• 05 12 2345 at 05. Paulit-ulit na binasa ni Ctherine ang mga numero sa maliit na piraso ng papel na hawak niya. Ang kanyang mga kamay na magaspang dahil sa walang katapusang paglalaba at pagluluto ay nanginginig ng hindi mapigilan. Nasa sahig siya ng kanilang sala. Nakapalibot ang mga nakatuping damit na kailangan pa niyang plansahin.
  • Pero tila huminto ang pag-ikot ng mundo sa sandaling iyon. Binuksan niyang muli ang browser sa kanyang lumang cellphone. Ni-refresh ang page ng PCO Lotto Results: Ultra Lotto 658, Jackpot Price 335 400,000 audiol. Diyos ko. Totoo ba ito? Bulong niya ang boses ay garalgal at halos hindi lumabas sa kanyang lalamunan. Humigpit ang hawak niya sa ticket.
  • Ito ang ticket na binili niya ng pabiro kahapon habang namamalengke ng gulay para sa meno ng bahay. Siya si Ctherine, 32 taong gulang isang simpleng may bahay na nakatuo ng buong buhay sa paglilingkod sa kanyang asawa at anak. Walang nakakaalam na sa likod ng kanyang simpleng anyo ay isang babaeng dating nangangarap maging chef pangarap na isinanabi niya para suportahan ang ambisyon ng kanyang asawang si Richard.
  • Si Richard ang gwapo, matalino at ambisyosong CEO ng Royal Events, isang kumpanyang nagsisimula ng makilala sa Maynila. Pero alam ni Ctherine ang totoo. Baon sila sa utang. Ang marangyang image ni Richard ay puro pabalat lamang. Gabi-gabi itong umuuwi na mainit ang ulo. Laging nagrereklamo sa mga suppliers at clients.
  • Napaluha si Ctherine pero luha ito ng purong kaligayahan. Richard, hindi mo na kailangang mahirapan hikbi niya habang yakap ang sarili. Mayaman na tayo. Bayad na ang lahat ng utang. Makakapag-aral na si Kai sa magandang eskwelahan. Magiging masaya na ulit tayo. Agad siyang tumayo halos madapa sa pagmamadali.
  • Ang ticket ay maingat niyang isinilid sa zipper ng kanyang handbag sa pinakasulok na bulsa kung saan walang makakakuha. Kaykay anak tawag niya. Tumakbo palapit ang limang taong gulang na si Kai na may hawak na robot na laruan na putol na ang isang braso. Bakit po mama lumuhod si Ctherine at niyakap ng mahigpit ang anak? Amoy baby powder at pawis ang bata.
  • Ang pinakamasarap na amoy sa mundo para sa isang ina. Magbihis ka anak. Pupuntahan natin si Papa. May surprise si mama sa kanya. Isang napakalaking surprise. Mabilis ang tibok ng puso ni Ctherine habang nasa loob sila ng taxi. Ang init ng tanghali sa EDSA ay tila hindi niya alintana. Sa kanyang isip, nakikita na niya ang reaksyon ni Richard. Iiyak ito.
  • Sa tuwa yayakapin siya ng mahigpit gaya ng ginagawa nito nung nagsisimula pa lang sila. Sasabihin nitong salamat Ctherine. ikaw ang swerte ng buhay ko. Dala-dala niya ang isang topperwear na naglalaman ng paboritong kare-kare ni Richard. Kahit gaano ka-busy ang asawa, sisiguraduhin niyang kakain ito ng masarap na tanghalian.
  • bago niya ibalita ang tungkol sa 3 milipong piso. Huminto ang taxi sa harap ng isang modernong building sa BGC Bonifacio Global City. Dito nakabase ang royal events. Makintab ang salamin ng gusali repleksyon ng tagumpay na pilit na inaabot ni Richard. Mama, gutom na po ako reklamo ni Kai habang hilah-hila ni Ctherine papasok sa lobby.
  • Sandali lang anak, kakain tayo kasama si Papa Malambing na sagot ni Ctherine habang inaayos ang color ng polong suot ng anak. Siya naman ay nakasuot lang ng simpleng blouse at slacks at walang makeup. Para sa kanya ang pagiging natural ang gusto ni Richard. Pagdating sa reception area ng royal events, wala ang sekretary si Bea.
  • Marahil ay nag-lunch break na ito. Tahimik ang opisina. Ang Central Aircon ay humuhuni ng mahina. Sky! I-surprise natin si Papa. Okay. Huwag kang maingay bulong ni Catherine habang naglalakad sila ng dahan-dahan patungo sa executive office sa dulo ng pasilyo. Habang papalapit, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto ng opisina ni Richard.
  • Itataas na sana ni Ctherine ang kanyang kamay para kumatok nang marinig niya ang isang pamilyar na tawa. Hindi tawa ni Richard kundi tawa ng isang babae. Malanding tawa. Cheers babe. Para sa bagong kontrata. At para sa kalayaan mo, sabi ng babae. Natigilan si Ctherine. Kilala niya ang boses na yon. Si Nicole ang bagong marketing manager na kinuha ni Richard nung nakaraang buwan.
  • Bata maganda laging nakapormang designer clothes at amoy mamahaling pabango. Sumilip si Ctherine sa maliit na siwang ng pinto. Ang nakita niya ay parang isang balaraw. na tumarak sa kanyang dibdib. Nakaupo si Richard sa kanyang swivel chair. Hawak ang isang baso ng champain. Kanong niya si Nicole ang mga braso ng babae ay nakapulupot sa leeg ng kanyang asawa.
  • Naghahalikan sila hindi lang simpleng halik kundi halik ng dalawang taong may malalim at maduming relasyon. Richard, kailan mo ba sasabihin sa kanya? Tanong ni Nicole. Habang hinahaplos ang dibdib ni Richard. Nandidiri na ako kapag nakikita ko siyang pumupunta dito na may dalang topperwear. Para siyang katulong honestly, tumawa si Richard, isang tawa na puno ng pangungutya.
  • Ang tawang yon ang nagpadurog sa puso ni Ctherine ng Pino. Hayaan mo na, Be nakakatipid tayo sa pagkain dahil sa luto niya. Sagot ni Richard sa bainom ng alak. Pero huwag kang mag-alala. Malapit na. Kailangan ko lang siyang papirmahin sa mga dokumento ng liability para sa warehouse yung mga utang sa casino.
  • Tanong ni Nicole. Oo. Ililipat ko sa pangalan niya ang lahat ng bad loans at pending cases ng kumpanya bago ko siya hiwalayan paliwanag ni Richard na parang nagpaplano lang ng isang event. Siya ang legal owner sa papel ng mga assets na palugi. Pagkatapos noon, sisipain ko na siya palabas.
  • Wala siyang makukuha kundi utang at kahihiyan. Nanlaki ang mga mata ni Ctherine. Napahawak siya sa pader para hindi matumba. Ang kanyang tuhod ay nanghina. Ang kare-kare na hawak niya ay muntik ng dumulas sa kanyang mga daliri. Ang asawa niya, ang lalaking minahal niya ng 10 taon ay hindi lang nambababae. Plano nitong sirain ang buhay niya.
  • Plano nitong ipasa sa kanya ang mga utang sa sugal at negosyo at iwan siyang walang-wala. Mama, tawag ni Kay. Mabilis na tinakpan ni Ctherine ang bibig ng anak at hinila ito palayo sa pinto papunta sa gilid ng pasilyo kung saan hindi sila makikita. Ang puso niya ay kumalabog ng napakalakas na akala niya ay maririnig ito sa buong gusali.
  • Mula sa loob, narinig pa niya ang boses ni Nicole. Kawawa naman ang inay Ctherine mo, probinsyana nangatanga pa. Pero paano yung bata? Si Kay tumahimik sandali si Richard bago sumagot sa boses na walang emosyon. Sa kanya na ang bata. Pabigat lang yun sa image ko. Masyadong yakin si Kay. Hindi ko vibes. Tayo babe.
  • Gagawa tayo ng bagong pamilya. Isang royal family na bagay sa royal events. Doon na bumuhos ang luha ni Ctherine hindi dahil sa sakit ng pagtataksil kundi dahil sa galit. Galit na kasing init ng kumukulong mantika. Tinawag na pabigat ang anak nila. Ang anak nilang si Kai na laging naghihintay sa ama gabi-gabi. Tiningnan ni Ctherine ang kanyang anak na naguguluhan at takot sa nakikitang pag-iyak ng ina.
  • Pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang likod ng kanyang palad. Huminga siya ng malalim. Isang nakakatakot na kalmado ang bumalot sa kanya. Kinapa niya ang handbag niya. Naramdaman niya ang papel sa loob. Ang ticket. Ang Ph35 milyong kanina ang perang ito ay para sa kanila. Para kay Richard, para sa royal events. Pero ngayon habang naririnig niya ang tunog ng halikan sa kabilang kwarto at ang plano ng demonyo niyang asawa, nagbago ang lahat.
  • Ang ticket na ito ay hindi gift. Ito ay isang sandata. Ito ay isang espada na gagamitin niya para putulin ang leeg ng mga ahas na ito. “Halika na!” kay Bulong niya ang boses ay matatag at malamig. “Hindi na po tayo papasok, mamayung surprise, tanong ng bata.” Tumingin si Ctherine sa pinto ng opisina. Sa huling pagkakataon, may ngiti sa kanyang mga labi.
  • Pero hindi itong ngiti ng isang anghel. Ito ang ngiti ng isang babaeng namatay na ang puso at muling nabuhay para maghiganti. Iba na ang surprise natin anak. Mas malaki sagot niya. Pero hindi ngayon. Sa tamang panahon. Mabilis na naglakad palabas si Ctherine sa lobby. Nakasalubong niya si Bea. Ang secretarya na kakarating lang galing break.
  • Ma’am Ctherine, andiyan po pala kayo. Gusto niyo po bang tawagin ko si Sir Richard? Tanong ni Bea na mukhang nininerbyos. Umiling si Ctherine. Ang kanyang mukha ay maamo pa rin. Ang maskara ng isang tang asawa ay suot na niya ng mahigpit. Huwag na Bea. Dumaan lang ako para iwan sana itong pagkain.
  • Pero sumama ang pakiramdam ni Kai. Dadalhin ko muna siya sa clinic pagsisinungaling niya ng walang corrupt. Huwag mo na lang sabihin kay Richard na nagpunta ako. Ayokong mag-alala siya habang busy siya sa trabaho. Sige po ma’am. Sagot ni Bea. Halatang nakahinga ng maluwag dahil alam nito kung sino ang nasa loob ng opisina.
  • Lumabas si Katherine ng building at pumara ng taxi. Habang umaandar ang sasakyan palayo sa royal events, niyakap niya si Kai at tumingin sa bintana. Ang mga luhang tumutulo kanina ay tuyo na. Ang babaeng pumasok sa building na yon kanina ay isang martyr na asawa. Ang babaeng lumabas ay isang multimilyonarya na may hawak na sikreto.
  • Si Richard ay may plano na wasakin siya gamit ang utang. Si Katherine ay may 35 million at alam niya ang totoo. Maglaro tayo, Richard. Bulung niya sa isip habang hinahaplos ang buhok ni Kai. Gusto mo ng drama? Bibigyan kita ng palabas na hinding-hindi mo makakalimutan. Pagpasok ng taxi sa gate ng kanilang subdivision, parang ibang lugar na ang nakikita ni Ctherine.
  • Dati ang bahay na ito, isang two story house na binabayaran pa nila buwan-buwan ay simbolo ng kanyang pangarap. Ang bawat vas kurtina at gamit ay siya mismo ang pumili at nag-ayos. Pero ngayon habang tinititigan niya ito, para na itong isang kulungan, isang entablado ng kasinungalingan. “Mama, okay ka lang po ba? Bakit nanginginig ang kamay mo?” tanong ni Kay habang tinatanggal ang kanyang seat belt.
  • Pilit na ngumiti si Ctherine isang ngiting kailangang-kailangan niyang sanayin. “Okay lang ako, anak.” Nilalamig lang siguro si mama sa aircon ng taxi. Pagpasok sa loob ng bahay, sinalubong sila ng katahimikan. Ang mga wedding picture nila ni Richard na nakasabit sa dingding ay tila nanunuyas sa kanya. Sa litrato, nakayakap si Richard sa kanya mukhang mapagmahal.
  • Pero sa isip ni Catherine, umaalingawngaw ang boses ng asawa probinsyana nang ngatanga pa. Kay maglaro ka muna sa kwarto mo o kay magpapahinga lang si mama. Saglit malambing na utos niya. Pagkasaradong pagkasarado ng pinto ng kwarto ni Kai, doon bumigay ang mga tuhod ni Ctherine. Napaupo siya sa sahig ng hallway. Sapo ang kanyang dibdib na parang puputok sa sobrang sikip. Gusto niyang sumigaw.
  • Gusto niyang magbasag ng gamit. Gusto niyang tawagan si Richard at murahin ito hanggang sa mapaos siya. Pero hindi pwede. Matalino si Richard. Kapag nag-eskandalo siya ngayon, wala siyang laban. Siya ang lalabas na baliw. At si Richard ang respetadong CEO ang mananalo sa korte. At ang pinakamasakit, baka kunin nito si Kai.
