• Pebrero taong 21 sa bayan ng Kingston sa Tasmania, Australia, isang kapitbahay ang nakaramdam ng kakaibang kaba nang mapansin niyang nakabukas ang pinto ng bahay ng mag-asawang Henley. Kilala si Henry at Martha bilang mag-asawang maingat. Parehong retirado at bihirang tumanggap ng bisita. Nang hindi pa rin sila sumasagot matapos paulit-ulit na tawag, nagpasya ang kapitbahay na pumasok at doon niya nakita ang tanawing hindi niya makakalimutan.
  • Sa loob ng sala, nakahandusay si Henry. Sa kusina naman, natagpuan si Martha. Parehong walang buhay at naliligo sa sariling dugo. Pagdating ng aoridad, agad na gumulong ang imbestigasyon. Agad na kinordunan ang buong bakuran ng mga henley. Sa masusing pag-i-inspeksyon, walang nakitang bakas ng sapilitang pagpasok.
  • Walang basag na bintana. Walang sirang kandado. Ang mga gamit ay kumpleto at walang indikasyong may ninakaw. Sa kusina, nakitaan ang fingerprint sa ibabaw ng sink. Isang fingerprint na hindi tumutugma sa alin man sa mga biktima. Sa tabi ng telepono sa sala, natagpuan ang tala ng isang tawag sa emergency plumbing service na ginawa ng mag-asawa isang araw bago ang insidente.
  • Sa CCTV ng kalapit na bahay, malinaw na nakitang dumating bandang hapon ng isang puting van. Mula rito, bumaba ang isang lalaking naka-blue uniform, may dalang toolbag at nagtungo sa bahay ng mag-asawa. Ayon sa nakuhang record mula sa telepono, nagpakilala ang lalaking iyon bilang Carlo Yamas.
  • Sa footage, makikita itong pumasok sa bahay at lumabas makalipas ang halos isang oras. Pagkatapos non, wala ng ibang bisitang dumating. Naging sentro ng imbestigasyon ang pangalang Carlo Liamas. Wala itong record sa lokal na plumbing service na binanggit ng mag-asawa. Nang sinubukang hanapin ng mga registry ng mga manggagawa, lumabas na walang ganitong pangalang nakarehistro sa Tasmania.
  • Isang fingerprint lam tawag sa telepono at isang hindi kilalang tubero. Yun lamang ang mga pirasong hawak ng mga aoridad sa simula ng kaso. Sa utos ni Detective Claire Evans, sinimulang i-trace ang mga posibleng alyas. Mula sa CCTV footage, napag-alamang nasa pagitan ng edad 30 hanggang 35 ang lalaki.
  • May katamtamang tangkad at may accent na hindi lokal. Sa tulong ng ilang migrant na komunidad, natuklasang may ilang Pilipino na nagtatrabaho sa kalapitbayan, isa sa kanila ang nagsabing kilala niya ang lalaking nakunan sa CCTV at hindi Carlos ang pangalan nito kundi Julius Asunson. Mula roon, unti-unting nakilala ng pulissa ang tunay na katauhan ng lalaki.
  • Ayon sa immigration record, pumasok siya sa Australia noong 2010 bilang turista. Pagkalipas ng anim na buwan, nag-expire ang kanyang visa. Ngunit hindi siya umalis ng bansa simula noon. Naging TNT siya sa lugar na nagpalipat-lipat ng trabaho. Si Julius Asunson ay tubong Pampanga, dating mekaniko sa Pilipinas.
  • Sa nakuhang impormasyon mula sa kanyang dating kasamahang Pilipino na si Romy, nakatira raw si Julius sa isang lumang bahay sa may southern district ng HAR. Madalas itong tahimik, bihirang makipag-usap at palaging mag-isa. Habang lumalalim ang background check, lumabas sa ulat ng Tasmania Police na ilang taon bago ang krimen nagkaroon ng kasambahayang mag-asawang Henley.
  • Isang Filipina na nagngangalang Rodelyn Asunson katugma ng apelyido ni Julius. Sa death certificate ni Rodeline naad na ito ay namatay noong 2004 sa loob ng bahay ng mga Henley matapos umanong mahulog sa hagdan. Ayon sa dating imbestigasyon, itinuring itong aksidente. Naging malinaw sa mga autoridad na ang lalaking tubero ay hindi ordinaryong manggagawa kundi maaaring may koneksyon kay Rodelyn.
