ANG !YUT∆N SA SEMENTERYO
Episode 1: Ang Huling Hantungan ng Dignidad
Sabi nila, ang sementeryo ang huling hantungan ng tao. Isang lugar kung saan tapos na ang lahat ng paghihirap, pagod, at gutom. Pero para sa akin, ang sementeryong ito ang naging huling pag-asa ko para mabuhay.
Hindi ko pinangarap na dito mapadpad. Ilang buwan ang nakalilipas, maayos pa ang buhay ko. May trabaho ako sa pabrika, may maliit na silid na inuupahan, at may pangarap na makaahon sa hirap. Pero parang isang malupit na biro ang tadhana. Nagsara ang kumpanya nang walang pasabi. Ang kakarampot kong ipon, unti-unting naubos aa pangaraw-araw na pangangailangan habang naghahanap ako ng trabahong tila mailap pa sa suwerte.
Hanggang sa dumating ang gabing iyon ang gabing tuluyan akong naging basura sa mata ng lipunan. Pinalayas ako ng landlady namin dahil 3 months na akong d nakapagbayad.
“Wala akong pakialam kung wala kang makain! Hindi ito charity home, Jane! Lumayas ka rito!” Ang boses ng landlady ko ay tila kulog na sumasabay sa bugso ng ulan. Wala akong nagawa nang ihagis niya ang backpack ko sa labas. Isang bag na naglalaman ng damit, isang lumang tuwalya, at ang aking huling piraso ng dangal.
Naglakad ako sa gitna ng rumagasang ulan. Basang-basa ang aking manipis na blouse, yakap-yakap ang bag na tila iyon na lamang ang tanging nag-uugnay sa akin sa mundong ito. Nanginginig ang buo kong katawan, hindi lang dahil sa ginaw kundi dahil sa matinding takot. Saan ako pupunta? Saan ako sisilong?
Hanggang sa tumigil ang aking mga paa sa tapat ng kalawit na bakal na pinto ng sementeryo. Sa gitna ng dilim, ang mga puting nitso ay tila mga aninong nag-aanyaya. “Diyos ko, dito na ba ako mamamatay?” bulong ko sa hangin. Napaluhod ako sa tapat ng isang luma at abandonadong nitso. Ang lamig ng semento ay gumapang sa aking tuhod, pero mas masakit ang katotohanang wala na akong matuluyan. Doon, sa harap ng mga patay, ibinuhos ko ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigil. Humagulgol ako, sumisigaw sa gitna ng ulan, hanggang sa mawalan na ako ng boses.
Biglang may tumamang liwanag ng flashlight sa aking mukha. Nasandat ang aking pag-iyak.
“Anong ginagawa mo rito? Magnanakaw ka ba ng bakal?” Isang baritonong boses ang bumasag sa katahimikan.
Tiningnan ko siya sa likod ng nakakasilaw na ilaw. Isang lalaking may katigasan ang mukha, at may amoy ng lupa at alak. Siya si Rex, ang caretaker ng sementeryo. Sa ilalim ng kaniyang flashlight, ramdam ko kung paano niya sinuri ang aking kabuuan ang manipis kong damit na dumikit na sa aking balat dahil sa basa, na nagpapakita ng bawat kurbada ng aking katawan.
“Kuya, parang awa niyo na… wala na po akong matuluyan. Palayasin niyo nalang ako bukas, pero hayaan niyo lang akong sumilong ngayong gabi,” pagmamakaawa ko sa pagitan ng sinok.
Nakita ko ang pagbabago sa kaniyang mga mata. Mula sa galit, naging isang mabait na lalaki . “Sige. Doon ka sa likod ng malaking mausoleo ni Don Teodoro. May bubong doon. Sumunod ka sa akin.” Lumipas ang isang linggo. Naging assistant ako ni Rex. Tuwing umaga, magkasama kaming nagtatabas ng damo, naglilinis ng mga kalat ng mga bumibisita, at nagpipintura ng mga kupas na pangalan sa marmol. Kapalit niyon ay pagkain at ang maliit na sulok na tinatawag kong “tahanan.” Pero bawat araw na lumilipas, nagiging mas malagkit ang tingin ni Rex. Ang kaniyang mga haplos kapag nag-aabot ng gamit ay tumatagal, at ang kaniyang mga titig ay tila hinuhubaran ako sa harap ng mga patay.
Isang gabi, muling bumuhos ang malakas na ulan. Pumasok ako sa maliit na kubo ni Rex para magsauli ng pinagkainan. Ang kubo ay amoy, pawis, at alak. Nakaupo si Rex sa kaniyang papag na kawayan, hubad ang pantaas, ipinapakita ang matipunong dibdib na hinubog ng paghuhukay ng lupa.
