-
Setyembre ng taong 2015. Mainit ang hangin sa upper deck ng MV Eastern Voyager. Isang luxury cruise ship na naglalayag mula Singapore patungong Thailand. Sa loob ng halos apat na buwan, si Ricardo Manalang, isang 32 anyos na Seaman mula Cavite ay nagtrabaho bilang bahagi ng housekeeping crew ng barko.
-
Hindi ito ang unang beses niyang sumampa sa isang cruise ship pero kakaiba ang pakiramdam niya sa barkong ito. Sa loob ng tatlong buwan, naging malapit na kaibigan ni Ricardo si Budy Santoso, isang 28 anyos na Seaman mula Indonesia na nagtatrabaho naman bilang utility crew. Magaan ang loob niya rito, masipag, mabait at laging may kwento tungkol sa kanyang pamilya sa Surabaya.
-
Ngunit isang araw, bigla na lang hindi sumipot si Buddhie sa kanilang duty. Nagtaka si Ricardo hindi ito pangkaraniwan. Alam niyang hindi basta-basta absent si Budy ng walang paalam. Sinubukan niyang tawagin ito sa kanyang cabin ngunit walang sumasagot. Nang buksan niya ang pinto, tumambad ang kwarto na tila hindi ginamit.
-
Bakante ang kama, walang personal na gamit sa loob at parang walang bakas na may taong namalagi roon. Nagsimulang kumalat ang bulung-bulungan sa mga tripulante. May nagsabing bumaba na ito sa huling port pero walang nakakita rito. May ilan pang nagsabing baka nag-aol lang. Pero hindi ito kapananiwala para kay Ricardo.
-
Nagdesisyon siyang magtanong sa ilang kasamahan pero napansin niyang marami ang iwas sa kanya. Lalo siyang kinabahan. Kinagabihan sa kanyang paglilibot, napansin niya ang tila bakas ng dugo sa sahig sa sulok ng lower deck malapit sa cargo area. Napansin niyang tila nilinis ang lugar na ito ngunit hindi tuluyang naalis ang pulang mantsa.
-
Sa di kalayuan, may mga tauhan ng barko na nakatayo malapit sa railing. May narinig siyang mahihinang usapan pero hindi niya maintindihan. Bumigat ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung paano pero lumakas ang kutob niya. Si Budy ay hindi lang basta nawala. At kung totoo ang hinala niya, malamang ay hindi ito ang unang beses na may nangyaring pagkawala ng isang tauhan sa barkong iyon.
-
Hindi matahimik si Ricardo. Sa loob ng ilang araw, patuloy niyang tinatanong ang mga kasamahan kay Buddy. Pero halos lahat ay nag-iwas ng tingin. May ilan na halatang nag-aalinlangan bago sumagot. Bumaba na raw ito sa huling port. Pero alam niyang kasinungalingan yon. Isang gabi habang nasa break, nagdesisyon siyang bumaba sa cargo hold ang bahagi ng barko kung saan nakaimbak ang mga supply.
-
Hindi ito lugar na madalas puntahan ng housekeeping crew pero sinadya niyang dumaan doon sa pag-asang makahanap ng palatandaan tungkol kay Buddy. Sa paglalakad niya, napansin niyang maraming sealed containers. Nasa loob ito ng cargo hold. Karaniwan ito pero may ilang kaho na hindi namarkahan.
-
Lumapit siya sa isa sa mga ito at sinubukang silipin ang label bago pa siya makalapit. Isang malamig na boses ang pumigil sa kanya. Isang lalaki mula sa security team ng barko ang tumayo. Matangkad, may matalim na tingin at halatang hindi natuwa sa presensya niya. Naramdaman niyang bumigat ang hangin sa kanilang pagitan.
-
Walang pagsigaw, pananakot pero malinaw ang mensahe. Huwag makialam. Sa gabing ‘yon, nagdesisyon si Ricardo na mag-ingat. Alam niyang may tinatago ang barko at kung itutuloy niya ang pagsisiyasat baka siya na ang sunod na hindi na matagpuan. Lumipas ang ilang araw ngunit hindi na nawala sa isip ni Ricardo ang nangyari sa cargo hold bawat oras na dumaraan.
-
Sa tuwing daraan siya sa mga pasilyo ng barko, pakiramdam niya ay may mga matang nagmamasid. Isang madaling araw habang patapos na siya sa shift, lumabas siya sa deck para magpahangin. Tahimik ang paligid. Nagaslas lang ng alon ang maririnig. Sa di kalayuan, may napansin siyang dalawang lalaking parehong crew. Parehong hindi niya madalas makita sa regular na duty.
