•  Tahimik ang umaga nang sumakay muli sila sa kanyang bisikleta. Ang hangin ay malamig. Ang araw ay unti-unting sumisilip sa bundok at ang paligid ay payapa. Isa sa mga kinahihiligan niya ay ang mag-bike tuwing umaga. Sabayan ang pagkuha ng litrato gamit ang kanyang lumang camera. Doon niya natatagpuan ang kanyang kalayaan.
  • Malayo sa mga presyo ng buhay at ang mabigat na responsibilidad na naghihintay sa kanya. Si Lance ay nakapagtapos ng business management. Ngunit sa halip na agad na pumasok sa negosyo ng kanyang ama si Don Federico, mas pinili na muna niyang mamuhay ng simple. Ayon sa kanilang kasunduan, hawakan lamang niya ang malaking kumpanya ng pamilya kung natagpuan na niya ang babaeng nais niyang makasama sa habang buhay.
  • Para kay Lance, mahalaga na makita kung sino ang tatanggap sa kanya hindi dahil sa pera o estado. Kung hindi dahil sa kung sino siya bilang tao. Tahimik niyang itinago ang kanyang tunay na pagkatao kahit sa malalapit sa kanya. Sa isang umagang iyon habang kumukuha siya ng larawan sa parke, napansin niya ang isang babae na nakaupo sa isang bench.
  • Nakayuko. Hawak ang cellphone. Kita sa kanyang mukha ang lungkot na pilit niyang itinatago. Lumapit si Lance at sa unang pagkakataon, naglakas loob siyang makipag-usap. “Miss, okay ka lang ba?” tanong niya habang maingat na inilalagay ang bisikleta sa gilid. Nag-angat ng tingin ng babae. Siya si Sofia, isang IT graduate na bago pa lamang nakipaghiwalay sa matagal na niyang nobyo.
  • Kita sa kanyang mga mata ang bigat ng pinagdaraan ngunit nagulat siya sa simpleng pakialam ng estranghero sa kanya. Ah. Ay oo. Medyo mabigat lang sa pakiramdam. Sagot ni Sopia. Napangiti si Lance at iniabot ang kanyang camera. Alam mo minsan ang ganda ng paligid ay nakakatulong. Tignan mo ito oh. Sabay pakita ng kuha niyang litrato ng araw na sumisikat sa ibabaw ng lawa.
  • Napatingin si Sofia at bahagyang napangiti. Ang ganda, parang may pag-asa. Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Madalas silang magkita sa parke. Si Lance na mahilig mag-bike at kumuha ng litrato at si Sofia na unti-unting nakahanap ng kasiyahan sa simpleng presensya niya. Hindi nagtagal. Naging malapit silang magkaibigan hanggang sa nahulog ang loob nila sa isa’t isa.
  • Isang gabi, inimbitahan ni Sofia si Lance na ipakilala sa kanyang pamilya. Kinakabahan si Lance hindi dahil sa hiya kung hindi dahil alam niyang mapangmata ang pamilya ni Sofia. Ang ama nito ay si Alberto, isang negosyanteng konserbatibo. Ang ina naman nito ay si Corazon. Kilala sa pagiging mapili sa mga taong dinadala ng Anaka.
  • Sa pagkainan, sunod-sunod ang tanong ni Corazon. So Lance, anong trabaho mo ngayon? Napatigil si Lance. Gusto sana niyang sabihin ang totoo na wala siyang permanenteng trabaho at mas pinipiling mamuhay ng simple. Ngunit ramdam niya ang bigat ng tingin ni Corazon at pati na rin ang padre de pamilya. Kaya naman si isang iglab ay napilitan siyang magsinungaling.
  • Engineer po ako. Sagot niya. Pilit na nakangiti. Nagliwanag ang mukha ng pamilya lalo na ni Corazon. Ay mabuti naman kung ganon. At least may narating ang boyfriend ng anak ko. Doon nagsimula ang kasinungalingan. Sa una tila lahat ay maayos. Masaya ang pamilya sa kanya. Magaan ang trato at tuwang-tuwa si Sofia na natanggap ito ng mga magulang.