  • Tumayo siya at pumasok sa banyo ng master bedroom. Ni-lock niya ang pinto. Binuksan niya ang shower ng sagad. Hinayaan niyang bumuhos ang tubig ng malakas. para matakpan ang anumang ingay na gagawin niya. At doon sa ilalim ng malamig na tubig habang suot pa ang kanyang blouse at slacks, humagulgol si Ctherine, isang hagulgol na walang boses.
  • Nakanga ang kanyang bibig. Nanginginig ang buong katawan habang inilalabas ang lahat ng sakit. 10 taon. 10 taon ang pagsisilbi. Gigising ng 5:00 para ipagluto si Richard. Titipirin ang sarili para may pambili ng branded na sapatos si Richard. Titiisin ang pangmamaliit ng mga business partners nito na siya’y walang ambag sa kumpanya.
  • Pabigat, tanga, probinsyana. Hinampas niya ang pader ng banyo hanggang sa namula ang kanyang mga palad. Ang tubig na humahalo sa kanyang luha ay tila hindi sapat para hugasan ang dumi ng pagtataksil ni Richard. Pero sa gitna ng kanyang pag-iyak, naramdaman niya ang bigat ng handbag na nakasabit sa hook ng pinto, ang ticket. Pinatay niya ang shower.
  • Humarap siya sa salamin. Ang nakita niya ay isang babaeng basang-basa, mugtoang mata at mukhang kawawa. Hindi mariing sabi niya sa sarili. Hindi pwedeng ganito ang makita niya. Nagbihis siya ng tuyong damit. Kinuha niya ang hair dryer at inayos ang sarili. Pagkatapos kinuha niya ang winning ticket mula sa bag saan niya ito itatago.
  • Hindi sa safe. Alam ni Richard ang code hindi sa ilalim ng mattress. Pumasok siya sa kwarto ni Kai. Naglalaro ang bata ng Lego. Sa gilid ng kama nakaupo si Mr. Bear, isang lumang teddy bear na medyo tastas na ang tahi sa likod. Ito ang paboritong laruan ni Kai na binigay pa ng nanay lordes niya. Kinuha ni Ctherine ang sawing kit.
  • “Mama, inaayos mo po si Mr. Bear.” tanong ni Kai. Oo, anak. Nilalagyan ko siya ng lucky charm sa loob para bantayan ka niya lagi. Sagot ni Ctherine habang maingat na ipinapasok ang nakatuping ticket sa loob ng bulak ng teddy bear. Tinahi niya ito ng pino at pulido. Walang makakahalata. Ang 335 milyon ay ligtas na ngayon sa yakap ng kanyang anak.
  • Huminga siya ng malalim. Step one, secure the asset ngayon. Step two, umalis sa poder ng kaaway. Kinuha niya ang kanyang cellphone at dinal ang numero ni Richard. Kinailangan niyang mag-ipon ng lakas ng loob para hindi manginig ang boses niya. Ring ring. Hello ano ba Cherine? Nasa meeting ako bungad ni Richard halatang iritado sa background rinig ang mahinang jazz music nasa restaurant siguro ito kasama si Nicole. Haah.
  • Hello Richard Boses na nanghihina ang ginamit ni Ctherine. Pasensya na sa abala. Masama kasi ang pakiramdam ko. Parang parang trangkaso at hilo at si Kay din parang nilalagnat. O tapos anong gusto mong gawin ko? Umuwi at mag-alaga sa inyo. Marami akong ginagawa para sa kumpanya. Katherine asik ni Richard. Napapikit si Katherine sa galit pero pinanatili niya ang role niya. Sh. Hindi.
  • Alam kong busy ka. Gusto ko sanang magpaalam. Uuwi muna kami sa Laguna kila Nanay Lordes. Mas maalagaan niya kami doon habang may sakit at para hindi ka namin mahawaan pag-uwi mo. Tumahimik sa kabilang linya. Alam ni Ctherine na nag-iisip si Richard. Para kay Richard, ito ay good news. Kung wala ang asawa at anak sa bahay, malaya niyang maiuuwi si Nicole o makakapagliwaliw ng walang sagabal.
  • Ah gann ba biglang lumambot ang boses ni Richard halatang nagpapanggap na nag-aalala. Sige actually magandang idea yan. Baka nga mahawa ako. Mahirap na marami akong client meetings. Sige pumunta muna kayo sa nanay mo. Magpadala na lang ako ng GCash para sa gamot. Salamat Richard. Ang bait mo talaga. Sabi ni Ctherine na halos masuka sa sariling sinabi. Sige na, sige na. Bye.
  • Binabaan siya nito ng telepono. Napangisi si Ctherine. Ganoon lang kadali. Agad siyang nag-impake. Hindi marami para hindi halatang lalayas. Ilang damit lang para sa isang linggo. Sumakay sila ng bus papuntang San Pablo, Laguna. Habang bumabagtas sila sa South Luzon Expressway, hindi na lumingon pabalik si Ctherine.
  • Pagdating sa probinsya, sinalubong sila ng amoy ng lansons at basang lupa. Ang bahay ng nanay lordes niya ay simple lang isang bungalo na may malawak na bakuran. Nang makita sila ni nanay Lordes na no’y nagwawalis sa labas agad itong tumigil. Matandang babae na si Lordes nasa 60s pero matalas pa ang pakiramdam. Tinitigan niya si Ctherine.
  • Hindi niya pinansin ang ngiti ng anak. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Ctherine tawag ni Lords. Anong nangyari? Bakit? Bakit parangpasan mo ang mundo? Pinapasok muna nila si Kai sa loob para manood ng TV at kumain ng suman. Nang silang dalawa na lang ni Lordes sa maliit na kusina doon na bumigay si Ctherine.
  • Lumuhod siya sa harap ng kanyang ina at niyakap ang mga binti nito. Nay niloko ako ni Richard niloko niya ako. Ikinuwento niya ang lahat. Ang babae ang mga narinig niya sa opisina. Ang pangi-insulto at ang planong pagpapasa ng utang. Galit na galit si Lordes. Ang kanyang mga kamay na kulubot ay nanginginig sa puot habang hinahaplos ang buhok ng anak. Hayop siya.
  • Ang kapal ng mukha niya pagkatapos mong isakripisyo ang career mo sa pagluluto para maging plain housewife. Susugurin ko siya sa Maynila. Akmang tatayo si nanay Lordes para kumuha ng itak. Pero pinigilan siya ni Ctherine. Huwag nay. Hindi natin siya idadaan sabi ni Ctherine habang pinupunasan ng luha. Natalo na ako sa pag-ibig nay pero hindi ako magpapatalo sa buhay.
  • Kinuha ni Ctherine si Mr. Bear mula sa bag ni Kai na nasa mesa. Kinuha niya ang gunting at tinastas ang likod nito. Inilabas niya ang ticket. Nay, tingnan niyo ito. Kinuha ni Lordas ang papel. Sinuot niya ang kanyang salamin. Binasa niya ang jackpot price sa diyaro na dala rin ni Ctherine laki ang mga mata ng matanda.
  • Napaupo siya sa bangko hawak ang dibdib. Sus Mario Septherine, ito ba ay 335 million? Nay atin to. Para kay Kay, para sa atin. Hinawakan ni Ctherine ang kamay ng ina. Pero hindi ko pwedeng i-claim ito, Ney kapag nalaman ni Richard kukunin niya ang kalahati o baka ang lahat. Gamit ang mga lawyer niya, kaya niyang baliktarin ang sitwasyon.
  • Tumango si Lord mabilis na naunawaan ang sitwasyon. Ano ang gusto mong gawin ko? Ikaw ang K claim na seryosong sabi ni Ctherine sa pangalan mo. Tapos ide-deposit natin sa isang account na ikaw lang ang may-ari pero joint account tayo na hiden. Walang makakaalam. Kahit si tatay huwag muna nating sabihan dahil baka madulas siya sa inuman.
  • Tinitigan siya ng kanyang ina. Nakita ni Lordes na wala na ang dating Ctherine na mahiyain at sunod-sunuran. Ang nasa harap niya ay isang inanghandang pumatay o magpanggap para sa anak. “Sige anak.” Matatag na sagot ni Lordes. Gagawin ko. Itatago natin ito hanggang sa mabaon sa lupa ang demonyo mong asawa.
  • Kinabukasan lumuwas si nanay Lord kasama si Ctherine pabalik ng Maynila. Pero hindi sila umuwi sa bahay. Nagsuot si Lordes ng lumang damit sumbrero at face mask. Pumunta sila sa opisina ng PCSO sa Mandaluyong. Dahil sa laki ng premyo, confidential ang proseso. Si Lordes ang pumirma, si Lordes ang humarap. Si Katherine ay nagpanggap lang na alalay ng matanda.
  • Nang makuha ang TE, dumiretso sila sa isang international bank sa Makati na may private wealth management. Sa loob ng VIP room habang inaasikaso ng bank manager ang deposito, doon lang nakahinga ng maluwag si Ctherine. Ligtas na ang pera. Nasa pangalan ni Lordes. Walang karapatan si Richard dito. Kahit anong mangyari sa divorce o annullment, hindi mahahabol ni Richard ang kayamanan ng biyanan niya.
  • Bago bumalik sa Laguna si nanay Lord, niyakap niya ng mahigpit si Katherine. Mag-iingat ka sa pagbabalik mo sa bahay na yon bili ng ina. Isa siyang ahas. Dapat maging mas mabilis ka sa kanya. Huwag kang mag-alala na sagot ni Ctherine habang inaayos ang kanyang buhok at ibinabalik ang maamong ekspresyon sa kanyang mukha. Tapos na akong umiyak.
  • Oras na para magtrabaho. Pag-uwi ni Catherine sa bahay nila sa subdivision gabi na. Tahimik ang bahay. Wala pa si Richard. Inilapag niya ang gamit sa sala. Tumingin siya sa salamin sa hallway. Wala na ang pamamaga ng mata. Wala na ang panginginig ng kamay. Nagsuot siya ng apron. Pumunta siya sa kusina at nagsimulang maghiwa ng sibuyas.
  • Kailangan niyang magluto ng hapunan. Kailangan niyang maging perpektong asawa. Nang marinig niya ang tunog ng sasakyan ni Richard na pumarada sa garahe, huminga siya ng malalim. Showtime. Bumukas ang pinto. Pumasok si Richard amoy alak at pabango ng babae. Mukhang pagod at iritado. Oh, andito na pala kayo.
  • Akala ko ba may sakit kabatin nito ng walang gana? Humarap si Katherine may hawak na sandok at ibinigay ang pinakainos at pinakamapagkumbabang ngiti sa buong mundo. Magaling na ako, Richard. Salamat sa pagpapadala ng pera. Malambing niyang sabi. Ipinagluto kita ng paborito mo. Maupo ka na pagsisilbihan kita. Hindi alam ni Richard na ang babaeng nagsisilbi sa kanya ngayon ay siya ring babaeng maghuhukay ng kanyang libingan.
  • Mabigat ang hangin sa loob ng dining room. Ang tanging naririnig lamang ay ang tunog ng kubyertos na tumatama sa porsela ng plato. Nakaupo si Richard sa kabisera nakatingin sa kawalan habang ang kanyang steak na niluto ni Ctherine ng medium rare ayon sa gusto niya ay halos hindi nagagalaw. Si Katherine naman ay tahimik na naghihimay ng isda para kay Kai sa gilid.
  • Richard, hindi mo ba nagustuhan ang pagkain malambing na tanong ni Ctherine? Binabasag ang katahimikan. Binitawan ni Richard ang tinidor ng padabog. Klang napapitlag si Kai pagkain. Sa tingin mo ba, Katherine, makakakain ako ng maayos sa lagay ng kumpanya bulyao ni Richard? Hinilot niya ang kanyang sentido.
  • Umaarte na parang pasan niya ang buong daigdig. Bagsak na ang royal events. Wala na. Bankrap na tayo. Dahan-dahang ibinaba ni Ctherine ang kanyang kutsara. Sa loob-loob niya, gusto niyang palakpakan ang acting ng asawa. Best actor. Anong ibig mong sabihin? Tanong niya nilalakihan ng mata sa gulat. Akala ko ba akala ko ba maayos ang lahat? Ang dami mong kliyente ‘ ba? Kliyente tumawa ng mapakla si Richard. Puro reklamo ang mga kliyente.
  • Tumaas ang presyo ng suppliers. Naipit ang mga imports natin sa customs. At ang mga investors ay nagsisipag-atrasan. Baon ako sa utang Ctherine Milonmilyon tumayo si Richard at nagpalakad-lakad sa sala gulo-gulo ang buhok. Tinitigan siya ni Ctherine. Alam niyang kasinungalingan ang lahat.
  • Ang totoo, ang pera ay inililipat ni Richard sa ghost company nito at ipinangsusugal. Pero kailangan niyang sumakay sa laro. Diyos ko, anong gagawin natin mangiyak-ngiyak na tanong ni Ctherine? Huminto si Richard sa paglakad at humarap sa kanya. Ang mga mata nito ay nanlilisik parang isang predator na nakakita ng pagkakataon.