-
May buhat silang itim na sako dahan-dahang inilalapit sa gilid ng barko. Maingat siyang lumapit. Sinikap niyang magtago. Nasilayan niya kung paano binuhat ng dalawang lalaki ang sako at itinapon sa dagat. Umatras siya pabalik sa crew quarters at pilit na pinakalma ang sarili kahit pa sa loob-loob niya ay malakas ang hinala niyang may nangyayaring hindi maganda.
-
Simula ng makita ni Ricardo ang sakong itinapon sa dagat, hindi na siya mapakali. Alam niyang hindi niya maaaring sabihin kahit kanino ang natuklasan niya dahil baka ikapahamak niya ito. Sa loob ng mga sumunod na araw, sinikap niyang kumilos ng normal. Patuloy siyang pumasok sa shift. Nilinis ang mga cabin ng pasahero at umiwas sa mga lugar kung saan maaaring mapansin siya ng mga security personnel.
-
Sa hindi inasahang pagkakataon, lumapit sa kanya ang isa sa mga crew na nakasaksi sa nangyari kay Buddy. Ayon sa kanya, nakita niya umano si Budy ng gabing yon na galing sa lower deck sa restricted area at tila hinahabol ng mga security personnel. Ayon sa kanya, narinig nito ang pagmamakaawa ni Budd na huwag siyang saktan at ayaw pa niyang mamatay ngunit kinaladkad umano ito patungo sa madilim na bahagi ng lower deck.
-
na malapit sa cargo area at saka ito sinikmuraan. Yon ang huling pagkakataong nakita at narinig niya si Buddy. Alam ni Ricardo na may nangyaring masama sa kaibigan at hindi niya maatim na manahimik. Kahit mapanganib, sinubukan niyang alamin kung ano ang bagay na nadiskubre ni Buddhy at umaasa siyang mabigyan ng sagot ang lahat ng tanong sa isip niya.
-
Isang gabi, nagdesisyon siyang bumalik sa restricted area sa ilalim ng barko. Sa likod ng malalaking drum ay may isang makipot na pasilyo patungo sa isang silid. Bagamat labis ang kabang nadarama ay naglakas ng loob si Ricardo na buksan ng pinto. Paling-alinga ito sa paligid ngunit sa tiyempong iyon ay tila nagpapahinga na rin ang karamihan sa mga bantay kung kaya’t nagawa niyang makapasok.
-
Laking gulat ni Ricardo nang makita niya ang isang grupo ng dayuhan na kung tatansyahin ay aabot sa s katao. Karamihan sa kanila ay mga babae, may mga lalaki at ilang bata at ang mga ito ay nakagapos. May takip sa bibig. Sa tabi nila ay may cold storage na may mga nakasulat na letra na kung basahin ay for transplant.
-
Tuluyang napagtanto ni Ricardo kung ano ang iligal na nangyayari sa barko. Ang mga taong ito ay dinukot para gawing organ donor para sa mga mayayamang kliyente ng sindikatong nagtatago sa anino ng isang lehitimong cruise ship. Bagam’t gusto ni Ricardo na pakawalan ang mga ito pero alam niyang hindi yun magiging madali.
-
Maaaring mahuli siya at manganib din ang buhay niya. Nag-isip siya ng paraan at sa sandaling yon ay sinubukan niyang tumakas at humingi ng tulong. Ngayon, malinaw na sa kanya kung bakit nawala si Budy. Malinaw rin kung bakit maraming tripulanteng basta na lang naglalaho sa barkong ito. Siguro’y may mga nakatuklas ng sikreto at pinatahimik ng tuluyan.
-
At ngayon siya naman ang nakakaalam ng totoo. Nang lumingon siya, may nakita siyang anino sa kabilang dulo ng cargo hold. Nagdahan-dahan siya sa pag-alis sa pamamagitan ng pagkubli sa madilim na daanan palabas ng storage facility. Alam ni Ricardo na wala na siyang oras. Ng gabing yon hindi siya bumalik sa cabin. Masyado ng delikado.
-
Alam niyang kung babalik siya roon, maaaring may naghihintay na sa kanya. Sa halip naganap siya ng lugar kung saan maaaring magtago. Pumasok siya sa isang utility closet. nagtago sa likod ng mga supply shelves don niya inisip ang kanyang susunod na hakbang. Kailangang makababa siya ng barko sa susunod na port.