  • Ngunit sa loob-loob ni Lance, alam niyang ang isang kasinungalingan ay magbubunga ng mas mabigat na problema. At doon nagsimula ang kanyang tunay na pagsubok. Lumipas ang ilang linggo mula ng ipinakilala ni Sofia Silan sa kanyang pamilya. Sa umpisa, tila maayos ang lahat. Madalas silang maghapunan sa bahay ng pamilya nina Sofia at sa bawat pagbisita ay masigla ang usapan.
  • Si Corazon ay abala sa pagkukwento patungkol sa mga anak ng mga pinsan at pati na rin ng pamangkin na pawang mga propasyonal. Doktor, abogado, arkitekto at iba pa. At sa tuwing siya’y nagtatanong kay Lance patungkol sa kanyang trabaho bilang isang engineer, magalang lamang siyang sumasagot ng mga pangkalahatang linya.
  • “Busy lang po ako sa mga project, tita.” Anilance minsan sabay ngiti. Ngunit sa loob niya ay merroong kaba. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mapaninindikan ang kasinungalingan. Habang masaya ang lahat, hindi nakalusot kay Corazon ang mga sagot na tila walang laman.
  • Palagi niyang napapansin na hindi detalyado ang mga paliwanag ni Lance patungkol sa mga proyekto. Minsan ay nagtanong ito ng mas seryoso. “Lans, saan nga ba ang site ng project ninyo? Sa Quezon City ba o Makati?” tanong niya habang nakatingin ng diretso. Bahagyang nabigla si Lance. ngunit agad na nagsalita, “Ay sa Quezon City po pero minsan ay lumilipat-lipat depende po sa kailangan.
  • ” Hindi kumibo si Corazon ngunit sa kanyang mga mata ay may lumalalim na duda. Sanay siya sa pakikipag-usap sa mga propal at ramdam niyang may kakaiba. Sa kabilang banda, si Matilda ange ni Sofia ay mahilig magparinig. Kapag may family gathering hindi siya nauubusan ng patutsada. Naku, Sofia, Annie Matilda minsan habang nagkakape.
  • Ang swerte mo no? At engineer ang napili mo. Hindi tulad ng iba diyan na kung ano-anong trabaho lang walang mararating yun sa buhay. Sabay lingon kay Lance na siya ang pinapatamaan. Napakagatlabi si Sofia. Tita, hindi lang naman titulo ang sukatan ng tao. Si Lance ay responsable at mabait. Responsable eh. Bakit parang wala naman akong naririnig na malaking proyekto sa kanya? Dagdag pa ni Matilda na puno ng pangungutya.
  • Tahimik lamang si Lance hindi dahil wala siyang maisasagot kung hindi dahil sa ayaw niyang makipagbangayan. Alam niyang masisira lamang ang gabi kung papatulan niya ito sa halip. Tinitigan niya si Sofia napilit siyang ipinagtatanggol. Sa puso ni Lance, mas lalo niyang naramdaman na tama ang kanyang desisyon na itago muna ang kanyang tunay na pagkatao.
  • Ayaw niyang mahal dahil lamang sa kanyang yaman at estado. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagiging halata ang malamig na trato ng pamilya lalo na ni Corazon. Hindi na kasing init ng dati ang kanilang pakikitungo. Kapag may okasyon, tila hindi na siya bahagi ng usapan. Si Sofia na lamang ang laging kumakapit sa kanya. Nagpaparamdam ng suporta.
  • Isang gabi, kinausap si Sofia ng kanyang ina. Sofia anak, sigurado ka na ba talaga diyan kay lance? Hindi ako kumbinsido. Parang may tinatago ang lalaking ‘yon. Napahinto si Sofia at mahigpit na tinanganan ang kamay ng ina. Ma, kilala ko po si Lance. Alam kong totoo ang pagmamahal niya sa akin. Hindi siya man loloko.
  • Ngunit sa kabila ng paninindigan ni Sofia, alam niyang nagsisimula ng mabuo ang mga pader ng pagdududa sa kanilang pamilya at ramdam niya na darating ang araw na susubukin ng husto ang relasyon nila ni Lance. Habang lumalalim ang relasyon nila Lance at Sofia, lalo ring humihigpit ang pagdududa nina Corazon at Matilda.
