• Isang hapon noong Huno 2018 sa Kawayan Isabela, nakita ng mga kapitbahay ang isang babae na nagmamadaling lumabas ng kanilang tahanan habang karga ang anak nitong lalaki. Namamaga ang pisngi, nanginginig ang katawan at halatang takot. Kanina lang sinampal siya ng asawa dahil lamang sa isang maliit na pagkakamali.
  • Ang babae ay si Edna Murilo. At ang lalaking naiwan sa loob ng bahay ay si Bobby Mouril na kanyang asawa. Ang gabing iyon ay hindi unang beses na nagtangka siyang umalis. Sa loob ng limang taon, ilang ulit na niyang pinlano ang pagtakas ngunit palaging nauuwi sa pagkahuli at pananakot. Lahat ng ito ay nagsimula buhat ng siya ay pinilit na ipakasal sa lalaking hindi naman niya minahal noong una pa lamang.
  • Noong 2013, si na taong gulang pa lamang si Edna nang ipakasal sa 35 taong gulang na si Bobby. Hindi niya ito minahal. Ang kasal ay naging kapalit ng utang ng kanyang mga magulang na sina Isagani at Marcy Villanueva sa pamilya ni Bobby. Naging kapalit ang kasal sa lupang kinatitirikan ng kanilang bahay na nabili ng pamilyang Mourilo, na tubong Quezon bago mapadpad sa Isabela.
  • Ilang beses na tumutol si Edna ngunit palaging tinatakot ng kanyang mga magulang na mawawalan sila ng tirahan kung hindi siya papayag. Sa huli, napilitan siyang sumang-ayon para sa kapakanan ng pamilya. Sa kasunduan, ipinangako ni Bobby na ililipat ang titulo ng lupa sa pangalan ng mga magulang ni Edna at magbibigay rin ng tulong pinansyal sa kanila.
  • Bilang pagtanaw ang utang na loob. Matagal ng may gusto si Bobby kay Edna simula pa lamang dumating sila sa Isabela. Ngunit dahil sa malayong agwat ay hindi niya napaibig ang dalaga at tanging panggigipit lamang ukol sa lupa ang nakita niyang paraan para mapasakan niya si Edna. Sa mismong araw ng seremonya, nakasuot si Edna ng puting trahe de boda.
  • Tahimik at wala halos ngiti. Alam ng mga taong dumalo na hindi yun kasal na nag-ugat sa pag-ibig. Ngunit walang may pakialam. Para sa mga tao ay labas na sila sa sigalot ng pamilya. Pagkatapos ng kasal, lumipat sila ni Bobby sa isang bahay sa bayan. Sa mga unang buwan, maayos ang takbo ng kanilang pagsasama. Maaga itong umuuwi.
  • Madalas lambingin si Edna at magiliw sa kabila ng malamig na pagtanggap sa kanya ng babae. Ngunit hindi nagtagal, lumabas ang ugali nitong matagal na pala niyang tinatago. Nagsimula itong magsalita ng masasama hanggang sa dumating ang unang sampal. Sa mga sumunod na araw, ang pag-uugali ni Bobby ay naging mas madalas na mapusok at marahas.
  • Tuwing sinusubukan ni Edna na umuwi sa mga magulang, sinasabihan siya ng mga ito na tiisin na lamang ang asawa. Ayon sa kanila, hindi pa naililipat sa kanilang pangalan ang lupa kaya’t hindi sila maaaring makialam. Sa mga salitang yon, napagtanto ni Edna na wala siyang mapupuntahan. Ang mga taong dapat na nangangalaga sa kanya ay sila ring dahilan ng kanyang pagkakagapos sa buhay na hindi niya pinili.