-
Ayon sa schedule, dadaan ang MV Eastern Voyager sa Port Clang Malaysia kinabukasan. Kailangan niyang makahanap ng paraan para makatakas bago pa siya mahuli ng mga kasabwat ng sindikato. Sinubukan niyang kumilos ng normal. Hindi nagpakita ng anumang senyales na may nalaman siya ngunit napansin niyang may mga matang sumusunod sa kaniya. Ilang security personnel ang tila palaging nasa paligid niya kahit saan siya magpunta.
-
Kahit sa mess hall, pakiramdam niya hindi siya iniiwan ng tingin ng ilan sa mga senior crew. bagamat pigil ang mga ito na gumawa ng anumang iskandalo dahil maaaring maalarma ang mga pasahero. Alam ni Ricardo na wala na siyang pagpipilian kundi tumakas. Kung hindi siya makakaalis bago bumalik sa laot ang barko, maaaring siya na ang sunod na itatapon sa dagat.
-
Nag-aabang siya at humalo sa ilang mga pasahero ng cruise. Nang dumaong ang barko sa Malaysia, sinubukan niyang lumapit sa unloading area. Kitang-kita niya ang ilang crew na nagbabantay sa Gangway. Mahigpit ang seguridad. Hindi siya makakadaan ng hindi napapansin. Nakita niyang may isang grupo ng mga lokal na supplier na pumapasok para magdala ng bagong supply sa barko.
-
Alam niyang ito lang ang pagkakataon niyang makalabas nang lumapit ang isa sa mga crew. para kausapin ang mga supplier. Mabilis siyang sumingit sa likod ng isang troly na puno ng kahon. Dahan-dahan siyang gumalaw. Sinisikap na hindi gumawa ng tunog. Nang marating ang mismong gangway, huminga siya ng malalim at sumabay sa grupo ng mga supplier na pababa.
-
Naramdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso niya pero hindi siya tumigil. Sa wakas, nakatapak siya sa lupa. Nakita niya ang isang grupo ng Malaysian Port Police na nakatayo sa di kalayuan. Hindi na siya nagdalawang isip. Diretso siyang tumakbo papunta sa kanila. Halos hindi siya makasalita sa kaba at hingal habang ipinapaliwanag niya ang nalaman sa MV Eastern Voyager.
-
Ang iligal na pagkuha ng organ at pagpupuslit ng mga tao para gawing donor. Ang pagkawala ng kanyang kaibigang si Budi at iba pang tripulanteng itinatapon sa dagat. Kumilos nga ang mga aoridad habang abala ang barko sa cargo operations nito, pinalibutan ng Malaysian Maritime Police ang MV Eastern Voyager. Isang inspeksyon ang isinagawa.
-
At sa loob ng cargo hold, natuklasan ang grupo ng mga kababaihan at mga bata na karamihan ay nagmula sa India, Nepal at Cambodia. Nahuli ang ilan sa mga kasabuhat, mga tripulante, security personnel at mismong ilang opisyal ng barko. Gayun pa manan, may iba pang malalaking tao sa likod ng operasyon ang hindi pa nahuhuli. Ayon sa ulat ay pinapatakbo umano ito ng isang malaking grupo mula sa China.
-
Bagam’t hindi paganap na natutuldukan ang sindikatong nagpapatakbo ng operasyon, nakuha ni Ricardo ang katarungang hinahanap niya para sa kaibigan at nagawa rin nitong iligtas ang ilan sa mga biktimang nasa bingit ng kapahamakan. Bago siya makabalik sa Pinas, nangako ang mga aoridad na ipapaalam sa pamilya ni Budy sa Indonesia ang buong insidente.
-
Nangako rin sila na hindi titigil hangga’t hindi natutunton ang puno’t dulo ng masamang gawaing natuklasan niya. Nang makauwi si Ricardo sa Cavite, dala niya ang bigat ng mga ala-ala mula sa barkong ion. Ang kanyang kaibigan na hindi na nakabalik ang mga buhay na nawala sa ilalim ng dagat. at ang lihim na matagal ng nakakubli sa tila ordinaryong sasakyang pandagat.
-
Sa kabila nito, alam niyang kahit papaano nabigyan niya ng hustisya ang mga biktima kabilang ang kanyang kaibigan at ang kaisipang ito ang nagbigay ng kapayapaan sa kanyang isip at puso matapos niyang pagdaanan ang isang mapanganib na karanasan at matinding bangungot na hindi na niya gugustuhing balikan kahit kailan
News
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad./hi
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad. Biglang tumayo ang boyfriend ko sa gitna ng maraming tao at…
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
End of content
No more pages to load