  • Sa bawat salo-salo, tila hindi nakakatakas si Lan sa mapanuring mga mata at patagong bulungan. Ang mga tanong ay nagiging mas direkta at ang mga ngiti ay unti-unting nawawala. “Alam mo ate Corason?” bulong minsan ni Matilda. Parang hindi talaga engineer ang lans na yan. Pansinin mo wala siyang naibabahagi patungkol sa trabaho niya.
  • Ang mga engineer mahilig magkwento ng mga project, mga kontrata, mga plano. Pero siya puro bike at litrato lang. Napabuntong hininga si Corazon. Sa totoo lang yan din ang iniisip ko. Hindi ako mapanatag kung totoong engineer ba siya. Dapat may maipakita naman siya. At doon nagsimula ang plano dahil may kakilala sa isang opisina, pinakiusapan nila itong silipin ang professional regulation commission o PRC Records upang malaman kung talagang lisensyado si Lance.
  • Ilang araw lamang ang lumipas dumating na ang balita. Wala ni Anino ang pangalang Lance sa talaan ng mga lisensyadong engineer. Gulat at pagkainis ang bumalot kay Corazon. Ayun na nga ba ang kutob ko? Niloloko niya ang anak ko. Hindi siya dapat pagkatiwalaan. Agad itong ibinahagi ni Matilda sa pamilya. Hindi na nila maitago ang malamig na pakikitungo.
  • Sa tuwing may family gathering, halos hindi na pinapansin si Lance. Kung makatingin man, puno ng panghuhusga at pag-uusika. Bakit ba parang wala ka namang kwento sa trabaho mo Hans? Annie Matilda sa gitna ng hapunan. Ang pinsan kong si Marco architekto. Grabe ang mga project niya. Pero ikaw bakit wala man lamang kaming naririnig patungkol doon sayo? Tahimik lamang si Lans.
  • Hindi siya makapagsalita hindi dahil sa wala siyang maipagmamalaki. Kung hindi dahil sa alam niyang ano mang sabihin niya ay magiging panibagong batikos. Si Sofia. Ramdam ang bigat ng sitwasyon. Agad itong sumabat. “Tita, hindi naman kailangang ikwento ni Lance ang lahat. Hindi naman sukatan ng pagmamahal o pagkatao ang trabaho.
  • ” Ngunit imbes na tumigil, lalo lamang nagpatutsada si Melilda. “Naku, Sopia, bata ka pa. Hindi lang pagmamahal ang puhunan sa buhay. Kailangan rin ng seguridad. Hindi ka mabubuhay sa pagmamahal lang. Halos mapaluha si Sofia. Nasaktan siyang makita kung papaanong milamaliit ng sariling pamilya ang kanyang nobyo.
  • Ngunit higit siyang nasaktan dahil alam niyang hindi sinungaling si Lance. Oo. Nagsinungaling ito patungkol sa pagiging engineer. Ngunit naniniwala siyang may mas malalim na dahilan ang lahat. Isang gabi matapos ang hapunan, kinausap ni Sofia si Lance habang naglalakad sila pauwi. Lance. Sabihin mo nga sa akin ang totoo.
  • Hindi ako magagalit. Gusto ko lang talagang malaman. Engineer ka ba talaga? Tanong niya. Baka sa boses ang pangungusap na matagal ng iniipon. Napahinto si Lance. Sandaling natahimik at tinignan ang mga mata ni Sofia. Gusto na niyang magpakatotoo sa totoo lang. Ngunit naaalala niya ang kasunduan nila ng kanyang ama si Don Federico.
  • Kapag natagpuan mo na ang babaeng handang mahalin ka kahit walangwala ka, doon mo lamang mahahawakan ang negosyo. Anak ngumiti siya. Sofia, may mga bagay na mahirap ipaliwanag sa ngayon pero sana magtiwala ka sa akin. Hindi ko kailan man niloloko ang puso mo. Bagam’t nag-aalangan, pinili ni Sofia na maniwala.
  • Mahal na mahal niya si Lance at alam niyang may dahilan sa likod ng lahat. Ngunit hindi titigil ang kanyang pamilya. Sa susunod na pagtitipon ay balak silang harap-harapan ng ipahiya itong si Lance. Dumating ang araw ng malaking pagtitipon ng pamilya ni Sofia. Kaarawan ng kanyang ama na si Alberto. Bong angkan ay naroon, mga pinsan, tiuhin, tiyahin pati na rin mga kapitbahay na malapit sa pamilya.
