-
Umaga noong November 13, 2017. Tila isang karaniwang araw lamang ngunit isang kakaibang tanawin ang tumambad sa isang bakanteng lote malapit sa construction site sa Pambalan, Cebu City. Isang construction worker ang napahinto habang naglalakad papunta sa Barx. May napansin siyang malaking sako sa gilid ng lote.
-
Bahagyang nakabukas may bahid ng tila dugo. Sa una ay inakala niyang hayop lamang ang laman nito. Ngunit sa mas masusing pagkilatis, napansin niyang may nakausling bahagi ng katawan ng tao. Agad siyang umatras at tumawag ng tulong sa ibang trabahador. Ilang sandali lang ay nagtipon-tipon ng ilang kalalakihan sa paligid. Walang naglakas loob na hawakan ang sako.
-
Isa sa kanila ang tumawag sa barangay at pulisya. Makalipas ang ilang minuto, dumating ang mga tauhan ng pulisya. Agad nilang sinelyuhan ang lugar at sinimulan ang pagkuha ng litrato at ebidensya. Sa pagbukas ng sako, tumambad ang isang nakagigimbal na eksena. Bukod sa mga piraso ng katawan na malinaw na mula sa isang lalaki, may isa pang detalye na agad nagbigay ng malinaw na mensahe kung gaano katalim ang galit at nang gumawa ng krimen.
-
Ang sariling maselang bahagi ng biktima ay inilagay sa kanyang bibig. Sa pamamagitan ng mga tato sa braso at ilang personal na gamit na natagpuan malapit sa lugar, nakilala ang biktima bilang si Romeo Talavera. 34 anyos, isang construction worker na tubong Katbalogan at pansamantalang nakatira sa Barx malapit sa bakanteng lote.
-
Ayon sa mga kasamahan niya sa trabaho, huling nakita si Romeo noong gabi bago ang insidente. May inuman umano sa Baraks kasama ang ilang manggagawa matapos ang isang mahabang araw sa isa si Romeo sa mga kasama sa inumang yon. Habang tinutukoy ng pulisya kung sino ang maaaring may motibo sa krimen, isa sa mga unang pangalan na lumitaw sa listahan ng mga taong malapit sa biktima ay si Roland Dismaya. 36 anyos.
-
Ang sinasabing huling na kasama ng biktima sa inuman ay walang iba kundi siya. Isa rin siyang construction worker sa parehong proyekto. Tahimik siyang tao ayon sa trabahador ngunit kilala rin sa pagiging sensitibo. Bago siya kausapin ang mga aoridad, may isang pangalan pa ang paulit-ulit na nababanggit ng mga tauhan sa Barx.
-
Isang babaeng ilang linggo na ring hindi nakikita sa lugar. Si Lordes Desmaya, ang asawa ni Roland na malamang ay konektado sa nangyaring karasan. Ilang linggo bago matagpuan ang insidente, may isa pang nangyayari sa parehong komunidad na hindi gaanong napansin ng marami ang pagkawala ni Lord Dismaya, 33 anyos.
-
Noong Oktubre 2017, nagsimulang hindi makita si Lord sa kanilang barangay. Nang magtanong ang ilang kapitbahay, sinabi ng asawa nitong si Roland na umuwi raw ito sa kanyang probinsya sa Leyte upang dalawin ang mga magulang nito. Sa una ay naniwala ang ilan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga kapitbahay na nagsimulang magduda.
-
Hindi kasi karaniwan kay Lordes ang umalis ng hindi nagsasabi sa mga kaibigan o kapitbahay. Kilala siya sa lugar bilang palakaibigan at madalas nakikitang naglalabas sa ilog. nakikipag-usap sa mga kapitbahay o bumibili ng pagkain sa tindahan sa kanto. Hindi rin niya maaaring iwan ang ganoong katagal ang kanyang anak na pitong taong gulang at nag-aaral pa lamang.
-
May isa pang detalye na hindi mapaliwanag ng mga tao sa komunidad. Sa gabing bago mawala si Lordes, may narinig umano ang ilang kapitbahay na sigaw mula sa bahay nila ni Roland. Hindi malinaw kung tungkol saan ang kanilang pagtatalo. Ngunit ayon sa ilang mga nakarinig tila galit na galit si Roland habang umiiyak naman ang babae.
-
Kinabukasan, wala na si Lordes. Nang tanungin ng pulisya si Roland matapos madiskubre ang nangyari kay Romeo, nanindigan siya sa parehong kwento. Umuwi raw ang kanyang asawa sa probinsya dahil may problema sa pamilya. Ngunit na ang kontakin ng mga imbestigador ang mga kamaganak ni Lord sa Leyte, lumabas ang isang mahalagang impormasyon.
