimen, Estafa at Identity Fraud. Ginamit niya ang iba’t ibang pangalan upang makapanloko ng mga babae sa social media.
-
Mula sa kanyang bank account, na-recover ng mga aoridad ang ilang halaga na ipinadala ni Lara. Sa araw na nahuli si Virgilio, naroon si Raffy sa presinto. Tahimik niyang pinagmamasdan ang lalaking sangkot sa pagkasira ng tiwala at dangal ng kanyang pamilya. Pagsapit ng Marso, taong 17, nagsimula ang paglilitis sa magkahiwalay na kaso laban kay Verghilio at kay Lara.
-
Sa unang pagdinig, inilatag ng prosekusyon ang lahat ng ebidensya ang mga transaksyon sa bangko, mga screenshot ng usapan at ang kopya ng video na ginamit sa pangingigil. Sa harap ng mga hurado, malinaw na naipakita kung paano ginamit ni Virhilyo ang pagnanasa at takot ni Lara para sa sariling kapakinabangan.
-
Umamin si Verhilio sa kasong cyber blackmail at estava ngunit humiling ng play bargain gain. Tumanggi ang korte at itinuloy ang buong paglilitis. Sa huling hatol, napatunayan niyang nagkasala sa mga kasong cyber blackmail, stafa, Identity Fraud at paglabag sa Republic Act 9995 o Antipoto and Video Voyurism Act, nahatulan siya ng 20 taong pagkakabilanggo dahil dito.
-
Samantala, si Lara de la Peña ay napatunayan ding nagkasala sa batas dahil sa pagtataksil sa kanyang asawa. Paggamit ng kanilang mga ari-arian upang pagtakpan ng kanyang kasalanan. Ang kaso ni Lara ay umabot sa dalawang mabigat na paratang, adultery at qualified death kasama ang psychological abuse sa ilalim ng VWC, Law of Republic Act 9262.
-
Ang prosekusyon ay nagpresenta ng mga dokumento ng bangko, mga pahayag ng anak at mga ebidensya ng pagkakaroon ng relasyon kay Virghilyo. Sa testimonyo ng anak, malinaw ang naging epekto ng nangyari. Troma, galit at pagkawala ng tiwala sa sariling ina. Sa desisyong inilabas ng korte si Lara de la Peya ay nahatulan ng llimang pagkakakulong.
-
May kasamang provation dahil sa unang paglabag. Labis ang pagsisisi ni Lara ngunit wala siyang nagawa kundi tanggapin ang hatol ng husgado. Dalawang taon ang lumipas matapos ang hatol sa Saudi Arabia, muling nakabalik sa trabaho si Raffy de la Peñ bilang welder sa parehong kumpanya na minsan niyang iniwan. Tahimig ang kanyang buhay.
-
Malayo sa ingay ng eskandalo. Sa bawat araw ng trabaho, dala pa rin niya ang mga ala-ala ng pagkawasak ng pamilya. Ngunit hindi na ito ganoon kabigat. Ang sakit ay unti-unting napalitan ng pagtanggap. Ang kanilang anak na ngayon ay nasa kolehiyo ay ipinapaaral niya mula sa kanyang kinikita. Mas matipid siya ngayon, mas maingat ngunit pareho pa rin ang layunin ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.
-
Samantala, sa Correctional Institution for Women, nanatiling nakakulong si Lara de la Peña, tahimik ang kanyang mga araw madalas sa loob ng maliit na silid na pinagbabahanginan ng ibang mga bilanggo. Minsan lamang daw siya dinalaw ng kanyang anak at hindi na yun naulit. Naging napakasakit para kay Lara na mawala ang lahat sa kanya at wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili.
-
Ang lalaking minsang tinawag niyang Glenn si Virgilio Montalbo, ay nanatili rin sa kulungan. Pinagbayaran ang mga kasong nag-ugat sa panlilinang. Ang kwento ng mag-asawang minsang nagmahalan ay nagtapos sa dalawang magkaibang direksyon. Isa sa malayong bansa at isa sa bilangguan. Gayun pa man, ito ang mukha ng hustisya.
-
Ang kataksilan ay maaaring makasira ng pamilya ngunit hindi nangangahulugang. Dito nagtatapos ang lahat. Mabigat man ang naging kabayaran ngunit ang kapayapaan sa puso ni Raffy ay hindi kayang tumbasan ng mga bagay na nawala kahit pa ang pera o ang asawang nagtaksil sa kanya.
News
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
Se llevó a casa un viejo sillón que alguien había tirado a la basura, pensando que aún podría ser útil.
Minutos después, al quitar la tapicería del sillón, descubrieron un compartimento secreto oculto en su interior. Dentro de ese espacio había algo que ninguno de los dos habría imaginado encontrar. Sin embargo, lo que realmente hizo especial esta historia no…
End of content
No more pages to load