• Sa bawat yugto ng ating buhay, may mga taong umaalis at may mga taong dumarating. Ngunit paano kung ang taong pinaunlakan natin sa ating buhay ay siyang sisira ng ating pagtitiwala, paano pa tayo magiging bukas sa iba? Si Joshua Trinidad 32 taong gulang, ay tubong Isabela. Grade 6 lamang ang natapos niya sa pag-aaral matapos huminto dahil sa kahirapan ng pamilya.
  • Maaga siyang natutong magtrabaho at magtiis. Sa Maynila, namasukan siya bilang delivery helper. Walang regular na kontrata, umaasa sa arawan at madalas nagrerenta lamang ng maliit na espasyo kasama ang iba pang manggagawa. Tahimig ang buhay ni Joshua. magaling makisama at kung may maiaalok ay hindi siya madamot sa kanyang mga katrabaho.
  • Sa kabila nito, ilang babae pa lamang ang kanyang nakarelasyon at matagal ding naging single. Sa mga panahong ion, ang cellphone ang naging pangunahing libangan niya. Pangkamusta sa pamilya sa probinsya at paminsan-minsang pag-scroll sa social media. Isang gabi, may pumasok na mensahe mula sa isang hindi kilalang account.
  • Isang simpleng pagbati ang laman dahil wala namang masamang kutob ay sinagot niya ito. Dito nagsimula ang komunikasyon nila ng babaeng nagpakilalang Celine Ordal. 28 taong gulang na mula sa Bicol. Sa mga larawang ipinapadala, makikita ang isang babaeng maamo ang mukha, maayos manamit at mukhang simple ang pamumuhay.
  • Maingat at magalang ang paraan ng pakikipag-usap. Madalas ay may tanong tungkol sa trabaho ni Joshua sa kanyang pamilya at sa mga plano niya sa buhay hanggang sa unti-unting nabuo ang koneksyon sa dalawa. Mula sa paminsan-minsang chat, naging araw-araw ang usapan. Sa umaga bago pumasok si Joshua sa trabaho hanggang sa gabi bago matulog.
  • Kahit nasa biyahe o pagod sa trabaho, sinisikap niyang makapag-reply. Hanggang sa unti-unting naging sentro ng kanyang atensyon ang babae. Sa paglipas ng mga linggo, nagkaroon na sila ng mga video call. Dito mas lalong napalapit si Joshua sa babaeng kausap niya. Nakikita niya ang mukha, naririnig ang boses at ramdam niya ang interes at lambing.
  • Sa puntong yon, naniwala siyang may taong tunay na nagmamalasakit sa kanya. Pagkalipas ng anim na buwan, naging opisyal ang kanilang relasyon at kahit hindi pa sila nagkikita ng personal para kay Joshua, sapat na ang araw-araw na komunikasyon at pangakong balang araw ay magsasama silang dalawa. Nang magkaroon ng assurance si Joshua kay Celine ay nagsimula ang mga pagbabago.
  • Hindi nila binigyan ng kahulugan katulad ng madalas na paghingi nito ng tulong lalo na sa pinansyal. Una ay maliit lamang para raw sa mga importanteng bagay na kailangan niya. Dahil may trabaho naman si Joshua at nais niyang makatulong, una siyang nagpadala ng PH5,000. Hindi nagtagal sinundan ito ng iba pang padala.
  • Pang-grocery, load, pamasahe at minsan ay para sa gamot ng pamilya. Sa bawat hiling, may kasamang paliwanag. Sa bawat padala, may pasasalamat. Para kay Joshua hindi yun simpleng pera. Pakiramdam niya ay may silbi siya sa buhay ng isang tao. Sa kabila ng maliit niyang kita, inuuna niya ang pagpapadala kaysa sa sariling pangangailangan. Sa loob ng halos isang taon, umabot sa humigit kumulang 80,000 ang kabuuang halagang naipadala niya.
  • Wala siyang ibang pinanghahawakan maliban sa tiwala at paniniwalang totoo ang pag-ibig na nabuo sa pagitan nilang dalawa. Matapos ang halos isa’t kalahating taon ng tuloy-tuloy na komunikasyon, nagsimulang magtanong si Joshua kung kailan sila maaaring magkita ng personal. Para sa kanya, sapat na ang panahon at tulong na naibigay upang umabot ang relasyon sa susunod na level.
  • Gusto na niyang makasama ng personal ang babaeng nakakausap lamang niya sa likod ng telepono. Ilang beses siyang nagmungkahi ng petsa at lugar. Ngunit sa bawat plano laging may hadlang at dahilan mula sa babae. Bigla ang karamdaman, family problem o pis sa inaasikasong mga dokumento. Palaging may paliwanag at palaging nauudlot ang pagkikita nila.
