-
Tirik ang init ng hangin ay parang apoy na humahaplos sa balat. Sa gilid ng kalsada, isang kariton ang marahang gumugulong. Puno ng bote, karton at mga lumang lata. Sa likod nito ay may dalawang tao. Mag-ama. Ang ama na si Angelo. May edad na payat, may mga bakas ng pagod at araw sa mukha. Ang anak naman si Anthony.
-
L taong gulang. Payat din ngunit may ningning pa rin ang mga mata. Sa bawat takbang ni Angelo, ramdam ang bigat ng kahirapan. Pero higit doon, ang lakas ng pag-asa. Tay, pwede po bang huminto muna tayo? Ang init po. Parang lalagnatin ako. Sige anak, magpahinga muna tayo diyan sa lilim. Umupo silang mag-ama sa gilid ng kalsada.
-
Sa tabi ng poste, si Anthony pinupunasan ng pawis gamit ang laylayan ng kanyang lumang t-shirt. Tay, wala na po tayong tubig. Pwede po ba tayong humingi sa may restaurant doon? Tumingin si Angelo sa direksyon ng anak. Sa tapat lang ng kalsada, nandoon ang isang mamahaling gusali, La Justina. Isang kilalang restaurant na tinitirahan ng mga may kaya sa buhay.
-
Ang mga dumadaan ay nakakotse, naka-amerikana at mabango. Samantalang sila amoy araw at pawis. May mga kalyo pa sa kanilang mga kamay. Anak, baka mapaya tayo doon. Muka pa lang natin baka hindi tayo papasukin. Pero tay, tubig lang naman po ang hihingi natin ‘ ba? Hindi naman po masama yun. Napatigil si Angelo.
-
Ang mga salita ng kanyang anak ay tumago sa kanyang puso. Oo nga naman. Tubig lang. Hindi ito pagnanakaw. Hindi ito pangaabuso. Isa lang itong pakiusap mula sa mag-amang uhaw. Sige anak, subukan natin. Pero tandaan mo kahit anong mangyari huwag kang matatakot. Magalang tayong hihingi ha. Opo tay. Naglakad sila papunta sa Justina.
-
Habang papalapit, ramdam ni Angelo ang mga matang nakatingin sa kanila. Mga taong nakaupo sa loob. Nagtataka kung bakit may basurero sa harap ng mamahaling kainan. Pagbukas nila ng pinto, agad silang sinalubong ng malamig na aircon at ang malamig na tingin ng mga tao sa kanila. Hoy, hoy, saan kayo pupunta? Hindi pwede dito mga ganyan.
-
Pasensya na po, sir. Tubig lang po ang hihingi namin. Oh lang po ang anak ko. Tubig daw sa gripo na lang. Grabe pati sa restaurant na to pumapasok na ang mga basurero. Napatungo si Anthony. Hawak ang lilayan ng damit ng ama. Nahihiya siya. Parang gusto niyang tumakbo palabas. Pakiusap po kahit isang baso lang hindi po kami manggugulo.
-
Ngunit bago pa sila tuluyang itaboy, isang babae ang lumabas mula sa loob. Si Bildred ang bisor sa restaurant. Anong nangyayari dito? Bakit may sigawan? Ma’am, itong dalawang to basurero po. Hingi lang daw ng tubig baka makasira ng imahe ng restaurant. At ikaw, sa tingin mo sira sa imah ang pagtulong? Ah, eh hindi po ma’am.
-
Pero bigyan mo sila ng malamig na tubig ngayon na. Tahimik ang buong lugar. Naririnig lang ang lagaslas ng aircon at ang kaluskos ng mga baso. Si Angelo nakayuko habang si Anthony ay nanginginig sa hiya. Lumapit sa kanila ang waiter. Maiinis sa mukha pero inabot pa rin ang tubig. Maraming salamat po. Ah salamat po ate.