“Salamat sa hapunan, Rex,” sabi ko, boses ko’y halos bulong na lang.
Hindi siya sumagot. Sa halip, dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking bewang, at sa pagkakataong iyon, hindi ko naramdaman ang lamig ng ulan sa labas. Ang in!t ng kaniyang palad ay gumapang sa aking balat, nagdudulot ng kakaibang kury€nte na humalo sa aking takot.
“Jane… hindi ka ba natatakot sa akin?” tanong niya habang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin. Amoy alak siya, pero may halong amoy ng lalaking nagtatrabaho.
Alam ko ang ibig sabihin nito. Ito ang presyo ng aking pananatili. Ito ang kabayaran sa bawat subo ng kanin at sa bubong na nagpoprotekta sa akin sa ulan. Sa halip na lumayo, pumikit ako. Hinayaan ko ang aking sarili na tanggapin ang kaniyang mga hal!k.
Hinila ako ni Rex sa papag na kawayan. Ang lang!tngit ng kawayan ay sumasabay sa bilis ng tibok ng puso ko. Sa ilalim ng malamlam na ilaw , naging !sa kami. Ang bawat galaw niya ay puno ng gutom na matagal nang kin!mkim. Ibinigay ko ang lahat, ang bawat ung*l ko ay humahalo sa ingay ng ulan sa bubong na yero. Sa loob ng kubong iyon, sa gitna ng daan daang puntod, naramdaman ko ang matinding in!t na tila nanggagaling sa imp!yerno.
Bawat kalab!t, bawat pagd!kit ng aming mga balat, ay tila isang pagt@t@ksil sa sarili ko, pero sa bawat sandali, unti-unti kong nakakalimutan ang aking pangalan. Ang tanging alam ko lang ay ang sar@p na humahalo sa sak!t ng aking kalagayan.
Habang nasa rur0k kami ng aming pagp@pakas@rap, habang ang aking mga ung*l ay nagiging mas mapusok at ang bawat lang!tng!t ng papag ay tila sasabog na biglang nagbago ang lahat.
KALABOG!
Isang malakas na tunog ang nanggaling sa labas ng kubo, tila may malaking bagay na tumama sa dingding na yero. Kasabay nito ang isang nakapangingilabot na sigaw na hindi ko mawari kung sa tao o sa hayop galing.
“AHHHHHHHHH!”
Biglang lumakas ang hangin. Ang pintong gawa sa tagpi-tagping kahoy ay bumukas nang marahas, na tila may mga kamay na hindi nakikita ang humila rito. Ang lamig ng hangin ay pumasok sa loob ng kubo, nanunuot sa aming mga hub@d na balat. Tila ba nabulabog ang mga kaluluwa sa paligid sa tindi ng aking mga ung*l at sa lantarang kasalanang ginagawa namin sa ibabaw ng banal na lupa.
Napahinto si Rex, ang kaniyang mga mata ay nanlaki sa takot habang nakatingin sa labas, sa dilim ng sementeryo kung saan ang mga anino ng krus ay tila gumagalaw.
“S-sino ‘yan?!” sigaw ni Rex, pero ang tanging sumagot ay ang mas lalong lumalakas na hagupit ng hangin at ang isang aninong nakatayo sa tapat ng pinto
Episode 2: Ang Iskedyul ng Laman
Hindi ko malilimutan ang takot na naramdaman ko noong gabing iyon sa kubo. Ang kalabog at ang sigaw na tila galing sa ilalim ng lupa ay nagpatigil sa amin ni Rex. Pero nang suriin ni Rex ang labas, wala siyang nakita kundi isang malaking sanga ng puno na nabali dahil sa hangin at tumama sa yero. Pero ako? Alam ko ang narinig ko. May nabulabog sa ginawa namin.
Gayunpaman, ang gutom at pangangailangan ay mas matimbang kaysa sa takot sa multo.
Dumating ang Lunes. Alas-diyes ng umaga nang huminto ang isang makintab na itim na SUV sa tapat ng gate ng sementeryo. Bumaba ang isang lalaki, siya si Mark amoy mamahaling pabango, malinis ang gupit, at suot ang isang relong alam kong katumbas na ng isang taong sahod ko noon sa pabrika.
“Miss, ikaw ba ang nag-aayos ng mga puntod dito sa Block 7?” tanong niya habang nakangiti. Isang ngiti na hindi ko nakikita kay Rex.
“O-opo, Sir,” sagot ko habang pinapahid ang pawis sa noo ko.
