Ang pangalan ko ay, Arlene. 50 years old na ako ngayon.Pero ang kwento ko ay sisimulan ko noong 19 years old pa lang ako.
Noon ako ang tipikal na dalagang probinsyana, apo ng ng magsasaka namatay ang ina ko sa pagsilang sa akin at ang ama ko naman ay hindi nakilala nila lolo,sa lupain ni Don Arturo dito sa Ilocos ang isa sa pinakamayamang haciendero nakikisaka si Lolo
Maganda raw ako, simpleng ganda. Pero sa mundong ‘to, ang ganda ng isang mahirap, para lang hamog na madaling mawala pag tinamaan ng araw.

Hanggang sa makilala ko si Vincent ang Manila Boy na bakasyonista at ang nag-iisang anak ni Don Arturo. Mayaman. Gwapo. Matikas.
Lahat ng katangian na hindi ko inakalang papansin sa isang tulad ko. Akala ko, kwento lang ‘yun sa mga nobela o teleserye ‘yung tipong magmamahalan ang dalawang tao mula sa magkaibang mundo. Pero nangyari sa akin.

Nagsimula ang lahat sa mga tinginan sa bukid,habang naghahatid ako ng tanghalian ni lolo at siya naman ay tinitingnan ang mga trabahador .
Sa mga palihim na ngiti ang puso ko ay lihim ng umiibig kay Vincent.
Tapos, ‘yung pagpapalusot niya na dumaan sa aming kubo para lang makita ako,ay tunay na nagpapakilig sa akin ..
“Hindi ko alam kung anong salamangka ang ginamit mo, pero pakiramdam ko, ikaw na ang mundo ko Arlene
“Hindi ako makatulog ikaw palagi ang nasa isip ko”Mahal na mahal kita arlene kahit kaylan lang tayo nagkakilala…
Ang bawat pangako ni Vincent, parang bulaklak na sumisibol sa tigang na lupa ng buhay ko.
“Mahal kita, Arlene,” mga mabulaklak na salitang lalong nagpa alab ng pagmamahal ko kay Vincent..
Kaya makaraan lang ang ilang linggo niyang panunuyo ay tuluyan ko siyang tinanggap sa buhay ko..

Ang buong akala ko, totoo, ang pagmamahal ni Vincent kaya isang hapon malapit ng lumubog ang araw ay palihim akong tumakas kay lolo at lola upang makipagkita sayo sa lumang kubong pahingahan sa palayan kay Vincent
Kahit takot at puno ng kaba ay napakasya ko ng inabutan ko siya sa aming tagpuan.
“Arlene mahal ko buti nakarating ka!
“Oo mahal ko tumakas lang ako sabi ko makikipagkwentuhan lang ako sa kaibigan kong kapitbahay ..

Nagyakap kami kasabay ng papalubog ng araw ..Hinila ako ni Vincent papasok sa kubo.Napakainit nya at agad na niyakap ako at siniil ng maalab ng halik…Siya ang una kong halik kaya sinabayan ko na lang siya..
Inihiga niya ako sa malamig na sahig na kawayan sa kubo..Masakit sa likod pero
balewala iyon sa init at ligayang nadarama ko.

Tuluyan na akong nahulog sa napakainit niyang pagmamahal.Sumabay sa huni ng kuliglig at palakang bukid ang aming mga ungol ni Vincent..
“Mahal ko Arlene hindi ko na kaya gusto kong maangkin ka!Nakikiusap si Vincent habang nakatitig sa akin.
Mahal natatakot ako baka magaya ako sa nanay ko binuntis lang at iniwan sabi ko kay Vincent ng makiusap.
Mahal na mahal kita arlene hindi ako kagaya ng sinumang lalaki.
Sige mahal ko at tuluyan ko ng ibinigay ang pag ka birhen ko sa kanya.
Kahit masakit ay aaminin ko na naging napasaya ko sa nangyari sa amin ni Vincent..
Pagkatapos ang mainit na tagpo ay sabay kaming umuwi at naghiwalay sa malaking daan dahil sa magka iba na ang aming direksyon..

Ilang ulit pang nangyari ang aming pagtatagpo at paglipas ng dalawang linggo ng relasyon namin ay nagpaalam sa akin si Vincent na babalik ng maynila at babalik agad paglipas ng dalawang buwan..

Sobrang lungkot ko ng umalis ang aking unang pag ibig pero naniwala naman ako na babalik siya sa paglipas ng dalawang buwan..Ngunit bago pa ang ikalawang buwan ay hindi ko inakala na magbubuntis ako….Noong una akala ng mga lola ay nagkasakit ako at namamatanda kaya pinatingnan ako sa albularyo at nalamang buntis pala ako..