-
Walang ano man iho. Ingat kayo sa daan ha. Ngumiti si Angelo bago sila umalis. Tumingin siya kay Mildred. Mayiti ng pasasalamat ng galang at ng kababa ang loob. Salamat po sa kabaitan ninyo. Hindi po namin makakalimutan to. Habang palabas ang mag-ama, may ilang mata pa ring nakatingin sa kanila. Ilan ay may pangahamak, ilan ay may awa.
-
Ngunit para kay Angelo, sapat na ang isang basong tubig at ang isang pusong marunong maawa. Paglabas nila, huminga siya ng malalim. Nilingon ang anak at ngumiti. Oh ayan anak, hindi lahat ng mayaman ay masama. May mga marunong ding tumingin sa mahirap na may respeto. Tay, kapag yumaman po tayo balang araw, gusto ko rin pong tumulong sa mga uhaw.
-
Balang araw anak. Baka nga hindi mo alam. Minsan ang tubig na ibinibigay natin, siya pa lang magpapatubig sa kinabukasan natin. Habang papalayo sila, sumiklab ang liwanag ng araw sa kanilang likuran. Parang sinag ng pag-asa. Wala silang kamalay-malay na ang simpleng kabutihan ng araw na iyon ang magbubukas ng pinto patungo sa buhay na hindi nila kailan man inakalang magiging kanila.
-
Kinabukasan sa isang tahimik na umaga, naglilinis si Angelo ng karito nila. Ang anak niyang si Anthony ay nag-aayos ng mga bote. Maingat na isa-isang hinuhugasan sa poso. Ang araw ay tila mas maaliwalas kayo sa kahapon. Marahil dahil sa isang basong tubig na ibinigay ng kabaitan. Tay, ang dami nating nakuha kahapon ah.
-
Baka makaipon tayo ng pambili ng bagong gulong ng karito natin. Oo anak. Konti na lang. Pag may sobra, bibili rin tayo ng bagong tsinelas mo ha. Ngunit bago pa man sila makapagsimula muli, isang itim na kotse ang huminto sa harap ng kanilang barong-barong. Mula rito, bumaba ang isang lalaking nakaamerikana. Matikas, maayos at halatanggaling sa mundo ng mayayaman.
-
Ang mga kapitbahay nagsilabasan. Bihira silang makakita ng ganoong mamahaling sasakyan. sa lugar nila. Tay, baka po hinahanap tayo ng pulis. Wala naman tayong ginagawang masama. Anak, huwag kang mag-alala. Lumapit ang lalaki. Maayos siyang umiti at maggalang na nagsalita. Magandang araw po.
-
Kayo po ba si Ginoong Angelo Santos? Opo, ako nga po yun. Bakit po? Ako po si Attorney Justin Morales. Abogado po ako ni Don Ramon Velasquez. Napakunot noo si Angelo. Hindi niya kilala ang pangalan pero parang may kung anong kilabot na gumapang sa kanyang dibdib. Pasensya na po Attorney pero parang hindi ko po kilalang sinasabi niyong Don Ramon.
-
Maaaring hindi po ninyo siya nakilala sa pangalan pero kilala niya kayo. Ayun po sa dokumentong iniwan niya. Kayo ang lalaking tumulong sa kanya. Limang taon na ang nakakalipas nung inatake siya sa puso sa kalsada malapit sa may bunga. Nang marinig iyon tila nagbalik sa ala-ala ni Anghelo ang isang eksena. Isang matandang lalaki nakahandusay sa tabi ng daan halos walang makialam.
-
Siya lang ang lumapit doon. tinulungan, pinainom ng tubig at dinala sa ospital gamit ang tricycle ng kapitbahay. Siya siya pala ‘yun. Hindi ko alam na mayaman pala siya. Akala ko isa lang siyang matandang pagod sa init. Sa testamento ni Don Ramon, malinaw na nakasulat na. Ipinagpapasalamat niyang ginawa ninyo.
