-
Agosto 26 sa bayan ng San Felipe, Zambales. Nabasag ang kapayapaan ng gabi matapos ang insidenteng nagpagimbal sa mga residente. Sa harap ng isang sari-sari store na matagal ng kilala sa lugar, nakahandusay ang katawan ni Linda Morales. Nakalugmok sa malamig na semento, walang malay at nag-aagaw buhay. Sinubukan pa itong dalhin sa ospital ngunit hindi na ito umabot at hindi na nagawa pang maligtas.
-
Kilala si Linda ng karamihan sa bayan dahil sa kanyang negosyo ng pagpapautang. Mahigit dalawang dekada na siya sa negosyong ito mula sa maliit na halaga para sa mga biglang pangangailangan hanggang sa malaking pautang para sa puhunan. Mataas ang interes at mas mataas pa ang kanyang boses kapag naniningil. Minsan tila mas mabigat pa sa mismong utang ang kahihian na idinudulot niya sa mga nahuhuli sa bayaran.
-
Sa palengke sa labas ng simbahan. Kahit sa mismong tapat ng bahay ng may atraso, walang lugar na hindi niya kayang gawing entablado ng panghihiya. Isa sa mga matagal ng nasa listahan ng kanyang mga sinisingil ay si Mario de Luna. isang 39 anyos na karpintero. Bago nagkasakit ang anak na si Joel at maospital, halos araw-araw siyang may trabaho.
-
Ngunit nang magsimula ang sunod-sunod na pagpapagamot, halos maubos ang kanyang kita sa ospital at medikasyon ng kanyang anak. Noong una, 30,000 lamang ang inutang niya kay Linda. Sapat para mabayaran ang mga ginastos sa ospital. Pero sa loob lamang ng dalawang taon, sa dami ng patong na interesa at mula sa bawat araw na nahuhuli ito sa pagbabayad ay lumobo ito ng mahigit pa sa tatlong beses.
-
Kinagabihan ng insidente, muling humarap si Mario sa matinding kahian. Bandang hapon, dumating si Linda sa bahay niya kasama ang isa pang lalaking may malaking pangangatawan. Pinipilit niya si Mario na pumirma sa isang kasunduang hinihingi ang titulo ng kanyang lupa bilang colollateral sa kanyang utang. Nakikipagkasundo si Linda na kung hindi mabayaran ni Mario sa loob ng isang buwan ang buo niyang utang ay ililipat sa kanyang pangalan ang titulo ng maliit na lupang kinatitirikan ng bahay ni Mario.
-
Sa harap ng ilang kapitbahay, ipinahayag niya na kung hindi pipirma si Mario ay ipapadampot niya ito at kakasuhan ng estafa. Sa buong compound ay mabilis na umalingawngaw ang nangyaring pamamahiya at sapat na yon para mag-iwan ng matinding sugat sa dangal ng isang tao. Pagsapit naman ng gabi matapos isara ang tindahan at mag-inventory sa mga paninda ay hindi na muling nasilayan ni Linda ang bukas.
-
Isang anino ang lumapit mula sa gilid ng kalsada. Ilang saglit lamang ay pumailang lang ang tunog ng matigas na bagay na tumama sa bandang sentido ni Linda. Pagkatapos non ay naiwan na itong nakabulagta sa harap ng kanyang sariling tindaan. Ang mga nakakita mula sa malayo ay nagsabing may tumakbong lalaki ngunit sa dilim at sa buhos ng ambon ay walang nakaaninag ng malapitan sa mukha ng salarin.
-
Naiwan si Linda sa malamig na lupa habang unti-unting humihina ang mga yabag ng papatakas na suspect. Agad naman na itinakbo si Linda sakay ng isang pampasaherong tricycle na tinawag ng ilang saksi. Ngunit wala pang t minuto ay nalagutan na ito ng hininga. Sa sumunod na oras, dumating ang mga pulis at mga tanod.
-
Wala pang nakakaalam kung sino ang may kagagawan. Pero sa mga bulungan ng mga tao, may ilang pangalan na agad ang sumulpot. Isa na roon si Mario de Luna ang taong nakaalitan ni Linda ng mismong araw na yon. Bago pinasok at nakilala si Linda sa larangan ng pagpapautang. Siya ay isa lamang tindera sa palengke ng San Felipe.