Nagalit sina lolo at lola pero sa huli ay naiyak na lang din sila lalo na ng malamang anak ni Don Arturo..
Pagkalipas ng dalawang buwan ay totoong nagbalikbsi Vincent.Tumalon ang puso ko sa tuwa ng makita ko si Vincent habang naghahatid ako ng tanghalian ni lolo.
Saglit kaming nag usap para sa pagkikitang muli sa kubo bago dumilim.

“Miss na miss kita Arlene mahal ko,nagmamadali siya at agad akong inangkin ng buong pagkasabik.
“Mahal mo ba talaga ako Vincent?tanong ko sa kanya habang yakap siya ng mahigpit
“Oo naman mahal ko kaya nga ako nagbalik diba kahit ayaw ni papa na nandito ako..
“Buntis ako Vincent?
Biglang siyang napabangon dahi sa sinabi ko at medyo naitulak pa ako.
Sigurado ka bang akin yang batang yan pasigaw na sabi niya sa akin.Malay ko ba kong may iba kang lalaki habang wala ako,napansin kong maraming binatang magsasaka ang humahanga sayo.
Sa galit ko ay nasampal at namura ko siya .
Birhen mo akong nakuha Vincent at ikaw ang una kong nobyo naiiyak ko pang sabi sa kanya..
Pero hindi na siya nakinig pa agad itong halos patakbo pang umalis.
Hindi manlang nito inisip na wala akong kasabay palabas sa malaking daan kahit alas otso na ng gabi na dadaan pa sa malawak na bukirin.

Tuluyan ko na ding inamin kina lolo na hindi ako papanagutan ni Vincent ..Walang nagawa ang dalawang matanda kundi ang umiyak..

Sa paglipas ng mga buwan tuluyang lumaki ang aking tiyan…Pinag usapan ako ng lahat hinamak maging ang aking namatay ng ina at ang aking matanda ng mga lolo at lola..Mabilis lumipas ang mga buwan at tuluyan ko ng isinilang ang anak ko na isang lalaki .

Mag- isa kong itinaguyod ang anak ko..Nagtinda ako ng mga aning gulay ng mga magsasaka at ni lolo,pumapasok din akong labandera para may maibili ng mga pangangailangan ng anak ko..
Maraming lalaki pa din ang nanligaw kahit may anak na ako pero mas pansin ko na wala silang respeto sa akin Iniisip nilang dahil may anak na ako ay segunda mano na ako.
Muntik na din akong magahasa ng naging asawa ng naging amo ko sa paglalaba pero ng manlaban ako at mabuko ay ako pa ang sinaktan dahil sinabi ng lalaki na ako ang nanukso,dahil gawain ko ang magpalipas sa init ng lalaki kaya may anak ako sa labas..

Sa lahat ng sakripisyo ko anak ko ang nagpapatibay sa akin at mga lolo at lola ang tangi kong kakampi.,.
Mabilis na lumipas ang limang taon napakabait at bibo ng anak ko…Kayat tuluyan ko na ding nakalimutan si Vincent..Ibinaon ko na sa lupa ang pag ibig ko sa kanya .
Ngunit dahil sa isang pangyayari ay hindi ko inakala na posible pa palang mabago ang buhay ko .

Isiinama ko ang anak kong si Joseph sa bayan nais ko siyang bilhan ng bagong damit at ikain sa sa jollibee dahil ikalimang taon ng kanyang kaarawan..Subalit hindi sinasadyang bigla kong nabitiwan ang kamay niya at agad siyang tumawid nabangga siya ng isang jeep
Nakulong ang driver pero hindi din naman mayaman ang may ari ng jeep
Daan daang libo ang kailangan upang maoperahan ang anak ko ngunit kahit anong gawin ay wala kaming pera.
“Apo bakit hindi mo subukan na lumapit kay don arturo apo pa din niya ang bata ..
“Pero lolo baka kagaya din siya ni Vincent
“Wala na tayong ibang malalapitan apo kahit ibenta ang bukid natin ay hindi iyon sasapat sa operasyon ni josep sabi ng umiiyak kong lola
“Napakabata pa ni Joseph apo kawawa naman siya kung lalaking hindi nakakalakad.

Lakas loob pumunta ako sa mansion ni Don Arturo ..Pinapasok kami ng isang katulong at naghintay sa marangyang sala..Makikita sa buong bahay ang karangyaan..Naisip ko na kung sasabihin ko sa don ang tungkol sa anak namin ni Vincent ay hindi naman niya ipaghihirap ang ilang daang libo.

Hanggang sa hinarap kami ng isang lalaking higit kuwarenta na ang edad..Guwapo ito makisig at napaka desenteng tingnan,Hindi siya kahawig ni Vincent higit siyang gawapo..
Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko ito dahil hindi naman ito bumibisita sa bukid..