-
Wala raw kayong hininging kapalit. Kaya ngayon nais niyang ibalik sa inyong kabutihang iyon. Binuksan ni Attor ni Justin ang isang brown envelop at inebot kay Angelo. Narito po ang dokumento. Sa bisan ng kanyang huling habilin, ipinapamana niya sa inyong kalahati ng pagmamay-ari ng kanyang negosyo kabilang ng restaurant na La Justina.
-
Ah ah ano po La Justina yung restaurant po sa may Ayala? Opo. Yun nga po. Simula ngayon kayo na po ang co-onor at bukas maaari na po kayong dumalo sa pormal na turnover sa opisina. Nabitawan ni Angelo ang envelof sa gulat. Parang nabingi siya sa sariling paligid. Ang kariton, ang mga bote at ang mga basurang nakakalat ay biglang nagmukhang maliit sa harap ng balitang iyon.
-
Tay, ibig sabihin po mayaman na tayo. Hindi ko alam anak pero kung totoo man ‘to baka ito lang sagot sa dasal natin dati pa. Si Attorney Justine ay ngumiti ng magalang at nagpaalam. Makakaasa po kayo Ginoong Angelo. Tutulungan ko kayong ayusin lahat ng papeles. Huwag po kayong mag-alala. Igal po ang lahat ng ito. Maraming salamat po, Attorney.
-
Hindi ko po alam kung anong nagawa ko para karapatdapat ako dito. Ang kabutihan po ninyo ang nagdala nito. Minsan hindi kailangang mayaman para mag-iwan ng markas sa puso ng iba. Pagkaalis ni Attorney Justin, tahimik lang ang mag-ama. Tinitigan ni Angelo ang mga bote sa kariton habang si Anthony ay nakangiting hawak ang sobre na may dokumento.
-
Tay, kung may restaurant na tayo, ibig sabihin po makakakain na tayo ng masarap araw-araw. Hindi na po tayo maghahanap ng tira-tira. Anak, hindi ibig sabihin ng kayamanan e tapos na ang laban. Mas malaking responsibilidad kapag may hawak ka ng ganito. Pero oo siguro hindi na tayo magugutom. Kinuha ni Angelo ang sobre at tinitigan nito.
-
Sa papel na iyon, nakasulat ang bagong kabanatan ng buhay nila. Mula sa amoy basura, patungo sa amoy ng mamahaling pagkain at respeto. Tay, babalik po ba tayo doon sa restaurant? Oo, anak, pero hindi para magyabang. Babalik tayo para magpasalamat dahil doon nagsimula ang lahat. Isang basong tubig at isang mabuting puso. At sa ilalim ng araw na iyon, habang tinatanggal ni Angelo mga kalawang sa kanyang lumang kariton, isang ititi ang sumilay sa kanyang labi.
-
Hindi niya alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanya sa loob ng Lastina. Pero sigurado siya sa isang bagay. Sa araw na iyon. Hindi lang dugo ng kahirapan ng dumadaloy sa kanyang ugat kundi kabutihan na nagbunga ng biyaya. Kinabukasan, sa unang pagkakataon, pumunta si Angelo at Antony sa Ayala. Ang dating mga amoy basura na baro ay pinalitan ng malilinis na damit na ibinigay ni Attorne Justin.
-
Sa kanilang mukha, bakas pa rin ang hiya at kaba. Ngunit sa kanilang mga mata ay may bagong pag-asa. Tay, grabe ang daming ilaw dito. Ang linis ng daan. Parang walang basura. Oo anak, dito pala yung restaurant La Justina. Huminto sila sa harap ng malaki at magarang gusali. Sa itaas nakasulat sa gintong letra ang pangalan na Justina Fine dining.
-
Ang mga taong pumapasok ay puro mayayaman, naka-amerikana, nakatakong. May mga mamahaling sasakyan at siya lang ang tanging may kariton na nakaparada sa gilid. Tay, baka mapalayas tayo. Mukha tayong basurero pa rin eh. Hindi anak. Wala tayong masamang gagawin. Papasok tayo kasi ito raw ang sabi ng abogado.
