Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, tuwing dumadaan ako sa lumang waiting shed sa may kanto ng highway, ay parang may kumakal4bit pa rin sa puso ko, ???

Tatlong taon na ang nakalipas— maulan noon… galing ako sa trabaho— pagod ako at basang basa sa ulan… gusto ko lang sana na makauwi na agad…

Sa waiting shed ako sumilong at doon ko rin sya unang nakita…

Isang matandang lalaking payat at kulubot na ang balat— suot lang niya ang kupas na polo at pantalon na halatang ilang araw nang hindi napapalitan.

May dala rin siyang maliit na su*pot ng damit at isang lumang payong na sir4 pa yata ang tadyang.

Tahimik lang s’yang nakaupo sa dulo ng upuang semento at nakatingin sa kalsada na para bang may hinihintay…

“Lo, saan po kayo pupunta ?” tanong ko, dahil napansin kong ilang oras na siyang nandoon kahit huminto na ang ulan.
Có thể là hình minh họa
Ngumiti siya sa akin, Yung tipo ng ngiti na may pag-asa pa rin.

“Dito lang ako, iho. Susunduin ako ng anak ko dito…”

Tumango ako. Akala ko ay normal lang ‘yun, baka nga may sundo sya… ?

Pero kinabukasan, author ay nadaan4n ko ulit siya dun. Nandoon pa rin sya sa kaparehas na pwesto !

Tatlong araw… Hanggang mag isang linggo !!!

Bumili na ako ng tinapay at kape at inabot ko sa kanya, dahil pakiwari ko ay gutom na gutom sya…

“Lo, wala pa po ‘yung anak ninyo ?”

Ngumiti ulit siya.

“Busy lang siguro iho. Sabi niya babalik siya dito. Dito raw ako maghintay…” sabi nya habang ngumunguya.

Para tuloy may kumu*rot sa dibdib ko dahil may kakaiba sa tono niya— hindi pagrereklamo at lalong hindi g4lit… parang simpleng paniniwala lang.

Isang hapon… may dumating na mga taga–social worker— may nagsumbong yata na may matandang palaboy sa waiting shed na iyun…

“Lolo, sumama na po kayo sa amin. Mas maaalagaan po kayo sa shelter…” sabi ng isa sa kanila.

Pero kum4pit siya sa bakal ng waiting shed na parang bata.

“Hindi !!! Dito lang ako maghihintay. Babalikan ako ng anak ko. Dito niya ako iniwan para sunduin…”

Iniwan ???

Doon ko unang narinig ang salitang iyun… pakiramdam ko tuloy ay biglang lumamig ang paligid kahit tirīk na tirīk ang araw.

“Lo ,” mahinahon ko namang sabi,

“Ilang araw na po kayo dito ?”

Ngumiti ulit s’ya sa akin, pero nanginginig ang labi.

“May trabaho lang siya iho. Sabi niya saglit lang…”

Pero sa mga mata niya, author ay may takot akong nabasa. ‘Yung takot na ayaw nyang tanggapin ang katotohanan.

Nalaman ko rin sa mga tindera sa paligid ang totoo…

Isang umaga raw ay may sasakyang huminto doon at may lalaking bumaba na inalalayan si lolo papunta sa waiting shed— may dalang su*pot at ‘yung payong na sira…

Saglit lang daw ang naging usapan nung dalawa tapos umalis na din agad ‘yung sasakyan at hindi na bumalik pa.

Sinabi raw ng anak nito…

“Tay, dito ka muna. Babalikan kita…”

At naniwala naman ang matanda. Araw-araw— maging sa init… sa ulan at sa lamig ng gabi ay patuloy syang naghihintay !
Có thể là hình minh họa
Hindi ko alam, Ms. Nhie kung bakit mas masakit para sa akin na makita siyang umaasa kaysa makita siyang umiiyak…

Kase hindi g4lit ang nababasa ko sa mata ng matanda. Hindi rin siya nagrereklamo at lalong hindi nagmumur4— basta naghihintay lang !!!