  • May paraan pa para maisalba ang kumpanya o kahit pambayad man lang sa interes ng bangko para hindi nila ilitin ang bahay na ‘to. Sabi ni Richard. Lumapit siya kay Ctherine. Yung ipon natin, yung joint savings na pinahahawakan ko sa’yo. Nasa PH800,000 din yon ‘ ba? Akin na ang passbook. Kailangan ko ngayon din. O na. Ito na ang sandaling hinihintay ni Ctherine. Ang checkmate sa unang round.
  • Yumuko si Ctherine pinaglalaruan ng laylayan ng kanyang damit. Nanginginig ang kanyang mga balikat. O. Richard, ano? Kunin mo na. Nagmamadali ako. Sigaw ni Richard. We wala na. Bulong ni Ctherine. Natigilan si Richard. Anong wala na? Nag-angat ng tingin si Ctherine na may luhang tumutulo sa pisngi. Wala na yung pera, Richard. Nagastos ko na.
  • Sa isang iglap, nagdilim ang paningin ni Richard. Hinablot niya ang braso ni Ctherine at hinila ito patayo. Anong nagastos? Saan mo dinala ang 800,000? May lalaki ka ba? Nasasaktan ako daing ni Ctherine. Hindi wala akong lalaki. Para kay Kay yon. Para kay Kay. Bumili ako ng educational plan at insurance. mabilis na paliwanag ni Ctherine humihikbi.
  • Sabi kasi ng kumari ko, maganda daw ang VUL ngayon para secured ang college ni Kai at ang kalusugan niya. Binayaran ko ng full payment para sa 20 years para hindi na natin intindihin. Binitiwan siya ni Richard pero hindi dahil sa awa. Binitiwan siya nito dahil sa sobrang galit. Tanga sigaw ni Richard. Napakabobo mo talaga. Hinampas ni Richard ang lamesa, ang mga plato baso at ang steak ay nagsiliparan at bumagsak sa sahig.
  • Basag, nagkalat ang bubog at pagkain sa tiles. Tumalsik ang sauce sa puting pantalon ni Ctherine. Mama, iyak ni Kay na tumakbo palapit at yumakap sa binti ng ina. Umalis ka diyan. Bata akmang sisipain ni Richard ang mga lego sa sahig. Richard, huwag ang anak natin sigaw ni Ctherine. Mabilis niyang niyakap si Kai at tinakpan ang tenga nito.
  • Kay pumasok ka sa kwarto. Sige na please. Huwag kang lalabas. Takot na takot na tumakbo si Kay papasok sa kwarto. Nang silang dalawa na lang ang natira sa gitna ng magulong kusina. Hinarap ni Richard si Katherine. Kailangan ko ng pera para sa kumpanya. Tapos itinapon mo sa walang kwentang insurance duro ni Richard sa mukha niya. Wala ka talagang silbi.
  • Palamunin pabigat sa loob-loob ni Ctherine. Gusto niyang ngumiti. Good. Maniwala ka na wala na akong pera. Maniwala ka na tanga ako. Ang totoo, ang pera ay hindi sa insurance napunta kundi inilipat niya sa account ng nanay niya bago pa man siya manalo sa lotto. Pero sa labas siya ay isang asawang nagmamakaawa.
  • Dahan-dahang lumuhod si Ctherine sa gitna ng mga basag na plato. Hindi niya inunda ang talim ng porselana na tumutusok sa kanyang tuhod. Patawarin mo ako, Richard, please. Pagmamakaawa niya, hawak ang laylayan ng pantalon ng asawa. Hindi ko alam na bankrupt na pala tayo. Gusto ko lang naman protektahan ang anak natin.
  • Akala ko matutuwa ka. Matutuwa sa kabuhan mo dura ni Richard Bibabawi ako hikbi ni Ctherine. Gagawin ko ang lahat tutulungan kita sa kumpanya. Tumigil si Richard tumingin siya sa asawang nakaluhod sa paanan niya. Isang ideya ang pumasok sa isip niya. isang evil idea. Kung nasa kumpanya si Ctherine, makikita nito kung gaano kalugi ang negosyo.
  • Mas madali itong mapapaniwala na kailangan nilang mag-divorce para hindi madamay si Ctherine sa mga kaso. At isa pa, gusto niyang ipahiya ito. Gusto niyang makita ni Nicole kung gaano kawalang kwenta ang asawa niya. Tutulong ka sarkastikong tanong ni Richard. Anong gagawin mo magluluto ng kare-kare? Habang hinahabol ako ng mga bangko? Kahit anong sagot ni Ctherine, nakayuko pa rin.
  • Gagawin ko ang trabaho ng cleaner o messenger para hindi ka na magpasweldo. Makakatipid ang kumpanya. Kahit walang sweldo, Richard, basta hayaan mo lang akong tulungan ka. Please hayaan mo akong bumawi sa kasalanan ko. Ngumisi si Richard. Tinitigan niya si Ctherine na parang isang basahan. Sige sabi ni Richard ang boses niya ay malamig at puno ng panghahamak.
  • Gusto mong tumulong? Bukas na bukas din sumama ka sa akin. Pero tandaan mo ito, Katherine. Sa opisina hindi kita asawa. Isa ka lang tao doon. Susundin mo lahat ng iuutos ko. At ni Nicole. Sini Nicole ang head ng operations ngayon kaya siya ang boss mo. Nag-angat ng tingin si Ctherine.
  • Oo, susundin ko si Nicole at huwag kang mag-aayos dagdag ni Richard habang tinitingnan ang mukha ni Ctherine. Huwag mong ipapahiya ang kumpanya sa pag-aastang donya. Magsuot ka ng damit na pangtrabaho. Pangjanitor kung kailangan. Opo, Richard. Tumalikod si Richard at naglakad papunta sa kwarto. “Linisin mo ang kalat na yan.” Nakakadiri.
  • Nang marinig ni Ctherine ang pagsara ng pinto ng kwarto, dahan-dahan siyang tumayo. Masakit ang tuhod niya dahil sa mga bubog. Ang damit niya ay marumi. Ang buhok niya ay gulo-gulo pero ang puso niya ay buo. Pinunasan niya ang luha. Tiningnan niya ang saradong pinto kung saan naroon ang asawa niya. Akala mo nanalo ka dahil napaluhod mo ako bulong niya sa hangin.
  • Hayaan mo Richard, ito na ang huling beses na luluhod ako sa’yo. Sa susunod na luluhod ang isa sa atin. Sisiguraduhin kong ikaw yon. Kinuha niya ang walis at dust pan. Habang nililinis ang mga basag na plato, nagpaplano na siya. Nakapasok na siya. Bukas magsisimula ang kanyang pagiging insider. Bukas makakaharap na niya si Nicole at bukas mahahanap niya ang ebidensya.
  • Napatingin siya sa kawalan at isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. 6:00 pa lang ng umaga ay gising na si Ctherine. Sa harap ng salamin, hindi niya inaayos ang sarili para gumanda. Inaayos niya ang sarili para magmukhang kaawa-awa. Nagsuot siya ng isang kupas na t-shirt na maluwag at lumang maong pants.
  • Tinali niya ang kanyang buhok ng mahigpit walang style at siniguradong wala ni katiting na pulbos o lipstick sa kanyang mukha. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon. Ito ang gusto nila. Bulong niya ang Katherine na walang laban. Iniwan niya si Kay sa kanyang mga magulang na lumuwas mula Laguna at tumutuloy muna sa isang apartment na inupahan niya ng patago.
  • Pagdating sa royal events, sumakay siya sa kotse ni Richard. Hindi sa passenger seat kundi sa likod kasama ang mga kahon ng giveaways. Pagbaba nila sa parking lot, nauna ng maglakad si Richard ni hindi man lang siya nito nilingon. Pagpasok sa lobby, naramdaman agad ni Ctherine ang mga mata ng mga empleyado. Si Bea, ang receptionist ay napatayo sa gulat nang makita ang asawa ng boss na nakabuntot dito na parang utusan may bitbit na mabibigat na folder.
  • “Good morning, Sir Richard. Ma’am Ctherine.” Bati ni Bea nag-aalangan. Huminto si Richard at humarap sa mga empleyado. Pumalakpak ito para kunin ang atensyon ng lahat. Listen everyone, anunyo ni Richard sa bariton boses. Gaya ng alam niyo tight ang budget ng kumpanya. We have to cut costs.
  • Kaya mula ngayon si Katherine muna ang hahawak ng utility at messengeral tasks. Siya ang maglilinis, magtitimpla ng kape at mag-aayos ng kalat niyo. Tahimik ang buong opisina. Walang makapaniwala. Ang asawa ng CEO gagawing Janny Tres. At isa pa, dagdag ni Richard na may halong diin dito sa opisina. Empleado siya. Huwag niyo siyang tawaging ma’am.
  • Tawagin niyo siyang Ctherine. Maliwanag? Ye. Yes, sir. Sabay-sabay nasagot ng mga staff. Bagamat bakas sa mukha nila ang awa at hiya para kay Ctherine. Yumuko lang si Ctherine yakap ang mga folder. Kayo na po ang bahala sa akin. Gagawin ko po ang lahat para makatulong. Biglang bumukas ang pinto ng elevator.
  • Lumabas si Nicole. Ibang-iba ang aura nito. Naka-red stiletto heels, fitted na pencil skirt at blazer na halatang mamahalin. Kumikinang ang kanyang mga alahas at amoy na amoy ang kanyang perfume sa buong kwarto. Naglakad siya palapit kay Richard at humalik sa pisngi nito isang beso na masyadong malapit para sa isang empleyado at boss.
  • Pagkatapos dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin kay Ctherine. Sang nangiti ng tagumpay ang sumilay sa kanyang mapulang labi. Oh, nandito ka na pala, Ctherine. Bati ni Nicole. Tiningnan niya ito mula na ulo hanggang paa na parang tinitingnan ang isang basurahan. Bagay sao ang suot mo. Very humble. Good morning, ma’am Nicole.
  • Sagot ni Ctherine ng hindi tumitingin sa mata nito. Tamang-tama. Sabi ni Nicole. Pakitimpla mo nga ako ng kape. Iced caramel makiato. Yung Starbucks style ha. Ayoko ng lasang instant. Dalhin mo sa office ko in 5 minutes. Tumalikod na si Nicole at pumasok sa office nito. Kasunod si Richard naiwan si Ctherine sa gitna ng opisina.
  • Nagsimula siyang maglakad papunta sa pantry. Ramdam niya ang bulungan ng mga empleyado. Grabe naman si Sir Richard. Bakit pumapayag si Ma’am Ctherine ng ganyan? Huminga ng malalim si Katherine. Hayaan niyo silang maawa. Ang awa ay sandata. Sa loob ng isang linggo, naging impyerno ang buhay ni Ctherine sa royal events. Utos dito, utos doon.
  • Pinapapunta siya ni Nicole sa kabilang ibayo ng Makati para lang bumili ng organic salad. Tapos pagbalik niya ay sasabihin nitong hindi na siya gutom. Pinapalinis sa kanya ang CR ng mga lalaki pero ang pinakamatinding eksena ay nangyari noong miyerkules ng hapon. Nagpupulong ang marketing team sa conference room.
  • Nandoon si Richard Nicole at ilang key staff. Inutusan si Ctherine na magsilbi ng snacks habang inilalapag ni Ctherine ang train ng iced tea sa mesa. Aksidenteng nasagi ng siko ni Nicole ang baso. Splash. Tumapon ang malamig at malagkit na ice tea sa sahig at tumalsik pa ito sa mamahaling sapatos ni Nicole. Ay ano ba yan? Tin ni Nicole. Tumayo siya agad.
  • Tignan mo ang ginawa mo. Ang clumsy mo talaga. Alam mo bang limited edition ong sapatos ko? Sorry po ma’am hindi ko sinasadya. Mabilis na sabi ni Ctherine kahit alam niyang hindi naman siya ang may kasalanan. Kumuha siya ng tissue para punasan. “Huwag mong gamitan ng tissue yan!” sigaw ni Nicole. Maglalasgas yan.
  • Gamitan mo ng basahan at linisin mo ang sahig. Ngayon na. Nagkatinginan ang mga staff. Nakatingin din si Richard pero wala itong ginawa. Nakasandal lang ito sa upuan pinanonood ang asawa na mapahiya. Dahan-dahang lumuhod si Ctherine. Sa harap ng s tao sa harap ng kabit ng asawa niya. At sa harap ng lalaking pinakasalan niya, lumuhod siya sa sahig.
  • Kinuha niya ang basahan mula sa kanyang bulsa at sinimulang punasan ng ice tea. Nasa tapat ng mukha niya ang sapatos ni Nicole. Nakikita niya ang red soul nito. “Tandaan mo ang sapatos na ito?” Catherine sabi niya sa sarili habang kinakagat ang labi para pigilan ang luha. Balang araw ako naman ang tatapa sa inyo. Bilisan mo.
  • Utos ni Nicole habang nakatingin sa kanya sa baba. Nag-aaksaya tayo ng oras dahil sa katangahan mo. Nang matapos tumayo si Ctherine, bitbit ang basang-basahan na kulay ice. Tapos na po ma’am. Mahinang sabi niya. Get out. Hirap ni Nicole. Lumabas si Ctherine ng conference room. Pagkasara ng pinto, narinig niya ang tawanan sa loob. Tawanan na parang mga demonyo.