-
Hindi kailan man umuwi si Lord. Dito nagsimulang maging malinaw ang direksyon ng kaso at ang koneksyon ng tatlo. Si Roland, ang nawawalang asawa niyang si Lordes at ang kinitil na construction worker na si Romeo. Sa pag-usisa ng mga imbestigador sa Baraks, may lumabas na chismis mula sa ilang manggagawa. Madalas human nilang makita si Lord na nakikipag-uusap kay Romeo kapag wala si Roland.
-
May mga pagkakataon pa raw na nakikita silang naglalakad sa gilid ng ilog malapit sa site pagkatapos ng trabaho. Nang suriin ang cellphone records na na-record mula sa mga gamit ni Romeo, lumabas na may mahabang oras ng tawag at palitan ng mensahe sina Lordes at Romeo sa loob ng ilang linggo bago mawala ang babae.
-
Unti-unting nabuo sa isip ng mga imbestigador ang motibo sa kaso. Isang lihim na relasyon, isang pagtataksil na maaaring nagbunga ng galit na hindi na napigilan. Upang maunawaan ang lahat, binalikan ng mga imbestigador ang mga pangyayari bago mawala si Lordestaya. Hulyo taong 17 sa maliit na bahay nina Roland 2 kilometro mula sa construction site.
-
Nagkaroon ng simpleng inuman ang ilang trabahador bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ng anak ni Roland. Isa sa mga dumalo sa inuman ay si Romeo Talavera. Doon unang nagkaroon ng mas mahabang pag-uusap sina Romeo at Lord ang asawa ni Roland. Habang patuloy ang inuman, unti-unting nalasing si Rolan at naging abala sa pakikipagkwentuhan sa ibang kasamahan.
-
Sa isang sulok ng maliit na sala, nagsimulang mag-usap ng mas personal sina Lordes at Romeo. Sa simula ay simpleng kamustahan lamang. Ngunit habang tumatagal ang gabi, naging mas malalim ang kanilang pag-uusap. Nang matapos ang inuman, nagpaalam na ang mga bisita bago umalis. Nagpalitan ng numero sina Romeo at Lordes.
-
Sa mga sumunod na araw, nagsimula silang mag-usap sa text at tawag. Habang lumilipas ang mga linggo, lalong naging madalas ang kanilang komunikasyon hanggang humantong ito sa mga lihim na pagtatagpo. May mga pagkakataong nakikita sila sa ilog at sa bakanteng lote malapit sa construction site.
-
Doon sila nag-uusap ng matagal at patago sa paningin ni Roland. Dito rin naganap ang mga maiinit na sandali sa pagitan ng dalawa na minsan umanong na tunghayan ng isa sa mga trabahador. May ilang pagkakataon ding nakitang bumisita si Romeo sa bahay nina Lord. Nagtatagal ng ilang oras at umalis bago pa dumating si Roland mula sa iba pa nitong pinagkakaabalahan.
-
Nabuo ang isang lihim na pagtataksil na inakala nilang walang ibang makakaalam. Ngunit sa isang maliit na komunidad kung saan halos lahat ay magkakakilala, ang mga lihim ay bihirang nananatiling nakatago ng matagal. Hindi nagtagal ay may isang pangyayari na tuluyang nagbukas ng lihim sa loob ng bahay nina Roland Dismaya.
-
Isang gabi noong Oktubre habang nagpapahinga sila Roland matapos ang trabaho sa construction site sa Bambalan, Cebu City, napansin niyang may sunod-sunod na notification sa cellphone ng kanyang asawa na si Lordes Dismaya. Karaniwan ay hindi niya pinapakialaman ang gamit ng asawa ngunit nang mapansin niyang paulit-ulit ang pagdating ng mensahe mula sa parehong pangalan, nagduda na siya.
-
Nang buksan niya ang cellphone, tumambad ang mga mensahe mula kay Romeo Talabera. May mga palitan ng usapan na hindi nararapat sa hindi mag-asawa. May mga planong magkita. May mga salitang nagpapakita ng malalim na damdamin at mga ala-ala ng kanilang mga lihim na pagtatagpo. Doon tuluyang nagalit si Roland. Kinprontan niya si Lordes sa loob mismo ng kanilang bahay.
-
Ayon sa ilang kapitbahay, narinig nila ang matinding sigawan mula sa bahay ng mag-asawa noong gabing iyon. Walang malinaw na narinig na salita ngunit ramdam ang galit at tensyon. Sa gitna ng pagtatalo, inamin ni Lordes ang kanilang relasyon ni Romeo. Ayon sa mga lumabas na imbestigasyon, sinabi ng babae na matagal na siyang hindi masaya sa kanilang pagsasama at nais na niyang makipaghiwalay.
