Dalawang lalakeng asawa sa isang bahay
Kuya jay Minsan, napapadungaw ako sa bintana at nakikita ko ang mga kapitbahay namin nagbubulungan. Alam ko naman ang bansag nila sa akin, imoral. Sa tingin nila, para akong babaeng walang dangal, at hindi kuntento sa isang lalake, dahil sa iisang bubong, kasama ko ang dati kong asawa at ang bago kong asawa.
Pero bago nila ako husgahan, sana alam nila ang buong kwento. Hayaan ninyong ako ang magsalita.
Si Bong ang una kong asawa. Nagkaroon kami ng dalawang anak, pero hindi naging madali ang pagsasama namin noon hanggang sa tuluyan kaming nagkahiwalay. Lumipas ang mga taon, bumuo siya ng bagong pamilya. Pero gaya ng dati niyang gawi, nauwi rin sila sa hiwalayan dahil sa init ng ulo niya.
Isang araw, nabalitaan ko na lang: na-stroke si Bong. Walang gustong mag-alaga sa kanya. Ang bagong pamilya niya, iniwan siya. Ang mga kamag-anak niya, tila naglaho.
Noong nakita ko siyang nakaratay, hindi ko nakita ang lalakeng nanakit sa akin noon; ang nakita ko ay ang ama ng aking mga anak na wala nang kalaban-laban. Sabi ko sa sarili ko, “Tao pa rin naman siya.” Kaya kahit labag sa loob ng iba, pinatira ko siya rito sa bahay para alagaan.
Dito ako lalong pinalad. Ang asawa ko ngayon na si Joel, siya ang nagsisilbing haligi ng bahay na ito. Alam kong mahirap para sa isang lalaki na makasama sa iisang bubong ang ex ng asawa niya, pero ang puso ni Joel ay ginto.
Si Joel pa mismo ang tumutulong sa akin na buhatin si Bong.
Hindi niya ipinagkait ang pagkalinga sa mga anak namin ni Bong, habang sabay naming pinalalaki ang dalawa naming sariling anak.
Pinatunayan niya na ang tunay na lalaki ay hindi selos ang inuuna, kundi ang paggawa ng tama.
Sa loob ng bahay namin, ganito ang eksena:
Sa isang kwarto, nandoon si Bong na unti-unting nagpapagaling.
Sa kabilang bahagi, nandoon kami ni Joel at ang aming mga anak.
Sabay-sabay kaming kumakain sa hapag-kainan—isang malaking pamilyang pinagtagni-tagni ng tadhana.
Sabi ng nakakilala sa amin, Bakit ko daw ginagawa ito, samantalang noon malakas si bong, pasakit lang ang ibinigay sa akin,
Sabi ko naman kuya jay Hindi ito dahil sa mahal ko pa si Bong bilang asawa. Tapos na kami roon. Ginagawa ko ito dahil may pinagsamahan kami, dahil sa mga anak namin, at dahil ayokong mamulat ang mga bata na ang tatay nila ay pinabayaan sa kalsada nang magkasakit.
“Hindi lahat ng nakikita ng mata ay kasalanan. Minsan, ang turing nilang imoral ay ang tanging paraan para ipakita ang tunay na pagkatao at pagpapatawad.”
Hayaan ko na silang mag-isip ng masama
Pero Isang hapon, hindi na nakatiis ang kapitbahay namin si Aling Myra. Kunwari ay maghihiram lang ng walis, , pero ang totoo, gusto lang sumilip sa loob ng bahay. Sakto namang nandoon kami sa sala, ako, si Joel na nagtitimpla ng kape, at si Bong na nakaupo sa wheelchair.
“Naku, Anya,” simula ni Aling Myra habang malagkit ang tingin kay Bong at Joel. “Ang tatapang niyo talaga. Hindi ba kayo naiilang? Kasi sa labas, usap-usapan na talaga kayo. Sabi ko nga, parang ang moderno niyo naman masyado. Hindi ba masama sa paningin ng Diyos ‘yan ginagawa mo, pinagsasama moa ng dalawang lalake sa bahay na ito, mamalasin kayo,
Sasagot na sana ako nang maramdaman ko ang kamay ni Joel sa balikat ko. Nakita ko ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Imbes na magalit, lalong lumapit si Joel sa akin at inakbayan ako nang mahigpit.
“Naku, Aling Myra,” sabi ni Joel na parang seryosong-seryoso Huwag na po kayong magtaka. Ang totoo niyan, kulang pa ang naririnig niyo.
Nanlaki ang mata ni Aling Myra. “Anong ibig mong sabihin, Joel?”
“Alam niyo po, tuwing gabi, magkakatabi kaming tatlo sa iisang kama. Si Anya sa gitna, ako sa kanan, at si Bong sa kaliwa. Mas masaya nga, eh. Tipid sa aircon, sama-sama pa kami.”