  • Dumiretso siya sa pantry. Nanginginig ang kamay niya sa galit pero kailangan niyang kumalma. Tumingin siya sa paligid. Sa sulok ng pantry may isang mesang maliit. Doon nakaupo si Aling Teresa ang chief accountant ng kumpanya. Matagal na si Teresa sa royal events. Nasa 50s na ito laging nakasalamin at laging mukhang stress.
  • Siya ang laging kausap ni Richard sa telepono tuwing may problema sa pera. Napansin ni Ctherine na laging mag-isang kumakain si Teresa. Hindi ito sumasabay sa mga bata at maiingay na marketing staff. May baon itong simpleng ulam sa topperwear. Ito ang target niya. Kinuha ni Ctherine ang bao niyang lunch bag.
  • Huminga siya ng malalim at nilapitan ng matanda. Hi Aling Teresa. Bati ni Ctherine sa pinakamalambing niyang boses. Pwede po bang maki-share ng table? Wala po kasi akong kasabay. Nag-angat ng tingin si Teresa. Inayos nito ang salamin. May halong gulat at awa sa mata nito. Nakita niya ang mantsa sa damit ni Ctherine galing sa Ia.
  • Te Oo naman Ctherine. Maupo ka. Sagot ni Teresa. Nabalitaan ko ang nangyari kanina. Pagpasensyahan mo na si Ma’am Nicole. Mainit lang talaga ang ulo noon. Umupo si Ctherine at binuksan ang kaniyang topperwear. Ang laman kare-kareng baka na may makapal na peanut sauce at sariling gawang bagoong. Agad na kumalat ang masarap na amoy sa maliit na pantry.
  • Napatingin si Teresa sa pagkain. Napalunok ito. Ang baon lang ni Teresa ay pritong isda at kanin. Naku, ang bango naman niyan. Napigilang po ni Teresa. Ngumiti si Ctherine. Sobra po ang naluto ko. Ito po kasi ang paborito ni Richard dati. Kaso hindi na siya kumakain ng luto ko ngayon. Sayang naman po kung itatapon.
  • Gusto niyo po ba tikman? Marami po akong dalang bagoong. Naku, nakakahiya naman. Ikaw ang nagluto. Opo. Ito lang naman po ang alam kong gawin. Pagpapakumbaba ni Ctherine, kumuha siya ng extrang platito at nilagyan ng kare-kare at iniabot kay Teresa. Sige na po, Aling Teresa. Mas masarap kumain kapag may kasabay. At saka kailangan ko rin po ng kausap.
  • Pakiramdam ko po kasi mag-isa lang ako dito. Natigilan si Teresa. Tinitigan niya si Ctherine. Nakita niya ang lungkot sa mata ng babae. Si Teresa na isang at may mga anak na nasa abroad ay alam ang pakiramdam ng pag-iisa. Tinanggap ni Teresa ang platito. Salamat, Ineng. Tinikman niya ito. N laki ang mata ni Teresa.
  • Diyos ko, ang sarap. Bulalas ni Teresa. Ctherine Chef ang level ng luto mo. Mas masarap pa ito kaysa sa caterer natin sa mga events. Gumiti si Ctherine pero may halong pait. Salamat po. Sana nga po naa-appreciate din ni Richard yan. Kaso sabi niya wala daw akong silbi. Pabigat lang daw ako sa kumpanya. Bumaba ang tingin ni Teresa.
  • Alam niya ang totoo. Alam niyang si Ctherine ang legal wife at si Nicole ang kabit. Alam din niya ang mga financial maneuver na pinagagawa ni Richard sa kanya. Nakakaramdam siya ng guilt pero takot siyang mawalan ng trabaho. “Huwag kang maniwala diyan.” bulong ni Teresa habang sumusubo ng kanin.
  • Masipag ka at mabuti kang tao. Nakikita ko yon. Salamat po, Aling Teresa. Sagot ni Ctherine. Pagkatapos ay inilapit niya ng kaunti ang mukha niya at binabaan ng boses. Kaya nga po nagtatrabaho ako ng libre dito eh. Gusto kong tulungan si Richard. Sabi niya kasi bankrupt na daw tayo. Totoo po ba yon? Sobra po akong nag-aalala sa kanya.
  • Nasa mid si Teresa. Uminom ito agad ng tubig. Ah ah. Umiwas ng tingin si Teresa. Hindi ito makatingin ng diretso kay Ctherine. Alam mo naman ang negosyo minsan up minsan down. Napansin ni Ctherine ang pagkabalisa ni Teresa. Napansin niya ang panginginig ng kamay nito. Hindi ito ang reaksyon ng taong nagsasabi ng totoo.
  • Ito ang reaksyon ng taong may itinatago. Bingo. Sa bagay po, sabi na lang ni Ctherine hindi na namilit. Basta po kung may maitutulong ako, sabihin niyo lang. Kahit taga Zerox o taga tapon ng basura. Kumain na lang tayo, Katherine. Sabi ni Teresa. Pero mas malambot na ang tono nito ngayon.
  • Sa tanghaling iyon, nabuo ang isang tulay. Isang tulay na gawa sa kare-kare at awa. Habang kumakain sila lihim na pinagmamasda ni Ctherine ang ID lace ni Teresa. Nakita niya ang susi na nakasabit doon. Susi ng filing cabinet. Malapit na sabi ni Ctherine sa sarili. Konti na lang Teresa. Kakampi na kita. Sa labas ng pantry narinig niya ang boses ni Nicole na sumisigaw na naman sa hallway.
  • Pero sa pagkakataong ito, hindi na natakot si Ctherine dahil alam niyang nasa loob na siya ng kuta ng kalaban at nagsisimula na siyang magtanim ng bomba. Isang linggo na ang nakalipas. Sa loob ng panahong yon, naging invisible si Katherine sa opisina. Siya ang babaeng tagawalis, tagaapon ng basura at tagatimpla ng kape.
  • Para kay Richard at Nicole, isa na lang siyang anino. Walang boses, walang silbi. Pero hindi nila alam ang aninong ito ay may matatalas na mata. Araw ng biyernes. Ito ang deadline ng monthly report. Tensionado ang buong opisina. Habang nagpupunas ng salamin sa hallway malapit sa finance department, napansin ni Ctherine ang kakaibang kilos ni Aling Teresa.
  • Tuwing papasok si Richard o Nicole sa kwarto, mabilis na isinasara ni Teresa ang kanyang laptop at ipinapatong sa ibabaw nito ang isang makapal na black folder. Pero kapag umaalis na ang mga ito, inilalabas ni Teresa mula sa kanyang drawer ang isang lumang blue Ledger notebook. at binubuksan muli ang laptop para mag-input ng data.
  • Dalawang libro isip ni Ctherine, isang itim para sa BIR at kay Richard na lugi kunwari at isang asul para sa totoong pera. Kailangan niya ang laman ng blue book at ang soft copy sa laptop pero paano hindi umaalis si Teresa sa pwesto niya kapag deadline? Biglang dumating ang pagkakataon. May food tasting na nagaganap sa function room para sa isang debut.
  • Ang caterer ay nagse-setup ng buffet warmer. Pumasok si Ctherine sa pantry na katabi lang ng finance office. Nakita niya ang microwave oven. Kumuha siya ng isang bag ng popcorn at isang plastic container. Inilagay niya ito sa loob at pinihit ang timer sa 30 minutes. High heat. Lumabas siya agad at naglakad palayo kunwari ay maglilinis ng CR sa kabilang dulo.
  • Pagkalipas ng limang minuto, amoy sunog. Nagsimulang umusok ang pantry. Ang usok ng nasusunog na plastic at popcorn ay kumalat sa air conduct. Tumunog ang fire alarm. Sunog may sunog sa pantry sigaw ng isang staff. Nagkagulo, nagsilabasan ang mga empleyado. Si Richard at Nicole na nasa meeting ay mabilis na lumabas.
  • Takot na takot sa kanilang kaligtasan. Evacuate everyone out. Sigaw ni Richard. Nakita ni Ctherine si Aling Teresa. Nagmamadali itong tumayo bitbit ang kanyang handbag pero naiwan nito ang laptop at ang blue book sa mesa dahil sa taranta. Sumabay si Teresa sa agos ng mga taong pababa ng fire exit. Ito na sa gitna ng kaguluhan habang ang lahat ay tumatakbo, palabas si Katherine ay tumakbo papasok.
  • Tinakpan niya ng panyo ang ilong at bibig niya dahil sa usok. Pumasok siya sa opisina ni Teresa. Ang laptop ay bukas pa. Hindi nag-logout si Teresa dahil sa gulat. Mabilis ang mga kamay ni Ctherine. Inilabas niya ang binili niyang highspeed flash drive mula sa kanyang bra. Isinaksak niya ito sa USB port.
  • Hinanap niya ang folder na may pangalang Royal Internal Reel. Copy. Paste to USB. Lumabas ang progress bar. 10% 25% ang bagal. Ang daming files, mga resibo bank transfers at ghost payrolls. 50%. Rinig na rinig ni Ctherine ang tibok ng puso niya sa kanyang tenga. Ang usok ay kumakapal na sa labas. Baka may pumasok na bumbero o security guard. 85%.
  • Biglang bumukas ang pinto. Napatalon si Ctherine. Hinarangan niya ang laptop gamit ang katawan niya, si Aling Teresa. Bumalik siya. Hingal na hingal pawisan at may panyong nakatakip sa ilong. Ctherine! Gulat ng sigaw ni Teresa. Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka pa lumalabas? Tumingin si Teresa sa likod ni Ctherine.
  • Nakita niya ang flash drive na umiilaw sa gilid ng laptop. Nanlaki ang mga mata ng matanda. Diyos ko, ninanakawan mo ba ang kumpanya? Aling Teresa, please. Nanginginig na sabi ni Ctherine. Ipapatawag ko ang guard. Sasabihin ko kay Sir Richard. Akmang tatalikod si Teresa para sumigaw. Huwag.
  • Tumakbo si Ctherine at lumuhod sa paan ni Teresa. Niyakap niya ang binti ng matanda. Umiiyak siya. Hindi dahil sa takot kundi dahil kailangan niyang makuha ang puso nito. Aling Teresa, Maawa po kayo. Hindi ko po ninanakawan ang kumpanya. Kinukuha ko lang po ang ebidensya para iligtas ang sarili ko. Huminto si Teresa. Tumingin siya sa baba.
  • Anong ebidensya? Tumingala si Ctherine. Ang mukha ay basang-basa ng luha. Alam niyo po ang totoo ‘ ba? Alam niyo na hindi bankrop ang kumpanya. Alam niyong nililipat ni Richard ang pera sa account ng tatay niya at alam niyo rin na ipapasa niya sa akin lahat ng utang namutla si Teresa. Narinig ko po sila. Patuloy ni Ctherine.
  • Si Richard at si Nicole. Plano nilang ipakulong ako. Plano nilang kunin si Kay kapag nasa kulungan na ako. Aling Teresa, nanay din po kayo. Hahayaan niyo po bang mangyari yon sa isang ina na wala namang ginagawang masama? Napahawak si Teresa sa bibig niya. Naalala niya ang mga utos ni Richard. Teresa, lutuin mo ang libro.
  • Teresa, ilagay mo ang pangalan ni Ctherine sa mga bad loans. Matagal na siyang kinakain ng konsensya. Sa screen ng laptop, nag-blink ang mensahe. Copy complete. Aling Teresa, bulong ni Ctherine. Tulungan niyo po ako. Hindi ko po kayo idadamay. Pangako. Kailangan ko lang ng panlaban. Katahimikan. Tanging ang tunog ng alarm sa malayo ang naririnig.
  • Dahan-dahang yumuko si Teresa. Hinawakan niya ang balikat ni Ctherine at itinayo ito. Tumingin si Teresa sa Blue Ledger sa mesa. Kinuha niya ito. Ito. Abot ni Teresa sa blue book. Kunan mo ng litrato ang pahina. Eh hanggang 60. Nandoon ang mga pirma ni Richard sa mga illegal transfers.
  • Ang files sa laptop encrypted yan. Hindi mo mabubuksan kung wala ang password. nagulat si Ctherine. Ang password. Kumuha ng sticky note si Teresa at nagsulat ng mabilis. Idinikit niya ito sa flash drive ni Ctherine. Yan ang password. Nicole Forever 24. Yan ang kahibangan ng asawa mo. Mapait na sabi ni Teresa. Bakit? Bakit niyo ako tinutulungan? Tanong ni Ctherine habang nanginginig na kinukunan ng litrato ang ledger gamit ang phone niya.
  • Bumuntong hininga si Teresa dahil kanina nung sinigaw ni Nicole na iligtas ang mga gamit ko, ikaw, ikaw ang unang pumasok sa isip ko. Mabuti kang tao, Ctherine at pagod na rin ako. Pagod na akong maging kasangkapan ng kasamaan nila. Salamat po. Maraming salamat po. Hagulgol ni Ctherine. Umalis ka na. utos ni Teresa. Daan mo ang backdoor.
  • Ako na ang bahala dito. Sasabihin ko na na-corrupt ang files dahil sa power interruption kaya nawawala ang logs. Tumango si Ctherine. Hinugot niya ang flash drive. Niyakap niya ng mabilis si Teresa at tumakbo palabas ng finance office dumaan sa likod kung saan walang CCTV. Paglabas niya ng building, nakahalo siya sa dami ng tao.