  • Taong 2014, ipinanganak ni Edna ang isang batang lalaki. Si Carlo, inakala niyang magbabago si Bobby ngunit mas lalo lamang naging madalas ang pananakit nito. Kapag umiiyak ang bata, siya ang sinisisi. Kapag napapagod sa trabaho, siya ang pinagbubuntunan ng galit. Sa bawat gabi ng katahimikan, naroon si Edna na pinipigilan ang tunog ng kanyang mga paghikbi habang pinapatahan ang sanggol sa kanyang sariling bisig.
  • Habang lumilipas ang mga taon, natutunan niyang manahimik, ang dating babaeng puno ng pag-asa ay naging tila pipi. Sa mga gabing pinipilit siya ni Bobby na makipagtalik ay wala siyang magawa kundi magtiis kahit nalabag sa kanyang kalooban. Sa kanyang isipan, naroon ang paghahangad na isang araw ay magbabago ang takbo ng kanyang kapalaran.
  • Nagsimula siyang mag-ipon ng kaunting pera. Sa bawat sukling natitira sa pamimamili, itinatabi niya yun sa isang lihim na sisidlan. Hindi niya alam kung kailan niya magagamit ngunit batid niyang darating ang panahon na kakailanganin niya ito. Sa bawat baryang naitatabi, unti-unti niyang binubuo sa isip ang araw ng paglaya.
  • Noong Pebrero 2018, matapos ang isa na namang gabi ng pananakit, nagpasya si Edna na umalis. Habang tulog si Bobby, maraha niyang kinuha ang mga damit na kaya niyang dalhin at inilagay sa lumang bag. Ang kanyang naipong pera ay kinuha niya sa pag-asang ito na ang pagkakataong kinakailangan niya para makapagsimula.
  • Ginising niya si Carlo. Binuhat ito at sabay silang lumabas ng bahay sa gitna ng dilim. Tahimik ang buong paligid at sa bawat hakbang niya palayo, ramdam niya ang kabang may halong pag-asa. Naglakad siya hanggang sa kalsada kung saan dumaraan ang mga jeep. Wala siyang ibang mapupuntahan kundi ang kanyang mga magulang.
  • Sa puntong iyon ay nalipat na sa kanilang pag-aari ang lupa kung kaya’t naisip niyang wala ng dahilan ang kanyang mga magulang para hindi siya tulungan. Pagdating niya, umasa siyang may yakap na naghihintay lalo na nang ipakita niya ang mga galos at pasa na kanyang natamo mula sa asawa. Ngunit iba ang naging pagtanggap sa kanyang inaasahan.
  • Malamig na tingin ang sumalubong sa kanya. Tahimik lamang si Isagani at Marcy. Hanggang sa marinig niya ang payong ayusin na lang daw ang problema nilang mag-asawa. Walang pagtulong at walang pag-unawa. Hindi ‘yun maintindihan ni Edna ngunit wala siyang magawa upang baguhin ang takbo ng isip ng kanyang ama’t ina.
  • Habang inaasikaso ang anak ng gabing iyon, napansin ni Edna ang tunog ng paparating na motorsiklo. Nakilala niya agad ang tunog ng makina. Si Bobby. Nalaman niyang mismo ang kanyang mga magulang ang tumawag sa lalaki at sinabing naroon siya. Nang gabing yon ay ipinagtapat din ng kanyang mga magulang ang isang bagay na lalo pang dumurog sa pagkatao ni Edna.
  • Ayon sa kanila ay ampon lamang ito at hindi nila tunay na kadugo. Iniwan lamang umano siya ng isang estranghero sa kanila nang siya ay dalawang taong gulang pa lamang at hindi na ito bumalik mula noon. Noon lamang napagtanto ni Edna ang dahilan kung bakit noon pa lamang ay malayo na ang loob sa kanya ng mga kinilala niyang magulang.
  • Naunawaan niya rin kung bakit ganon na lang kadali sa mga ito na ibigay siya kay Bobby kapalit ng lupa at ari-arian. Matapos ang rebelasyon ay dinala siya ni Bobby pauwi sa kanilang bahay. Muli niyang naranasan ang katakot-takot na pananakit mula sa asawa. Nagmakaawa siya alang-alang sa kanilang anak na nakakakita sa ginagawa ni Bobby ngunit tila wala itong naririnig.