  • Masigla ang paligid, puno ng tawanan at musika. Ngunit sa puso ni Lan, merroong bigat na hindi matanggal. Alam niyang magiging mahirap ang gabing iyon. Pagdating nila ni Sofia, agad na sinalubong sila ni Corazon at Matilda. Parehong malamig ang ngiti at bakas ang mga matang parang naghihintay ng eksenang ikakapahiya niya.
  • Ah nandito na pala ang engineer, Annie Matilda. May halong pangi-insulto ang tono. Siguro naman may dala ka ng magandang balita patungkol sa trabaho mo, no? Napayuko si Lance. Bago pa man siya makasagot, agad namang sumabat si Sofia. “Tita, pwede bang ngayong gabi mag-focus na lamang tayo sa birthday ni papa.
  • Hindi kailangang laging silansang paksa.” Ngunit hindi pinakinggan ang kanyang pakiusap. Sa kalagit naan ng hapunan. Biglang tumikim si Corason. Halatang may nais na ipahayag sa lahat. Mga kapamilya, panimula niya. Gusto ko lang linawin ang isang bagay. Matagal na tayong niloloko ni Lance.
  • Hindi siya engineer tulad ng sinasabi niya. Nabigla ang lahat. Napatigil ang mga ito sa pagkain. Napatingin kay Lance at nagsimulang magbulungan. Wala ang pangalan niya sa PRC doon sa listahan ng mga engineer. Sinuri namin mismo, “Ang totoo, hindi siya lisensyado. Paano natin pagkakatiwalaan ang isang taong nagsisinungaling?” Dagdag pa ni Corazon.
  • Mariing nakatingin kay Lan. Nanginginig ang kamay ni Sofia habang ito ay nakaupo. Ma, bakit kailangan mo pang ipahiya silang sa harapan ng lahat? Kung may problema ka, pwede naman tayong mag-usap ng pribado. Ngunit hindi siya pinakingga ni Matilda at kahit paang kanyang inang si Koruzon. So mas mabuti ng malaman mo ang totoo. Ang lalaking yan ay sinunghaling.
  • Hindi siya nararapat para sa’yo. Tahimik lamang si Lans. Hindi binigyang linaw. Hindi siya sumigaw. Hindi rin siya nagtanggol. Ila ba tinanggap niya ang lahat ng paratang. Ngunit sa loob niya ang puso niya nagdurugo. Hindi dahil sa panghuhusga kung hindi dahil sa nakikitang nasasaktan si Sofia. Lumapit si Sofia at mariing hinawakan ang kamay ng kanyang nobo.
  • Lance, magsalita ka naman. Hindi kita hiniling maging perpekto. Gusto ko lang na ipagtanggol mo ang sarili mo. Ngunit ngumiti lamang si Lance. Mapait ngunit puno ng pagmamahal. Sofia, minsan hindi lahat ng bagay ay kailangang ipaliwanag kaagad. Ang importante alam mong hindi kita niloloko. Hindi ko niloloko ang puso mo.
  • Nagpatuloy ang mga bulungan. Ang ilan sa mga kamag-anak ay nakikisimpatya ngunit mas marami ang nagbigay ng mapanuyang tingin. Si Sofia bagam’t pinilit na manatiling matatag ay napaluha sa harap ng lahat. Kinagabihan habang pauwi, tahimik lamang silang dalawa. Ngunit bago pa sila maghiwalay, nagsalita si Sofia.
  • Lan, alam kong may rason ka pero napakahirap para sa akin na makita kang hinuhusgahan ng pamilya ko. Mahal na mahal kita at naniniwala ako sa Lance. Pero hanggang kailan ko kaya? Hanggang kailan ko kakayanin. Nihayakap siya ni Lance. Mahigpit at puno ng pangako hanggang sa dulo Sofia. Kahit anong mangyari hindi kita bibitawan.
