-
Taong 26 sa lungsod ng Jeda. Habang abala si Michael Ramos sa pag-aayos ng mga tubo sa ilalim ng mainit na araw, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sa kabilang linya, narinig niya ang tinig ng kanyang ina, si Perlita galing sa Nueva Ecija. Mahina ang boses nito. Parang nag-aalangan ngunit naman niya agad ang panginginig ng tinig.
-
Ayon kay Perlita, may napapansin daw siyang kakaiba sa kilos ng asawa ni Michael, si Rachel at sa ama nitong si Ignacio. May mga kumakalat na chismis ukolano sa relasyon ng dalawa at sa pagiging malapit nila na higit pa sa relasyon ng isang manugang at biyanan. Nung una, ayaw pa maniwala ni Aling Perlita hanggang sa minsay nakita niyang hinalikan umano ni Rachel si Mang Ignacio isang gabi nang akala nila walang ibang taong nakamasid sa paligid.
-
Hindi agad naniwala si Michael sa tatlong taong pagtatrabaho sa Saudi. Si Rachel ang kanyang sandigan. bawat padala niya buwan-buwan ay para rito at sa kanilang anak na si Lawrence. Ngunit habang binabalikan niya ang mga huling tawag ng kanyang asawa, ang mga dahilan nitong laging pagod at laging abala ay unti-unti niyang nararamdaman ang masamang kutob.
-
Kinagabihan, nagpasa siyang tanungin si Rachel. Maingat niyang binanggit ang mga naririnig. Umaasang hindi ito totoo ngunit iba ang tono ng sagot ni Rachel. Galit at tila defensive. Sinabi niyang paninira lamang yon ng mga kapitbahay na naiinggit sa kanila. Sa dulo ng tawag, walang malinaw na sagot at hindi napawi ang pag-aalinlangan ni Michael.
-
Biglang sumagi sa isip niya ang imahe ni Rachel at ng kanyang ama magkasama habang siya ay malayo, nagbabanat ng buto para sa kanila. Sa puntong yon, napagpasyaan niyang umuwi. Hindi na niya tinapos ang kanyang kontrata dahil sa mas matindi ang kagustuhan niyang malaman ang katotohanan. December 15, 2016 ng madaling araw nang dumating si Michael sa paliparan sa Maynila, walang nakakaalam sa kanyang pagbabalik.
-
Wala siyang mensahe at walang pasabi sa pamilya ni kay Rachel Man. Ang tanging laman ng kanyang isip ay ang malamig na tanong na bumabagabag sa kanyang loob ng ilang linggo kung totoo ba ang lahat ng kanyang naririnig. Mula sa Maynila, bumayahe siya ng mahigit tatlong oras patungong Nueva Ecija. Sa bus, nakatanaw lamang siya sa bintana at tulala.
-
Pagsapit umaga, huminto ang tricycle sa tapat ng kanilang bahay. Malaki ngunit hindi pa ito natatapos. Walang palitada at pintura. Tahimik ang paligid. Walang ingay at pagkarating sa bahay ay hindi niya nadatnan si Rachelle. Sinilip niya ang silid ng anak. Nandoon si Lawrence. Mahimbing na natutulog. Katabi ang isang laruan na dati niyang ipinadala mula Jeda.
-
Sa sandaling yon, parang may bahagyang katahimikan sa kanyang puso ngunit ang kawalan ng kanyang asawa ay nagpaigting ng kaba. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinex ang ina. Ilang minuto lang dumating ito. Nagmamadali at sa mga mata nito may halong takot at awa. Hindi na kailangang magsalita ni Perlita. Ang pag-iiling pa lamang nito ay tila kumpirmasyon na nang matagal na niyang kinatatakutan.
-
Sinabi ng ina na madalas daw lumalabas si Rachel sa umaga at laging nakikitang tumutungo sa bukid kung saan nagbabantay si Mang Ignacio. Sa mga nagdaang linggo, hindi na rin halos umuuwi ang ama tuwing gabi. Ang rason umano ay ang binabantayang taniman ngunit sa baryo may mga bulong-bulungan na nagsasabing hindi tanim ang binabantayan nito kundi kalaguyo.