  • Sa paglipas ng mga buwan, unti-unting pumasok ang pagdududa kay Joshua. Ngunit sa tuwing magtatanong siya, bumabalik ang lambing at pangakong magkikita rin sila sa tamang panahon. Pinili niyang maniwala dahil mas madali yon kaysa hanapin ng posibilidad na niloloko siya. Dumating ang punto na hindi na niya mapigil ang pagnanais na malaman ang totoo.
  • Sa tulong ng isang kakilala, sinubukan niyang alamin ang eksaktong tirahan ng babae gamit ang impormasyong makikita sa social media nito. Novyembre ng taong 2,1, nagpasya si Joshua na bumyahe patungong Bicol gamit ang sarili niyang ipon. Hindi niya ipinaalam ang pagpunta niya. Ang nais niya a isang tahimik na pagkikita at malinaw na sagot.
  • Pagdating sa lugar, nagtanong-tanong siya sa mga maliit na tindahan at mga residente. Doon niya unang nalaman ang hindi niya inaasahan. Ang babaeng nasa mga litrato ay kilala sa lugar. Ngunit hindi bilang isang dalagang naghihintay ng kasintahan kundi bilang isang may asawa at may anak.
  • Ang bahay na itinuro sa kanya ay tirahan ng isang buong pamilya. Mas lalong nadurog si Joshua ng marinig mula sa isang tindera na hindi raw ito ang unang pagkakataon na may lalaking naghanap sa babae. May mga nauna na raw na dumating. May ilan pang nagwala at may umuwi ring tahimik at dismayado. Sa sandaling yon, bumagsak ang lahat ng paniniwala ni Joshua.
  • Ang mga mensahe at tawag at pangakong binuo sa loob ng isang taon ay unti-unting nagkawatak-watak. Hindi lang pera ang nawala sa kanya kundi ang tiwala sa sarili at paniniwalang may taong tapat na nagmamahal sa kanya. Gayun pa man, tumuloy siya sa lugar upang marinig mismo ang katotohanan. Sa bahay ni Celine Ordal na kilala sa lugar bilang Celine Valdemore, tumawag si Joshua at makalipas ang ilang sandali ay humarap ang isang babaeng pamilyar sa kanya.
  • Noong una ay makikita sa mukha ng babae ang pagkagulat ngunit kalaunan ay napalitan ito ng tila pagtataka. Itinanggi ang babae na kilala siya ni Joshua. Kahit pa inilatag ni Joshua sa harap ng babae ang mga patunay ng kanilang matagal ng pag-uusap ay nanatiling matatag sa kanyang paninindigan si Celine.
  • Sinabi niyang baka ginamit lang ng iba ang kanyang pagkatao para manloko. Ngunit hindi naniwala si Joshua. Lumabas ang asawa ng babae at doon naging mas tensyonado ang sitwasyon. Ipinakita ng lalaki ang galit at pananakot. Sa kabila ng mga ebidensyang hawak ni Joshua, wala siyang kapangyarihan sa sandaling yon upang pilitin ang katotohanan.
  • Hiniling ni Joshua na ibalik ang lahat ng perang naipadala niya ngunit wala siyang nakuha kundi pagtanggi at pang-iinsulto. Sa paningin ng mag-asawa, isa lamang siyang estrangherong gumagawa ng gulo. Umalis si Joshua na mabigat ang loob kaysa nung una siyang dumating. Ilang oras lamang ang lumipas ay tuluyan na siyang na-block sa lahat ng social media at numero ng telepono na dati niyang ginagamit upang makausap ang babae.
  • Nawala ang huling linya ng komunikasyon na matagal niyang pinanghahawakan. Nang gabing yon halos hindi siya nakatulog. Ang galit ay humalo sa kahihan at panghihinayang. Doon niya napagtanto na kung mananatili siyang tahimik, magpapatuloy lamang ang panloloko at may iba pang mabibiktima. Unti-unting napalitan ang kanyang galit ng isang malinaw na pasya.
  • Kung hindi maibabalik ang nawala, kailangan niyang igiit ang hustisya sa tamang paraan. Ilang araw matapos ang kabiguan, nagpasya si Joshua na huwag hayaang matapos doon ang nangyari. Sa halip na bumalik sa probinsya o itago ang kahihian, dinala niya ang kaso sa mas pormal na direksyon. Dumulog siya sa mga aoridad sa Maynila at isinalsay ang buong detalye ng panloloko.