  • Habang pinag-aaralan ni Detective Evan sa mga lumang dokumento, unti-unti niyang naunawaan ang kabuuan. Napag-alaman sa dating records ni Rodelyn na siya ay kasal. sa Pilipinas at ang asawa nito ay nagngangalang Julius. Parehong pangalan ng suspect sa nangyaring trahedya sa mag-asawang Henley. Ang pagpasok ni Julius sa Australia noong 2010 ay hindi lamang para pumasyal.
  • May mas malalim itong motibo at yun ang maging direksyon ng imbestigasyon. Siniyasat ng mga kapulisan ang tunay na pangyayari at doon unti-unting nagkaroon ng mukha ang kaso habang inuungkat ang nakaraan. Taong 2003 nang dumating sa Australia si Rodolin, isang 28 anyos na Pilipina, domestic helper mula sa Pampanga. Masayahin, magalang at may simpleng pangarap lamang.
  • makapagtayo ng bahay para sa pamilya at mapagtapos ang anak nila ni Julius. Sa loob ng bahay ng mag-asawang Henry at Martha, nagsimula siyang magtrabaho bilang tagalinis, tagalaba at tagaluto. Ayon sa mga kapitbahay, bihira itong makitang lumalabas. Ngunit sa likod nito may mga bagay na hindi nakikita ng iba. Madalas marinig ng ilang kapitbahay ang mahihinang sigaw at ingay tuwing gabi.
  • May mga nagtangkang magtanong sa mag-asawa kung ano ang dahilan ng mga ingay ngunit tanging pagtanggi lamang ang sagot ng mga ito. Isang umaga noong Hulyo 2004, natagpuan si Rodoly na wala ng buhay sa paanan ng hagdaan sa loob ng bahay ng mga Henley. Ayon sa ulat ng mga pulis, aksidente raw itong nadulas habang naglilinis.
  • Tinanggap ng lokal na aoridad ang paliwanag at mabilis na isinara ang kaso. Pag-uwi ng labi sa Pilipinas, napansin ng pamilya ang mga kakaibang marka sa katawan ni Rodolelyn. Mga sugat na tila hindi dulot ng pagkahulog. Ipinagtaka ni Julius Asunson na noon ay isang simpleng mekaniko sa Pampanga, hindi siya kailan man naniwala na aksidente ang ikinamatay ng kanyang asawa.
  • Sa loob ng maraming buwan, sumulat siya sa embahada, nagtanong sa mga opisyal at nagpadala ng liham sa mga aoridad ngunit walang dumating na kasagutan. Lumipas ang mga taon at unti-unting naisantabi ang kaso. Sa mga tala, isa lamang itong domestic accident. Ngunit sa puso ni Julius isa itong krimeng hindi napagbayaran.
  • Mula noon, nagsimula siyang magipon. Araw at gabi siyang nagtrabaho sa taler kumakapit sa bawat sentimo ng pag-asa. Taong 2010 sa pamamagitan ng package tour visa, nakapasok siya sa Australia. Gayun pa man, hindi pa mamamasyal ang kanyang pakay kundi ang matukoy ang katotohanan sa nangyari kay Rodelyn. Matapos makarating sa Australia, humiwalay si Julius sa grupo at nagtungo sa lugar kung saan nagtrabaho noon ng kanyang asawa.
  • Dito ay naging TNT si Julius at nagpalipat-lipat ng lugar. Pumasok sa mga lokal na trabaho para manatili sa lugar. Pagkalipas ng halos dalawang taon na pamumuhay bilang TNT, nakahanap si Julius ng paraan upang makalapit sa tahanan ng mga Henley. Sa ilalim ng bagong pangalang Carlos Liamas, nagtrabaho siya bilang casual plumber sa isang maintenance service na tumatanggap ng mga project sa Kingston area.
  • tahimik, maingat at palaging umiwas sa mata ng publiko. Sa mga panahong iyon, pinagmamasda ni Julius mula sa malayo ang tahanan ng mga Henley, ang bahay kung saan huling nakitang buhay ang kanyang asawa. Dumating ang pagkakataon nong Pebrero 2012, tumawag ang mag-asawa ng plumber para ayusin ang tagas ng tubo sa kanilang kusina.
