Ginawa Akong Katulong ng Pamilya ng Asawa Ko
Ako nga pala si Venus. 2 years palang kaming nagsasama Ng umalis ang asawa kong si Ipe para magtrabaho sa Dubai, akala ko ay para sa kinabukasan naming dalawa ang sakripisyong iyon.
Punong-puno ako ng pag-asa. Bago siya sumakay ng eroplano, nangako siya na hinding-hindi niya ako pababayaan at mabilis lang ang panahon. Ang sabi niya, mas ligtas ako kung sa poder muna ako ng kanyang mga magulang titira habang wala siya.
“Para may kasama ka, Venus,” sabi ni Ipe, habang hinahaplos ang aking pisngi. “Saka para makatipid na rin tayo sa upa.”
Naniwala ako. Sino ba naman ang hindi maniniwala sa asawang mahal na mahal mo at nagsisikap para sa inyong pangarap? Kaya naman, buong-puso akong lumipat sa bahay ng aking mga biyenan, dala ang aking mga gamit at ang matatamis na alaala ng aming maikling pagsasama bilang mag-asawa.
Sa unang linggo, maayos pa ang lahat. Parang bisita ang turing nila sa akin. Pero hindi nagtagal, unti-unti nang nagbago ang ihip ng hangin. Nagsimula sa maliliit na parinig ng aking biyenang babae, si mama Lita.
“Venus, baka naman pwedeng pakisilip ‘yung niluluto ko, baka masunog,” sabi niya isang hapon habang abala ako sa pagbabasa ng libro.
Siyempre, dahil nakikitira ako, tumayo ako at tinulungan siya. Maliit na bagay lang naman ‘yun. Pero ang maliit na bagay ay naging araw-araw na gawain. Mula sa pagluluto, napunta sa paghuhugas ng pinggan.
Mula sa paghuhugas ng pinggan, naging paglalaba ng damit nilang lahat pati na ang mga kapatid ni Ipe na binata’t dalaga na, na parang mga hari at reyna na nag-aabang lang ng pagsisilbi.
Isang umaga, nagising ako na may tumpok na maruruming damit sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Pagbaba ko, nakita ko si mama Lita na nagkakape.
“Venus, paki-asikaso naman ‘yang mga labada. Marami na ‘yan, baka hindi kayanin ng washing machine,” utos niya, na parang natural lang na ako ang gagawa niyon.
Doon ko unang naramdaman ang kirot sa aking dibdib. Hindi ako sumagot, pero tumulo ang aking luha habang sinisimulan kong kusutin ang mga damit. Naisip ko si ipe. Alam ba niya ang nangyayari sa akin dito?
Tuwing tumatawag siya, puro masasayang kwento lang ang sinasabi ko. Ayokong mag-alala siya, ayokong isipin niya na pabigat ako sa pamilya niya. Kaya tinitiis ko ang lahat.
Naging routine ko na ang paggising ng maaga para magluto ng almusal, maglinis ng buong bahay, maglaba, at magplantsa. Kung minsan, kahit pagod na pagod na ako, kailangan ko pang pagbihisan ang mga kapatid ni ipe na galing sa trabaho o eskwela. Pakiramdam ko, nawala na ang aking pagkatao. Hindi na ako si Venus, ang asawa ni ipe Ako na si Venus, ang katulong ng pamilya niya.
Ang pinakamasakit pa ay ang malamig na pagtrato nila sa akin. Wala man lang salamat o kamusta. Para lang akong isang anino na gumagalaw sa bahay, na may obligasyong pagsilbihan sila. Minsan, narinig ko silang nag-uusap sa sala.
Mabuti na lang at nanjan si Venus, hindi na tayo nahihirapan sa gawaing bahay, sabi ng isa sa mga kapatid ni Ipe, sabay tawa. Eh yung kuya nyo kasi ang ewan ko ba? Gwapo naman, bakit mukha pang katulong ang nakuha, dinig na dinig ko iyon kuya jay,
Doon ko lubos na narealize ang aking kalagayan. Hindi nila ako tinuturing na pamilya. Tinuturing nila akong isang libreng katulong na iniwan ng kanilang anak para mapakinabangan nila.
Balak ko ng umalis, nagsabi na ako kay Ipe na uuwi muna ako sa amin, pero ayaw nya, nagseselos kasi sya doon sa kababata ko na ex ko dati na kapitbahay namin, kaya ayaw nyang doon ako,
Okey naman ako dito, kaya ko ang trabaho, pero iba na kapag pagtao ko na ang aapakan nila,
Naalala mo tuloy ang kuwento noon ni lola sa amin noong natratabaho daw sya sa mayaman pamilya sa maynila at masama ang ugali ng babaeng amo nila,
Nilalagyan daw nila ng dumi, minsan langaw ang pagkain, tapos yung tootbrush, yung ang pinalilinis nila ng inidoro at kapag nagluto daw sila, hindi sila sumasabay kumain, dahil madumi daw ang pagkain ng amo nila,
Kuya jay ayaw kong dumating ako sa punto na iyon,
Sana po may makapayo sa akin ng gagawin ko, na pabor sakin at pabor din naman sa asawa ko,
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load