  • Hindi pa nila alam. Ngunit ang gabing iyon ang magsisilbing simula ng pagbubunyag ng lahat ang katotohanan na tuluyang yayanig sa buong pamilya. Makalipas ang ilang araw matapos ang kahian sa kaarawan ni Alberto. Hindi pa rin matigil ang pulungan sa pamilya ni Sofia. Sa bawat tawag at pagkikita, si Lans ang palaging paksa.
  • Ang sinunghaling, ang nagkunwaring engineer, ang hindi karapat-dapat. Ngunit isang bagay ang hindi alam ng lahat maliban kay Lance at sa kanyang ama na si Don Federico. Isang umaga, maagang pumunta si Lan sa lumang bahay ng kanyang ama. Doon sa Hardin, nakaupo si Don Federico habang nagkakape at nagbabasa ng diyaro.
  • Nang makita ang anak ay ngumiti ito. Oh anak, mukhang mabigat na naman ata ang loob mo. Wika ng matanda pa, hindi ko na po alam kung hanggang kailan ko kakayanin. Hindi lang nila ako hinuhusgahan. Pinapahiya pa nila ako sa harap ng lahat. Sagot ni Lance. bakas ang bigat ng kanyang damdamin. Tahimik na napabuntong hininga si Don Federico.
  • Naalala mo ba ang kasunduan natin, anak? Kapag natagpuan mo ang babaeng handang mahalin ka kahit wala kang yaman o titulo, doon mo lamang mahahawakan ang negosyo. Anak, ito na marahil ang pagsubok na magpapatunay kung totoo siya. Napaisip si Lance. Ito ang dahilan kung bakit niya itinago ang kanyang pagkatao.
  • Hindi niya gustong mahalin dahil sa kanyang kayamanan kung hindi dahil sa kung sino siya. Ngunit hindi niya inaasahan na ganito kabikat ang magiging kapalit. Samantala, sa bahay nina Sofia hindi mapakalis si Corazon. Paulit-ulit niyang pinapaliwanag sa kanyang asawa na mali si Sofia sa pagpili kay Lance. Ngunit isang tawag ang dumating na ikinagulat ng lahat.
  • Isang matandang kaibigan ng pamilya ang dumating upang makipagkita kay Alberto. Habang nagkakap sila, nabanggit nito ang pangalan ni Lance. Alberto, kilala mo ba ang batang kasama ng anak mo? Si Lance. Aba, anak yan ni Don Federico. Nanglaki ang mga mata ni Alberto. Ano? Imposible ang rans na yon simpleng tao lang. Mabike-bike lang ang alam.
  • Ngumiti ang kaibigan. Naku, nagkakamali ka. Hindi ganon kaibigan. Ang pamilya nila ang may-ari ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa lungsod. Si Lance. Siya lang ang tanging tagapagmana. Nabitawan ni Alberto ang tasa ng kape. Hindi makapaniwala sa narinig agad niya itong sinabi kay Corazon. Ngunit imbes na matuwa, napuno ng hiya ang babae.
  • Ang binatang tinawag nilang sinunghaling at walang mararating sa buhay ay higit pa pala sa lahat ng kanilang pinagmamalaki. Sa sumunod na hapunan, dumating si Lance kasama si Sofia. Tahimik ang lahat at ramdam ang bigat ng hangin. Ngunit bago pa man makapagsimula ng mga parinig si Matilda, nagsalita si Alberto. Lance.
  • Totoo bang ikaw ang anak ni Don Federico?” tanong niya diretso at may bahin ng kaba. Nag-angat ng tingin si Lance at sa wakas nagpasya na siyang magsabi ng totoo. Opo. Ako po ang nag-iisang anak niya. Nakatapos po ako ng business management para sa paghahanda sa aming kumpanya. Pero hindi ko pa tinatanggap ang responsibilidad na ‘yon.
  • Gusto kong mahalin ako ng tao hindi dahil sa negosyo namin kung hindi dahil sa kung sino ako at si Sofia. Siya lang ang nakakakita sa akin bilang ako. Napatahimik ang buong habag. Si Corazon at Matilda ay parehong hindi makatingin ng diretso kay Lans. Ang kanilang mga salita noon ay biglang bumalik sa kanilang isipan.