  • Mula sa unang mensahe sa social media hanggang sa huling araw ng pagtanggi at pananakot na naranasan niya sa Bicol. Ibinigay rin ni Joshua ang mga hawak na ebidensya na susuporta sa kanyang inihahablang kaso. Matapos suriin ang mga ito, inendorso ang reklamo sa cyber crime division.
  • Doon mas nabuo ang isang mas sistematikong hakbang. Napag-alamang ang modus ay hindi basta simpleng panloloko lamang kundi posibleng bahagi ng mas malawak na online scam na may maraming biktima. Iminungkahi ng mga imbestigador ang isang lihim na operasyon. Isang undercover na operatiba ang gagamit ng bagong social media profile upang muling lapitan ang babae at obserbahan kung uulit ito sa parehong paraan ng panlilinlang.
  • Layunin ang operasyong ito na patunayan ang pagkakakilanlan ng nasa likod ng account at makakuha ng mas malinaw na ebidensya ng intensyon at aktwal na panloloko. Sa loob ng ilang linggo, unti-unting nabuo ang komunikasyon sa pagitan ng undercover profile at ng babae. Kapansin-pansin ang pagkakapareho ng istilo ng pakikipag-usap ang mabilis na paglalambing, ang palaging panganga at pagpapakita ng pag-aalala at ang dahan-dahang pagpasok sa usaping pinansyal.
  • Mula sa simpleng kamustahan, umabot muli sa paghingi ng tulong sa gastusin. Pagkaraan ng ilang buwan ng pagmamanman, dumating ang inaasahang hakbang. Humiling ang babae ng halagang Php,000. Gamit ang parehong dahilan ng matinding pangangailangan sa pamilya. Dito tuluyang kinumpirmahan ng mga autoridad na pareho ang pattern ng panloloho na dinanas ni Joshua.
  • Matapos ang huling paghingi ng pera, itinakda ng mga aoridad ang araw ng operasyon. Pinayagan ng undercover profile na magpadala ng halagang Php20,000 sa isang remittance center sa Bicol. Ang parehong paraan na ginagamit noon sa mga naunang padala ni Joshua sa pagkakataong ito, malinaw na ang layunin. Makumpirma kung sino ang tatanggap at patunayan ang direktang ugnayan ng babae sa panloloko.
  • Noong Marso 2019, maagang pumwesto ang mga operatiba sa paligid ng Remittance branch. Tahimik ang paligid, walang indikasyon na may magaganap na operasyon. Makalipas ang ilang oras, dumating ang babaeng nasa litrato na matagal ng ginagamit ang social media para manloko. Kasama ang isang lalaking kalaunay nakilala ang kanyang asawa.
  • Wala silang kaalam-alam na minamanmanan na sila ng mga aoridad. Nang subukan nilang i-claim ang ipinadalang pera agad na kumilo sa mga operatiba sa mismong loob ng establisimento, isinagawa ang pag-aresto. Hindi na sila nakapalag matapos ipakita ang mga dokumento at ipaliwanag ang dahilan ng operasyon.
  • Sa puntong yon, tuluyang gumuho ang matagal nilang tinatagong pagkukunwar. Sa isinagawang pagsusuri sa kanilang mga cellphone, lumabas ang mas malalim na katotohanan. Natuklasan ang iba pang lalaking biktima. Ilan sa mga ito ay matagal ng nagpapadala ng pera ngunit hindi kailan man nakatagpo ang babaeng kausap nila online. Isa-isang tinawag ng mga pulis ang mga pangalang nasa listahan.
  • Lumitaw ang apat pang biktima na may halos magkakatulad na kwento. Si Joshua ang naging pangunahing testigo hindi dahil siya ang may pinakamalaking halagang naipadala kundi dahil siya ang unang naglakas loob na magsampa ng reklamo. Sinampahan ang mag-asawa ng kasong syndicated estafa at cyber crime fraud. Sa loob ng ilang buwang paglilitis, mariing itinanggi ng mag-asawa ang mga paratang ngunit hindi nagsisinungaling ang mga ebidensya.
  • Taong 2021, hinatulan ng mag-asawa ng mahigit 15 taong pagkakakulong. Para kay Joshua, hindi na maibabalik ang lahat ng nawala ngunit sapat na na natuldukan ang panlinang. Muling bumalik si Joshua sa kanyang normal na buhay. Natutunan niyang ang pagtitiwala ay hindi basta-basta binibigay kung kani-kanino.
  • Lalo na sa mga taong nakilala mo lang online. Dahil sa panahon ngayon, nagkalat ang mga taong mapagkunwari, mapanlamang, ngunit ika nga nila. Walang manloloko kung walang magpapaloko