Please hide my identity. You can call me Krystal, 27 years old, tutor ako sa isang tutorial center sa Rizal.

Christmas party namin yon. Supposed to be light, masaya at pahinga man lang bago matapos ang taon ng pagtuturo. Hindi ko talaga inakala na sa simpleng event na yan, mararamdaman kong parang kailangan ko pang ipaliwanag ang sarili ko kung sino ako at bakit ako ganito manamit.

Nag-usap-usap kami ng mga co-teachers ko bago ang party.
Ang usapan: green or red dress ang isusuot sa party, malinaw pa sa sikat ng araw ang usapan namin.
Pero sa isip ko, hindi naman yon rigid rule na kapag lumihis ka ng konti, masama ka na agad.
I chose to wear a gold dress. Hindi siya bastos at hindi siya OA, hindi rin siya pang-attention grab.
Simple lang yung dress ko pero bagay sa’kin, and I felt confident.

Pagdating ko sa venue kasi sa resort ginanap ang Christmas party namin, ramdam ko agad ang pagbabago ng atmosphere. Biglang may mga titig ng mga ka-work kl. Biglang may silent treatment saken lang.

Parang may pumasok na hindi nila inaasahan at ako yon. Hindi ko alam kung sensitive lang ako, pero halatang may mali sa pakiramdam.
May isa sa kanila ang lumapit.

“Krystal, hindi ba napag-usapan na red or green dress lang tayo?”

Sabi ko, maayos, “Gold lang naman to. Related parin sa Christmas party.”

Tumango siya, pero ramdam ko na hindi siya satisfied sa explanation ko. Doon ko naisip bakit parang kailangan ko pang ipagtanggol ang sarili ko dahil lang sa kulay ng suot ko?

Habang tumatagal ang event namin mas ramdam ko ang distansya nila saken. Hindi ako sinasama sa pictures. Kapag lumalapit ako sa grupo, parang may invisible wall. Tapos narinig ko pa ang bulungan.

“Attention seeker talaga.”

“Gusto laging napapansin.”

Honestly, nainis ako sa actions nila. Like excuse me? Aanhin ko ang attention nila? Ewww.
Hindi ko kailangan ng validation ng kahit sino para maramdaman na okay ako bilang tao.

Bago matapos yung party namin kinausap nila ako nang diretso. Sinabi nila na kung hindi raw ako susunod sa rules, baka hindi na raw nila ako i-invite next time kahit co-worker pa nila ako.

Anong big deal dun, nawala ang saya dahil lang sa damit.

Napaisip ako ganito na ba kababaw ang samahan? Isang kulay lang ng damit, gagawin nang basehan kung kasama ka pa o hindi? Para sa’kin, sobrang liit na bagay na pinalaki nila.

Tinawag pa nila akong attention seeker, na para bang kasalanan ko pang medyo umangat ako nung gabing ‘yon. Hindi ko kasalanan kung confident ako. Hindi ko kasalanan kung maayos akong magdala ng sarili ko.

At lalong hindi ko kasalanan kung may mga taong hindi komportable kapag may mas nag-i-stand out.

Tutor ako. Araw-araw akong nagtuturo ng confidence at self-worth sa mga estudyante ko. Tapos sa mismong Christmas party namin, parang gusto nilang iparamdam sa’kin na kailangan kong paliitin ang sarili ko para lang maging katanggap-tanggap.

Hindi ko naman sinira ang party.
Hindi ko inagawan ng spotlight ang kahit sino.
Hindi ko rin sila pinilit na tumingin.

Kung ang pagiging sarili ko ay sapat na dahilan para matawag akong attention seeker, baka hindi ako ang problema.
Minsan kasi, mas madali talagang sabihing mayabang ang isang tao kaysa aminin na ikaw mismo ang insecure.

At kung kailangan kong baguhin kung sino ako para lang ma-invite,
mas pipiliin ko na lang na hindi na sumama.

Very wrong ang ginawa nila. Dapat nagconsiderate nalang sila kasi once a year lang yun