  • Nakita niya si Richard na yakap-yakap si Nicole sa gilid ng kalsada habang si Nicole ay umaarte nahihilo sa usok. Napahawak si Ctherine sa bulsa niya. Naroon ng flash drive. Naroon ang phone niya na may litrato ng blue book. Ang usok mula sa pantry ay unti-unting nawawala. Pero ang apoy ng paghihiganti ni Ctherine ay lalo pang lumalagablab.
  • Tapos na ang pagiging alalay ko isip niya habang tinititigan ang magkalaguyo. Hawak ko na ang leeg niyo. Kinabukasan, pagkatapos ng insidente ng sunog sa pantry, pumasok si Ctherine sa opisina ni Richard. Hindi siya naglinis. Hindi siya nagtimpla ng kape. Nakatayo lang siya sa harap ng mesa ng asawa. Suot ang kanyang lumang damit pero may kakaibang lamig sa kanyang mga mata.
  • Ano na naman ba Cherine Bulyw ni Richard habang ka-text si Nicole sa cellphone. Kung hihingi ka na naman ng pera para sa tuation ni Kay umalis ka na. Wala akong pera. Huminga ng malalim si Ctherine. Inilabas niya ang kanyang ID lace at dahan-dahang ipinatong sa mesa ni Richard.
  • Ayoko na Richard mahinang sabi niya pero may diin. Napatingin si Richard. Anong ayaw mo na? Pagod na ako sagot ni Ctherine. Pinipigilan ang ngiti ng tagumpay. Pagod na akong maging alila sa sarili kong kumpanya. Pagod na akong ipahiya ni Nicole at natatakot ako. Muntik na akong masunog kahapon. Hindi ko kayang iwan si Kay ng walang nanay.
  • Tumawa si Richard. Isang tawang puno ng pangmaliit. Sa wakas sumuko ka rin. Sabi ko naman sa’yo, wala kang silbi dito. Good ridance. Mas makakatipid kami kung wala ka. Aalis na ako. At pumapayag na rin ako sa gusto mo dagdag ni Ctherine yumuko para itago ang kanyang ekspresyon. Kung gusto mong maghiwalay na tayo para ako madamay sa utang ng kumpanya, pipirma ako.
  • Natigilan si Richard. Nagnining ang mga mata nito. Ito ang gusto niya. Mabuti naman at gumana na yang utak mo ngisi ni Richard. Ihahanda ko ang mga papel sa susunod na linggo. Sa ngayon lumayas ka na sa paningin ko. Tumalikod si Ctherine at naglakad palabas. Pagkasara ng pinto na wala ang lungkot sa mukha niya. Pinalitan ito ng determinasyon.
  • Tapos na ang pagpapanggap sa loob ngayon. Sisimulan ko na ang gyera sa labas, hapon. Ang init ng araw ay tumatama sa aspalto ng isang masikip na kalye sa Tondo. Malayo ito sa airconditioned na opisina ng royal events. Bumaba si Ctherine sa isang taxi. Iniwan niya ang bago niyang sasakyan para hindi agaw atensyon.
  • Suot niya ang simpleng blouse at slacks. Bitbit ang isang envelope. Huminto siya sa harap ng isang maliit na karenderya na may pangalang Dougs Paris at Mommy. Mausok maingay at mainit. Ang mga tricycle driver at kargador ay nakapila para kumain. Sa likod ng malaking kaldero, isang lalaking nasa mid40s may malaking pangangatawan, balbas sarado at may pilat sa braso ang abala sa paghahalo ng sabaw.
  • Si Chef Douglas, dati siyang executive chef ng Royal Events, siya ang utak sa likod ng masasarap na menu na nagpasikat sa kumpanya noon. Pero dalawang taon na ang nakakaraan, tinanggal siya ni Richard. Inakusahan siya ni Richard na nagnanakaw ng ingredients, sinira ang pangalan niya sa industriya at pinalitan ng mas murang supplier para makatipid.
  • Umupo si Ctherine sa isang bakanteng silya na gawa sa monoblock. Isa ngang beef Paris chef order ni Ctherine na patingin si Douglas. Natigilan siya sa paghahalo. Kilala niya ang mukhang yon. Wala kaming chef dito. Misma sungit na sagot ni Douglas. At kung naliligaw ka, hindi ito lugar para sa mga sosyal. Hindi ako naliligaw.
  • Douglas sagot ni Ctherine. Kumunot ang noon ni Douglas. Binitawan niya ang sandok at lumapit sa mesa. Pinupunasan ng kamay sa maruming apron. Anong ginagawa ng asawa ni Richard dito? Galit na bulong niya. Nandito ka ba para insultuhin ako ulit? Para sabihin na successful na kayo habang ako nagluluto sa kalsada? Tikman ko muna ang luto mo.
  • Kalmadong sagot ni Ctherine. Inabutan siya ng staff ng isang mangkok ng pares. Humigop si Katherine ng sabaw. Ang lasa. Perfect. Malasa malambot ang karne at may tamang balanse ng tamis at alat. Kahit sa karenderya lang, ang kalidad ay panghotel pa rin. Sayang ang talentong ito. Binaba ni Ctherine ang kutsara. Tumingin siya ng diretso sa mata ni Douglas. Masarap.
  • Sayang at dito lang bumabagsak ang talento mo. Sabi ni Ctherine. Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko, banta ni Douglas. Wala akong panahon sa inyo ng asawa mo. Hiwalay na kami. Well, malapit na. Sabi ni Ctherine. At kaya ako nandito, Douglas ay dahil pareho tayo ng kalaban. Pareho tayong ninakawan ni Richard. Natigilan si Douglas.
  • Anong ibig mong sabihin? Inilabas ni Ctherine ang envelope. Inilapag niya sa mesa ang mga print out ng email at ledger na nakuha niya kay Teresa. Basahin mo. Pahina utos ni Ctherine. Kinuha ni Douglas ang papel. Binasa niya ito. Nan laki ang mga mata niya. Ito ang internal memo ni Richard. Dalawang taon na ang nakakaraan.
  • Subject termination of Douglas. Plan. plant fake evidence of thef inside his locker. Reason too expensive. Need to cut cost for higher profit margin. Nanginig ang kamay ni Douglas. Nilukot niya ang papel. Hayop siya. Sabi na nga ba? Sinirat niya ako. Sinira niya ang buhay ko dahil sa kanya iniwan ako ng asawa ko kasi nawalan ako ng trabaho.
  • Wala na akong nakuha kahit backpay. At hindi lang yun dagdag ni Ctherine. Alam kong baon ka sa utang ngayon sa Bombay para lang mapanatili ang karenderyang ito. Ano bang kailangan mo sigaw ni Douglas? Nandito ka ba para ipamukha sa akin to? Nandito ako para bigyan ka ng pagkakataong gumanti. Sagot ni Ctherine.
  • Ang boses niya ay naging seryoso. Tunog negosyante. Hindi na tunog housewife. Gusto kong ibagsak ang royal events. Gusto kong agawin ang lahat ng kliyente nila. At kailangan ko ng chef na kayang magluto ng pagkaing hinding-hindi nila matatalo. Tumawa ng mapakla si Douglas. Gumanti. Patawa ka ba, Ctherine? Wala kang pera? Wala akong pera.
  • Ang royal events ay sikat na. Paano natin sila lalabanan? Gamit ang paris ko, kinuha ni Ctherine ang kanyang cellphone. Binuksan niya ang kanyang bank app. Ipinakita niya ang balanse kay Douglas. Hindi ipinakita ni Ctherine ang buong 300 million. Naglipat lang siya ng sapat na halaga sa isang checking account.
  • Available balance P 20,000. Nalaglag ang pangan ni Douglas. Tumingin siya sa cellphone tapos kay Ctherine tapos sa cellphone ulit. Paano? Akala ko ba? Nanalo ako sa lotto bulong ni Ctherine pero walang nakakaalam. Lalo na si Richard. Gagamitin ko ang perang ito para durugin siya. Ibinalik ni Ctherine ang cellphone sa bag.
  • Magtatayo tayo ng bagong catering company. High end. Exclusive. Ako ang bahala sa capital, sa management at sa strategy. Ikaw ang bahala sa kusina. Ikaw ang magiging head chef at partner. Bibigyan kita ng 20% share sa kumpanya plus salary na triple ng sweldo mo dati kay Richard. Hindi makapagsalita si Douglas. Mula sa pagiging cook sa kalsada, inaalok siya ngayon ng milyon at paghihiganti.
  • Bakit ako tanong ni Douglas? Dahil galit ka sagot ni Ctherine, ang taong galit hindi napapagod. Ang taong galit gagawin ang lahat para manalo at alam kong mismo ng magluto para sa mga taong nakaka-appreciate ng gawa mo. Inilahad ni Ctherine ang kanyang kamay sa ibabaw ng maruming mesa ng karenderya. Ano? Chef Douglas hayaan na lang ba nating manalo ang demonyo o ipapakita natin sa kanya kung sino ang totoong hari ng kusina? Tinitigan ni Douglas ang kamay ni Ctherine.
  • Tumingin siya sa paligid ng kanyang maliit at mainit na pwesto. Naalala niya ang kahihiyan noong pinalayas siya ng security guard sa royal events. Pinunasan ni Douglas ang kanyang kamay sa apron. Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay mahigpit na kinamayan si Ctherine. Ang kanyang mata ay naga-aapoy sa determinasyon. Sige sagot ni Douglas.
  • Lulutuin natin sila ng buhay. Ngumiti si Katherine. Magaling. Anong itatawag natin sa kumpanya? Tanong ni Douglas. Tumingin si Ctherine sa malaking apoy sa ilalim ng kaldero ng Pares. Galing tayo sa Abu Douglas. Sinunog tayo ng mga taong pinagkatiwalaan natin pero babangon tayo. Tumingin siya sa dating chef. Phoenix Fast. Sabi ni Ctherine.
  • Yan ang pangalan. Phoenix Feast Catering and Events. Babangon tayo at liliparin natin ang Rurok na hindi na nila kayang abutin. Sa araw na yon sa gitna ng usok at ingay ng Tondo, nabuo ang alyansang wawasak sa kaharian ni Richard. Maghanda ka, Chef. Utos ni Ctherine habang tumatayo. Isara mo na ‘tong karenderya. Bukas maghahanap tayo ng commercial kitchen at sa susunod na buwan aagawin natin ang pinakamalaking kliyente ng royal events.
  • Sino ang golden wedding ni Senator Villareal? Sagot ni Ctherine. Iyun ang target ni Richard at yun ang una nating kukunin. Naiwan si Douglas na nakanganga habang naglalakad palayo si Ctherine. Hindi na ito ang asawang api. Ito ay isang mastermind. Anim na buwan. Mabilis na lumipas ang panahon. Sa loob ng anim na buwan, tahimik na nagbago ang ihip ng hangin sa industriya ng catering sa Metro Manila.
  • Sa isang malawak at state of the art na commercial kitchen sa Quezon City, abala ang lahat. Ang tunog ng mga kutsilyong tumatadtad, ang huni ng exhaust fans at ang sigaw ng mga kusinero ay parang isang orchestra. Chef ready na ang sauce para sa lechon belly. sigaw ng isang SHF. Tikman mo kulang sa truffle oil.
  • Ulitin mo sigaw pabalik ni Chef Douglas. Si Douglas na dati ay nagtitinda lang ng pares sa mausok na kalsada ng tundo. Ngayon ay nakasuot na ng malinis at puting chef’s uniform na may burda ng gintong ibon. Sa dibdib ang logo ng Phoenix Feast. Bumukas ang pinto ng opisina sa itaas na may tanaw sa buong kusina. Lumabas si Katherine.
  • Ibang-iba na siya sa Ctherine na kilala ni Richard. Wala na ang lusyang na damit. Nakasuot siya ng power suit na kulay cream na ka-heels at ang buhok niya ay naka-bob cut na nagpapatingkad sa kanyang leeg at mamahaling hikaw. Pero sa kumpanya kilala lang siya bilang Miss Cat. Ang misteryosong investor at strategist. Douglas, tawag ni Ctherine mula sa intercom.
  • Ready na ba ang samples? Papunta na tayo sa Softitel. Hinihintay na tayo ni Senator Villare Real. Tumingala si Douglas at sumaludo. Ready na boss! Lulutuin natin sila ng buhay. Samantala sa opisina ng Royal Events kabaligtaran ang sitwasyon. Ano? Nag-backout na naman ang flower supplier. Sigaw ni Richard habang binabato ang telepono sa lamesa.
  • Nasa gilid si Nicole hinihimas ang kanyang tiyan na medyo umuumbok na dahil sa pagbubuntis. Pero sa halip na magmukhang glowing mukha itong haggard. “Babe, hindi kasi natin sila nababayaran on time.” reklamo ni Nicole. Pati ang aircon dito sa opisina sira na naman. Ang init. Paano ako makakapagtrabaho niyan? Pwede ba Nicole? Tumahimik ka muna, Bulyaw ni Richard.