-
Noong dekada siam na po may maliit silang pwesto sa gilid ng kalsada kung saan siya nagbebenta ng lutong ulam. Ang puhunan niya ay galing sa natanggap nilang pera ng kanyang asawa noong sila ay ikinasal. Maayos ang naging takbo ng lahat hanggang sa maaksidente ang kanyang asawa at pumanaw noong taong 2000. Napilitan si Linda na humanap ng ibang paraan para mabuhay ang tatlong anak.
-
Doon siya nagsimulang magpautang. Sa una mababa lang ang tubo para lang may dagdag kita habang umiikot ang pera. Ngunit nang masimulan niyang maramdaman ang lakas ng negosyo, lalo itong lumaki. Dumami ang kanyang kliente at unti-unti ring tumaas ang interes hanggang sa makilala siya bilang matapang na maningil.
-
Walang pinapalampas na atraso at walang takot manita kahit pa sa harap ng maraming tao. Ang kita mula sa pagpapautang ay naging tulay para mapag-aral sa pribadong eskwelahan ang mga anak at makabili ng ilang ari-arian sa kanilang lugar. Samantala, si Mario de Luna ay lumaki sa isang pamilya ng magsasaka. Maaga siyang natutong magtrabaho bilang karpintero para makatulong sa mga magulang niya.
-
Hindi siya nakapagtapos ng elementarya kung kaya’t wala siyang ibang trabahong mapapasukan ngunit naging matyaga at masipag ito sa pagiging karpintero. Taong 24 nagbago ang lahat ng magkasakit ang anak niyang si Joel. Kaya naman kailangan ng sunod-sunod na gamutan at operasyon nito. Ngunit walang sapat na ipon si Mario sapagkat siya lang ang naghahanap buhay.
-
Lumapit siya kay Linda para umutang ng 30,000. Noon pa man, kilala niya na ang reputasyon nito pero wala siyang ibang mapagkukunan. Sa kasunduan nilang dalawa, may interest ito na 20% kada buwan. Iniisip ni Mario na makakahanap siya ng paraan upang mabayaran ito agad para hindi na lumobo. Ngunit sa unang mga buwan, nakakabayad siya ng kaunti at halos napupunta lamang ang kanyang bayad sa tubo ng kanyang inutang.
-
Paglipas ng dalawang taon, umabot na sa mahigit 90,000 ang kabuuang pagkakautang ni Mario. At ayon kay Linda, patuloy pa itong lalaki hangga’t hindi nababayaran. Para kay Mario, imposibleng matapos ang utang kahit buong kita niya ay ilaan. Ngunit para kay Linda, simpleng kasunduan lang yon.
-
Umutang ka, magbayad ka. Ang magkaibang pananaw na yon, isa’y nakasalalay ang kabuhayan sa tubo at isa’y nalulunod sa interes ang naging binhi ng alitang hahantong sa isang trahedya. Enero 26 malamig ang simoy ng hangin ngunit mainit ang tensyon sa pagitan ni Mario at ni Linda. Sa ikatlong pagkakataon sa loob ng isang buwan, dumating si Linda sa bahay ni Mario.
-
Hindi mag-isa kundi kasama ang dalawang barangay tanod. Hawak niya ang talaan ng utang at ang kalkuladong interes na halos kapareho na ng halaga ng maliit na lote ni Mario. Sa harap ng mga kapitbahay, halos ipagsigawan ni Linda ang kabuuang balanse ni Mario. Sinabayan ng matalim na tingin at mapanghamak na biro tungkol sa pangungutang ngunit wala naman palang pambayad.
-
Hindi yun ang unang beses na napahiya si Mario sa palengke minsan ay sinisigawan siya ni Linda habang may dalang sako ng bigas at ilang gulay. Sinabihan nitong palamunin ang asawa ni Mario habang ang ilang mga tao ay napapahinto para makinig. Kahit walang direktang pagtutol, ramdam ni Mario ang bigat ng bawat salita.
-
Parang latigong paulit-ulit na h umahampas sa kanyang dangal. Sa mga sumunod na buwan, naging mas agresibo ang paniningil. Madalas na dumaraan si Linda sa bahay ni Mario tuwing gabi. Humihinto sa harap ng tarangkahan at ipinapaalala sa lahat ng makarinig na wala pa ring bayad ang utang. Ang asawa naman ni Mario na si Teresa ay nagsimulang umiwas sa kapitbahay at bihira ng lumabas.
