Ako si Minda, 35 anyos, may apat na anak.
May asawang lasenggo sugarol babaero at tamad..
Nakatira kami sa isang eskwater area sa pasig
mabaho ang palagid at puno nang polusyon..
Bilang isang ina ay marami akong mga pangarap para sa aking mga anak.
Gusto ko silang makatapos sa pag aaral,makakain nang sapat at msustansiya at maibili ng maayos na ksuotan..
Kay simpleng mga pangarap pero kay hirap na tuparin..Sa araw araw ay wala kaming maisaing.Ang mga anak ko ay kay papayat na dahil madalas na lipasan ng gutom…
Kay liit nman kasi ng kita ko sa labada na madalas pang kunin ng aking asawa…
Hanggang sa nakipag sapalaran ako na mangibang bansa..Sa tulong ng isang recruiter ay nakapunta ako ng taif saudi arabia..
Hindi naging madali ang aking pakikipagsapalaran…Napalaki ng bahay ng mga amo ko anim din ang anak nila na maliliit pa din ..
Madamot din sa pagkain,kulang sa pahinga ngunit tiniis ko dahil maayos naman na magpa sweldo…Hindi rin ako allow gumamit ng cp pero deretso naman nilang naipapadala ang buong sweldo ko sa asawa ko…
Ayaw kasi ng madam ko na may hawak akong pera ..Miss na miss ko na mga anak ko pero hindi ko manlang sila makumusta…Mabilis lumipas ang mga buwan..Lalo pang bumagsak ang katawan ko dahil sa pagod…
Pero hindi pa don natapos ang lahat…mahigit na akong isang taon noon sa saudi at ang amo ko ay buntis na naman at malaki na ang tiyan ng isang gabi ay bigla na lang akong pwersahang inangkin ng amo kong lalaki..
Nasa rooftop ang kwarto ko at walang padlock dahil minsan ay biglang may kailangan si madam o mga bata kailangang mabilis akong matawag..
Kaya ang amo kong lalaki ay mabilis at malayang nagawa ang gusto niya sa akin..
Kasabay din non ang pananakot at pangako na pagbibigay ng pera sa akin..
Takot na takot ako pulis ang amo ko at strikto
kaya nanahimik ako sa gabi gabi niyang pag pasok sa silid ko….Hindi ko na alam ang gagawin ko parang nawawalan na ako ng pag asa…Habang nagpapatuloy ang aking mga
kalbaryo..
Lumipas pa ang mga buwan umanak na si madam pero patuloy pa din ang gabi-gabi kong paki usap na tama na ,takot na ako at pagod na pagod…
Ngunit hindi pa rin siya huminto..Minsan pa ay sinasabi niyang mahal na niya ako …At nararamdaman ko na din ang kanyang kabutihan sa akin,dahil sa aking kalungkutan at mga kabiguan ay parang naghanap ako ng kanlungan hangang sa tuluyan kp ng siyamg pinapasok sa buhay ko..
Mag 3 years na ako sa kanila noon ng bigla ako nakadama mg mg kakaiba mga palatandaan ng pagdadalang tao.. Takot na takot ako lalo na sa mahigpit na batas ng saudi..Sinabi ko sa amo ko ang problema binilhan niya ako ng pang P.T at na confirm na buntis nga ako…
Sa aking bilang ay pa dalawang buwan na…Agad akong naki usap sa amo ko na gawan ng paraang maka uwi agad ako bago malaman ng asawa niya…
Nagpa alam ako sa madam ko ayaw man nitong pumayag dahil sanay na sa akin ang mga bata ay wala na din siyang nagawa dahil ng extend na ako mg one year contract…
Nag iyakin din kami ni madam bago maghiwalay nag sorry siya sa akin sa mg pangit daw niyang trato pero sinabi din niyang parang kapatid na niya ako at mahal ako ng mga anak niya…Hindi ko din inakala na may soft part din pala ang madam ko nasanay lang kasi ako sa di magadang trato nito sa akin…
Nagulat pa nga ako ng iabot niya sa akin ang sobre pasasalamat daw niya at sobranc saya ko 10k sar din yon pwdeng panimula ng negosyo…Yumakap akomg nagpasalamat sa kanya.
Higit 3 months na tiyan ko ng tuluyan ako makakauwi ng pinas…bukod sa pera ay napakadaming chocolate ang mga binili no madam para sa mga anak ko.
Among lalaki ko na lang naghatid sa akin sa airport dahil bago ang kanilang khadama ay hindi pa sanay sa mga bata kaya di nakasama si madam…
Niyakap at hinalikan ako ni sir sa loob ng kotse parang maiiyak pa nga ito…Panay din ang paalala niya na ingatan ko ang anak namin..Kinuha din niya full details ko para ma e send niya ang pera na magagamit kong panimula pag nasa pilipinas na ako ..
Naiyak din ako dahil napamahal na din sa akin ang amo kong Arabo…..