-
Ang mga salitang iyon ang lalo pang nagpasiklap sa galit ni Roland. Matapos ang gabing yon, nagbago ang kilos ng lalaki. Tahimik siyang pumasok sa trabaho kinabukasan. Hindi na niya kinuwento sa ibang manggagawa ang nangyari. Sa harap ng ilang tao, tila normal ang kanyang kilos. Ilang araw ang lumipas napansin ang pagkawala ni Lordes.
-
Nang magtanong ang mga kapitbahay, sinabi ni Roland na umuwi raw ang kanyang asawa sa probinsya upang dalawin ang pamilya nito. Wala raw itong maayos na signal sa lugar kaya hindi agad ma-contact. Sa una ay naniwala ang ilan ngunit may mga detalye na hindi tugma. Sa mga panahong ito, ipinagkatiwala niya sa kanyang kapatid ang kanyang anak sa paliwanag na kukunin din niya ang bata pagbalik ng ina nito.
-
Habang lumilipas ang mga linggo, tila unti-unting bumalik sa normal ang buhay ng mga tao at hindi na inusisa pa ang pagkawala ni Lordes. Ngunit sa loob ng isip ni Roland ay hindi natapos ang galit. Nagtrabaho siya araw-araw na tila walang problema. Nakikipag-usap sa mga kasamahan. Sumusunod sa routine ng trabaho.
-
Sa mga panahong iyon ay nag-iipon na siya ng galit at naghihintay ng tamang pagkakataon. Isang tamang pagkakataon upang gantihan ang lalaking sa tingin niya ay sumira sa kanyang pamilya at buhay. At nang dumating ang gabing iyon sa Barx, tuluyan ng pumutok ang galit na matagal niyang kinikimkim. November 12, 2017. Gabi bago matagpuan ang labi ni Romeo.
-
Sa baraks ng Construction site sa Cebu City, nagkaroon muli ng simpleng inuman ang mga manggagawa. Matapos ang trabaho, karaniwan na sa kanila ang ganitong pagtitipon tuwing gabi. Kaunting alak, kwentuhan at pahinga matapos ang maghapong trabaho sa ilalim ng araw. Isa sa mga naroon ay si Roland. Ayon sa mga kasamahan nila, tila normal ang kanyang kilos ng gabing yon.
-
Nakaupo siya sa isang sulok ng mesa habang umiinom kasama ang iba. Paminsan-minsan ay nakikisali sa usapan ngunit mas madalas na tahimik lamang. Naroon din si Romeo. Hindi alam ng karaniwan sa mga manggagawa na may matinding galit na kinikimkim si Roland laban sa kanya. Habang abala ang mga kasama sa pag-inom at kwentuhan, lihim niyang nilagyan ng pampatulog ang inumin ni Romeo.
-
Walang nakapansin sa ginawa niya dahil karaniwan sa kanila ay lasing na rin. Pagkalipas ng ilang oras, isa-isang nagpaalam ang iba pang manggagawa upang matulog sa kani-kanilang higaan sa Baraks. Naiwan si Romeo sa mesa. Mahimbing na ang tulog at hindi makakilos. Doon isinigawa ni Rolan ang kanyang paghihiganti. Kinabukasan ng umaga, nadiskubre rin ito ng isa sa kanilang kasamahan.
-
Matapos maiugnay ang kaso kay Roland Desmaya, nagpasya ang pulisya na magsagawa ng masusing pagsusuri sa kanyang bahay halos 2 kilometro mula sa side. Sa likod ng bahay, napansin ng mga imbestigador ang isang malaking plastic blue drum na selyado at mabigat. Sementado ito. Ngunit nang lapitan ng mga autoridad ay lumitaw ang isang masangsang na amoy mula rito.
-
Dahil dito, nagpasya silang buksan ang drum. Sa pagbaklas ng semento at pagbukas ng takip, tumambad ang isa pang nakagigimbal na eksena. Naroon ang isang babaeng positibong kinilala ng mga kapitbahay bilang si Lordes. Dito tuluyang nabuo ang buong larawan ng krimen. Ayon sa mga imbestigador, paghihiganti ng isang asawang pinagtaksilan ang malinaw na motibo sa dalawang magkahiwalay na kaso.
-
Sa huli, isinampalaban kay Roland ang dalawang bilang ng kasong murder sa korte sa Cebu. Matapos ang halos dalawang taon ng paglilitis, sinatulan siya ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong noong taong 2019. Sa komunidad ng mga manggagawa, naging maugong ang kwento at ang mensaheng dala nito.
-
Ang pagtataksil ay may kaakibat na kabayaran. Maaaring ang maging kapaliit ng panandaliang saya ay buhay na hindi na kailan man maibabalik pa. kung kaya’t matutong makuntento at huwag agawin ang pag-aari ng iba. Maraming salamat sa panonood mga kakosa. Please like and share the video at huwag na ring kalimutan mag-subscribe.
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load