-
Sa galit at gaba, nagpasya si Michael na puntahan mismo ang bukid. Mula sa malayo, nakita niya ang lumang bahay kubo na itinayo ng kanyang ama sa gilid ng kanilang sakahan. Lumapit siya. Dahan-dahan at bawat akbang ay parang hampas ng alon sa kanyang dibdib. Nang sumilip siya sa siwang ng pinto, bumigat ang kanyang hininga.
-
Ang tanawin sa loob ay tila bangungot. Ngunit ito ay totoo. Ang kanyang ama at ang kanyang asawa magkayakap habang may ginagawa sa ilalim ng manipis na kumot. Nanginig ang kanyang mga kamay. Ang bawat pintig ng kanyang puso ay nangingibabaw sa katahimikan ng umaga. Hindi siya makapaniwala ang taong nagpalaki sa kanya at ang babaeng pinangakuan niya ng habang buhay na pagmamahal, magkasama at parehong nagkasala.
-
Dali-dali niyang kinalampag kubo na noon ay nakakandado tila nabulabog ang dalawa sa ingay at sa pamilyar na boses. Lumipas pa ang ilang minuto bago tuluyang binuksan ni Mang Ignacio ang pintuan. Samantala, sinubukan ni Rachel na tumakas at dumaan sa bintana ngunit naabutan siya ng mabilis na mga mata ni Michael.
-
Namutawi sa umagang iyon ang boses ni Michael. Pilit niyang pinagpapaliwanag ang kanyang ama at ang kanyang asawa kahit pa alam niyang walang anumang salita ang makapapawi sa sakit na nararamdaman niya. Sa halip na magpakumbaba ay tila naging agresibo rin si Mang Ignacio. Sinabing walang karapatan si Michael na siya ay murahin o sigawan dahil anak lamang siya nito.
-
Samantala, pagkalipas ng ilang minutong katahimikan ay nagsalita si Rachel at tila sinisisipa niya si Michael sa mga pagkukulang umano nito bilang asawa na hindi umano niya hiniling kay Michael na mangibang bansa ito at si Michael ang pumiling magtrabaho sa malayo kaya nagawa niyang humanap ng iba na pupuno sa pagkawala niya.
-
Sa sandaling yon, nawala sa kanya ang lahat ng respeto, lahat ng tiwala at lahat ng dahilan para manatili pa. Imbes na makarinig ng paghingi ng tawad ay tila ipinamukha pa sa kanya ang mga ito na kasalanan niya kung bakit sila nagtaksil. Bago pa makagawa ng kasalanan si Michael o mabahiran ng dungis ang kanyang kamay, umalis siya ng walang imig.
-
Sa paglabas niya ng kubo, hindi na niya marinig ang huni ng mga ibon o ang lagaslas ng hangin. Ang buong paligid ay tila nakikisama sa bigat ng kanyang nararamdaman. Kaya naman pagdating niya sa bahay, sinalubong siya ng kanyang ina. Doon siya tuluyang bumigay. Hindi siya nakapagsalita. Sa halip, niyakap siya ng kanyang ina at sabay silang umiyak.
-
Hindi lang para sa pagtataksil kundi para sa pamilyang tuluyang gumuho sa harap ng katotohanan. Noon ay nakatitig si Lawrence sa ama at sa lola. Musmos pa lamang ito ngunit tila nauunawaan na niya ang nangyayari. Makalipas ang ilang araw mula ng madiskubre ni Michael ang kataksilan nanatiling tahimik ang bahay nila sa Nueva Ecija.
-
Si Perlita ang kanyang ina ay madalas na umiiyak sa silid. Habang si Michael naman ay tahimik lang na nakaupo sa balkonahe. Nakatitig sa kawalan. Wala na siyang ganang kumain. Hindi rin makatulog si Michael. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, bumabalik sa isipan niya ang eksena sa kubo.