  • Ang maintenance company kung saan nakatala si Julius bilang freelance worker ang nakatanggap ng request. Sa unang pagkakataon, nakapasok siya sa loob ng bahay ng mga Henley. Sa unang mga minuto, pinilit niyang maging propesyal habang inaayos ang sirang gripo, lihim niyang pinagmamasda ng paligid. Pinilit niyang maging normal ang kanyang mga galaw.
  • Ngunit nang malaman ng mag-asawa na siya ay Pilipino, nagbago ang pakikitungo ng mga ito. Habang pinapakinggan niya ang boses ni Martha, napansin niya ang kakaibang tono sa bawat salita nito. Mapangmata at tila walang respeto. Ang bawat galaw ni Henry ay malamig at wala ring paggalang. Pagkatapos ng trabaho, nakilala niya ang isang kasambahay ng mag-asawa, isang middle age na Australian na nagngangalang Jennifer.
  • Habang nagkukwentuhan, nabanggit ni Jennifer na dati raw ay may pilipinang kasambahaya ang mga Henley. Mabait at masipag, ngunit laging pinapagalitan ng mag-asawa. Si Rodelyn ay stay in samantalang nag-uuwian si Jennifer tuwing hapon. Hindi niya ito nakilala ng lubusan dahil pinagbawalan silang mag-usap. Palagi raw itong pinagbubuhatan ng mga sigaw ni Martha at tinatrato ni Henry na parang alipin.
  • Ibinahagi ni Jennifer ang mga bagay na matagal niyang itinago. Ayon sa kanya, madalas niyang marinig ang iyak ng Pilipina. May pagkakataon pa raw na nakita niyang may pasa ito sa mukha. Ngunit hindi siya nagsalita dahil natatakot siyang mawalan ng trabaho. Hanggang isang umaga nalaman na lang niyang patay na raw ito.
  • Na dulas raw sa hagdan. Ngunit sa loob ni Jennifer alam niyang hindi aksidente ang nangyari. Habang nagkukwento ang babae, unti-unting nanlamig si Julius. Alam niyang si Rodolina ang tinutukoy ni Jennifer. Alam niyang sa mismong bahay na yon, paulit-ulit itong sinaktan bago tuluyang nawalan ng buhay.
  • At sa harap niya ngayon ang parehong mag-asawa matanda na ngunit buhay, komportable at tila walang bahid ng pagsisisi. Pebrero 2012 7 ng gabi madilim ang kalangitan sa Kingston at ang malamig na simoy ng hangin ay tila may dalang bikat. sa loob ng bahay ng mga Henry. Tahimik na nag-aayos si Julius ng natitirang tubo sa kusina.
  • Nakauwi na si Jennifer. Tanging ang mag-asawa na lamang at si Julius ang naiwan sa bahay. Habang pinagmamasdan niya ang mag-asawa, bumalik sa kanyang isip ang lahat ng narinig kay Jennifer. Ang iyak ng isang Filipina ang isigaw ng mga among galit at ang katawan ng asawa na natuklasan sa parehong bahay. Hindi niya namalayan na sa kanyang mahigpit na pagkakahawak sa wrench, unti-unti itong bumibigat sa kanyang buhay tila bahagi ng matagal ng galit na hindi napigilan.
  • Nang pumasok si Henry sa kusina at tinanong kung tapos na ang trabaho, nagkaroon ng saglit na titigan. Ang malamig na boses ng matanda, may halong pangungutya at sa mga salitang yon, tila biglang sumabog ang lahat ng tahimik na hinanakit ni Julius. Ang lahat ng taon na pagtitiis ang mga gabi ng pag-iisa sa banyagang lupa, ang larawan ng kabaong ni Rodelyn, lahat ay nagbalik na parehong apoy sa kanyang dibdib.
  • Ayon sa forensic reconstruction ng Tasmania pulis, naganap ang matinding pagtatalo sa pagitan ni Julius at ng mag-asawa. Sa gitna ng tensyon, nagkaroon ng komprontasyon na humantong sa marahas na insidente. Kinuha ni Julius ang wrench na ginagamit niya sa trabaho at tinamaan si Henry dahilan upang ito ay mawalan ng malay.