  • ang mga panlalait, ang mga panghuhusga at ang mga pangi-insulto. Napahiya silang lahat hindi lamang sa harapan ng pamilya kung hindi lalo na sa kanilang sarili. Samantala, si Sofia Bagamat Kulat ay ngumiti at mahigpit na hinawakan ng kamay ni Lance. Kahit ano pa ang estado mo sa buhay, Lance. Kahit anong kayamanan ang merroon ka, mahal kita. Mahal kita kahit sino ka pa.
  • Hindi nagbago ang lahat. Sa gabing iyon, nagsimulang magbago ang ihip ng hangin. Ngunit hindi pa tapos ang lahat dahil may isa pang lihim na mabubunyag at hindi ito patungkol kay Lance kung hindi patungkol sa mismong pamilya ni Sofia. Lumipas ang ilang araw matapos malaman ng pamilya ni Sofia ang tunay na pagkatao ni Lance.
  • Tahimik at mailap si Corazon at pati na rin ang tae ni Sofia na si Matilda. May isang tao sa pamilya na hindi mapakali. Ito ay si Miguel, ang pinsan ni Sofia. Si Miguel ay matagal ng ipinagmamalaki ni Matilda. Lagi niya itong ikinukumpara kay Lance. Mas may pangarap, mas responsable at mas karapatdapat ang anak ko.
  • Ngunit isang gabi may dumating na hindi inaasa ang bisita sa bahay nila. Isang lalaking galit na galit pitpit ang ilang mga papelas. Hinahanap ko si Miguel! Sigaw ng lalaki. Nagulat ang lahat lalo na si Matilda. Bakit? Anong kailangan mo sa pamangkin ko ha? Anason. Hiniharap ng lalaki ang mga dokumento, mga utang at kasulutang may perma ni Miguel. niloko niya ako.
  • Nangutang siya sa pangalan ng pamilya ninyo. Pati negosyo namin halos tuluyan ng mabankrap ng dahil sa kanya. Nabigla si Alberto at Sofia at lalo na si Lance. Pero higit sa lahat, para bang pinagbagsakan ng langit at lupa itong si Corazon at pati na rin si Matilda. Ang kanyang anak na ipinagmamalaki at laging ikinukumpara kay Lance ay may tinatago palang mabigat na kasalanan.
  • Naglabasan pa ang iba pang mga detalye, sugal, maling pamumuhunan at mga pautang na hindi nababayaran. Ang Miguel na akala nila huwaran ay isa palang pabigat at pasanim. “Hindi totoo yan.” pilit na sigaw ni Matilda ngunit nanginginig ang kinin niya. Lumapit si Mikel halatang wala ng kawala. “Ma, patawad. Totoo ang lahat.
  • Ginawa ko ‘yun dahil gusto kong patunayan na kaya kong maging matagumpay. Pero mali ang naging paraan ko. Bumagsak ang luha ni Matilda ngunit kasabay nito ang hiya. Lahat ng pangungutya niya kay Lance ay bumalik sa kanya at ngay’y sariling anak at kanyang sariling laman ang tunay na kahihian ng pamilya. Tahimik lamang si Lance ngunit nagsalita rin.
  • “Tita, wala akong galit sa inyo pero sana matutunan niyo na hindi ang yaman titulo o pagpapanggap ang sukatan ng pagkatao. Lahat tayo ay may kahinaan at lahat tayo ay dapat na natututo.” Napayo si Matilda habang si Corazon ay tuluyang napaiyak. Sa unang pagkakataon, ramdam nila ang bikat ng kanilang mga maling panguhuska.
  • Samantala, si Sofia naman ay mas lalong humanga kay Lan. Hindi ito nagtanim ng sama ng loob pagkos pinili pa rin itong magpakumbaba. Ngunit sa kabila ng mga pangyayari, isang mas malaking tanong ang sumulpot. Paano kung si Miguel ay magdulot pa ng mas malaking problema? Matapos mabunyag ang lahat patungkol kay Miguel, hindi naging madali ang mga sumunod na araw.
  • Ang dating masiglang pamilya ni Sofia ay tila nagkalamat. Si Matilda na laging maingay at mayabang ay naging tahimik. Si Korazon naman na dating mapanguska ay tila nawalan ng tiwala sa sariling paninindigan. Ngunit higit sa lahat, ang bigat ng problema ni Miguel ay mas lalo pang lumalaki. May mga nagpapadala ng sulat at bantana kung hindi siya makakabayad sa loob ng ilang linggo.