Nabitawan ni Aling Myra ang hawak niyang walis Totoo ba ‘yan? Tatlo kayo sa kama?!”
“Opo!” dagdag pa ni Joel , Para kung kailangan ni Bong uminom ng gamot sa madaling-araw, abot-kamay lang namin siya. O ‘di ba, Aling Myra’Yan ang tinatawag na ‘solid teamwork.
Ibalita niyo po sa labas ha, para ma-satisfy naman ang curiosity nila. Sabihin niyo, legendary ang setup namin dito.
Namutla ang matanda. Hindi niya alam kung seryoso ba si Joel o niloloko lang siya. Kumaripas siya ng lakad palabas, bitbit ang bitin niyang chika na siguradong magiging headline sa kanto kinabukasan.
Nang makalayo na siya, hindi na namin napigilan. Hagalpak kami ng tawa sa sala. Kahit si Bong na hirap magsalita ay napangiti at napailing sa kalokohan ni Joel.
“Minsan, hindi mo kailangang magpaliwanag sa mga taong sarado ang isip. Mas mabuting bigyan mo na lang sila ng kwentong mas malala pa sa iniisip nila para matauhan sila sa sarili nilang kalokohan.”
Kahit na asar-talo ang mga kapitbahay, alam namin ang totoo:
May sariling kwarto si Bong at kailanman ay hindi naging “crowded” ang higaan namin.
Alam ni Joel na ang pagtanggol sa akin sa ganoong paraan ay mas epektibo kaysa sa pakikipag-away.
Mas lalo kong minahal si Joel dahil sa kakayahan niyang gawing biro ang isang sitwasyong dapat sana ay ikagagalit namin.
Lumipas ang dalawang taon na puno ng hamon, tawa, at pasensya. Sa tulong ng tuloy-tuloy na therapy at ang walang sawang pag-aalaga namin ni Joel, unti-unting bumalik ang lakas ni Bong. Mula sa pagiging paralisado, nakatayo na siya sa sarili niyang mga paa, nakakapagsalita nang malinaw, at kaya na niyang alagaan ang sarili niya.
Dumating ang araw na nag-impake na siya ng kanyang mga gamit. Nakakuha siya ng maliit na matitirhan malapit sa amin para manatili pa ring malapit sa aming mga anak.
Bago siya lumabas ng pinto, huminto si Bong. Tumingin siya sa bahay na naging kanlungan niya noong panahong itinatwa siya ng mga tao,. Pagkatapos, humarap siya kay Joel.
“Joel, Alam kong hindi sapat ang salitang ‘salamat.’ Sa totoo lang, kung ako ang nasa kalagayan mo noon, baka hindi ko nagawa ang ginawa mo. Hinayaan mo akong manatili rito, hindi mo ako ipinagtabuyan, at tinuring mo akong tao sa kabila ng lahat ng pagkukulang ko noon kay Anya.”
Inabot ni Bong ang kamay ni Joel para makipag-kamay. Salamat sa pagiging mas mabuting lalaki kaysa sa akin. Kampante ako na ikaw ang kasama ni Anya at ng mga anak natin.”
Ngumiti si Joel, ‘yung ngiting walang halong sakit, Wala ‘yun, Bong. Ginawa ko ‘to dahil mahal ko ang pamilya ko, at bahagi ka na ng buhay nila. Ang mahalaga, maayos ka na. Magpakabait ka na sa bago mong simula.”
Habang pinapanood namin si Bong na naglalakad palayo dala ang kanyang bag, naramdaman ko ang isang matinding gaan sa loob ko. Wala na ang imoral na bansag ng mga kapitbahay dahil sa wakas, napatunayan naming ang pagpapatawad at pagmamalasakit ay mas matimbang kaysa sa kahit anong tsismis.
Lumingon sa akin si Joel at bumulong nang pabalang, O, ano? Ngayong wala na si Bong, kailangan ko na bang ibalita kay Aling Myra na dalawa na lang tayo sa kama?”
Natawa ako nang malakas at hinampas ko siya sa braso. “Tumigil ka nga! Baka bukas, ang balita naman ay pinalayas natin siya dahil wala na tayong teamwork,
Kuya jay ito ang naging buhay ko, ang sabi nilang immoral, dahil hindi nila kami kilala husto, ang nakikita lang nila ang panlabas at marumi nilang kaisipan,
Sa 6 years ng nakalipas, nagkaroon na muli ng trabaho si bong, napakalaki ng pinagbago ni bong, muli sa magagalitin noon at nanakit, ngayon nasa simbahan na palagi,
bumabawi daw sa sya mga kasalanan nya noon, hindi narin nag asawa pa,
Si joel naman ay nasa abroad ngayon at ang panganay namin ni bong ay isa ng professional teacher at kasama ang kanyang ama sa tinitirhan nila