  • Nasa bingit tayo ng bankrupt sea. Kailangan nating makuha ang kontrata para sa golden wedding anniversary ni Senator Villareal. Iyun ang ticket natin para makabayad sa mga utang. Ang golden wedding ng mga Villa Real ang event of the year. Daan-daang milyonaryo at pulitiko ang dadalo. Kung sino man ang caterer, siguradong sisikat at dadagsain ang projects.
  • Sino ba ang kalaban natin? Sa biding tanong ni Nicole. Isang bagong kumpanya. Phoenix fees daw ang pangalan sagot ni Richard habang inaayos ang kanyang nectie. Wala akong pakialam kung sino sila. Baguhan lang sila. Tayo ang royal events. Kilala tayo ng senador. Dapat lang makuha mo yan Richard Bantani Nicole.
  • Kailangan ko ng pambayad sa ospital at sa baby shower ko. Sa function hall ng Sofitel, nakaupo si Senator Vicente Villare Realal at ang kanyang asawa ang mataray at mapiling si Donya Imelda. Naunang magpresenta ang royal events. Pumasok si Richard na may dalang malaking ngiti. Kasunod ang kanyang mga waiter.
  • Good afternoon, Senator Donya Imelda. Bati ni Richard Todo ang charm. Para sa inyong espesyal na araw. Ang royal events ay naghanda ng Classic European menu, chicken cordon blue pasta carbonara at roast beef with mushroom sauce. Inilapag ang mga pagkain. Mukhang maganda ang plating. Pero nang hiwain ni Donya Imelda ang manok, kumunot ang noon nito.
  • Ang tigas komento ng donya at ang sauce lasang instant. Namutla si Richard. Ma’am, imported po ang ingredients namin. Imported. Tinaasan siya ng kilay ng senador. Bakit ang rose beef niyo makunat? At ang carbonara bakit parang scrambled egg ang luto? Richard, kilala kita. Pero parang bumaba ang kalidad niyo ngayon. Pipasensya na po sir. May May issue lang sa supplier palusot ni Richard pinagpapawisan ng malapot.
  • Next sigaw ni Donya Imelda tinulak palayo ang plato. Sana naman mas okay itong susunod. Gutom na ako. Bumukas ang malaking pinto. Pumasok ang team ng Phoenix Feast. Hindi sila nagdala ng garbo sa entrance. Tahimik at professional ang mga staff. Sa gitna nila naglalakad si Chef Douglas.
  • Suot ang kanyang malinis na uniform. Nanlaki ang mata ni Richard. Douglas bulalas ni Richard. Anong ginagawa ng patay gutom na yan dito? Hindi siya pinansin ni Douglas. Yumuko ito sa senador. Magandang hapon po. Ako po si Chef Douglas head chef ng Phoenix Feast. Ang aming managing partner ay nasa likod nanonood pero hinayaan niya akong pangunahan ng demo na ito.
  • Lumingon si Richard sa likod ng kwarto. May nakita siyang babae na nakatayo sa dilim. Nakasuot ng malaking sumbrero at sunglasses. Pamilyar ang tindig nito pero hindi niya maaninag ang mukha. Para sa inyo po panimula ni Douglas, hindi kami naghanda ng European menu. Alam namin na ang Golden Wedding ay tungkol sa pamilya sa kasaysayan at sa pagmamahal.
  • Kaya ang handog namin ay Elevated Filipino Heritage Cuisine. Inilabas ng mga waiter ang unang dish. Ito po ang Wagu beef kare-kare na may truffle peanut sauce at crispy bagong alamang. Paliwanag ni Douglas. Napasinghap si Richard. Kare-kare, Iun ang signature dish ng asawa niyang si Ctherine. Pero paano nakuha ni Douglas ang recipe? Tinikman ni Donya Imelda ang pagkain.
  • Sa unang subo pumikit ang matanda. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang masungit na mukha. Diyos ko, bulong ng donya. Ang lasang ito, pamilyar. Parang luto ng lola ko sa Pampanga pero mas sosyal at mas malinamnam. Ang beef natutunaw sa bibig. Masarap sangay ng senador habang sunod-sunod ang subo. Ito ang gusto ko. Pagkaing pilipino na pwedeng ipagmalaki sa international guests.
  • Sinundan pa ito ng seafood paeya na punong-puno ng sariwang lobster at prze at dert trio ng ube halaya cheesecake, leche, flanturon at chocolatee. Walang sinabi ang menu ni Richard. Ang royal events ay parang karenderya lang kumpara sa fine dining ng Phoenix Feast. Wala ng kailangang pag-usapan deklara ni Senator Villareal.
  • Pinupunasan ng bibig gamit ang napkin. Phoenix Fist, kayo ang panalo. Kayo ang magka-cater sa anniversaryo namin. Budget is not an issue. Gusto ko ang quality niyo. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Richard. Teka lang. Senator. Protesta ni Richard lumapit sa mesa. Hindi pwede ‘to. Ang Douglas na ‘yan. Magnanakaw ‘yan.
  • Tinanggal ko siya sa kumpanya ko dahil nagnanakaw siya ng karne. Paano niyo pagkakatiwalaan ang kriminal na yan? Tumahimik ang buong kwarto. Tumingin si Douglas kay Richard. Kalmado lang si Douglas. Magnanakaw sagot ni Douglas ng may diin. Sir Richard, baka nakakalimutan niyo kung sino talaga ang nagnakaw sa atin. Ang galing naman ng paratang niyo pero ang dumi ng record niyo. Abat’t sumasagot ka pa, Akmang.
  • Susugurin ni Richard si Douglas. Itinaas niya ang kanyang kamao. “Security!” sigaw ni Donya Imelda. Agad na hinawakan ng dalawang bodyguard si Richard at pinilipit ang braso nito sa likod. “Aray! Bitiwan niyo ako,” sigaw ni Richard nagwawala. Nasagi niya ang isang waiter at nabasag ang mga baso ng wine. Crash.
  • Ang unpressional mo, Richard galit na sabi ng senador. Hindi lang pangit ang pagkain mo pati ugali mo Bulok Blacklisted na ang royal events sa lahat ng projects ko at ng mga kaibigan ko. Ilabas niyo ang taong yan. Habang kinakaladkad palabas si Richard nagpupumiglas. Ito sumisigaw ng mga mura. Dinaya niyo ako.
  • Hindi pa tayo tapos Douglas. Pababagsakin ko kayo. Sa gitna ng kaguluhan nanatiling nakatayo si Douglas. Matatag at taas noo. Yumuko siya sa senador. Pasensya na po sa abala sir. Sa likuran ng hall sa may balcony kung saan nakatayo ang misteryosong babae. Tinanggal ni Ctherine ang kanyang sunglasses. Sandali. Nakita niya ang buong pangyayari.
  • Nakita niya kung paano ipahiya ng asawa niya ang sarili nito. Nakita niya ang pagbagsak ng reputasyon ng royal events sa loob lang ng isang oras, isang malamig na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Kinuha niya ang kanyang phone at nag-type ng message kay Aling Teresa. Na-resigned na rin at lihim na nagtatrabaho para sa Phoenix Feast bilang consultant.
  • Message sent: nakuha natin ang kontrata. Simulan na ang phase two. Ihanda ang mga dokumento para sa diborsyo. Isinuot muli ni Ctherine ang salamin at tahimik na lumabas sa side exit. Si Richard ay nagsisimula palang matalo at siya ay nagsisimula palang manalo. Ang Phoenix ay nakalipad na at ang Royal ay unti-unti ng nagiging abo.
  • Amoy alak at sigarilyo ang loob ng opisina ni Richard. Kalat-kalat ang mga demand letter mula sa bangko final notice mula sa mga supplier at mga banta mula sa mga loan shark na pinagkautangan niya sa sugal ang pagkatalo nila sa golden wedding ni Senator Villa Real ay naging meet siya ng sunod-sunod na kamalasan.
  • Blacklisted na ang royal events. Wala ng gustong kumuha sa kanila. Richard ano na sigaw ni Nicole habang padabog na pumasok sa opisina. malaki na ang tiyan niya nasa ikapitong buwan na ng pagbubuntis. Tumatawag ang ospital. Kailangan na ng down payment para sa panganganak ko. At ang rent natin sa condo, dalawang buwan ng delayed.
  • Tumahimik kabulyaw ni Richard sabay bato ng whiskey glass sa pader. Basag. Wala akong pera. Nakita mo naman ‘ ba inagaw ng Phoenix Fast na yan ang lahat. Kung sino man ang may-ari ng kumpanyang yon, sinusumpa ko siya. Napaupo si Nicole sa sofa humahagulgol. Akala ko ba mayaman ka? Akala ko ba CEO ka? Sinira ko ang buhay ko para sa’yo.
  • Tapos ganito lang. Magugutom ang anak natin. Tinitigan ni Richard si Nicole. Tahalip na awa pagkainis ang naramdaman niya. Pero tama si Nicole. Kailangan nila ng pera at kailangan niyang takasan ang mga utang. Biglang lumiwanag ang mukha ni Richard. Isang madilim na plano ang nabuo. May paraan pabulong niya.
  • Ang diborsyo, ang annulment. Ha? Paano tayo yayaman doon? Tanong ni Nicole tumigil sa pag-iyak. Ililipat ko ang lahat ng utang ng kumpanya at personal loans kung sa pangalan ni Ctherine paliwanag ni Richard na parang baliw na tumatawa. Gagawa ako ng settlement agreement. Sasabihin ko sa kanya na ibibigay ko ang full custody ni Kai kapalit ng pagpirma niya.
  • Tayon gagawin niya ang lahat para sa anak namin. Sigurado ka bang pipirma siya? Oo. Nangisi ni Richard. Desperada siya. At kapag napirmahan niya ‘yon, malinis na ang pangalan ko. Pwede tayong magsimula ulit, Nicole. Tayo at ang bago nating anak. Si Katherine ang sasalon ng impyerno. Kinabukasan ng gabi, umuwi si Richard sa bahay.
  • Dala niya ang isang makapal na folder. Naabutan niya si Ctherine na nagtutupi ng mga damit sa sala. Payat tingnan si Ctherine mukhang pagod na pagod. Syempre acting lang ito ni Ctherine. Galing siya sa spa kaninang umaga bago umuwi para magpanggap. Richard bati ni Ctherine ng mahina. Kumain ka na ba? Hindi sumagot si Richard.
  • Inihagis niya ang folder sa mukha ni Ctherine. Pak! Tumama ang mga papel sa dibdib ni Ctherine at nagkalat sa sahig. Anong ano to? Nanginginig na tanong ni Ctherine. Papel ng kalayaan ko malamig na. Sabi ni Richard hiwalayan na tayo, Katherine. Ayoko na sa’yo. Ayoko na sa buhay na to. Nakakasuka ka. Ang bahay na to. Ang amoy mo, ang pagmumukha mo.
  • Sukang-suka na ako. Lumuhod si Ctherine at pinulot ang mga papel, declaration of nality of marriage at compromise agreement. binasa niya ang mga kondisyon napakawalang hiya. One, solely custody. Kay Ctherine mapupunta si Kai. Two, wave of support. Walang ibibigay na sustento si Richard. 3. Assumption of liabilities.
  • Aakuin ni Ctherine ang 15 milyong utang ng royal events bilang kabayaran sa stocks na ibibigay sa kanya. Gusto niyang matawa. 15 million barya lang yon sa 300 million na napanalunan niya pero kailangan niyang umarte na parang katapusan na ng mundo. Richard! Nagsimulang umiyak si Ctherine. Lumapit siya at kumapit sa binti ng asawa. Huwag naman ganito.
  • Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat. Huwag mo kaming iwan ni Kay. Bitawan mo ako. Tinadyakan ni Richard si Ctherine palayo. Bumagsak si Ctherine sa sahig humahagulgol. Richard, maawa ka. Wala akong trabaho. Paano ko babayaran ang mga utang na to? Saan kami pupulutin ng anak mo? Problema mo na yon. Sigaw ni Richard. Pirmahan mo yan.
  • Kapag hindi mo pinirmahan yan, ngayon din kukunin ko si Kai. Dadalhin ko siya sa malayong lugar at hinding-hindi mo na siya makikita. Ipapaon ko siya sa ibang bansa n laki ang mata ni Ctherine. Ang banta kay Kay kahit alam niyang pananakot lang ay nagpagalit sa kanya. Pero ginamit niya ang galit na yon para lalong maging makatotohanan ang pag-iyak niya.
  • Huwag huwag ang anak ko. Parang awa mo na sigaw ni Ctherine. Halos halik na ang paa ni Richard. Pwes pumirma ka. Inilabas ni Richard ang ballpen at idinuro ito sa mukha niya. Pirmahan mo at sayo na ang pesteng bata na yan. Wala na akong pakialam sa inyo. Magsama kayo sa kangkungan. Dahan-dahang inabot ni Ctherine ang ballpen.
  • Nanginginig ang kamay niya. Tumingin siya kay Richard. Nakita niya ang demonyo sa mga mata nito. Walang pagmamahal, walang pagsisisi. Purong kasakiman lang. Ito na, Richard. Ito na ang kamatayan mo. Isip ni Ctherine. Itinapat niya ang ballpen sa papel. Scritch. Scratch. Ctherine M. Dela Cruz. Ginamit niya ang maiden name niya sa isip kahit apelido pa ni Richard ang gamit sa papel.
