Ginalaw daw ng among arabo
Kuya Jay, habang nakatambay ako muna rito sa garahe. Alam mo, parang sasabog na ang dibdib ko, hindi ko na alam kung saan ako lulugar.
Dati naman akong messenger lang, Pero noong nag-abroad si Megan sa Middle East para sa tatlo naming anak, nag-taxi na lang ako. Sabi ko, mas okay ‘to para hawak ko ang oras ko, lalo na’t ako lang ang naiiwan sa mga bata. Dalawang taon din kaming nagtiis, Kuya. Akala ko malapit na kaming makaahon.
Nitong huli, tumawag siya. Uwing-uwi na raw siya, hindi na raw niya kaya ang trabaho. Siyempre, ako naman, naging praktikal lang. Sabi ko, ‘Konting tiis na lang, 3 months na lang Mahal. Malapit na matapos ang kontrata mo, sayang naman.’
Pero Kuya, doon nag umpisa na gumulo sa sunod niyang sinabi.
Pinasok daw siya ng amo niya sa kuwarto.
Gusto kong magwala, Kuya Jay! Gusto kong sumigaw na umuwi na siya agad-agad, kahit ngayon din! Pero sabi ni Megan, hindi raw ganoon kadali.
Habang nagkukuwento siya, ramdam ko ‘yung pagod at sakit sa boses niya. Umiiyak sya, ramdam ko yung paghingi nya ng tulong sa akin,
Pero Sabi niya sa pa akin, ‘Jojo, madumi na ako. May ibang lalaki nang nakapasok sa akin.
Durog na durog ako, Kuya. Imbes na magalit ako sa kanya, awa ang naramdaman ko. Sino ba naman ang may gusto niyon? Biktima ang asawa ko. Kaya pinayuhan ko siya, sabi ko magsumbong kami sa embassy, gawan natin ng paraan para ma-deport siya at makauwi na nang ligtas.
Kasi inisip ko kung magreklamo sya sa amo, lalo mayaman, baka gawan sya ng kuwento at siya pa ng kasuhan, kaya sabi ko ako na ang magreport dito para pauwiin kana ng agency, sabi ko, lalapit ako kay sir Raffy.
Pero doon ako nagtaka, Kuya bigla siyang umayaw. Magtiis na lang daw sya tatlong buwan na lang naman daw,
Iyon ang hindi ko maintindihan. Noong una, iyak siya nang iyak at gustong tumakas. Pero noong nagalaw na siya ng amo niya, biglang nagbago ang isip niya. Ayaw na niyang magsumbong, ayaw na niyang gumawa ng paraan para makauwi.
Kuya Jay, akala ko sagad na yung sakit noong nalaman kong pinagsamantalahan siya. Tinanggap ko, Kuya. Sabi ko sa sarili ko, Asawa ko yan, biktima siya, kailangan niya ako.’
Handa akong yakapin siya kahit ano pa ang mangyari. Pero Kuya… iba na ang nangyayari ngayon.
Nitong mga huling tawag niya, hindi ko na siya maintindihan. Sa halip na umiyak o humingi ng tulong, ikinukuwento na niya sa akin ang mga detalye, mga bagay na hindi ko kayang sikmurain!
Sabi niya sa akin, Jojo, ang laki-laki ng ano ng amo ko. Ikinukuwento niya kung paano raw papasok sa kuwarto niya yung Arabo na bagong ligo, tapos hindi raw siya makasigaw. Noong una, akala ko dahil sa takot. Akala ko dahil paralisado siya sa sindak.
Pero Kuya Jay, ang mas masakit, sinabi niya mismo sa akin na kapag gin@g@mit na siya ng amo niya, wala na raw siyang nagag@wa at grabe daw, sag@d na sag@d daw kung bum@on ang arabo nyang amo,
Napatulala ako sa manibela ng taxi ko, Kuya. Muntik na akong makabangga.