  • Noon din ay naranasan ni Edna ang pinakamatinding bangungot ng kanyang buhay. Ang mabigat na kamao ng lalaki ay sinalo ng kanyang mahinang katawan habang wala siyang magawa kundi magmakaawa at umiyak. Tumigil lamang ang oras nang halos hindi na makabangon si Edna sa sahig. Pagkalipas ng ilang araw, nakabangon si Edna.
  • Naghilom ang mga galos at pasa ngunit ang sugat sa kanyang kalooban ay lalo pang lumalim. Sa pagkakataong ito ay muli siyang naglakas loob na humingi ng tulong ngunit hindi na sa kanyang mga kinikilalang magulang. Lumapit siya sa women’s desk ng PNP at isinalsay ang lahat ng kanyang mabigat na karanasan. Sa tulong ng isang social worker, naisagawa ang medico legal sa kanya at naisampa ang kaso laban kay Bobby Mourillo para sa kanyang paglabag sa antivaowy law.
  • Kasabay nito, naisan pa rin ang reklamo laban kina Isagani at Marcy dahil sa pamimilit kay Edna na magpakasal kay Bobby kahit palabag ito sa kanyang kagustuhan. Habang umiiral ang kaso ay pansamantalang dinala sa shelter si Edna at Carlo para sa kanilang proteksyon. Samantala, galit na galit ang mga magulang ni Edna at inakusahan siyang walang utang na loob dahil sa naging hakbang nito.
  • Hindi rin nagpatinag si Bobby at itinanggi ang lahat ng paratang ni Edna sa kabila ng mga ebidensya. Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, lumabas ang isa pang katotohanan. Naungkat ang unang kasal ni Bobby noong 2008 sa Quezon. At ayon sa mga dokumentong nakalap ay hindi ito kailan man napawalang bisa. Ang kanyang unang asawa ay si Vina Castillo na meron ding anak kay Bobby.
  • Nagpadala ito ng affida David at idinetalye ang parehong uri ng pananakit at pang-aabuso. Hindi rin umano ito kailan man nagsustento sa kanilang anak mula ng iwan niya ang mga ito at magtungo sa Isabela kung kaya’t lalo pang nadiin si Bobby sa kanyang mga kasalanan. Dahil sa rebelasyong ito, napatunayang walang bisa ang kasal ni Edna kay Bobby noong 2013.
  • Sa balitang iyon, gumaan ang loob ni Edna dahil tila nakawala siya sa tanikalang nakagapos sa pagitan niya at ng lalaking sumira sa kanyang buhay. Kasabay ng kaso laban kay Bobby, sinimula ng DSWD ang imbestigasyon laban sa mga magulang ni Edna. Nakumpirma ang salaysay ni Edna ukol sa pakikipagkasundo ng kanyang mga magulang na ipakasal siya kapalit ng paglilipat ng titulo ng lupa.
  • Ang dokumentong iyon ay naging ebidensya na pasok sa kaso ng illegal trafficking lalo pa’t hindi nila tunay na anak si Edna. Habang umuusad ang kanyang laban sa shelter ay naramdaman ni Edna sa unang pagkakataon na siya ay ligtas. Habang pinagmamasda niya si Carlo na mahimbing na natutulog, napagtanto niyang tapos na ang buhay na puno ng takot at pasakit.
  • Hindi pa man natatapos ang kaso, alam na niyang paparating na ang kalayaan na matagal niyang hinihintay. Taong 2019 nang dininig ang magkahiwalay na kaso ni Bobby at ng mga umampon kay Edna, dumalo siya sa bawat pagdinig kasama ang isang abogado mula sa publicney’s office. Tahimik lang siyang nakaupo sa loob ng korte habang nasa kabilang panig ang mga akusado.