  • Idadamay sa kaso ang buong pamilya dahil ginamit niya ang pangalan nila. Isang gabi, nagtipon ang pamilya ni Sofia upang pag-usapan ang sitwasyon. naroon sina Alberto, Corazon, Matilda, Miguel, Sofia atin si Lance at mga kamag-anak. Tahimik ang lahat tila walang makapagsalita. Hindi ko alam kung kong aayusin to. Paano na ako? Umiiyak na sabi ni Miguel.
  • Wala akong maibabayad. Sumabat naman si Matilda. Patawad sa inyong lahat. Ako ang unang nagturo ng mali sa kanya. Lagi kong ipinapakita na mahalaga ang yabang kesa sa pagsusumikap at si Lance. Huminto siya at bahag tumiin sa binata. Ikaw ang pinakanasaktan ko sa mga salita ko. Patawad Lance.
  • Napatingin ang lahat kay Lance. Tahimik itong umupo bago dahan-dahang nagsalita. Hindi ko kailan man hinangad na magtanim ng galit siyang pero naniniwala ako, darating ang araw na matututo tayong lahat. Kung ano ang tunay na sukatan ng tao. Hindi ang diploma, hindi ang yaman kung hindi ang pagkatao. Nagpatuloy siya sabay tingin kay Alberto at Corazon. Handa po akong tumulong.
  • May ilan akong kaibigan na negosyante na pwedeng makipag-ayos sa mga pinagkakautangan ni Miguel. Ngunit sa isang kondisyon lang, magsisimula siyang muli sa tama at maranghal na paraan. nagulat ang lahat sa kanyang sinabi, “Hindi dahil sa kaya niyang mag-ayos, kung hindi dahil sa muling ipinakita niya ang kabutihang asal at puso ng isang tunay na leader, ang isang taong higit pa sa pinagmamalaking titulo o posisyon sa buhay.
  • ” Niyakap siya ni Sopia ng mahigpit. “Ito ang rason ko kung bakit kita minahal, Lance. Hindi dahil sa kung ano ang meron ka, kung hindi dahil sa kung sino ka. Napakabuti mo, Lance. Lumapit si Alberto at marahang ipinatong ang kamay sa balikat ng binata. Lance anak, patagal na kitang tinitingnan bilang isa sa pamilya. At ngayong alam ko na ang lahat, ang iyong pinag-aralan, ang kasunduan mo sa iyong ama at ang tunay mong puso, mas lalo pa kitang nirerespeto.
  • Si Korazon naman na noon ay laging laban at labag sa loob niya na kasama ng kanyang anak si Lance ay napaiyak na lamang. Patawad Lance. Masyado akong naging bulag sa mga panlabas na bagay. Hindi ko nakita ang totoong halaga mo. At doon sa unang pagkakataon, naramdaman ni Lance ang pagtanggap sa kanya.
  • Hindi bilang isang huwad na engineer kung hindi bilang siya mismo. Ngunit higit sa lahat, natutunan ang buong pamilya na ang pagmamahal at respeto ay hindi dapat nakabase sa kayamanan o estado, kung hindi sa katapatan at sa kabutihan ng puso. Sa gitna ng gabing iyon, habang magkahawak ang kamay nina Lance at Sofia, malinaw ang direksyong tatahakin nila.
  • Ang pagharap sa buhay ng magkasama. totoo at walang itinatago at sa kanilang harapan isang bagong kabanata ng pamilya ang mabubuksan hindi perpekto ngunit puno ng pag-asa makalipas ang ilang buw tuluyan ng nagbago ang ihip ng hangin sa buhay nina at sofia ang dating mga mata na puno ng panguhusga ay napalitan ng paggalang unti-unti tinanggap ng pamilya ni Sofia ang katotohanan na Ang tunay na halaga ng tao ay hindi nasusukat sa titulo at trabahong hawak kung hindi sa kanya mismong pagkatao at kakayaang magmahal at magsakripisyo.