Inabutan niya ako ng limang libong piso. Halos manginig ang kamay ko. “Gusto ko, tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, personal mong lilinisin ang puntod ng asawa ko. At gusto ko… ako mismo ang maghahatid sa’yo ng bayad.”
Doon nagsimula ang lahat. Si Mark ang naging takas ko mula sa mabahong amoy ng sementeryo. Dinadala niya ako sa mga mamahaling kainan bago kami bumalik sa sementeryo pagsapit ng hapon. Pero alam ko, walang libre sa mundong ito. Sa loob ng kaniyang sasakyan na may tinted na salamin, habang nakaparada sa pinakadulong bahagi ng sementeryo kung saan walang tao, doon niya hinihingi ang kapalit.
Iba si Mark kay Rex. Si Mark ay banayad, mabango, pero may kakaibang diin ang bawat hawak niya. Pakiramdam ko, isa akong mamahaling gamit na binili niya. Sa loob ng malamig na sasakyan, habang naririnig ko ang mahinang tugtog ng radyo, doon ko nararanasan ang b€mb∆ngan na hindi amoy lupa kundi amoy leather at aircon.
Pero kapag Martes at Huwebes na, kailangan kong bumalik sa realidad. Kailangan kong bumalik kay Rex.
Hindi bobo si Rex. Napansin niya ang pagbabago sa akin. Napansin niya ang mga bagong damit na nakatago sa backpack ko. Napansin niya ang bango ng sabon na hindi naman niya binili.
“Saan galing ‘tong mga ‘to, Jane?” tanong ni Rex isang Huwebes ng gabi habang nagluluto kami ng tuyo. Ang boses niya ay malalim at puno ng banta.
“Binigay lang ng mga bumibisita, Rex. Alam mo namang mabait ako sa kanila,” pagsisinungaling ko.
Hindi siya kumibo. Hinila niya ako palapit sa kanya, mas mahigpit kaysa sa dati. “Tandaan mo, ako ang nagpatuloy sa’yo dito. Ako ang nagpakain sa’yo noong basang-basa ka sa ulan. Akin ka, Jane. Akin lang.”
Noong gabing iyon, mas naging marahas si Rex. Tila gusto niyang burahin ang anumang bakas ni Mark sa katawan ko. Ang bawat lang!tngit ng papag ay tila sumisigaw ng selos. Bawat galaw niya ay parang pagmam@rka sa kaniyang teritoryo. Kahit pagod na ako mula sa maghapong paglilinis, wala akong magawa kundi sumunod.
Naging sistema ko ang mapanganib na iskedyul na ito, MWF, Kay Mark ako. Sa aircon, sa masarap na pagkain, at sa mapanuring haplos ng isang mayaman kapag TTh naman ay kay Rex ako. Sa init ng kubo, sa amoy ng lupa, at sa marahas na pag-angkin ng isang caretaker.
Pero ang sikreto sa sementeryo ay hindi nagtatagal. Isang Miyerkules ng hapon, habang pabalik ako mula sa sasakyan ni Mark, nakita ko si Rex na nakatayo sa lilim ng isang malaking puno. Hawak niya ang kaniyang !tak na ginagamit sa pagtabas ng damo. Ang mga mata niya ay nakapokus sa SUV ni Mark na papalayo.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. “Ang aga mo yata natapos sa ‘paglilinis’ ng puntod, Jane?” bulong niya. Ang kaniyang boses ay tila talim na humihiwa sa katahimikan.
Kinabahan ako. “Rex, k-kanina ka pa ba diyan?”
Hindi siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang aking kamay at inamoy ito. Amoy pabango ni Mark. Isang malakas na s@mpal ang dum@po sa mukha ko na nagpabagsak sa akin sa maputik na lupa.
“Akala mo ba hindi ko alam?!” sigaw ni Rex. “Sinasalaula mo ang sementeryong ito! Ginagawa mo kaming gago!”
Habang nakah@ndusay ako sa lupa, biglang huminto ang SUV ni Mark. Bumukas ang pinto at lumabas si Mark na may hawak na bar!l.
“Bitawan mo siya, Rex!” sigaw ni Mark
Episode 3 : Ang Huling Hukay at ang Bagong Buhay
Nakahandusay ako sa putikan, lasap ang pait ng sarili kong d*go mula sa putok kong labi dahil sa sampal ni Rex. Ang sementeryong dati ay tahimik ay biglang nabulabog ng sigawan at ng tunog ng pagkasa ng bar!l ni Mark.
“Bitawan mo siya, Rex!” sigaw ni Mark. Ang kaniyang boses na dati ay malambing at puno ng pangako ng karangyaan ay naging matigas at mapanganib. Nakaturo ang kaniyang makintab na Glock sa dibdib ni Rex.