Si lolo ang kausap niya habang ako ay naiiyak ilang ulit kong nahuli na tinititigan niya ako.
Hanggang sa kinausap niya ako nag utos sa tauhan na magpunta ng bangko paglipas ng kalhating oras nagbalik ang tauhan at iniiabot sa akin ni don Arturo ang makapal na brown envelop hinawakan pa nito at kamay ko at parang maluluha din na nakatitig pa din sa akin.Sumama ito sa amin papunta sa ospital.
At sa awa ng Diyos ay nailigtas ang aking anak…

Halos araw2 nasa ospital si don arturo at dumadalaw sa anak ko hanggang sa tuluyan itong lumakas na at sa bahay na tuluyang magpapagaling si don arturo pa mismo ang sumundo sa amin sa ospital at naghatid sa bahay ito din ang nagsettle ng lahat ng bill.

Maraming salamat po Don Arturo kundi dahil sayo ay hindi na makakalakad ang anak ko .
Wag kang mag alala iha nagiisang apo ko si joseph mabuti nga at nakilala ko pa kayo .
Gusto ko sanang itanong sa kanya kong bakit wala si Vincent pero di ko na lang ginawa.

Isang araw habang nasa bahay namin si don arturo ay napansin kong titig na titig siya sa picture ni mama na tanging meron sa bahay namin..
“Kahawig na kahawig ka pala talaga ng mama mo iha pareho kayong napakaganda sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko .Kinabahan ako at agad yong binawi.
Ahhh pasensya na iha wala naman akong ibig sabihin sa paghawak sa kamay mo.
“Paano iha magpapa alam n ako sa apo ko at lumalalim na din ang gabi..

Nang gabing iyon ay pinag isipan ko na kung sakali mang nagkakagusto sa akin ang tatay ni Vincent ay hindi ako tatanggi sa laki ng utang na loob ko dito dahil alam ko namang hindi na babalik si Vincent..

Pagkaraan pa ng ilang araw ay sinundo kami ni don Arturo at sinabing ako ang anak ko at lolo at lola ko ay sa mansion na niya titira…
Noong una ay ayaw ko pumayag at nakakahiya dahil wala naman doon si Vincent
Pero ng kausapin ako ni lolo at don arturo ay sobra ang pagkagulat ko…Ako pala ang anak niyang matagal ng nawawala.
Nalaman ko na lang na nagkaron ng relasyon dati ng relasyon ang nanay ko at si don arturo ng magtrabo ang nanay ko sa resort nila…

Pero ng malaman ng parents niya nabuntis niya ang mama ko ay pinadala siya sa ibang bansa upang doon mag masteral..Nalaman niya na pagka alis niya ay inalis ang nanay ko sa trabaho…Pagkaraan ng ilang taon na bumalik siya at handa ng hanapin ang nanay ko ay nagkaron naman ng aksidente ang parents niya at nalagay naman sa alanganin ng pagkalugi ang business nila kaya pinagpaliban ang paghanap sa amin at ng pocus sa business…

Hindi din pala niya anak si Vincent inaanak niya lang ito na naulila sa magulang.At kahit papa ang tawag nito sa kanya ay hindi nman niya ito legal na ampon …

Hindi ako makpaniwala sa isang iglap nabago ang lahat nagkaroon ako ng pagkakakilanlan at legal na kinilala ng bilang nag iisang anak ng aking ama ganoon din si Josep..
Kahit malayo na sa edad ay pumasok ako sa koliheyo at naktapos ng business management…At tinuruan ng aking ama sa pamamalakad sa negosyo…Muli na din kaming nagkita ni Vincent may asawat anak na pala ito ng maka relasyon ko.At dalawa na ang anak niya ng muli kaming magkita..

Hindi ko na siya pinakilala sa kay joseph ang alam naman nito ay patay na ang tatay niya.Nagulat din si Vincent ng malamang ako pala ang nawawalang tunay na anak.Umalis na din sila ng pamilya niya at sa California na nanirahan…Mabait din naman ang asawa niya sa akin kaya pinanatili ko na lang lihim ang tungkol sa amin ng asawa niya ..Makalipas ang ilang taon ay magkasunod na ding pumanaw ang aking lolo at lola at napakasakit ng pagkawala nila…

35 na ako ng magkaroon ng asawa isang businessman din at matandang binata.Buong puso din niyang tinanggap ang anak kong ngbibinata na..
36 ako nang isilang ang anak na babae at na sundan pa ng isang lalaki pagdaan pa ng dalawang taon…
Sa ngayon ate ella ay wala na akong mahihiling pa sa napakagandang nangyari sa buhay ko ay nais ko na lang mgpasalamt.Singkwenta na ako ngayon at may tatlo na akong apo sa anak kong si joseph na nalaman na ding si Vincent ang tatay at tinagnggp n din naman asawa ni Vincent yon …Si papa buhay pa sa edad niyang 73 ay pakikipaglaro sa mga anak ni joseph ang nagpapasigla sa kanya.