DINALA AKO NG BOYFRIEND KO SA ISANG ABANDONADONG BAHAY PARA MAG…

Akala ko talaga may “something” na mangyayari kasi 3 weeks pa lang kaming official tapos ganito agad ka-intense?!

So eto na nga… one night, bigla niya akong chinat.

“Labas tayo, may surprise ako sayo.”

Ako naman, syempre kilig agad. Nagbihis ako ng bongga,yung tipong kahit madilim, ready pa rin ako maging main character. Naka lip tint pa ako kahit gabi, jusko.

Pagdating niya, naka-motor siya. Medyo kinakabahan na ako kasi sabi niya, “Trust me lang.” Eh ako naman si tanga, sige trust agad. Sumakay ako, yakap sa likod, tapos napansin ko… parang palayo kami nang palayo sa mataong lugar.

Hanggang sa pumasok kami sa isang madilim na kalsada… walang ilaw, walang tao, puro puno. Doon na ako kinabahan nang malala.

Sabi ko sa sarili ko:
“Grabe… 3 weeks pa lang kami… ito na ba yun?? Ang bilis naman?! ”

Tapos bigla siyang huminto… sa harap ng isang ABANDONADONG BAHAY. Yung tipong basag yung bintana, may tumutunog na yero, tapos parang may sariling background music na “ting ting ting” sa utak ko.

Sabi niya:
“Dito tayo.”

Ako naman:
“HA?? DITO?!”

Sa isip-isip ko:
“Lord, ito na ba ang plot twist ng buhay ko? Hindi pa ako ready maging ganitong level ng girlfriend”

Pero dahil ayokong magmukhang KJ, sumunod pa rin ako. Naglalakad kami papasok, tapos hawak niya kamay ko. Ako, kabado pero medyo kinikilig din,alam mo yun, mixed emotions, parang adobo na may chocolate.

Pagpasok namin sa loob… sobrang dilim. Tapos bigla siyang tumigil.

Huminga siya ng malalim.

Ako naman, napapikit na.

Sabi ko sa isip ko:
“Sige na Lord… kung ito na yun… sana maayos ang lighting kahit papaano”

Tapos bigla siyang nagsalita…

“Ready ka na?”

Ako:
“…oo.”

Then bigla siyang naglabas ng flashlight.

FLASHLIGHT.

Tapos sinilip niya yung kisame sabay sabi:
“Uy, sabi nila may multo dito eh. Try natin hanapin!”







“HA???”

Doon ko narealize… HINDI PALA ITO DATE NA INIISIP KO.

GHOST HUNTING PALA?!

Sabi ko:
“Akala ko… ano… bakit dito mo ako dinala??”

Sabi niya, sobrang excited pa:
“Adventure to! Bonding natin! Ang saya kaya maghanap ng multo!”

Ako, nakaayos, naka-lip tint, naka-heart eyes dapat…

NAPALITAN NG:
“ARE YOU SERIOUS??”

Habang siya, tuwang-tuwa na nag-iikot ng flashlight, ako naman nakatayo sa gilid, iniisip lahat ng life choices ko.

Tapos may narinig kaming kalabog…

Bigla akong napasigaw:
“AYOKO NA UMUWI NA TAYO!!!”

Siya naman:
“Shhh baka multo yun!”

Ako:
“MAS NAKAKATAKOT KA!!”

Sa sobrang inis ko, napa sabi na lang ako:

“Grabe ka… akala ko kung ano na… isip bata ka pala”

Ayun, ending… imbes na romantic moment, nauwi sa takbuhan palabas ng bahay habang hawak ko tsinelas ko at siya tawa nang tawa.

Hanggang ngayon, tuwing naaalala ko, naiinis pa rin ako… pero natawa na lang din.

Kasi imagine mo…
ready ka na sa “level up”…

tapos dinala ka lang pala para maghanap ng multo.

FROM SENDER