  • Si Martha naman na nakasaksi sa pangyayari ay nagtangkang tumakas ngunit nahadlangan ni Julius at hindi rin nakaligtas. Matapos ang krimen, lumabas siya ng bahay at minamaneho ang sasakyan paalis sa lugar. Hindi na ito nakita pagkatapos ng insidente. Dalawang linggong makalipas, natunton siya ng mga aoridad sa isang lumang abandonadong bahay sa Hobart. Tahimik siyang sumuko.
  • Sa unang pagharap ng mga pulis, walang sinabi si Julius ngunit sa kanyang mga mata, mababakas ang bigat na matagal ng binubuhat. hindi lamang ng kasalanan kundi ng pagkakait ng katarungan sa kanyang asawa. Ang paglilitis kay Julius Asunson ay nagsimula noong Agosto 2013 sa Supreme Court ng Tasmania. Tahimik si Julius habang binabasa ngukom ang mga detalye ng kaso.
  • Ang pagpasok niya bilang tubero sa bahay ng mga Henley at ang nangyaring pagtatalo. Nang gabing iyon na humantong sa karasan. Nagpadala ang embahad ng abogado para ipagtanggol si Julius. Inilahad ang mga mas malalim na dahilan sa likod ng kanyang ginawa. Hindi ito dahil sa pera, galit o inggit. Hindi sa matagal na pagkakabigos ng sistemang dapat sana’y pumrotekta sa kanyang asawang si Rodelyn Asunson.
  • Nagbago ang ihip ng korte nang humarap ang kasambahay na si Jennifer, ang babaeng saksi sa naging hirap ni Rodelyn. Sa kanyang salaysay, inilahad niya ang mga araw ng pang-aabuso sa Pilipina na humantong sa kanyang wakas. Makalipas ang ilang linggo ng paglilitis, lumabas ang hatol. Ayon sa korte, malinaw na si Julius ay may pananagutan sa pagpatay sa mag-asawang Henley.
  • Ngunit tinutukoy din ng hukom na ang kanyang motibo ay bunga ng gravious emotional trauma at unresolved injustice na hindi nabigyang pansin ng batas. Dahil dito, binawasan ang kanyang sentensya mula sa habang buhay na pagkakakulong tungo sa reclusion temporal na may kabuang 10 taon. Sa loob ng kulungan, unti-unting nagbago ang takbo ng buhay ni Asunson.
  • Sa mga unang buwan, madalas siyang mag-isa. Tahimik, walang kausap. Tila ba patuloy na kinakausap ang mga ala-ala ni Rodeline sa kanyang isipan. Ngunit habang lumilipas ang panahon, natututunan niyang buksan muli ang sarili. Sumali siya sa vocational programs. Sa mga gawaing iyon, natutunan niyang ibuhos ang lakas habang hinihintay ang kanyang paglaya.
  • Pagkaraan ng ilang taon dahil sa mabuting asal at kooperasyon, pinayagan siyang ma-represate sa Pilipinas matapos ang kanyang sentensya. Tahimik siyang umuwi sa Pampanga noong 2022. sa bayan kung saan nagsimula ang lahat. Doon siya muling nakapiling ng kanyang anak at ilang kamag-anak na matagal ng naghintay sa kanya.
  • Sa huli, natagpuan ni Julius ang katahimikang matagal niyang hinanap. Sa maliit na tari na itinayo niya sa gilid ng kanyang bahay, madalas niyang makita ang mga kapitbahay na nakangiti habang inaayos ang mga lumang motorsiklo at tinuturuan ng mga kabataang gustong matuto. Hindi man naibalik ang buhay ni Rodelyn, alam niyang sa kanyang pagbabalik at pagsisikap na ibigay niya rito ang tahimik na hustisyang hindi naibigay ng mundo noon.
  • Sa bawat tunog ng makinang inaayos niya, parang naroon ang boses ng asawa. Mahinahon, payapa at nagpapaalala na matapos ang lahat ng unos, may bagong simula pa rin para sa mga taong hindi sumusuko katulad niya