Galit na galit ako! Ang sakit-sakit isipin na habang ako rito, nagpapakapagod mamasada para sa mga bata at nag-aalala sa kaligtasan niya, siya naman doon, parang ibang-iba na ang tono.
Akala ko ba labag sa loob niya? Akala ko ba dumi ang tingin niya sa sarili niya? Bakit ngayon, parang ipinamumukha pa niya sa akin kung gaano kalaki at kung paano siya nasisiyahan sa kamay ng ibang lalaki?
Hindi ko na alam kung asawa ko pa ba yung kausap ko, Kuya Jay. Para akong tinutusok sa dibdib nang paulit-ulit habang naririnig ko ang mga kuwento niya. Hindi ko alam kung tinatakot lang ba siya o sadyang nilamon na siya ng sistema roon.,
Minsan iniisip ko na lang na hindi sya ang ka chat ko, ibang tao, baka tinatakot sya, baka nababasa ang celpon nya kapag nag sumbong sya,
Nilalawakan ko na lang ang pag unawa, dahil wala ako doon sa sitwasyon at kilala ko ang asawa ko., madali talaga sya matakot, kahit noong nandito pa sya, may konting away lang kinakabahan na sya, yun na lang ang inisip ko,
kaya lang mas nanaig ang pagdududa ko,
Kuya jay , paano ko pa siya papauwiin kung mukhang ayaw na niyang iwan ang buhay na ‘yan?
kuya , hindi na ako makatulog. ‘Yung galit ko, nahaluan na ng matinding pagdududa. Noong una, naaawa ako, akala ko biktima lang siya. Pero ngayon, iniisip ko, pinilit nga ba talaga siya?
Kasi Kuya, bakit kailangang ikwento pa sa akin yung mga detalye na akala mo ay ipinagmamayabang niya?
Bakit parang hindi na siya takot? At ang mas matindi, Kuya nagpahapyaw pa siya sa akin. Sabi niya, paano raw kung magbunga yung ginagawa sa kanya ng Arabo?
Sabi niya, Jojo, baka mamaya pag-uwi ko diyan, buntis na ako.
Doon ako kinilabutan, nasa Byahe pa naman ako, nakita nga ako ng babaeng pasahero ko na nagpunas ako ng luha, habang nasa stoplight ako, binasa ko ang chat nya,
Naisip ko, baka kaya niya ako bine-brainwash ngayon pa lang. Baka kaya niya ikinukwento na nasisiyahan siya at malaki ang amo niya, para ihanda ang loob ko.
Para kapag umuwi siyang may dalang bata, sasabihin niya, Wala akong nagawa, Jojo, biktima ako.
Ganyan ang dating sa akin Kuya, parang ginagawa niya akong tanga! Parang gusto niya na kapag bumalik siya, tanggapin ko pa rin siya nang buong-buo kasama ang anak ng ibang lalaki.
Paano kung may relasyon talaga sila? Paano kung hindi naman siya pinasok sa kwarto, kundi siya ang pumasok?
Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko, Kuya. Yung Megan ba na asawa ko na mahal na mahal ko, o itong Megan na naririnig ko sa telepono na parang ibang tao na?
Galit na galit ako, Kuya Jay! Hindi ko matanggap na habang ako ay nagpapakamatay mamasada ng taxi para sa kinabukasan ng mga bata, siya naman doon, parang gumagawa na ng bagong pamilya at ako pa ang gagawing pansalo
Anong klaseng sikmura ang meron ako kung tatanggapin ko ‘yun? Tatlo na ang anak namin, Kuya. Paano ko sila titingnan kung ang nanay nila, uuwing buntis sa iba at sasabihin sa akin na wala lang siyang nagawa?
Kuya Jay mababaliw na ako sa kakaisip, please tulungan nyo naman ako, mahal ko ang mga anak ko ayaw ko silang mawalan ng ama at ina. Hindi ko na kaya,
Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon, akala ko hindi ako iiyak