  • Tuwing nakikita niya si Bobby na nakaposas wala na siyang nararamdaman. Ang dating takot ay napalitan ng tapang. Sa tuwing magsasalita siya sa harap ay pilit niyang ipinapakita ang tatag ng loob na malayo sa babaeng naging sunod-sunuran sa mahabang panahon. Noong Nobyembre 2020, lumabas ang hatol ng korte. Si Bobby Mourillo ay napatunayang guilty sa multiple counts ng paglabag sa Vow Sea at pinatawan ng 30 taong pagkakakulong.
  • Kasabay nito sinang Isagani at Aling Marcy ay napatunayang lumabag sa Antrafficking in person’s act at pinatawan ng tig l taong pagkakakulong. Pagkatapos ng hatol ay nakaramdam si Edna ng lungkot para sa mga kinilala niyang magulang. Ngunit naroon din ng saya dahil hindi na siya mabubuhay sa takot. Si Edna ay unti-unting bumangon mula sa mga taon ng paghihirap.
  • Tuluyang nagbago ang takbo ng buhay ni Edna. Sa tulong ng mga social worker mula sa DSWD, nakahanap siya ng maayos na tirahan at trabaho. Nagsimula siyang pumasok sa isang pagawaan ng mga damit. Ang kita ay sapat para sa upa, pagkain at panggastos ni Carlo sa paaralan. Hindi marangya pero sapat para mabuhay ng marangal. Si Carlo ay lumaking masigla at matalino.
  • Hindi itinago ni Edna sa kanya ang kwento ng kanilang nakaraan. Sa murang edad, naunawaan ni Carlo ang lahat at lalo pa niyang minahal ang kanyang ina dahil sa naging tapang nito. Hindi na rin sinubukang hanapin ni Edna ang kanyang tunay na mga magulang. Para sa kanya, mas mainam na protektahan ang kanyang sariling damdamin kaya hanaping muli ang mga taong umabandoun na sa kanya.
  • Bagam’t sinabi niya sa kanyang sarili na kung darating man ang pagkakataong makikita niya ang mga ito ay handa naman siyang magpatawad. Taong 2024, nakilala ni Edna si Junbert Maniego, isang driver mechanic sa parehong compound kung saan siya nagtatrabaho. Matino, walang bisyo at may respeto sa babae. Nagsimula sa simpleng pagkukumustahan hanggang sa naging bahagi ito ng buhay nilang mag-ina.
  • Nanligaw si Junbert at tinanggap ang nakaraan ni Edna at ni Carlo. Itinuring ni Jun Bert si Carlo na parang sariling anak. Naging kaagapay ni Edna si Junert sa paggabay sa kanyang anak bilang mabuting indibidwal. Malayong-malayo ang ugali nito sa kanyang nakakulong na asawa. Dahil sa nakitang sineridad, naging bukas si Edna para mahalin ng totoo si Junbert at nito lamang Pebrero 2025 ay tuluyang ikinasal ang dalawa sa isang civil wedding upang mas mapagtibay ang kanilang pagsasama.
  • Hindi nagbago ang turin ni Jun Bert kay Edna at Carlo. Gumawa rin ng hakbang si Junert upang ipagamit kay Carlo ang kanyang apelido at tuluyang maging legal ang pagiging ama nito sa bata. Hindi naman tumanggi si Carlo dahil totoong ama na rin ang turing nito kay Jun Bert. Sa pagkakataong ito, nakaramdam si Edna ng tunay na kasiyahan sa piling ng taong tunay niyang minahal at totoong nagmahal sa kanya at sa kanyang anak.
  • Ngayon ay nakatira sila sa iisang bubong sa Santiago. Tuluyan ng binaon ni Ed nasa limot ang madilim na nakaraan at sa tulong ni Junbert ay napalitan ito ng masayang mga ala-ala at pag-asa.