  • Pagkapirma niya, mabilis na hinablot ni Richard ang dokumento. Tiningnan niya ang pirma at tumawa ng malakas. Success sigaw ni Richard. Malaya na ako sa wakwakas wala na akong baggage. Tumingin siya kay Ctherine na nakalupasay sa sahig. Lumayas na kayo dito. Bukas na bukas din ibebenta ko na ang bahay na ‘to.
  • Maghahanap ka ng matitirhan niyo sa ilalim ng tulay. Tumalikod si Richard at naglakad palabas ng bahay. Tatawagan na siguro si Nicole para ibalita ang tagumpay. Nang marinig ni Ctherine ang pagharurot ng sasakyan palayo, tumigil siya sa pag-iyak. Tumayo siya, pinagpag ang kanyang damit at pumunta sa salamin.
  • Namumula ang pisngi niya kung saan tumama ang folder. May pasa siya sa braso dahil sa pagtadyak pero ngumiti siya. “Goodbye, Richard,” bulong niya. Pagkalipas ng dalawang araw sa family court. Mabilis ang proseso dahil mutual consent at may signed agreement. Ang abogado ni Richard na binayaran lang ng mura at ang abogado ni Ctherine na kunwari ay public attorney pero lihim na topnch corporate lawyer na binayaran niya ay nagharap sa hukom.
  • Ginang Ctherine, naiintindihan mo ba na sa pagpirma mo nito inaako mo ang lahat ng liabilities at wala kang matatanggap na support tanong ng hukom na naawa sa itsura ni Ctherine na nakasuot ng lumang blouse. Opo, your honor. Mahinang sagot ni Ctherine na kayuko. Basta po, basta po sa akin ang anak ko.
  • ‘Yun lang po ang mahalaga. Mr. Richard, sang ayon ka ba dito? Opo, your honor. Fully agreed sagot ni Richard na mayabang na nakaupo katabi si Nicole na nakasuot ng shades sa loob ng korte. Kung gayon granted, bumagsak ang maso ng hukom. Talk tapos na. Wala ng bisa ang kasal. Wala ng karapatan si Richard Kaykay. Wala ng habol si Richard sa anumang future assets ni Ctherine.
  • Lumabas sila ng korte. Bumubuhos ang malakas na ulan sa Maynila. Parang nakikisama ang panahon sa drama. Sa entrance ng Hall of Justice, huminto si Richard at Nicole. Nagbukas sila ng payong. Humarap si Richard kay Katherine. Nayakap-yakap si Kai. O paano ba yan Katherine? Pang-aasar ni Richard. Ingat kayo sa paglalakad ha. Baka mabasa kayo.
  • Kami kasi ni Nicole kakain pa sa steak house para mag-celebrate. Tumawa si Nicole. Bye, Katherine. Good luck sa mga utang mo. Balita ko naghahanap ng Johnny Tres sa palengke. Baka pwede ka doon. Hindi sumagot si Ctherine. Tinitigan lang niya ang dalawa. Sumakay si Richard at Nicole sa isang grab car na luma at maingay ang makina.
  • Nakita ni Ctherine na nagtatalo pa sila kung sino ang magbabayad ng fair bago sumara ang pinto. Nang makaalis na ang sasakyan nila, huminga ng malalim si Ctherine. Inalis niya ang pagkakayuko ng kanyang balikat. Itinaas niya ang kanyang noo. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag. isang iPhone 15 Pro Max na kanina pa nakatago. “Kuya Ben, andito na ako.
  • ” Sabi niya sa telepono. Mula sa kabilang kanto, isang makintab na itim na Toyota Alfard Luxury Van-dahang lumapit at huminto sa tapat nila. Bumukas ang automatic door. Lumabas ang isang driver na nakauniporme at may payong. Ma’am Ctherine Sir Kai, magandang hapon po batin ng driver habang pinapayungan sila pasakay. Pumasok si Katherine sa loob ng sasakyan.
  • Malamig ang aircon, amoy, leather at expensive scent. Mama, ang ganda ng car. Atin po ba ito tanong ni Kay na manghang-mangha sa ilaw sa loob? Niyakap ni Ctherine ang anak at hinalikan sa noo. Oo, anak. Atin ito sagot niya. At marami pa tayong pupuntahan. Simula ngayon, wala ng mananakit sa atin. Wala ng magugutom. Malaya na tayo.
  • Sumandal si Ctherine sa malambot na upuan. Tumingin siya sa bintana sa ulan na naghuhugas sa kalsada. Ang chapter ng pagiging biktima ay sarado na. Ang chapter ng pagiging reyna ay nagsisimula pa lamang. Kuya Ben, sa penthouse tayo at dumaan tayo sa drivethrough. Gusto ng anak ko ng happy meal pero dagdagan mo ng steak pag-uwi.
  • Opo, ma’am. Umandar ang sasakyan palayo sa korte palayo sa kahapon patungo sa isang kinabukasang kasing kinang ng ginto. Isang buwan matapos ang diborsyo. Ang royal events ay tuluyan ng sarado. Ang opisina sa beach ay nilagyan na ng padlock ng building administration dahil sa hindi pagbabayad ng upa.
  • Ang mga gamit mula sa laptop hanggang sa coffee maker ay hinatak na ng mga creditor. Si Richard ay nakatira na lang sa isang maliit at mabahong apartment sa Pasay. Iniwan na siya ni Nicole. Noong nalaman ni Nicole na zero balance na si Richard at baon sa utang mabilis pa sa 4:00 itong nag-impake. Hindi ako magpapalaki ng anak sa hirap, Richard.
  • Wala kang kwenta ang huling sigaw nito bago sumama sa isang matandang foreigner na nakilala nito sa dating app. Nag-iisa, baon sa utang at puno ng galit. Araw-araw iniisip ni Richard kung paano siya natalo. Paano siya naisahan ni Douglas sa an kumuha ng kapital ang Phoenix Fe? Nagbayad siya ng huling pera sa isang private investigator para alamin kung sino ang financial backer ni Douglas.
  • Ngayong gabi, hawak niya ang resulta. isang brown envelope. Binuksan niya ito sa ilalim ng aandap-andap na ilaw ng kanyang kwarto. Bumad ang mga litrato. Litrato ng isang babaeng sumasakay sa Toyota Alfard. Litrato ng babaeng pumapasok sa Grand Hayat. Litrato ng babaeng pumipirma ng tseke para sa supplier. Ang babae ay naka-designer clothes.
  • Maikli ang buhok at mukhang powerful. Pero kilalang-kilala ni Richard ang mukha. Si Katherine nanginig ang kamay ni Richard. Binasa niya ang business registration ng Phoenix Feast. Major shareholder Ctherine M. Dela Cruz. Imposible. Bulong ni Richard. Paano? Walang pera si Katherine. Tanga siya. Probinsyana na siya.
  • Biglang pumasok sa isip niya ang lahat. Ang pagkawala ng savings. Ang pagtatrabaho nito bilang Johnny Tres. Ang sunog sa opisina. Ang mabilis na pagpirma sa divorce papers. Niloko niya ako sigaw ni Richard. Tumayo siya at sinipa ang monoblock chair. Pera ko ‘yon. Siguradong ninakaw niya ang pera ng kumpanya bago siya umalis. Ang hayop na yyan. Yayaman siya gamit ang pera ko.
  • Habang ako naghihirap, dali-dali siyang lumabas. Lasing siya sa galit at Red Horse. Pero desidido siya. Pupuntahan niya si Ctherine. Babawiin niya ang lahat. Sa lobby ng The Imperial Towers sa BGC, ito ang isa sa pinakamahal na kondominium sa bansa. Marmol ang sahig crystal ang chandelier at desusi ang seguridad.
  • Kakarating lang ng Alfard ni Ctherine. Galing siya sa isang charity gala. Bumaba si Ctherine suot ang isang emerald green gown na may slit. Nagpapakita ng kanyang makinis na binti at mamahaling sapatos. Mas mahal pa sa sapatos na sinira ni Nicole noon. Sa leeg niya ay kumikinang ang isang kwintas ng diamonds. Kasama niya si Kai na tulog na at buhat ng driver.
  • Kuya Ben, pakiakyat na si Kai sa unit. Kakausapin ko lang ang concerge saglit utos ni Ctherine nang makaalis si Ben at Kai papuntang elevator. Biglang may sumigaw mula sa entrance. Ctherine, napalingon ang mga tao sa lobby. Nakita nila si Richard. Gusgusin ang damit mahaba ang balbas at amoy alak. Hinarang siya ng dalawang security guard.
  • Sir, bawal po kayo pumasok dito. Sabi ng guard. Bitawan niyo ako. Asawa ko yan. Katherine, harapin mo ako. Nagwala si Richard. Tumingin si Ctherine. Hindi siya natakot. Sa halip, itinaas niya ang kanyang kilay at sinenyasan ang mga guard. Papasukin yung utos ni Ctherine sa malamig na boses. Binitiwan ng mga guard si Richard pero nanatili silang nakabantay sa likod.
  • Humingal na lumapit si Richard kay Ctherine. Nang makalapit siya, napatigil siya. Ang bango ni Ctherine amoy Chanel at tagumpay ay sumampal sa kanya. Ang babaeng nasa harap niya ay parang diyos malayo sa katulong na tinatrato niya noon. R. Richard. Sabi ni Katherine, “Anong ginagawa mo dito mukha kang basahan? Huwag mo akong daanin sa gandao ni Richard. Alam ko na ang totoo.
  • Ikaw ang may-ari ng Phoenix Feast. Ninakawan mo ako. Ninakaw mo ang pera ng royal events para itayo ang kumpanya mo. Tumawa ng mahina si Ctherine. Ninakawan Richard ang royal events ay bankrupt. Wala kang pera. Paano kita nanakawan ng wala sa’yo? Sinungaling. Saan galing ang yaman mo? Siguro may sugar daddy ka no? O baka matagal ka ng nag-o-operate ng illegal sa likod ko.
  • Lumapit si Richard puno ng kasakiman ng mata. Akin ang kalahati niyan. Kasal tayo noong itinayo mo ang kumpanya conjugal property. Yan ibigay mo ang parte ko o ipapakulong kita. Kasal ngumiti si Ctherine ng mapakla. Nakalimutan mo na ba divorce na tayo? At sa dokumentong pinirmahan mo yung dokumentong ipinamukha mo sa akin nakalagay doon.
  • No claims on future assets. No claims on hidden assets. Ikaw ang nagsulat niyan, Richard. para protektahan ang sarili mo sa utang ba namutla si Richard naalala niya siya mismo ang gumawa ng patibong na yon shind Ctherine biglang nagbago ang ihip ng hangin mula sa galit naging maamo si Richard ang manipulative na ugali nito ay lumabas lumuhod si Richard sa makintab na sahig ng lobby.
  • Hinawakan niya ang laylayan ng gown ni Ctherine. Babe mahal. Pagmamakaawa ni Richard. Patawarin mo na ako. Nagkamali ako. Si Nicole ginayuman niya lang ako. Ikaw talaga ang mahal ko. Tayo tayo ni Kay. Buuin na ulit natin ang pamilya natin. Tiningnan siya ni Ctherine. Nakita niya ang mga mata ng mga tao sa lobby na nanonood. Tumayo ka diyan.
  • Sabi ni Ctherine. Hindi ako tatayo hangga’t hindi mo ako tinatanggap. Katherine, mayaman ka na. Kaya mo na akong tulungan. Bayaran mo lang ang mga utang ko tapos magiging manager ako sa Phoenix Feast. Gagawin kitang reyna. Hinawakan ni Richard ang kamay ni Ctherine at akmang hahalik nito. Doon napuno si Ctherine.
  • Ang ala-ala ng pambababae nito. Ang pagtawag sa kanya ng tanga at probinsyana. Ang pagtatangkang ipasa ang utang sa kanya. Ang pagtatakwil kay Kay lahat yon ay sumabog. Hinugot ni Catherine ang kanyang kamay at pak isang malakas at umaalingawngaw na sampal ang dumapo sa pisngi ni Richard. Sa lakas ng sampal, natumba si Richard sa gilid. Natahimik ang buong lobby.
  • Huwag na huwag mo akong hahawakan gamit ang marumi mong kamay gigil na sabi ni Ctherine. Ang boses niya ay hindi sumisigaw pero may diin na parang bakal. Napahawak si Richard sa pisngi niya. Pula! Mainit. Tumingala siya kay Ctherine na nanginginig sa galit. Anong akala mo sa akin Richard ATM machine tanga na pwedeng i-recycle? Pero asawa mo ako.
  • Dati putol ni Ctherine at gusto mong malaman kung saan galing ang pera ko. Gusto mong malaman kung gaano ka katanga. Yumuko si Ctherine para magpantay ang mukha nila. Noong araw na pumunta ako sa opisina mo para i-surprise ka. Yung araw na narinig kitang nakikipagtalik kay Nicole at tinawag mo kaming pabigat ng anak mo. Nanlaki ang mata ni Richard na nandoon ka. Oo, bulong ni Ctherine.