-
Isa na raw tayo sa may-ari nito. Pumasok silang mag-ama sa loob. Pagbukas ng pinto, tumigil ang ilang waiter. Ang bango ng loob. Halimuyak na mamahaling pagkain at malamig na aircon. Ngunit naputol iyon ng mga bulungan. Sino ong mga to? Amoy kalye ah. Baka namamalimos. Dapat palabasin na agad. Lumapit ang isang manager si Kimmy ang mahigpit at matar ng tagapamahalaan ng restaurant.
-
Nakapamewang at may malamig na titig. Excuse me. Hindi po ito public face. Kung tubig lang ang kailangan ninyo, pwede sa labas. Hindi pupwedeng pumasok dito ang mga basurero. Tay, sabi ko na po eh. Uwi na lang tayo. Pasensya na po ma’am. Pero pinapunta po kami dito. Ako po si Angelo Santos. At ano naman ngayon kung ikaw si Angelo Santos? May reservation ka ba? Tumigil ang lahat ng waiter.
-
Ang ibang customer ay napatingin din lalo na nang mapansin nilang umiiyak na si Anthony sa kahihiyan. Mga ganyan talaga. Nagkukunwaring may appointment. Baka nga magnanakaw pa. Security. Dalawang guard ang agad lumapit para palabasin sila. Ngunit bago pa sila mahawakan, biglang dumating si Attorney Justin. Teka lang, bitawan niyo sila.
-
Natigilan ang lahat. Ang manager na si Kimy ay napalingon. Agad nagbago ang tono. Attorney Justin, pasensya na po. Akala ko lang akala mo mahirap kaya walang karapatang pumasok. Kimy, gusto kong ipakilala sayo ang bagong co-owner ng La Justastina. Si Ginong Angelo Santos at ang anak niyang si Anthony. Parang nahulog ang buong restaurant sa katahimikan.
-
Ang mga waiter na kanina nangungutya biglang yumuko. Si Kimmy halos makin. Pasensya na po si Sir Angelo. Hindi ko po alam. Wala yun ma’am. Alam kong trabaho lang ninyo. Hindi ko rin inakalang dito ako mapupunta. Kahapon lang nag-aabot ako ng bote sa basura. Ngayon andito ako. Ang mga waiter ay sabay-sabay na yumuko bilang paggalang.
-
Ang manager na si Kimmy ay halos maluha sa hiya. Si Anthony naman ay nakatingin lang sa paligid. Hindi makapaniwala sa mga nakikita niya. Tay, ang ganda dito. Parang langit. Pwede ba akong umupo sa upo ang may kutson? Oo, anak, upo ka. Diyan mismo sa mesa ng mga mayayaman. Umupo silang mag-ama sa gitnang mesa. Ang dating lugar na bawal sa kanila.
-
Isang waiter ang agad nagdala ng malamig na tubig. Ngunit ngayon may ngiti sa kanyang mukha. Sir, tubig po at pasensya na po sa inasal namin kanina. Salamat. Huwag mo na isipin yun. Lahat naman tayo may pinanggalingan. Habang umiinom ng tubig si Angelo, hindi niya mapigilang mapangiti. Naalala niyaang unang beses na pumasok sila dito.
-
Pawisan, gutom at nanghihingi lang ng baso ng tubig. Ngayon binibigyan na siya ng respeto at karangalan. Simula ngayon, Sir Angelo, ikaw na po ang bagong partner ng La Justastina. At ayon sa hiling ni Don Ramon, gusto niyang ipagpatuloy ninyo ang pagbibigay ng libreng pagkain sa mga batang lansangan tuwing linggo. Gagawin ko yan attorney.
