BINATO KO NG HANGER ANG ROOMMATE KO DAHIL SINABIHAN NIYANG MALANSA ANG MAMA KO NA BUMISITA SAKIN…..

Good evening Ambenture. Can you please share my story po?
Call me Missy, 20. Isang scholar dito sa Manila. At medyo palaban pag pamilya na ang usapan.

Two years na akong naka-apartment dito sa España. Dalawa lang kami sa unit ako at si Kriz (21) Tourism student. Hindi kami besties pero okay naman. May konting plastikan minsan pero normal na yata ‘yon sa shared living.

Background lang taga Pangasinan ako at may Mama ako simpleng tindera ng isda sa palengke at single Mom. Siya yung dahilan bakit ako nakapag-aral dito sa Maynila. Scholar ako kaya malaking tulong din yun sa kanya.

So eto na.
After two years, first time bibisita si Mama dito sa apartment. As in first time niya makikita kung saan ako natutulog, nag-aaral, umiiyak pag finals week.
Apat na araw lang. FOUR DAYS. Hindi naman residency.

Nagpaalam ako kay Kriz nang maayos.

“Sis, pwede ba mag-stay si Mama for 4 days? Galing pa siyang Pangasinan. Gusto lang niya akong bisitahin at paglutuan ng ulam at konting pasyal na rin.”

Alam kong hindi siya super thrilled. Ramdam ko. Pero sabi niya, “Okay.”

Nagpasalamat ako nang sobra. As in halos magmano ako sa kanya sa gratitude level ko.
Sobrang happy ko dahil makakabisita na ang Mama ko sakin.

Day 1.
Dumating si Mama, sinundo ko siya sa terminal dahil hindi naman niya alam ang pasikot sikot dito. Bitbit eco bag na may pasalubong tuyo, daing, kung ano-anong pang-probinsya vibes.
Pagod sa biyahe pero nakangiti.

Pagdating namin sa apartment. Nakita niya agad ang roommate ko na si Kriz.

“Hello iha,” sabi ni Mama kay Kriz.

Walang hello back. Walang smile. Parang hangin lang si Mama.

Na-feel ko agad yung deadma sa kwarto.
Pero si Mama, ngumiti lang at kinausap nalang ako. After ilang oras nag-aayos na ng gamit si Mama. Naglaba ng mga damit ko. Naghugas ng pinggan. Nagluto ng adobo at kanin.

Yung amoy ng bawang at toyo? Promise, parang umuwi ako sa bahay namin sa Pangasinan.

Inaya ko si Kriz kumain.
“Kain tayo.”

Nag-roll eyes lang siya. Oo, literal.

Later that night may kausap siya sa phone. Medyo malakas ang boses.

“Tawang-tawa ako, besh. Amoy isda dito. Parang palengke.”

Tawa siya ng tawa.

Alam niyo yung pakiramdam na alam mong kayo ang topic pero kunwari hindi?
Alam niyang tindera ng isda si Mama.
Tinignan ko si Mama. Nakangiti pa rin siya pero yung ngiti na pilit.

Yung “okay lang ako anak” face.

Pinili ko muna manahimik. First day pa lang naman. Baka awkward lang siya.

Day 2.

Habang nagkakape kami ni Mama sa kusina, bigla siyang nagsalita.

“Kailan ba uuwi mama mo?”

Nasa harap pa namin si Mama nun ha.
Parang may sumuntok sa sikmura ko.

Sabi ko, “Diba nagpaalam ako? Four days.”

Sagot niya, “Parang ang tagal naman.”

Mapapasabi nalang talaga ako nun na biruin mo na ang lasing wag mo lang galitin ang bagong gising..
Sinagot ko siya..

“Diba nag-yes ka? Kahit alam kong napipilitan ka, nag-yes ka. Yes is yes. Two days pa lang si Mama parang pinapalayas mo na.”

“Nung inuwi mo boyfriend mo dito kahit bawal lalaki sa unit, may narinig ka ba sakin? Wala. Nirespeto kita.”

“At wag ka magparinig na malansa. Alam kong Mama ko tinutukoy mo. Bastos ka, walang modo.”

Pinipigilan na ako ni Mama niyan. Hinahawakan niya ang braso ko.
Pero umiiyak na ako. Hindi dahil sa roommate ko. Kundi dahil nakita ko yung lungkot sa mata ng nanay ko.

Hindi ko kinaya.

Lumapit ako kay Kriz. Oo, gusto ko siyang sabunutan that time. Umatras siya. Alam niyang mas malakas ako.

Sa sobrang galit ko, hinablot ko yung mga hanger sa sampayan at binato ko sa kanya. Kaldero at kawali pa nga dapat, naawa lang ako. Nagwala na ako.
Hindi ako proud dun. Pero tao lang din ako na gusto kong protektahan ang Mama ko at all cost.

After an hour, lumapit siya samin.

“Sorry.”

Mukha namang sincere.
Pero may mga sorry na hindi na kayang burahin yung eksena.

Third day pa lang, nag-decide si Mama umuwi na.

“Anak okay na ako. Nakita na kita.”

Hindi ko man lang siya napasyal sa mall. Hindi ko man lang naipakita buong campus ko.
Umuwi siya na parang mas mabigat ang bitbit kaysa nung dumating siya.

After nun, hindi ko na kayang makita si Kriz araw-araw na parang walang nangyari.
Lumipat nalang ako ng apartment bago matapos ang sem. Mas mahal renta ko ngayon. Mas maliit space ko. Pero mas magaan ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung OA ako. Hindi ko alam kung masyado akong protective.
Pero pag nanay mo na ang tinira, iba na yun.
Roommate lang siya.
Nanay ko ‘yun.