-
Kahit ang mga bata ay napapansin ang pagbabagong yon. Tahimik na hapunan, malungkot na gabi at paggising sa umaga, parehong problema pa rin ang sumasalubong sa pagmulat ng kanyang mga mata. Huling insulto ang dumating nang ipinasumon ni Linda sa barangay hall si Mario at sinabi na kung hindi makabayad sa katapusan ng buwan, kukunin niya ang titulo ng lupang minanapa ni Mario sa mga magulang.
-
Sa puntong yon, hindi na lang simpleng utang ang iniisip ni Mario kundi ang pagkawala ng tanging pamana na maiiwan niya sa anak. Ang sama ng loob na pinipilit niyang kimkimin ay unti-unting naging matinding galit. Hindi niya pabatid pero sa ilalim ng lahat ng iyon, nagsisimula ng mabuo ang ideya ng pagtaka sa utang sa paraang magpapahamak maging sa kanyang sarili.
-
Agosto, 2,16 ng hapon. Muling huminto sa tapat ng bahay ni Mario ang tricycle na sinasakyan ni Linda. Bitbit niya ang envelope ng kanilang kasulatan sa barangay at dokumento mula sa abogado na kung saan pinahihintulutan ni Mario na ilipat ang titulo sa pangalan ni Linda. Kasama rin niya ang dalawang bruskong lalaki na madalas sumama sa kanya sa paniningil.
-
Sa bakuran, nakatayo si Mario halos walang imik. Habang si Teresa ay nakasilip sa pinto. Hindi nagtagal. Tumambad sa mga kapitbahay ang pagtatalo. Mas lumakas ngayon ang boses ni Linda at mas mabigat ang bawat salitang lumalabas mula sa kanyang bibig. Hindi lang pera ang hinihingi kundi ang pirma sa dokumento.
-
Tumanggi si Mario. Nagpaliwanag ngunit tila wala ng puwang ang mga salitang yon kay Linda. Sa halip naging mas mapanlait ang tono ni Linda, idinadamay ang pamilya sa bawat patutsada. Nag-alisan ang mga kapitbahay isa-isa ngunit naiwan sa hangin ang bigat ng eksenang ‘yon. Bandang 8 ngsula ngsara si Linda ng kanyang tindahan.
-
Tahimik ang kalsada. Tanging ilaw mula sa poste ang nagbibigay ng aninag. Sa malayo, isang anino ang gumagalaw. Dahan-dahang lumalapit. Hindi nagtagal. Sumabay sa pag-ikot ng susi sa padlak ang isang kaluskos mula sa likod. Bago pa makalingon si Linda ay may humawak sa kanya ng mahigpit. Isang matinding hampas ang bumagsak sa kanyang sentido at sa isang iglap lang ay bumagsak ito sa sementadong sahig.
-
Mabilis na tumakbo ang salarin palayo at naglaho sa dilim. Dali-dali namang lumapit ang ilang residente na napansin sa malayo ang nangyaring trahedya. Itinakbo si Linda sa ospital kay ng tricycle. Ngunit ilang minuto pa lamang ang lumilipas ay wala ng pulso ang ginang. Ang katahimikan ng gabi ay napalitan ng halong takot at bulungan.
-
At sa kabila ng lahat, walang makapagsabi kung sino talaga ang sumugod ngunit marami ang may hinala. Kinaumagahan, nagsimulang gumulong ang imbestigasyon ng mga pulis. Kinordon ang paligid ng tindahan ni Linda at isa-isang tinanong ang mga kapitbahay. Maraming nagbigay ng magkakatulad na pahayag bago ang insidente.
-
Nakita nilang nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Linda at Mario. Dalawang araw ang lumipas bago natunton si Mario dahil hindi ito nagpakita sa kanyang bahay. Minampot ito habang nagpapahinga sa isang bakanteng kubo malapit sa isang farm. Tahimik itong sumama sa mga aoridad at tila ba alam na nito ang dahilan kung bakit siya inaresto.