-
Hindi ko hahayaang mawala ang kabutihan ni Don Ramon dahil kung hindi dahil sa kabutihan niya, baka hanggang ngayon naghahalukay pa rin kami ng basura. Lahat ng tao sa loob ay napatingin sa kanya. Sa sandaling iyon hindi na siya mukhang basurero. Mukha siyang isang taong busilak ang puso at marangal ang hangarin. Sir Angelo, pasensya na talaga.
-
Hindi ko kayo tinrato ng tama. Paghingi ng sorry ni Kimmy. Ang mahalaga natuto tayo. Walang mayaman o mahirap sa kabutihan. Ang respeto yan ang tunay na yaman ng tao. At sa paglipas ng ilang minuto, unti-unting nagbalik ang sigla sa restaurant. Ngunit iba na ngayon. May bagong simula, bagong kwento at bagong may-ari.
-
Ang mag-amang basurero ay hindi na basta mga tagalinis lamang ng kalsada. Sila na ngayon ang tagapangalaga ng isang lugar kung saan nagsimula ang isang kabutihan. Isang basong tubig na nagbunga ng buhay na pagbabago. Isang linggo matapos ang pagbisita nila sa La Justastina. Pormal lang ay ipinakilala si Angelo Santos bilang bagong may-ari. Ang dating basurero na umiiwas pumasok sa mamahaling lugar ngayon ay may sariling opisina sa loob nito.
-
Sa tabi niya, hindi kailan man nawawala ang anak niyang si Anthony. Ang kanyang inspirasyon at lakas ng loob. Anak, hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan. Dati tinataboy tayo dito, ngayon binabati tayo ng mga tao pagpasok natin. Oo nga tay, lahat po ng waiter nakangiti. Akala ko nga kanina artista ka eh.
-
Ngumiti si Angelo atlos ang buhok ng anak. Bago pa man siya naupo sa opisina, biglang pumasok si Attorne Justin dala ang ilang mga papeles. Magandang umaga, Sir Angelo. Ito po ang mga dokumentong kailangan nating lagdaan para maayos na mailipat ang kalahati ng shares sa pangalan ninyo. Salamat po, attorney. Pero bago ko pirmahan ‘to, may gusto lang sana akong ipakiusap bilang bagong may-ari.
-
Ano po yun, Sir Angelo? Gusto ko ipagpatuloy ang hiling ni Don Ramon. Tuwing linggo, gusto kong magbukas tayo ng libreng kainan para sa mga bata at matatandang walang tirahan. Hindi kailangan ng reservation basta gutom, papakainin natin. Dahil doon ay napatahimik si Attorney Justine sa loob ng ilang segundo.
-
Pagkatapos ay ngumiti siya. Bakas ang paghanga sa mukha. Napakaganda pong idea niyan, Sir Angelo. Sigurado akong matutuwa si Nun Ramon kung nasaan man siya ngayon. Habang nag-uusap sila, pumasok si Kimy. Ang manager na minsan ay nanlait sa mag-ama. Ngayon, maayos na ang kilos niya. Marangal at magalang. Sir Angelo, narito na po ang mga staff.
-
Lahat po ay handang makinig sa inyong mga bagong patakaran. Lumabas si Anghelo sa opisina. Sa gitna ng restaurant, nakahanyay ang lahat ng waiter, cook at service crew. Tahimik silang nakatayo. Naghihintay ng sasabihin ng bagong boss. Magandang araw sa inyong lahat. Alam ko hindi ako sanay magsalita sa harap ng ganito karaming tao.
-
Basurero lang ako noon. Pero kahit ganon may natutunan ako sa kalsada na lahat tayo may halaga. Tahimik ang lahat. Ang ilang crew ay nakayuko. Tila napapaisip sa sinabi ng bagong amo nila. Mula ngayon, gusto kong maging bukas ang leastina sa lahat. Hindi lang para sa may pera kundi para sa mga gutom at pagod na tao.
