Mataas ang sikat ng araw at halos matunaw ang semento sa init nang pumasok si Mang Isko sa loob ng Golden Crown Fine Dining Restaurant.
Amoy pawis siya at basura— Suot rin niya ang kupas na uniporme ng city garbage collector, may butas ang manggas at may mantsa pa sa gawing dibdib.
Hawak din niya ang maliit na sobre at isang lumang plastik na may lamang mumurahing laruan.
Sa loob naman ng restaurant ay malamig, mabango at puno ng mayayamang kostumer— Nakatu*tok pa sa kanya ang mga matang may halong pagtataka at panghuhus*ga.
Lumapit naman ang isang waitress na nakaayos ang buhok at naka-high heels pa.
“Sir… may kailangan po ba kayo ?” malamig nitong tanong.
“Oo, iha ,” mahina ngunit maayos ang boses ni Mang Isko.
“May reservation kase ako… Para sa apo ko. Birthday kase niya ngayon…”
Napakunot naman ang noo ng waitress.
“Reservation ? Pangalan po ?”
“Isidro Cruz…”
Pinatingnan naman ng babae sa computer kung may reservation nga ang matanda…. naghari din ang ilang segundong katahimikan.
“Wala po kaming reservation sa ganyang pangalan…”
“Impossible ,” sagot ni Mang Isko.
“Tumawag ako kahapon. Nagpareserve ako ng private room dito. Nag-downpayment rin ako ng fifty thousand .”
Halos mapaubo naman sa gulat ang waitress.
“Fifty thousand ? Sir… baka po nagkakamali kayo ng restaurant.”
Sa likod ay may ilan ng customer ang nagbubulungan.
“Basurero yata…”
“Baka nananaginip… !!!”
Lumabas naman mula sa opisina ang restaurant manager na si Mr. Delgado— isang lalaking makintab ang sapatos at nakataas ang baba kung tumingin.
“Anong problema dito ?” tanong niya.
“Sir, may reservation daw po siya. Nag-downpayment daw ng fifty thousand ,” sagot ng waitress, na pilit pinipigilan ang tawa.
Sinukat naman ni Mr. Delgado si Mang Isko mula ulo hanggang paa.
“Ginoo ,” malamig niyang sabi,
“Ang restaurant na ito ay para lamang sa mga kliyenteng may kakayahang magbayad… Hindi ito karinderya.”
Namula naman ang mukha ni Mang Isko, pero hindi siya nagtaas ng boses.
“Manager, bayad na talaga ako. May resibo ako.”
Kaya inilabas niya ang gusot na papel mula sa bulsa pero hindi man lang iyun tiningnan ni Delgado.
“Security !” sa halip ay tawag nito.
“Ilabas na ang taong ito bago pa makaabala sa ibang guests.”
“Sir, sandali lang— para sa apo ko po ito. Limang taon na siyang walang maayos na handaan. Ngayon lang ako nagkaroon ng panahon dahil masyado akong abalang tumulong ,” nanginginig nang sabi ni Mang Isko.
Dumating naman ang dalawang gwardya— Nang sandaling iyun din ay biglang bumukas ang pinto…
Isang maliit na batang babae ang tumakbo papasok.
“Lolo !”
Niyakap nito nang mahigpit ang matanda.
Napatingin naman ang lahat.
“Lolo, dito ba tayo kakain ? Wow parang nasa palace !”
Nanlambot naman ang tuhod ni Mang Isko pero ngumiti pa rin siya sa apo.
“Oo, princess. Dito tayo—“
Pero lumapit si Delgado at pabaly@ng hinawak4n ang balikat ng matanda.
“Enough. Labas !!!”
Doon na nagbago ang ekspresyon ni Mang Isko…
Dahan-dahan niyang kinuha ang cellphone— hindi smartphone, kundi lumang modelong de keypad…
May tinawagan siya—
“Attorney Lim ? Finalize the purchase. Bilhin mo na ang Golden Crown Mall. Oo, kasama na ang restaurant na ito. Cash. Now !!!”
Napatingin naman ang mga tao sa kanya, saka nagtawanan.
“Grabe, may say@d…”
“Basurero makakabili ng mall ?”
Pero tahimik lang si Mang Isko habang yakap ang apo.
Isang minuto.
Dalawa.
Tatlo.
Biglang bumukas ang main entrance ng mall—
Humahangøs na dumating ang isang lalaking naka-suit, kasama ang dalawa pang abogado.
“Sir ! Sir Isidro!” sigaw nito habang papalapit.
Namumutla naman si Mr. Delgado.
“President Chua ? Bakit po kayo nan—?”
Pero hindi na siya pinansin ng lalaki sa halip ay diretsong lumapit ito kay Mang Isko at yumuko.
“Sir, completed na po ang acquisition. Kayo na po ang bagong majority owner ng Golden Crown Mall. Pasensya na po sa nangyari, pasensya na rin po sa hindi magandang serbisyo…”
Natahimik naman ang buong restaurant na parang huminto ang oras— Ang basurerong kanina’y itinat@boy nila, ay si Isidro Cruz pala— ang reclusive billionaire na may-ari ng pinakamalaking recycling at waste management corporation sa Southeast Asia at may ari ng ilang malalaking Private Restaurant and mall sa iba’t ibang panig ng mundo. Kilala rin ito sa simpleng pamumuhay at pagkakawang-gawa pero bihira lang magpakita sa publiko.