Tumawa si Rex isang tawang nakapangingilabot, parang baliw na dem*nyong nabulabog mula sa hukay. Hindi siya natakot sa bar!l. Sa halip, mas hinigpitan niya ang hawak sa kaniyang kinalawit na !tak.
“O, heto na pala ang ‘sugar daddy’ mo, Jane,” uyam ni Rex habang nakatingin sa akin. “Ano, Mark? Akala mo ba pera-pera lang ang lahat dito? Dito sa teritoryo ko, walang silbi ang relos mo!”
Nanginginig akong tumayo sa pagitan nilang dalawa. “Tama na! Rex, Mark, parang awa niyo na!” hiyaw ko. Ang ulan ay muling nagsimulang pumatak, tila nakikiramay sa dumi at gulo na nilikha ko.
“Tumabi ka, Jane!” bulyaw ni Mark. “Isasama na kita, aalis na tayo rito! Hindi ka nararapat sa basurang tulad nito!”
“Isasama?” hirit ni Rex sabay hakbang pasulong. “Saan mo siya dadalhin? Sa condo mo para gawing par@usan? Pareho lang tayo, Mark! Ang kaibahan lang, ako, hinarap ko siya sa hirap. Ikaw, binibili mo lang ang bawat ung*l niya!”
Sa isang iglap, sumugod si Rex. Nagpambuno ang dalawa sa putikan. Isang labanan ng itak laban sa kamao, ng galit ng mahirap laban sa poot ng mayaman. Ngunit sa gitna ng gulo, isang malakas na putok ang bumasag sa gabi.
Natigilan ang lahat. Napahawak si Rex sa kaniyang tagiliran. Binitawan ni Mark ang baril, nanginginig ang buong katawan nang makitang dumanak ang d*go ni Rex sa ibabaw ng puntod na kaniyang nililinis.
“Rex!” sigaw ko. Tumakbo ako at sinalo ang bumagsak niyang katawan. “Rex, huwag kang bibitiw!”
Si Mark, sa takot na makulong at sa bigat ng kaniyang nagawa, ay unti-unting napaatras. “Hindi… hindi ko sinasadya. Jane, kailangan ko nang umalis. Hindi pwedeng masangkot ang pangalan ko rito!”
Tiningnan ko si Mark nang may matinding pait. “Umalis ka na, Mark. Iyan naman ang alam mong gawin, ‘di ba? Bilhin ang lahat, at kapag nasira na, itatapon mo na lang.”
Sumakay si Mark sa kaniyang SUV at mabilis na humarurot palayo, iniwan kami sa dilim at ulan.
Dinala ko si Rex sa kubo. Sa tulong ng ilang mga kakilalang naninirahan din sa paligid ng sementeryo, nagawa naming itago ang insidente at gamutin ang kaniyang sugat sa tulong ng isang doon din nakatira. Maraming gabi akong hindi natulog, pinupunasan ang kaniyang nagnanaknak na sugat, at dinarasal na huwag siyang bawiin ng lupang ito.
Isang gabi, nagising si Rex. Ang kaniyang mga mata na dati ay puno ng selos at bagsik ay naging malungkot at puno ng luha.
“Jane…” bulong niya, hawak ang kamay ko. “Bakit hindi ka sumama sa kaniya? Mayaman siya. Mabibigyan ka niya ng buhay na hindi ko kayang ibigay.”
Hagulgol ang naging sagot ko. “Dahil dito lang ako naging tao, Rex. Sa kabila ng lahat ng pananakit mo, dito ko naramdaman na may naghahanap sa akin. Kay Mark, isa lang akong gamit. Sayo… ako ang buhay mo.”
Nag-iyakan kaming dalawa sa loob ng maliit na kubo. Humingi ng tawad si Rex sa bawat s@mpal, sa bawat marahas na pag-angkin. At ako, humingi ako ng tawad sa pagtataksil sa kaniya dahil sa gutom.
“Dito na tayo mamamatay, Jane,” sabi ni Rex habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan nakahilera ang mga krus. “Pero dito rin tayo mabubuhay nang totoo.”
Lumipas ang dakawang buwan. Ang sementeryo ay hindi na lugar ng takot para sa amin, kundi isang paraiso ng katahimikan.
Hindi kami umalis. Pinili naming manatili bilang mga permanenteng tagapangalaga ng sementeryo. Ngunit malaki na ang nagbago. Ang dating kubo ay naging isang maliit pero matibay na bahay na gawa sa semento at kahoy, nakatayo sa isang bahagi ng sementeryo na kami na mismo ang nag-aari dahil sa tagal naming paninilbihan.
