HINDI ALAM NG KABIT NI MISTER NA AKO ANG MAY-ARI NG LUXURY RESORT KUNG SAAN NIYA AKO PINAHIYA — KAYA NANG MAG-DEMAND SIYA NG “VIP TREATMENT”, IBINIGAY KO SA KANYA ANG “SPECIAL SERVICE” NA HINDI NIYA MAKALILIMUTAN
Ako si Valerie. Isang simpleng maybahay sa paningin ng asawa kong si Gary. Ang hindi niya alam, bago pa kami ikasal, ako na ang nagmamay-ari ng The Grand Horizon Beach Resort sa Batangas. Minana ko ito sa Lola ko at pinili kong itago ang yaman ko para malaman ko kung mamahalin ba ako ni Gary nang totoo.
Pero nagkamali ako.
Isang weekend, nagpaalam si Gary na may “Seminar” daw siya sa opisina. Ang totoo, dinala niya ang kabit niyang si Nicole sa resort KO mismo.
Nagkataong nandoon ako para sa isang surprise inspection. Nakasuot lang ako ng t-shirt, shorts, at tsinelas habang nagwawalis sa garden para obserbahan ang trabaho ng mga staff.
Nakita ko sila. Magkahawak-kamay. Si Nicole, naka-bikini at shades, akala mo kung sinong artista.
“Babe,” maarteng sabi ni Nicole kay Gary. “Ang ganda dito! Sigurado ka bang afford natin ‘to?”
“Oo naman,” sagot ni Gary. “Kinuha ko ang credit card ni Valerie. Hindi niya malalaman ‘to. Tanga ‘yon eh.”
Nanginig ang laman ko. Ginamit pa ang card ko?!
Lumapit sila sa front desk. Nakita ako ni Nicole na nagwawalis malapit sa kanila. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Excuse me,” tawag ni Nicole sa akin. “Manang Janitress! Paki-buhat naman ng bag ko. Ang bigat eh.”
Tinignan ko lang siya. Hindi ako gumalaw…
Tumagal ang tingin ko kay Nicole. “Manang Janitress”? Halos mapangiwi ako sa tawag na iyon. Pero imbes na sumagot, ngumiti na lang ako ng pilit at nagkunwaring abala sa pagwawalis.
“Babe, ang bobo ng staff dito, ‘no? ‘Di marunong umintindi,” reklamo ni Nicole kay Gary sabay hila sa kanya papunta sa reception.
Pinanood ko sila habang kausap si Miguel, ang resort manager ko. Napatingin ako dahil nakita kong nagtaka si Miguel nung i-check-in sila. Nakita niya siguro ‘yung pangalan ni Gary sa reservation. Alam ni Miguel kung sino ako—siya ang may hawak ng lahat ng operations ng resort simula nung mamatay si Lola.
Biglang nagpalinga-linga si Gary. “Excuse me, Miguel. Nand’yan ba ‘yung owner ng resort? Gusto sana naming magpa-special treatment.”
Napahinto ako sa pagwawalis. Gago ba ‘to?
“Ah, sir, nandito naman po si Ma’am Valerie—” Miguel pa sana.
Mabilis akong naglakad papalapit sa reception at sumingit bago pa matuloy ni Miguel. “Ako po ‘yung makakapag-assist sa inyo para sa special treatment,” nakangiti kong sabi.
Nagkatinginan sila Gary at Nicole. Kita ko sa mukha ni Gary na may kakaibang familiaridad—parang may naalala siya pero hindi ma pinpoint.
“Okay,” sabi ni Gary. “Gusto namin ‘yung best beachfront villa. Tapos, magpapa-breakfast kami sa beach, private dinner setup, at ‘yung couples massage sa may sunset deck. ‘Wag kayong mag-alala sa bayad—may pera kami.”
Tinawanan ko na lang sa isip ko. Pera niya? Pera ko ‘yun, gago.
“May special promo po kasi kami ngayon,” nakangiti kong sabi. “Yung ‘Ultimate VIP Experience.’ Libre po ‘yung room upgrade, kasama na lahat ng hinihingi niyo. May additional surprise pa kami.”
Napalakpak si Nicole sa tuwa. “Oh my God, babe! Libre?! Sana all may ganitong treatment!”
