Magandang araw sa inyo, Kuwentong Masarap. Ako nga pala si Camella. Sumulat ako hindi dahil gusto kong magyabang ng buhay-siyudad, kundi dahil punong-puno na ang dibdib ko sa bigat ng lihim na dala-dala ko rito sa loob ng mansion na dating pinasukan ko, ilang taon na don naman ang lumipas,
pero nandito parin sa dibdib ang bigat ng daladala ko at sekrito sa asawa ko na hanggang sa ngayon ay hindi nya alam kung ano ang nangyari sa akin doon, kung alam lang sya siguro, baka pinadirihan na ako, dahil gabi gabi akong ginag@mit ng amo ko, walang palya, umaga na sya lalabas sa kuwarto ko na parang asawa na niya ako,
Sa probinsya, ang akala ng asawa kong si Isko at ng dalawa naming anak, maayos ang kalagayan ko bilang katulong. Nagpapadala ako ng pera para sa pambili ng binhi at pangbaon ng mga bata, pero ang hindi nila alam, bawat sentimong natatanggap nila ay may kapalit na dignidad at takot.
May anak ang amo ko, si Radcliff. Guwapo, mayaman, at halos sambahin ako. Araw araw, kinukulit niya ako. ‘Camella, iwan mo na ang asawa mong magsasaka. Sa akin ka na lang, gagawin kitang reyna,’ sabi niya. Ang akala niya siguro, materyal na bagay lang ang katapat ng puso ko. Pero hindi niya alam, nasusuka ako sa tuwing lalapit siya sa akin.
Hindi dahil sa ayaw ko sa kanya, kundi dahil sa takot.
Natatakot ako, Kuwentong Masarap. Kasi habang ang anak ay nanliligaw sa akin sa umaga, ang ama naman niyang si Don Silverio ang tunay na umaangkin sa akin gabi gabi,
Gabi-gabi, naririnig ko ang marahang pagbukas ng pinto ng maliit kong kuwarto. Alam ko na ang tunog ng mga yabag niya. Papasok siya, uupo sa gilid ng higaan ko at doon magdamag na siyang matutulog,
Kaya kapag humaharap ako kay Radcliff, hindi pag-ibig ang nararamdaman ko kundi pandidiri at pait. Paano ako sasama sa anak, kung ang ama ang siyang dumudungis sa pagkatao ko gabi-gabi? Paano ko tatanggapin ang langit na inaalok ni Radcliff kung ang pundasyon ng bahay na ito ay itinayo sa impiyernong ginawa ng tatay niya para sa akin?
Gabi-gabi akong umiiyak habang yakap ang litrato ng pamilya ko. Gusto ko nang tumakas, gusto ko nang umuwi sa putikan ng bukid namin kaysa manatili sa marmol na sahig ng mansion, Pero wala akong magawa, malaki ang utang ko sa kanila, kilala at maempluwensya na tao sila, paano ako lalaban?
“Kuwentong Masarap, akala ko wala ng akong kawala sa silid na iyon. Pero isang gabi, ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para matapos ang dinadanas ko,
Gaya ng dati, pumasok si Don Silverio. Walang pasabi, walang pakundangan. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya, ang amoy ng alak at tabako na nagpapasuka sa akin. Nakap@tong siya sa akin, pilit na tinatakpan ang aking bibig ng kanyang mga kamay, habang paulit-ulit na nagsasabi,
Camella, ang s@rap s@rap mo talaga, hindi ka nak@kas@wa, akin ka lang, mga salita nya ng paulit ulit,
Pero sa pagkakataong iyon, hindi pala nya na ilock ang pinto
Biglang bumukas ang pinto. Hindi marahan, kundi isang malakas na kalabog na yumanig sa buong silid.
Nanlaki ang mga mata ni Don Silverio. Napatingin ako sa pinto, doon nakatayo si Radcliff. Putlang-putla siya, nanginginig ang buong katawan, at ang mga mata niya ay puno ng galit, na hindi ko pa nakita kailanman. Hawak niya ang kanyang cellphone, at kitang-kita ko ang ilaw nito, vinu-video niya ang lahat.
‘Radcliff, anak… hindi mo naiintindihan,’ nauutal na sabi ni Don Silverio habang mabilis na bumabangon at nag-aayos ng sarili.
‘Naiintindihan ko lahat!’ sigaw ni Radcliff. ‘Kaya pala ayaw niya sa akin… kaya pala takot na takot siya! Dahil ikaw pala ang salarin,
Hindi na nakasagot ang matanda. Sinunggaban ni Radcliff ang braso ko at hinila ako palayo sa kama. ‘Magbihis ka, Camella. Aalis tayo rito. Ngayon din.’