  • At noong araw na yon dala ko ang ticket ng ultra lotto. Nanalo ako ng 335 milyong Richard parang tumigil ang puso ni Richard. Tatlong da 335 million ulit ni Ctherine ninanamnam ang bawat pantig. Ibibigay ko sana sa’yo ang lahat. Babayaran ko sana ang utang mo. Bibilhan sana kita ng bagong opisina pero pinili mong tawagin akong basura. Sh. Hindi.
  • Hindi totoo yan. Tulalang-tulala si Richard. Parang gumuho ang mundo niya. Ang 335 milyon ay nasa bulsa na niya sana. Pero tinapon niya ito para kay Nicole at sa ego niya. Totoo yan. Sabi ni Ctherine tumatayo ng tuwid at ginamit ko ang perang ‘yon para durugin ka. Ang phoenix feast ako ‘yon. Ang pagkawala ng mga kliyente mo.
  • Ako ‘yun. Ang pagbagsak mo ako ang may gawa. Demonyo kasigaw ni Richard Akmang. Susunggaban si Ctherine sa leeg. Pero bago pa siya makalapit, mabilis na kumilos ang mga guard. Hinawakan nila si Richard at ibinalibag sa sahig. Ilabas niyo ang basurang to. Utos ni Ctherine habang inaayos ang kanyang gown at siguraduhin niyong hindi na siya makakatapak kahit sa sidewalk ng building na to. Bitawan niyo ako.
  • Katherine. Akin ang perang yan. Akin yan. Sigaw ni Richard habang kinakaladkad siya palabas ng glass doors. Pinanood ni Ctherine habang itinatapon si Richard sa labas ng gate sa gitna ng ulan. Basang-basa, talunan at baliw sa panghihinayang. Huminga ng malalim si Ctherine. Wala siyang naramdamang awa.
  • Ang naramdaman niya ay kapayapaan. Tinalikuran niya ang pinto at naglakad papunta sa elevator. Good evening, Ma’am Ctherine. Bati ng Concierge. Good evening, sagot ni Ctherine na may totoong nangiti. Magandang gabi talaga. Bukas haharapin niya ang huling laban sa korte dahil siguradong magdedemanda si Richard. Pero ngayong gabi, matutulog siya nang mahimbing alam niyang ang hustisya ay nasa panig niya.
  • Ang araw ng paghuhukom, dumagundong ang balita sa buong bansa. Bilyonaryong Lotto winner kinasuhan ng exhusband. Puno ng media van ang labas ng Quezon City Hall of Justice. Ang mga reporters ay nagtutulakan para makakuha ng anggulo. Dumating si Richard Lulan ng isang taxi. Sinadya niyang magsuot ng kupas na polo barong at lumang pantalon.
  • Hindi siya nagahit. Gusto niyang magmukhang kaawa-awa. Gusto niyang makuha ang simpatiya ng publiko bilang asawang niloko at tinakbuhan. Gusto ko lang ng hustisya drama ni Richard sa harap ng mga microphone na nakatutok sa kanya. Tinago niya ang pera habang kami ay kasal pa. Pera namin yon mag-asawa. Karapatan ko ang kalahati.
  • Ilang sandali pa huminto ang isang convoy ng tatlong itim na SUV. Bumaba ang mga bodyguard at sa gitna lumabas si Ctherine. Suot niya ang isang immaculate white suit. Wala siyang alahas maliban sa isang simpleng relo. Ang kanyang mukha ay kalmado. Walang halong takot. Hindi siya sumagot sa mga tanong ng reporter.
  • Dire-diretso siyang pumasok sa courtroom dala ang aura ng isang babaeng alam ang kanyang halaga. Sa loob ng korte, puno ang gallery. Nandoon ang mga magulang ni Ctherine si Chef Douglas at maging ang mga dating empleyado ng royal events na hindi binayaran ni Richard. Nagsimula ang hearing. Your honor, panimulan ng abogado ni Richard na boses palaka at agresibo. Malinaw ang batas.
  • Ang lotto ticket ay binili noong sila ay kasal pa. Ergo, ito ay conjugal property. Ang ginawa ni Mrs. Ctherine na pagtago nito at pagmamadali sa divorce ay fraud at bad faith. Hinihiling namin na ipawalang visa ang asset waver sa divorce agreement at ibigay kay Mr. Richard ang 50% ng premyo o ang halagang Php7 milyongo.
  • Ngumisis si Richard kay Ctherine mula sa kabilang mesa. Huli ka bulong ng isip niya. Kahit anong mangyari sa mata ng batas, asawa mo ako nung nanalo ka. Tumayo ang abogado ni Ctherine. Kalmado lang ito. Your honor totoo na binili ang ticket habang kasal sila. Sabi ng abogado. Nagbulungan ang mga tao. Aaminin niya. Pero dugtong ng abogado, ang depensa namin ay nakabase sa clean hands doctrine.
  • Ang nagrereklamo ay dapat malinis ang kamay bago humingi ng hustisya. Si Mr. Richard ay hindi biktima. Siya ang mastermind ng isang mas malaking panloloko. Objection irrelevant, sigaw ng abogado ni Richard. Overruled, sabi ng hukom. Proceed. Tumingin si Ctherine sa hukom. Your honor, may I present our witness. Bumukas ang pinto sa likod.
  • Pumasok ang isang matandang babae na may dalang makapal na blue ledger. Nanlaki ang mata ni Richard. Muntik na siyang malaglag sa upuan. Teresa! sigaw ni Richard. Umupo si Aling Teresa sa witness stand. Miss Teresa, ano ang hawak mo? Tanong ng abogado ni Ctherine. Ito po ang blue book o ang true accounting record ng royal events? Sagot ni Teresa, matatag ang boses kahit nanginginig ang kamay.
  • Inutusan po ako ni Sir Richard na gumawa ng dalawang libro. Isang peke na nagpapakita na bankrupt ang kumpanya at itong totoo na nagpapakita ng kita. binuksan ng libro at ipinakita sa screen ng korte. Dito po makikita turo ni Teresa na noong sinasabi ni Sir Richard kay Ma’am Ctherine na lugis sila at kailangang mag-divorce para hindi madamay si ma’am sa utang.
  • Ang totoo po may net income na 20 million ang kumpanya. Inilipat po ni Sir Richard ang pera sa offshore account ng tatay niya at sa personal account ni Nicole. Nagkagulo sa korte. Ang hukom ay napakunot noo at tiningnan si Richard ng masama. Sinungaling. Sigaw ni Richard tumayo at dinuro si Teresa. Binayaran ka nila. Trader ka. Order in the court ng hukom.
  • Tumayo si Ctherine. Siya na mismo ang nagsalita. Your honor. Sabi ni Ctherine nakatingin ng diretso kay Richard. Sinabi niya na, “Bad faith ako dahil tinago ko ang panalo ko.” Opo, tinago ko dahil kung hindi ko ginawa ‘yun, gagamitin niya ang pera hindi para sa pamilya namin kundi para sa bisyo at kabit niya.
  • At higit sa lahat, ito po ang tunay na dahilan kung bakit ako tumakas. Inilabas ni Ctherine ang kanyang cellphone. Ikinonekta ito sa speaker ng korte. Ito po ay nare-record noong araw na sinugod ko siya sa opisina para sana ibalita ang pagkapanalo ko. Pinindot ang play. Bumuo ang boses sa buong kwarto. Boses nina Richard at Nicole recording resolveras ko aquela parva provinsiana.
  • Asing istratado divorcio immediatamente. Hayaan mo lang akong tapusin ang problema sa probinsya ng tanga na. ‘Yon. Pagkatapos nito, hihiwalayan ko agad siya. At ang utang, tanong ni Nicole sa recording. Ililipat ko sa pangalan niya. Siya ang sasalo ng lahat. Wala siyang makukuha kundi utang. At ang bata pabigat lang yan. Iwan mo na sa kanya.
  • Katahimikan. Isang nakakabing katahimikan ang bumalot sa korte. Rinig na rinig ang bawat salita. Ang kalupitan. Ang pangmamaliit. Ang planong wasakin si Ctherine. Napayuko ang mga tao sa hiya para kay Richard. Ang media ay mabilis na nag-type ng kanilang headline. Siw planong ilubog sa sa utang ang asawa na booking. Tumingin ng hukom kay Richard.
  • Ang mukha ng hukom ay puno ng dismaya at galit. Mr. Richard, sabi ng hukom sa mababang boses. Humihingi ka ng equitable share sa batas ng pamilya. Pero sa narinig ko ikaw mismo ang nagtakwil sa pamilyang yon bago pa man nalaman ang tungkol sa pera. Hindi po edited. Yan AI yan, palusot ni Richard. Pinagpapawisan ng malapot.
  • Biglang bumukas ng malakas ang pinto ng courtroom. Pumasok ang limang lalaking nakauniporme ng NBI National Bureau of Investigation at BIR Bureau of Internal Revenue. Lumapit sila sa mesa ni Richard. Mr. Richard Tan. Sabi ng lead agent. You are under arrest. A-arrest? Bakit? Base sa testimonya at ebidensya na isinumite ni Miss Teresa at Miss Ctherine may warrant of arrest para sa qualified tax evasion falsification of public documents at syndicated staff dahil sa panloloko sa mga investors at creditors. “Hindi-hindi pwede to civil
  • case lang to.” Nagwawala si Richard habang pinupusasan siya at dagdag ng ahente. Sinisiyasat din namin ang money laundering na konektado sa mga offshore accounts na binuksan mo. Habang hinihila ng mga ahente si Richard palabas nagpupumiglas ito. Nakita niya si Ctherine na nakatayo tahimik na nanonood. Katherine, tulungan mo ako.
  • Asawa mo ako. Maawa ka. Sigaw ni Richard ang kanyang yabang ay napalitan ng takot. Bayaran mo sila. Mayaman ka. Please. Naglakad si Ctherine palapit sa kanya. Huminto ang mga ahente sandali. Tinitigan ni Ctherine ang lalaking minahal niya ng 10 taon. Ang lalaking sumira sa kanya at ang lalaking ngayon ay mukhang daga na nahuli sa bitag.
  • Naaalala mo ba ‘yung sinabi mo? Tanong ni Catherine ng mahina. Magsama kayo sa kangkungan. Lumapit siya sa tenga ni Richard at bumulong. Ang pera ko ay para sa anak ko, hindi para sa kriminal. Mabulok ka sa kulungan, Richard. Yan ang surprise ko sa’yo. Tumalikod si Ctherine at naglakad pabalik sa kanyang upuan. Dalhin na yan. Utos ng ahente.
  • Kinaladkad si Richard palabas ng korte habang sumisigaw pinagtatawanan at kinukunan ng litrato ng mga reporter. Ang kanyang pangalan reputasyon at kinabukasan ay ganap ng nawasak. Humarap ang hukom kay Ctherine. Case dismissed. Ang loto winnings ay mananatili sayo Miss Ctherine bilang damages at security para sa bata. Bumagsak ang maso. Tok.
  • Napahagulgol si Ctherine. Niyakap siya ng kanyang nanay Lordes at tatay. Lumapit si Chef Douglas at Aling Teresa at nakiyakapin. Tapos na. Tapos na ang laban. Epilog. Isang taon ang nakalipas. Isang charity gala ang ginaganap sa grand ballo ng Shangrila. Ang host ay ang Phoenix Foundation. Sa entablado nagsasalita si Ctherine. Maganda, matagumpay at masaya.
  • Maraming salamat sa inyong pagdalo,” sabi niya sa microphone. Ang gabing ito ay para sa mga single mothers at mga biktima ng domestic abuse. Gusto kong ipaalam sa kanila na may pag-asa na kahit gaano kadilim ang gabi sisikat din ang araw. Pumalakpak ang mga tao. Sa front table nakaupo si nanay Lordes at tatay na masaya at malusog.
  • Katabi nila si Aling Teresa na ngayon ay finance manager na ng Phoenix Feast. Sa kusina ng hotel abala si Chef Douglas at ang kanyang team. Ang Phoenix Feast na ang pinakamalaking catering service sa bansa. Bumaba si Ctherine ng entablado at sinalubong siya ng isang batang lalaki na nakatoksido. “Mama, ang galing mo po bati ni Kai na ngayon ay anim na taong gulang na.
  • ” Binuhat ni Ctherine ang. Salamat anak. Gutom ka na ba? Opo. Sabi ni Tito Douglas may special dessert daw siya. Habang naglalakad sila papunta sa banket table napatingin si Ctherine sa malaking bintana na tanaw ang city lights ng Maynila. Nabalitaan niya sa balita kanina si Richard ay convicted na at nasentensyahan ng habang buhay na pagkakakulong.
  • Wala nang dumadalaw sa kanya. Huminga ng malalim si Ctherine, ang 335 milyon ay nagbigay sa kanya ng bahay, kotse at negosyo. Pero hindi yun ang tunay na yaman na nakuha niya. Ang tunay na yaman ay ang kalayaan. Ang kakayahang yakapin ang kanyang anak ng walang takot. Ang kakayahang matulog sa gabi ng may payapang puso.
  • Hinalikan niya si Kai sa pisngi. Tara na anak, kain na tayo. Masarap ang luto ni Tito Douglas. Yehey! At sa gitna ng tawanan musika at masasarap na pagkain alam ni Ctherine na nanalo na siya sa pinakamahalagang loto sa lahat ang loto ng buhay. He.