Kaya unti-unting umatras si Mr. Delgado.
“Sir… hindi po namin alam—“
“Hindi n’yo nga alam ,” pu*tol ni Mang Isko.
“Dahil masyado kayong nakatingin sa hitsura ng tao, hindi sa resibo…”
Hinawakan din niya ang kamay ng apo.
“Simula ngayon ,” kalmado niyang sabi…
“Ang restaurant na ito ay maglalaan ng ilang mesa araw-araw para sa mga street sweepērs at garbage collectors. Libre. Dahil kung hindi dahil sa kanila, mabaho ang mall na ito…”
Napayuko naman ang manager.
“At ikaw ,” dagdag niya,
“Tangg@l ka na. Ang taong walang respeto sa marangal na trabaho ay walang lugar sa negosyo ko !!!”
Nagkukumahøg naman ang staff para ayusin ang private room. Dinala si Mang Isko at ang apo nito sa loob— Nilagyan ng pinakamagandang dekorasyon at masasarap na pagkain ang mesa at may cake din na may korona…
Habang pinapanood nitong hinihip@n ng apo ang kandila… ay napangiti siya—
Hindi dahil sa napatunayan niyang mayaman siya.
Kundi dahil sa wakas, nabigyan din nya ng oras ang apo sa araw ng kaarawan nito, dahil masyado syang busy sa negosyo at pagtulong sa maraming tao.
*****
Huwag maliitīn ang marangal na trabaho dahil ang tunay na yaman ay hindi nasusukat sa amoy at hitsura ng kasuotan, kundi sa laman ng puso at pagkatao.
Wakas
News
“Hindi na N@Gising $! MaMa… /hi
Wala na kaming ama,– maliliit palang kami ng maulila nya… kaya si Mama na ang tumayong ina at ama namin, para mabigyan kami ng magandang bukas.Ang gabi ay ginagawa nya ring araw— wala syang pinipiling trabaho… basta marangal.Naging katulong sya,…
“IpinaL4gL@G ni Inay ang B@by k0 dahil Mi*nør de edad palang d@w ak0… “/hi
Inaamin kong maaga akong nagmahal,– 14 yrs. old palang, at maaga rin po akong nabun*tis ng may edad sa akin dahil 27 yrs. old po sya nun !!!Sa g4lit po ni Inay ay ipinaku*løng nya ang boyfriend ko dahil sinam4ntala…
Sa edad na labindalawang taon, ipinakulong ako ng sarili kong pamilya dahil sa isang pagbubuntis na hindi naman talaga nangyari. Nakaligtas ako sa impyerno ngunit naging pinakamasamang bangungot nila. Nang araw na bumalik ako dala ang mga medikal na rekord na kanilang pinalsipika, ang mga “mahal sa buhay” na iyon ay nagsimulang manginig nang mabasag ang maskara ng moralidad na kanilang suot sa loob ng maraming taon. Ang katotohanan sa likod ng pagkahulog ko sa hagdan ay hindi lamang inggit: ito ay isang krimen na mas kasuklam-suklam kaysa sa maaaring isipin ninuman./hi
Sa edad na labindalawang taon, ang mundo ko ay dapat sana’y matingkad na kulay ng piñata at ang lasa ng esquites pagkatapos ng eskwela. Ngunit ang aking pagkabata ay naglaho isang hapon noong Agosto sa isang mansyon sa Coyoacán, nang…
Pag-uwi niya matapos ang isang gabing puno ng bawal na pagnanasa, nakita niya ang kanyang singsing sa kasal na nakapatong sa nightstand. Sa tabi nito, isang liham ang naghihintay sa kanya… at kasama nito, ang katotohanang sumira sa kanyang buhay./hi
Kumikinang pa rin ang mga ilaw ng lungsod nang lumabas si Logan Reed sa hotel, ang kwelyo ng kanyang pinatahing amerikana ay sumilay dahil sa lamig ng umaga. Amoy champagne at pabango ni Sabrina ang kanyang amoy. Isang matamis at…
“Kwintas iyan ng yumaong asawa ko!” sigaw ng tycoon, ngunit ang tugon ng naglilinis…/hi
Ang kuwintas na iyon ay pagmamay-ari ng aking yumaong asawa. Umalingawngaw ang sigaw sa buong bulwagan, biglang nagpatahimik sa mga pag-uusap. Si Sebastian Cross, ang pinakamakapangyarihang magnate sa Silver Creek, ay nakatayo sa tabi ng kanyang mesa, ang kanyang mukha…
La hija del magnate llevaba tres años sin hablar… hasta que aprovechó un descuido de su padre y me susurró tres palabras que me helaron la sangre./hi
La hija del magnate llevaba tres años sin hablar… hasta que aprovechó un descuido de su padre y me susurró tres palabras que me helaron la sangre. La lluvia azotaba Savannah como si quisiera borrar la ciudad. Dentro del Blue…
End of content
No more pages to load