  • Si Miguel matapos ang pagbagsak ay nagsimulang magbago. Tinupad niya ang kondisyon ni LAN. Nagsimula siya bilang isang ordinaryong empleyado sa isang maliit na kumpanya na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan ni Lance. Pabigat man sa una pero natutunan niyang pahalagahan ang bawat sentimong pinaghihirapan at sa bawat pawis na tumutulo sa kanyang noo natutunan niya ang aral ng pagpapakumbaba na mas mahalaga ang marangal na trabaho kaya sa magarbo ngunit mapanlinlang na pamumuhay.
  • Si Matilda na dating palaging maingay at mapangata ay naging tahimik at mapagpasita hindi dahil sa nawalan siya ng tiwala sa sarili. Kung hindi dahil sa natuto siyang timbangin muna ang kanyang mga salita bago ito bitawan. Sa bawat pagkikita nila, nakikita ni Lans ang pagsisikap nitong bumawi hindi sa pamamagitan ng malalaking bagay kung hindi sa maliliit na pagkilos ng kabutihan at pagkalang.
  • Samantala, si Corazon na noon ay pinakaistrikta at mabangusang nanay ay unti-unting natutong yakapin si Lance bilang isang tunay na anak. Isang araw habang nagkakape sila sa terrace, tahimik siyang nagsabi kay, “Salamat at hindi mo iniwan si Sofia ha. Kahit kami mismo ang nagbigay ng dahilan para gawin mo ‘yon.
  • Ngayon ko lang naiintindihan na minsan mas nakikita natin ang tao sa kanyang kahinaan kaysa sa kanyang mga kayamanan. Si Alberto naman bagamat tahimik sa buong proseso ay laging nakamasid. Siya ang unang nakakita ng tunay na halaga ni Lance at ngayon masensyang nakikitang unti-unti na nabobuo ang respeto at pagtanggap ng kanyang pamilya sa binata.
  • Samantala, si Lance at Sofia naman ay mas lalong tumibay ang samahan. Wala ng mga lihim, wala ng mga kasinungalingang kailangang itago. Masaya silang namumuhay ng simple. Nagbibisikleta, kumakain sa mga karindarya, naglalakbay sa maliliit na bayan. Mga bagay na dati pinagtataasan ang kilay ng pamilya. Ngunit ngay’y pinagmumulan ang inspirasyon.
  • Hanggang sa dumating nga ang araw na bumalik si Don Federico, ang ama ni LS. Nakita niyang natagpuan na ng kanyang anak ang babaeng tunay na magmamahal dito. Hindi dahil sa kayamanan, kung hindi dahil sa kanyang kabooan. At sa ilalim ng lilim ng punong mangga sa kanilang asyenta, iniabot niya kay Lance ang simbolo ng kanilang kasunduan, ang susi ng kanilang negosyo.
  • “Anak,” sabi ni Don Federico, “Ngayong handa ka na, hindi dahil saang nakatapos ka ng business management. Hindi dahil sa ako ang nag-utos. Kung hindi dahil sa natagpuan mo na ang dahilan para ikaw ay magsikap, si Sofia at ang iyong kinabukasan. Humawak sila sa kamay ni Sofia at ngumiti. Oo, Papa, panahon na at sisiguraduhin kong itatayo ko ang negosyo hindi lang para sa ating pamilya, kung hindi para na rin sa maraming tao na umaasa sa atin.
  • Napaiyak si Sofia sa tuwa. Sa wakas, natupad na ang pangarap ni Lance. Hindi bilang isang huwad na engineer kung hindi bilang isang tunay na lalaki na pinili ang tamang panahon para yakapin ang kanyang kapalaran. At sa huli, natutunan ng lahat ang pinakamahalagang aral. Ang yaman ay maaaring mawala.
  • Ang titulo ay maaaring mabaon sa limot. Ngunit ang katapatan, kabutihang asal at wagas na pagmamahal yan ang tunay na kayamanang hindi kailan man mabubura. Dito na po nagtatapos ang ating maiksing kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo mga kabarangay. Ano pong masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman po sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin ko po ang lahat ng yan.
  • Paki-like and share na rin ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba. At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng paki-hit ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kbarangay? Hanggang sa muli. Thank you so much and peace T