-
Ang larawan ng sariling ama at asawa sa iisang kama. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Lumipas ang tatlong araw. Muling bumalik si Rachell sa kanilang bahay. Tahimik itong pumasok. Kinuha ang ilan nitong gamit at umalis ng hindi man lang lumingon. Sa mga mata nito, walang bakas ng pagsisisi, walang luha, walang paliwanag at walang konsensya.
-
Iniwan nito ang anak nilang si Lawrence na nasa bahay noon ng kanilang lola Perlita. Si Mang Ignacio naman ay tuluyang hindi na umuwi ayon sa ilang kapitbahay, umalis raw ito sakay ng kanyang lumang motorsiklo at hindi na muling bumalik. Sa mga sumunod na araw, may mga bulungan sa tindahan na magkasama raw sila Rachel sa bayan.
-
Nagrerenta ng maliit na apartment at madalas makita sa palengke na parang normal. na mag-asawa. Ang mga salitang ‘yon ay unti-unting naging apoy sa dibdib ni Michael. Ang pagkadismaya ay nauwi sa determinasyong makuha ang hustisya hinundi sa pamamagitan ng dahahas kundi sa batas. Isang gabi, kinausap niya ang ina sa gitna ng galit, nagdesisyon siyang kumilos ng mahinahon.
-
Alam ni Perlita na hindi maibabalik ng galit ang nawasak na pamilya. Nagsimula si Michael sa pag-iipon ng katibayan. Sa tulong ng ilang kakilala, nakakuha siya ng impormasyon sa kinaroroon ng dalawa. Nalaman din niya ang kalagayan ni Rachel at ito ay ilang buwan na ring nagdadalang tao. Masakit para sa isang asawa ang malaman yon.
-
Ngunit wala siyang ibang magawa kundi ang hintayin ang hustisya. Hindi na niya kontrolado si Rachel o ang kaniyang ama ngunit alam niyang may laban siya kung batas ang pag-uusapan. Noong Abril taong 17, matapos ang ilang buwang pagkalap ng dokumento at testimonya, nagpasya si Michael na magpatulong sa isang abogado. Sa mungkahi ng kanyang attorney, isinampa ang kasong adultery sa dalawa.
-
Kasabay nito, pinayuhan siya ng abogado na magsampaarin ng VWC case, Violence Against Women and Children Act. Dahil saksi ang anak nilang si Lawrence at ang ina niyang si Perlita sa kataksilan na nagkaroon ng emosyonal na pinsala dulot ng sitwasyon. Sa mga sumunod na araw, inihanda ni Michael ang lahat.
-
pinirmahan niya ang mga dokumento, nilaki pang mga ebidensya at sariling afida. Ilang linggo ang lumipas, dumating ang subpwena. Sa dokumentong iyon, nakasaad ang pangalan ni Rachel Ramos at ni Ignacio Ramos. bilang mga akusado. Ngunit nang isisilbi na ang warrant sa kanila ay wala na ang mga ito sa inuupahang apartment at tila nakatunog sa ikinakasang paghuli sa kanila.
-
Kalaunan, natuklasan na sila ay lumipat sa Maynila. Sa tuwing may magtatanong tungkol sa kanila ay nagkukunwaring mag-ama lamang ang dalawa at hindi magkasintahan. Ngunit sa tulong ng mga aoridad, natunt din sila makalipas ang dalawang buwan. Noong Hulyo 2017, sa bisa ng Warrant of Arrest, dinampot sila sa inuupahan nilang bahay.
-
Gulat at nagpumigla si Rachel habang inaakay palabas, si Mang Ignaso naman ay naharang matapos itong magtangkang tumakas sa kapulisan. Inilipat ang dalawa sa istasyon ng mga pulis sa Nueva Ecija kung saan nila hinintay ang araw ng kanilang paglilitis. Habang nakapiit sa magkahiwalay na Zelda, ipinanganak ni Rachel ang isang sanggol.