Hinarangan kami ni Don Silverio, nagbabanta na ipapakulong ako, , pero tinaas ni Radcliff ang cellphone niya. ‘Sige, subukan mo, Papa.
Isang pindot ko lang, kakalat ito sa buong mundo. Mawawala ang korporasyon mo, ang dangal mo, at ang laya mo. Subukan mo kaming pigilan at sisiguraduhin kong sa rehas ka mamamatay.’
Napaatras ang matanda. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang takot sa mga mata ng makapangyarihang Don Silverio.
Isinakay ako ni Radcliff sa kotse niya. Buong biyahe kaming tahimik, tanging ang hikbi ko lang ang naririnig. Hindi niya ako dinala sa kung saang hotel o condo, diretso niya akong ibiniyahe pabalik sa probinsya, pabalik sa aming bukid.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin, madaling-araw pa lang. Nakita ko si Isko na lumabas, nagtataka kung bakit may mamahaling sasakyan sa harap ng dampa namin.
“Kuwentong Masarap, bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan at humarap sa asawa ko, huminto muna ako. Tumingin ako kay Radcliff. Punong-puno ang puso ko ng pasasalamat, pero may halo ring hiya. Sa dumi ng tingin ko sa sarili ko dahil sa ginawa ng ama niya, naisip ko na baka ito na lang ang tanging paraan para makabawi ako.
Yumuko ako at hinawakan ang kamay niya. ‘Radcliff,’ bulong ko, ‘wala akong maibabayad sa iyo… kung gusto mo, sa iyo na muna ako bago ako tuluyang bumalik sa pamilya ko. Kahit ngayon lang.’ Inalok ko ang sarili ko, hindi dahil sa mahal ko siya, kundi dahil akala ko ay iyon ang ‘kabayaran’ na inaasahan ng mga lalaking katulad nila.
Pero doon ako nagkamali.
Tumingin sa akin si Radcliff, hindi nang may pagn@nasa, kundi nang may malalim na lungkot at respeto. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko.
‘Camella, hindi ako ang Papa,’ magkaiba kami,
mariin niyang sabi. ‘Huwag mong dungisan ang tingin mo sa sarili mo dahil lang sa kanya. Ang pagmamahal ko sa iyo ay hindi binabayaran ng katawan. Gusto kitang makitang buo at masaya,
Inabutan niya ako ng isang makapal na sobre. ‘Heto ang pera. Gamitin niyo ito ni Isko para sa pagsasaka niyo. At pakiusap, huwag ka na ulit babalik sa ganitong trabaho. Manatili ka sa pamilya mo dahil doon ka nararapat.’
Doon ko naintindihan, Kuwentong Masarap, na totoo pala ang pag-ibig ni Radcliff. Hindi ito yung pag-ibig na nagmamay-ari, kundi yung pag-ibig na handang magpalaya at rumespeto.
Pagbaba ko ng sasakyan, tumakbo ako kay Isko. Niyakap niya ako nang mahigpit, amoy-araw at amoy-lupa, pero iyon ang pinakamabangong amoy para sa akin.
‘Salamat sa Diyos at nakauwi ka na, Camella,’ sabi ni Isko habang hinahalikan ang noo ko. ‘Ang laki ng sakripisyo mo para sa amin sa siyudad. Napakabuti mong ina at asawa.
Hanggang ngayon, hindi alam ni Isko ang impiyernong pinagdaanan ko sa kamay ni Don Silverio. Ang alam lang nila, nagtrabaho ako nang maayos at marangal. At pinili kong panatilihin ang sikretong iyon, hindi para magsinungaling, kundi para protektahan ang katahimikan ng aming tahanan.
Ngayon, kapag nakikita ko ang mga anak ko na nag-aaral at si Isko na masayang nagbubungkal ng sarili naming lupa (dahil sa tulong ni Radcliff), alam ko na ang bawat pait na tiniis ko ay may katumbas na bagong simula.
Si don silverio, isang buwan lang ng umalis ako, inatake daw sa puso, sabi ng naka usap ko na driver nya, araw araw daw, pinapagalitan ni Radcliff ang ama, araw araw daw nag aaway ang mag ama, kaya tumaas daw ang blood pressure kaya inatake, isang taon lang daw ang tinatagal namamatay na,
Minsan nagkita kami ni Radcliff na hindi inaasahan sa isang mall ng pinasyal ko ang mga anak ko, may asawa na rin sya at anak, binate nya ako at kinumusta? Saka nag abot ng pamasko sa mga anak ko,
Masakit man ang dinanas ko, kahit paano, bumawi naman ang anak nya at pinatawad ko na rin ang ama,
Sa ngayon, masaya muli kaming nagsasama ni isko, kahit na lihim ko parin sa kanya ang lahat at mas nanaisin ko na hindi na nya malaman pa,
para sa ikatatahimik ng lahat