-
Gusto kong maging lugar ito ng kabutihan hindi lang ng karangyaan. Sir, ibig sabihin po kahit mahirap po pwedeng pumasok dito. Oo. Basta marunong rumespeto at marunong magpasalamat. May lugar sila rito. Nagpalakpakan ang mga staff kahit si Kimmy ay hindi mapigilang mapangiti tila napawi ang dating takot at kahian sa puso niya.
-
Sir Angelo, salamat po. Pasensya na po sa nakaraan. Mula ngayon, tutulungan ko po kayong patakbuhin ang lejastina sa paraang gusto niyo po. Salamat, Kimy. Ang pagbabago hindi yan nagsisimula sa kayamanan kundi sa puso natin. Lumipas ang mga araw at unti-unting nagbago ang takbo ng restaurant. May isang espesyal na araw bawat linggo.
-
Tinawag nila itong araw ng kabutihan. Sa araw na iyon, libre ang pagkain para sa mga batang lansangan, matatandang pulubi at mga driver na walang makain. Si Anthony mismo ang mga nag-aabot ng pagkain habang si Anghelo ay naglilingkod sa mesa. “Tay, ang dami pong batang masaya.” May nagpapasalamat pa po sa akin kanina.
-
Sabi nila ngayon lang daw sila nakakain ng spaghetti. ‘Yan ang gusto kong makita, anak. Hindi pera ang sukli ng kabutihan kundi ngiti ng mga taong natutulungan mo. Habang pinagmamasda ni Attor ni Justin ang mag-ama, hindi niya mapigilan ang mapangiti. Nakilala niya na ngayon kung bakit pinili ni Don Ramon si Anghelo. Hindi dahil sa utang na loob kundi dahil sa kabutihan ng kanyang puso.
-
Walang basurero sa mundong marunong magmahal. Ang yaman ni Anghelo ay hindi ginto kundi puso. Marahang sabi ni Justine sa kanyang sarili. Sa hapon ng linggo, matapos ang araw ng kabutihan. Nakaupo si Anghelo at Antony sa labas ng restaurant at hawak nila ang lumang kariton hindi para magkalakal kundi bilang paalala kung saan sila nagsimula.
-
Tay, huwag na po nating itapon ‘tong kariton. Gusto ko pong alalahanin kung saan tayo nanggaling. Tama ka anak. Ang taong nakakalimot sa pinanggalingan, naliligaw sa pupuntahan. At sa pagtakip ng araw, kumislap ang mga ilaw ng La Justastina. Isang restaurant na dating para sa mayayaman lang. Pero ngayon, tahanan na ng kabutihan at pag-asa.
-
Ang mag-amang dating basurero ngayon ay ilaw na ng mga nagugutom at patunay na minsan ang pinakamalaking kayamanan ay ang puso ng tao. Lumipas ang tatlong buwan, ang la Justina ay kilala na ngayon bilang restaurant ng kabutihan. Araw-araw may mga taong pumapasok hindi lang para kumain kundi para makaramdam ng pag-asa.
-
Si Anghelo ay naging inspirasyon ng marami. Ang mga dating basurero, driver at tindero ay may trabahong nasa restaurant. Ang lahat ng ito ay bunga ng kabutihang isang beses lang niyang ginawa. Isang pagtulong na hindi niya inakalang babalik sa kanya ng ganito kalaki. Isang hapon habang nag-aayos ng papeles si Anghelo sa opisina, pumasok si Attorney Justin dala ang isang lumang sobre.
-
Sir Angelo, may natira pong dokumento sa safe ni Don Ramon. Hindi ko po alam kung bakit ngayon lang ito lumabas. Pero ayon sa tagapangalaga ng estate, para raw ito sa inyo. Sa akin? Opo. At nakasulat dito, “Basahin mo ito mag-isa.” Kinuha ni Anghelo ang sobre. Maraha niyang binuksan at doon ay may isang sulat na nakatiklop.