-
Sa interogasyon sa presinto, hindi na tumanggi pa si Mario sa paratang. inamin niya ang pagiging salarin at ang kanyang motibo. Sinabing naisip niya itong gawin upang matakasan ang kanyang utang kay Linda. Binalak niyang tumakas ngunit sa huli ay kinain siya ng konsensya kung kaya’t kusa niyang inamin ang lahat sa pulisya.
-
Agad namang sinampahan ng kasong homicide ang suspect. Sapat na ang kanyang naging pag-amin at ang mga circumstantial evidence. Upang magkaroon ng probable cause sa kanyang kaso. Isinama ang pahayag ng mga saksi at record ng kanilang alitan sa mga ebidensya ng kaso. Sinubukan ng abogado ni Mario mula sa Public Attorney’s office na ipakita ang kasaysayan ng kanilang utang kung paano ito lumobo mula 30,000 hanggang higit sa P si,000 sa loob lamang ng dalawang taon.
-
at kung paano halos lahat ng kita ni Mario ay napunta sa lahat ng interes. May ilan namang nakisimpatya at sinabing hindi siya likas na marahas kundi itinulak ng patong-patong na panggigipit at kahihian. Ngunit sa mata ng batas, malinaw ang krimen. Isang buhay ang nawala sa pamamagitan ng marahas na paraan. Homicide ang naging hatol at habang kinikilala ng korte ang mitigating circumstances gaya ng matinding galit at provocation, nahatulan pa rin si Mario ng habang buhay na pagkakakulong na may posibilidad na parol matapos ang ilang taon.
-
Sa araw ng sentensya, magkahalong lungkot at bigat ang bumalot sa magkabilang panig ng korte. Sa isang banda, nakuha ng pamilya ni Linda ang hustisya ayon sa batas. Sa kabila nito, may mga mata na tahimik na nagtatanong kung yun nga ba ang kabuuan ng hustisya. Matapos ang hatol, bumalik sa normal ang lahat ngunit naiwan ang bakas ng nangyari.
-
Tuluyang naulila ang mga anak ni Linda. Ramdam ang malaking kawalan dahil tanging si Linda lamang ang may hanap buuhay sa kanilang pamilya. Ang panganay niyang anak ang naniningil sa mga naiwan niyang pautang. Ngunit hindi katulad ng dati ay tanging puhunan na lamang ang siningil nito. Ipinagpatuloy nila ang tindahan ng nasirang ina habang sinusuportahan ang kanilang pag-aaral.
-
Sa kulungan, madalas nakaupo si Mario sa isang sulok. Tahimik na pinagbabayaran ang isang bagong pagkakautang ngunit ngayon ay hindi na pera ang isinisingil nito kundi ang kanyang kalayaan. Hindi na niya mababawi ang buhay na nawala. Ngunit paulit-ulit niyang iniisip na maiiwasan sana ang lahat kung nagkaroon lamang ng pagkakaunawaan at mas mahabang pasensya ang isa’t isa.
-
Ang insidenteng ito ay nagsilbing babala sa mga residente. Marami yang nagsimulang umiwas sa ilegal na pagpapautang na may sobra-sobrang interes. May ilan namang nagpasang huwag ng umutang kung walang malinaw na paraan ng pagbabayad. Sa huli, malinaw na walang nanalo sa nangyaring trahedya.
-
Si Linda na ginamit ang tigas ng loob at talas ng dila sa larangan ng negosyo ay nagbayad ng buhay para sa kanyang pamamaraan sa paniningil. Si Mario na minsang kilala bilang tahimik at masipag na karpintero ay humantong sa kulungan dahil sa galit at desperasyong hindi niya napigil. Naiwan ang dalawang pamilya na parehong sugatan hindi dahil sa isang simpleng utang kundi dahil sa mga salitang nagpainit ng dugo at sa kawalan ng puwang para sa pag-unawa.
-
Ang insidenteng ito ay naging paalala sa buong bayan. Ang pera ay maaaring magpatayo ng bahay ngunit maaari ring sumira ng tahanan. Maaari nitong iligtas ang isang buhay ngunit maaari ring maging mitsa ng kamatayan. At kapag hinayaan ng tao na ang galit at kahihi ang magdikta ng kanyang kilos, walang interes o tubo ang makakabawi.
-
Sa kabayaran ng isang pagkakamaling, wala ng balikan.
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load