Isang gabi… na sobrang lakas ng ulan ay bumalik ako sa waiting shed dala ang lumang kumot namin sa bahay—

Basa na siya at nanginginig, pero ayaw pa ring umalis doon…

“Lo, anu po kaya kung sumama na kayo sa kanila. Hindi na po kayo babalikan ng anak n’yo…”

Hindi ko alam, author kung saan ko hinu*got ang tapang na sabihin iyun sa kanya, marahil dahil awang-awa na talaga ako sa sitwasyon nya.

Tumingin naman s’ya sa akin ng matagal…

“Alam ko, iho…”

Para namang saglit na tumigil ang mundo ko sa isinagot niya…

“A-ano po ?”

“Alam ko kako…” ulit niya.

“Matagal ko nang alam…”

Napaupo na ako sa tabi niya…

“Eh bakit po kayo patuloy na naghihintay dito ?”

Ngumiti siya, pero may luha na sa gilid ng mata.

“Kase kung umalis ako… at kung sakaling bumalik siya. Tapos wala na ako dito, paano kung isipin niyang hindi ko siya hinintay ?”

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Napa-iyak na rin ako sa harap ng isang estrangherong matanda.

Sa isip ko… Dios ko ganito ba kalalim ang pagmamahal ng isang magulang para piliing mas4ktan araw-araw kaysa map4hiya ang anak niya ?

Pinili niyang maghintay.
Pinili niyang magpanggap na may pag-asa… para lang hindi masabi ng anak niya na iniwan siya ng ama…

Sa huli, author napilit din siya ng mga social worker na sumama na— Halos kal4dkarin siya, pero hindi na sya nagwala…

Pero bago s’ya isinak4y sa sasakyan ay hinaw4kan n’ya ang kamay ko…

“Iho, kung sakaling bumalik siya dito… pakisabing hinintay ko siya hanggang kaya ko…”

Tumango lang ako, pero hindi ko namalayang naglalandas na pala ang luha ko…

Pagkalipas ng dalawang buwan ay nabalitaan ko na lang na puman4w na si Lolo Isidro sa shelter dahil sa komplikasyon sa baga… mahina na raw talaga ang katawan niya ng ma rescue sa waiting shed.

Ang nakalulungkot ay wala talagang bumisita sa kanya ! Walang naghanap… at lalong walang um@ngking kamag-anak— Ako lang ang pumunta sa burol niya.

Habang nakatayo ako sa harap ng kabaong nya… doon ko naisip— Hindi pala lahat ng iniiwan ay nagag4lit, tulad ni lolo Isidro.

Hindi pala lahat ng naghihintay ay umaasa pa… dahil minsan, naghihintay tayo hindi dahil naniniwala tayong babalik sila… kundi dahil mahal pa rin natin sila hanggang sa huling sandali, kahit nang-iwan sila 🥺😕

Ngayon, Ms. Nhie t’wing dumadaan ako sa waiting shed na iyun ay napapahinto ako…
Có thể là hình minh họa
Iniisip ko… paano kung bumalik nga ang anak niya isang araw at wala na si lolo doon… ???

Sana maramdaman man lang ng anak niya ang bigat ng isang taong matagal na naghintay…

Sana kahit minsan, maalala niyang may isang ama na piniling mas4ktan kaysa tuluyang bumitaw…

At kung sakaling nababasa mo ito— kung sino ka man na anak ni lolo Isidro…

“Nasaan ang konsensya mo ???”

Kaya ikaw rin mismo na nagbabasa nito ngayun…

Kung may magulang kang naghihintay sa bahay o kung saan man— huwag mo silang hayaang maghintay na nag-iisa…

Dahil ang mga magulang, kahit iniwan na, maghihintay pa rin hanggang sa huling tibok ng puso nila… 💔