Wala nang Mark na dumarating tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. Wala na ring marahas na Rex tuwing Martes at Huwebes.
Isang hapon, habang nagtatanim kami ng mga bulaklak sa paligid ng mga puntod, hinawakan ni Rex ang aking tiyan. Malaki na ito. Magkakaroon na kami ng bunga ng aming pagmamahalan sa gitna ng lugar ng mga pumanaw.
“Anong ipapangalan natin sa kaniya?” tanong ko habang nakasandal sa kaniyang balikat.
“Hope,” sagot ni Rex sabay halik sa aking noo. “Dahil siya ang pag-asa na nabuo sa lupang akala ng lahat ay wala nang buhay.”
May mga gabi pa ring naririnig namin ang kalabog sa bubong o ang bulong ng hangin, pero hindi na kami natatakot. Alam naming ang mga kaluluwa rito ay aming mga kaibigan, mga saksi sa aming pagbangon mula sa putikan.
Tuwing dapit-hapon, nakaupo kami sa harap ng aming bahay, pinapanood ang paglubog ng araw sa likod ng mga monumento. Simple lang ang buhay namin. Amoy lupa, amoy kandila, pero punong-puno ng pag-ibig na hindi kayang bilhin ng anumang halaga.
Sa gitna ng sementeryo, natagpuan namin ang aming kaligayahan. Isang pag-ibig na kasing-tatag ng marmol at kasing-lalim ng hukay. Dito kami nagsimula, dito kami naging isa, at dito rin kami maghihintay hanggang sa muling tawagin ng lupa.
“Mahal kita, Jane,” bulong ni Rex habang magkahawak ang aming mga kamay.
“Mahal din kita, Rex. Hanggang sa huling hininga,” sagot ko.
THE END
News
“Ang Lihim sa Pagitan ng Dalawang Pinto”/hi
“Ang Lihim sa Pagitan ng Dalawang Pinto”Hi ako pala si Drew , isang bente-singko anyos na binata na nakatira sa isang maliit na condo sa kanto ng España, Maynila. Isang bagong kasal na mag-asawa ang lumipat sa katabing unit ko…
𝗕€𝗠𝗕∆𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡€𝗥∆𝗥𝗬𝗔/hi
𝗕€𝗠𝗕∆𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡€𝗥∆𝗥𝗬𝗔Ako si Clara, thirty years old. Marahil ay marami ang magtataka kung bakit ang isang katulad kong nagtatrabaho sa isang bangko ay nahulog ang loob sa isang lalaking ang hanapbuhay ay ang pag-aayos ng mga pumanaw…
Dinala niya ang kanyang bulag na asawa sa kakahuyan… At iniwan siya roon, alam niyang hindi niya mahahanap ang daan pabalik nang mag-isa. Ngunit ang nangyari nang gabing iyon ay hindi kapani-paniwala sa lahat ng tao sa bayan/hi
Sa isang maliit na bayan sa estado ng Oaxaca, kung saan ang mga gabi ay amoy usok ng kahoy at ang alikabok ng kalsada ay kumakapit sa iyong mga sapatos, nanirahan si Miguel Salgado. Bago ang dilim, si Miguel ay…
BUMILI AKO NG S€X TOY DAHIL ANG ASAWA KO AY WALA NG SILBI SA K∆M∆/hi
BUMILI AKO NG S€X TOY DAHIL ANG ASAWA KO AY WALA NG SILBI SA K∆M∆Hello, ako si Jessa, 28 years old at taga-Manila lang ako. Bata pa lang ako, pinalaki na ako sa mindset na ang katawan ko ay para…
ANG GALING NI TITA MINDA SA K∆M∆/hi
ANG GALING NI TITA MINDA SA K∆M∆Hello, ako si ROY. 20 years old pa lang ako at nakatira sa isang tahimik na subdivision dito sa Cavite. Ang ikukwento ko sa inyo ay tungkol sa aming kapitbahay na si Tita Minda….
MI ESPOSO METIÓ A SU AMANTE EN CASA COMO MI ‘ENFERMERA’ PARA DECLARARME LOCA, PERO NO SABÍA QUE YO LLEVABA UN MES FINGIENDO TOMARME LAS PASTILLAS/hi
MI ESPOSO METIÓ A SU AMANTE EN CASA COMO MI ‘ENFERMERA’ PARA DECLARARME LOCA, PERO NO SABÍA QUE YO LLEVABA UN MES FINGIENDO TOMARME LAS PASTILLASDicen que no hay peor ciego que el que no quiere ver, pero yo digo…
End of content
No more pages to load