-
Ilang buwan din siyang inilagay sa isang pasilidad hanggang sa nagdesisyon si Rachel na ibigay sa DSWD ang pangangalaga sa sanggol dahil hindi niya kayang makitang lumaki ito sa kulungan kasama niya. Dumating ang araw ng pagdinig at unti-unting nalugmok sa bigat ng kanilang pagkakasala ang magkalaguyo. Kasabay ng kasong kriminal, hiniling ni Michael sa korte ang legal custody ng anak nilang si Lawrence.
-
Pati na rin ang paglilipat ng possession ng kanyang mga naipundar sa pangalan ng anak upang hindi na magkaroon ng karapatan si Rachel sa mga ito balang a raw. Sa panig ni Rachel, wala itong maipakitang ebidensya ng pagganap bilang mahusay na ina kung kaya’t kinatigan ng korte ang kahilingan ni Michael. Pagdating ng araw ng hatol, dinala silang dalawa sa korte.
-
Nasa loob din si Michael. Tahimik, kalmado at walang ekspresyon sa mukha. Binasa ng hukom ang desisyon. guilty beyond reasonable doubt sa kasong adultery at paglabag sa RA9262 violence against women and their children act. Pinatawan si Rachel ng 10 taong pagkakakulong habang si Mang Ignacio ay la taon dahil sa karagdagang paratang ng normal corruption at paglabag sa karapatan ng sarili niyang anak.
-
Bukod pa dito, pareho silang pinagbayad ng danos kay Michael at sa bata bilang pagkilala sa pinsalang idinulot ng kanilang mga ginawa. Nang basahin ng hatol, tumulo ang luha ni Rachel. Ilang ulit siyang tumingin sa anak ngunit walang nakuha kundi katahimikan. Si Mang Ignaso naman ay napayuko. Hindi nakayanan ang bigat ng hiya.
-
Sa sandaling yon, tila nawala ang lahat ng dignidad at kapangyarihan nang dating ipinagmamalaki niya bilang ama ng tahanan. Makalipas ang isang taon, tahimik na namuhay si Michael sa kanyang ipinatayong bahay kasama si Lawrence at ang kanyang inang si Perlita. Umaga pa lamang ay gigising siya upang magluto ng agahan.
-
Ihanda ang baon ng bata at ihatid ito sa eskwelahan bago siya pumasok sa maliit na welding shop kung saan siya nagtrabaho bilang mekaniko. Unti-unting naging normal ang takbo ng mga araw hanggang sa isang araw natanggap niya ang isang sulat mula sa kulungan ng Nueva Ecija. Galing yon kay Mang Ignacio. Nakasaad doon ang paghingi niya ng tawad sa kanyang anak at sa kanyang asawa.
-
Hindi sumagot si Michael. Inilagay niya lamang ang liham sa loob ng isang kahon kung saan naroon ang mga lumang larawan ng kanyang pamilya. Mga kuhang dati ay puno ng ngiti ngunit ngayo’y nagiging ala-ala na lamang ng isang pamilyang tuluyang nasira ng kasalanan. Hindi pa niya kayang magpatawad sa mga panahong iyon ngunit hindi niya isinara ang pinto para rito.
-
Si Rachel ayon sa balita ay tahimik na nagsisilbi ng sentensya sa loob ng correctional. Wala na siyang naging ugnayan kay Michael o kay Lawrence na hindi na rin bumisita matapos ang naging hatol ng korte. Ang kwento ng naging buhay ni Michael ay sumasalamin sa maraming kwento ng OFW. Hindi lang si Michael ang nakaranas na mawasak ang pamilya buhat ng kataksilan habang matyagang nagtatrabaho sa ibang bansa.
-
Naway nagsilbing paalala ito sa mga mag-asawa. Napahalagahan ang kanilang sinumpaang pangako sa isa’t isa kahit pasubukin sila ng pagkawalay o ng distansya. Lagi nating isaalang-alang ang mga magiging resulta ng ating aksyon upang sa huli ay wala tayong pagsisihan at hindi maapektuhan ang ating pamilya. At dito nagtatapos ang ating kaso ngayong araw.
-
Maraming salamat po mga kakosa. Ah
News
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad./hi
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad. Biglang tumayo ang boyfriend ko sa gitna ng maraming tao at…
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
End of content
No more pages to load