Pag dating ko sa amin ay awang awa ako sa kalagayan ng mga anak ko dahil mga kapit bhay lang daw ang tumitingin sa kanila dahil may bago ng asawa ang tatay nila at may maliit na daw na anak .Ang panganay ko grade six na ay dina pala nag aaral dahil siya ang nag aalaga sa mga kpatid..
Ang perang padala ko ay ang dati kong asawa at kabet lang nito ang nkikinabang…Bigas lang daw ang binibiigay sa kanila ng ama..Ang panganay at pangalawa kong anak ay nagtitinda ng sampaguita at minsan daw ay nakikilako para sa pambaon at ulam nila ..
Iyak ako ng iyak iyon paba ang inabot ng mga anak ko sa tatlong taong sakripisyo ko ..Pinuntahan at eneskandalo ko ang asawa ko at kabet niya sa sobrang galit.Gusto kong ipakulong sila pero hindi na maibabalik ang lahat maging ang pera na inubos nila….
Dahil bakasyon naman noon ay naipasya naming mag iina na umuwi na lang sa province ko sa Lopez Quezon hindi ko pa rin kasi alam paano ko haharapin ang eskandalo dahil sa akin pag bubuntis…
Umiiyak din naman mga anak ko at naawa din sa naranasan ko sa saudi nangako din naman sila sa akin na mamahalin nila ang bata na aking isisilang..
Sa ngayon po ate ella nandito na kami sa lopez quezon ..2 years old na din ang baby ko na napaka pogi at lamang na lamang ang dugong dayuhan..Noong unay alam kong ako ang topic ng mga kaa anak,pero habang nagtatagal ay mas lamang na yong tuwa nila sa bibong bibo kong anak..
Maganda na din po ang buhay namin nakabili ako ng lupa at nakapagpabahay at may grocery din ako malaking pera kasi ang pinapadala sa akin ng tatay ng anak ko.Bukod pa ang 20-30k na monthly niyang padala para sa bata..Nag kaka usap pa din naman kami at madalas siyang humingi ng mga pic at video ng anak namin…
Alam kong marami ang magtataas ng kilay dahil kahit saan tingnan ax kabet pa din akong lalabas….
WAKAS
News
Binato Niya ng Pera ang Dalaga sa Café—Pero Nang Dumating ang Lalaking Naka-Suit, Siya ang Nanigas sa Hiya/hi
Pagkasabi ng lalaking naka-itim na suit ng, “Chairwoman, hinihintay na po kayo ng mga stockholder,” para bang may kung anong bumagsak sa dibdib ng babaeng kanina lang ay punung-puno ng paghamak. Hindi agad siya nakagalaw. Ang kamay niyang nakataas pa…
Sumigaw ang ama: “Patay na ang mama mo!” — Pero ang pagpukpok ng bata ang naglantad ng isang nakakatakot na lihim/hi
Buong silid ng punerarya ay tila napatigil sa oras matapos bumukas ang kabaong. Walang laman. Walang bangkay. Ang ama ay nakatayo pa rin sa harap nito, nanginginig ang kamay, tila hindi makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata. Ang mga…
Naghagis Siya ng Barya sa Isang Server — Pero Naputla Siya Nang Malaman Kung Sino Ito/hi
Pagkatapos ng mabigat na “Opo… ako nga po.”, parang huminto ang buong fine-dining restaurant sa isang hininga. Yung malayong piano sa lounge, biglang naging tunog na parang nasa kabilang mundo. Yung mga baso, kubyertos, at bulungan—lahat nabawasan ng lakas, parang…
“Nakita ko ang picture mo sa yearbook ni Rica. Hinanap ko ang pangalan mo online… hanggang nakita ko ang LinkedIn mo.”/hi
Tatlong Taon Akong Kumakain ng Tanghalian sa Banyo Dahil sa Nambully sa Akin – Makalipas ang Dalawampung Taon, Tinawagan Ako ng Asawa NiyaMay mga nagsasabing nakakalimutan daw ang mga nangyari noong high school.Pero para sa akin, malinaw pa rin ang…
Kapag tinatanong ako kung pinatawad ko ba ang anak ko… Isa lang ang sagot ko:/hi
Dalawampung Taon Siyang Nawala, Iniwan Ako sa Utang at Sakit — Isang Araw, Kumatok Siya sa Pinto Ko kasama ang Isang Bata Dalawampung taon na ang lumipas mula nang mawala ang anak ko. Iniwan niya ako—may sakit, baon sa utang,…
KAYA PALA MAASIM ANG TUWALYA ANG NASA CR NG GIRLFRIEND KO…./hi
Hindi ko talaga makakalimutan ‘tong araw na ‘to… kasi dito ko napatunayan na minsan, hindi lahat ng tuwalya dapat pinagkakatiwalaan. So eto na nga,one random day, pinuntahan ko girlfriend ko kasi sabi niya may gagawin daw kami na “fun content”…
End of content
No more pages to load