“Dapat lang,” sabi ni Gary na todo yabang. “VIP kami eh.”
Lumapit ako ng konti. “Excited na po ba kayo sa surprise?”
PART 3
Kinabahan si Miguel. Alam niyang may pinaglalaruan ako. Kinuha ko ‘yung master keycard sa kanya at ngumiti.
“Ma’am Val—” bulong niya.
“Ssshhh,” tawa ko. “Mag-enjoy ka lang sa panonood.”
Inalalayan ko sila hanggang sa Presidential Villa—’yung hindi naka-post sa rates kasi for VIP guests lang talaga. ‘Yung worth 150k per night.
“Ang ganda!!!” sigaw ni Nicole sabay talon sa kama. “Babe, deserve natin ‘to! Grabe, thank you Lord at nagkaron tayo ng ganitong blessing!”
“Tss,” sabi ni Gary. “Sabi ko sa’yo, magaling akong maghanap ng magagandang deals eh.”
Napailing na lang ako. Blessing? Deal? Gagamitin ka ng asawa mong adik, ‘yun ang blessing?
“Sige po, mauna na ako. Mag-e-enjoy po kayo. Bukas ng umaga ‘yung surprise natin,” paalam ko.
Kinaumagahan, nag-ayos ako. Suot ko ‘yung best white dress ko, naka-heels, full face of make-up. Dumiretso ako sa beachfront kung saan nag-aalmusal sila Nicole.
Pagkakita nila sa akin, tinitigan ako ni Nicole. “Ma’am, huwag po kayong dadaan dito, nag-aalmusal kami ng asawa ko.”
Tumigil ako. Napatingin si Gary. At doon, unti-unting namutla.
“Val… Valerie?” nauutal niyang sabi.
Napalingon si Nicole sa kanya, saka sa akin. “Babe, kakilala mo?”
“Oo,” nakangiting sabay upo ko sa harap nila. “Ako nga ‘yung asawa niya. At saka…” tumayo si Miguel sa tabi ko. “Ma’am Val, ready na po ‘yung mga bagong staff para sa orientation.”
“Ano?” singhal ni Nicole. “Ma’am Val? Iyong… iyong janitress kahapon?”
Napatawa ako. “Hindi ako janitress, Nicole. Ako ang may-ari ng resort na ‘to.”
Sabay hila ko sa upuan. “Kumusta ‘yung VIP treatment? Kasama na sa package n’yo ‘yung breakfast na ito—at ‘yung lunch at dinner. Pero ‘yung isang bagay… ‘yung special service na sinabi ko…”
Napalunok si Gary. Umiiwas ng tingin.
“Kasama na ‘yung security team na mag-e-escort sa inyo palabas ng resort—at ‘yung police report na isasampa ko para sa credit card fraud.”
Napasimangot si Nicole. “Ano?! Babe, anong credit card fraud?! Sinabi mo sa’kin ikaw ang nagbayad nito!”
Tumayo ako. “At isa pa, Nicole,” tumingin ako sa kanya diretso sa mata. “Alam mo bang ikaw na ‘yung pang-apat? Una, ‘yung sekretarya niya. Pangalawa, ‘yung kapitbahay natin. Pangatlo, ‘yung ka-workout sa gym. At ngayon, ikaw.”
Namilog ang mga mata niya. Tumingin siya kay Gary. Totoo ba ‘to? Babe?!”
“Nicole, pakinggan mo ‘ko—”
“Tumahimik ka,” singit ko. “Kasi kung ako sa’yo, Nicole, magpasalamat ka. Kasi ngayon pa lang, nakita mo na kung sino talaga siya. Hindi ‘yung katulad ko—na pitong taong nagtiis, umasa, at naniwala.”
Hinugot ko ang singsing ko at inihagis sa harap ni Gary.
“Hiwalayan na tayo, Gary. At huwag mo nang subukang lumapit. Ang abogado ko na ang bahala sa’yo.”
Habang naglalakad ako palayo, narinig ko si Nicole na sinisigawan si Gary. Napangiti ako.
Iyon ang “VIP treatment” na hindi nila makakalimutan
News
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad./hi
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad. Biglang tumayo ang boyfriend ko sa gitna ng maraming tao at…
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
End of content
No more pages to load