-
lumang papel ngunit malinaw ang mga titik. Mahal kong anghelo, kung binabasa mo ito, ibig sabihin ay wala na ako sa mundong ito. Marahil naguguluhan ka kung bakit ikaw ang pinili kong tagapagmana. Ah ah anong ibig niyang sabihin? 50 taon na ang nakalipas. May isang batang lalaki akong pinabayaan. Isa siyang anak sa pagkadalaga ng isang babaeng minahal ko ngunit ko napangasawa.
-
Nang mamatay siya, ang bata ay dinala sa isang mag-asawang mahirap sa probinsya. Ang apilyido niya Santos. [Musika] Nanlakay ang mata ni Anghelo. Ang mga kamay niya ay nanginginig habang binabasa ang sumunod na linya. Ang batang iyon ay walang iba kundi ikaw. Anghelo. Nabitawan ni Anghelo ang papel huminto ang mundo.
-
Ang dating basurero, ang lalakulungan ni Don Ramo noon ay siya palang mismong anak na matagal na niyang hinanap. Ah ako anak ako ni ni Don Ramon. Lumuha si Anghelo hindi dahil sa kayamanang minana niya kundi dahil sa pagmamahal na matagal niyang hinanap na ngayon lang niya natagpuan. Kahit huli na. Sir Angelo, okay lang po ba kayo? Attorney? Hindi ko alam kung iiyak ako o matutuwa.
-
Ang taong tinulungan ko noon, ama ko pala. Tahimik si Attorney Justin. Niyakap siya ni Angelo bilang pakikiramay at pagbati. siguro kaya ako tinulungan ni Don Ramo noon kasi alam niyang dugo ko ako. Pero higit doon tinulungan niya ako dahil naniniwala siya sa kabutihan. Lumabas si Anghelo sa opisina dala ang sulat.
-
Pagkakita sa kanya ni Anthony agad siyang nilapitan ng kanyang anak. Tay, umiiyak po kayo. Bakit po? Anak, may nalaman lang si tatay. Yung taong nagbigay sa atin ng restaurant na to. Siya pala ang tunay kong ama. Ibig sabihin po may lolo na ako. Oo anak. Pero hwag kang malungkot. Kahit wala na siya, iniwan niya tayo ng kayamanang hindi kayang pantayan ng pera. Ang pagkakataong tumulong sa iba.
-
Yumakap si Anthony sa kanyang ama at sa sandaling iyon parang naroon din si Don Ramon naangiti sa langit. Sa mga sumunod na taon, mas lumaki pa ang Lastina. Hindi lang ito naging restaurant kundi tahanan ng mga taong gustong magbagong buhay. May mga scholarship, libreng pagkain at trabaho para sa mahihirap. Si Anghelo ay tinaguriang basurerong may gintong puso at si Anthony paglaki niya ay naging chef sa parehong restaurant.
-
Tay, natupad ko na po ang pangarap ko. Ako na po ang head chef ng La Justastina. Mabuti anak, huwag mong kakalimutan. Ang bawat plato ng pagkain dito ay dapat may kasamang kaputihan na. At sa paglipas ng panahon, ang kwento ng mag-amang dating basurero ay naging alamat ng inspirasyon. Marami ang natutong magmahal, magbigay at magpatawad dahil sa kanila.
-
Dahil minsan isang basong tubig lang ang kailangan para mag-umpisa ng kwentong kayang baguhin ang buhay ng marami. At sa bawat kislap ng ilaw ng lajastina, tila narian pa rin angiti ni Don Ramon at ang dalawang mag-amang dati basurero. Ngayon ay tunay na mayaman sa puso. kayo? Ano pong masasabi niyo sa kwento natin ngayong araw at kung anong mga aral po ang mga natutunan ninyo? Maaari niyo po bang i-comment do sa baba sa comment section para muli ko pong mabasa? So once again, inuulit ko pong muli, ako po si Tamok TV. Kita-kita po tayong muli
-
sa mga susunod pa nating maraming mga video. Thank you and God bless you all. Peace out
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load