“Ako naman daw ang gagalawin”
Magandang araw po sa inyo. Ako po si Geraldine, at lumalapit ako sa inyo dahil hindi ko na po alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na ang isip ko at parang sasabog na ang puso ko sa bigat ng problemang kinakaharap namin ngayon.
Kuya Jay, labindalawang taon na kaming nagsasama ng asawa ko. Sa loob ng mga taong iyon, biniyayaan kami ng tatlong anak. Maayos naman ang pamilya namin, o ’yun ang akala ko, hanggang nitong nakaraang buwan. Nagulat na lang ako nang biglang may pumutok na balita sa aming barangay.
Inakusahan ang asawa ko na binastos at gin@law ang asawa ng kapitbahay namin si Boyet, na nangangalang Gina.
Dahil sa takot ko na lumaki ang gulo at mapahiya ang mga anak namin, naging maagap ako. Kinausap ko agad ang mag-asawang sina Boyet at Gina para ayusin ito nang pribado.
Doon po umamin si Gina. Sabi niya, noong nag-inuman daw sila at nakatulog ang asawa niyang si Boyet, akala niya ay ang sarili niyang asawa ang katabi niya sa higaan. Hindi niya raw agad namalayan na ang asawa ko na pala ang gum@g@law sa kanya.
Durog na durog ang puso ko,
Kuya Jay basag basag ang tabo na nakahawakan ko ng ipalo ko sa asawa ko, hiyang hiya ako sa ginawa nya, pero kahit na anong gawin ko,
pero Ipapakulong daw ang asawa ko,
kahit galit ako sa asawa, inisip ko parin ang mga anak ko, kapag lumala at lumaki ang balita, nakakahiya, isa pa, baka matanggal ang asawa ko sa munisipyo,
nakiusap ako sa mag asawa, sabi ko tutal, may kasalanan din naman sila lalo na si gina, kasi nag inuman pala sila, natulog sila, alam naman nila na may ibang tao pa,
Si gina, kahit paano nagdadalawang isip na ipakulong ang asawa ko, si boyet na asawa nya ang disidido, nakiusap ako, sabi ko magbibigay kami ng danyos,
nag demand si boyet ng 100k, eh wala naman kaming ganun
pera, sabi ko sampung libo lang ang kaya namin,
Ang ginagawa ni boyet, pinaalis ang asawa ko, kami na lang daw mag usap,
noon kami na lang ni boyet ang nandoon sa bahay nila,
May kasunduan na inaalok ni Boyet. Ang gusto ni Boyet, para hindi na raw siya magsampa ng kaso at para hindi makulong ang asawa ko, kailangang bumawi siya,
kung ano daw kinuha ng asawa ko, yun din daw ang kukunin nya, medyo naguluhan ako sa sabi ni boyet, pero nakita ko ang mga tingin nya sa akin,
.Gusto ni Boyet na ako naman ang makasama niya sa k@ma, na siya naman ang gag@l@w sa akin kapalit ng pag-urong ng demanda, sabi ko pag iisipan ko, at ipapaalam ko sa asawa ko,
Kuya Jay, lalong bumibigat ang dibdib ko habang lumilipas ang mga araw. Natatakot ako. Hindi lang basta takot sa sitwasyon, kundi takot sa magiging bunga nito.
Alam niyo po, Kuya Jay, usap-usapan dito sa amin na malaki ang karg@da ni Boyet.
Halatang-halata naman po kasi sa laki ng pangangatawan niya; nasa 6’2″ ang taas ni Boyet, habang ang asawa ko naman ay nasa 5’0″ lang.
Hamak na mas malaki at mas malakas siya kung ikukumpara sa asawa ko.
Walang ibang nakaka alam sa alok ni boyet kung hindi ang kaibigan ko, Kinausap ko ang isa kong matalik na kaibigan tungkol dito.
Sabi niya sa akin, “Geraldine, huwag kang papayag! Siguradong uulit ‘yan kapag pinagbigyan mo. At ang masama pa, baka magustuhan mo rin at lalong masira ang pamilya niyo.
may punto ang bff ko kuya jay,
Pero Kuya Jay, aaminin ko sa inyo, may bahagi sa akin na gustong kong pumayag. Hindi dahil sa gusto ko si Boyet, kundi dahil sa galit.
Pakiramdam ko, ito na ang pagkakataon ko para makaganti sa asawa ko. Masakit ‘yung ginawa niya sa akin,
Nasaktan ako ng malaman ko na nakip@gt@lik sa asawa ng iba,
gusto ko ibalik sa kanya ang sakit na iyon,
Pero Ang hirap lunukin na ako ‘yung kailangang magsakripisyo para sa kasalanang siya naman ang gumawa.
Sa kabilang banda, iniisip ko ang mga anak namin. Tatlo sila, Kuya Jay. Lahat sila ay sa ama nila umaasa. Kapag nakulong ang asawa ko, paano na sila? Sino ang magtatrabaho? Sino ang magpapakain sa amin?
Ayaw kong lumaki silang walang ama o nakikitang nasa rehas ang tatay nila dahil sa ganitong kahihiyan,
Gulong-gulo po ako. Gagawin ko ba ito bilang sakripisyo para sa mga bata, o ginagawa ko lang itong dahilan para mapagbigyan ang kagustuhan kong makaganti sa panloloko ng asawa ko?
Paano kung tama ang kaibigan ko? Paano kung maging mitsa pa ito ng tuluyang pagkawasak ng aming pagsasama?
Alam na din ng asawa ko ang gusto ni boyet, hindi nya masabing payag sya, pero hindi sya naimik, siguro nakokonsensya,
pero umamin sya na may nangy@ri nga sa kanila ni gina, pero wala daw pilitan yun, lasing sila pareho,
Tulungan ko ako,
sabi ng asawa ko sa akin, hindi na daw sya uulit,
Kakayanin ko bang isuko ang kat@wan ko kay Boyet para lang sa katahimikan ng lahat?
Hindi ko alam kung alam ni gina ang plano ni boyet, kasi sya ang pinagdidisyon ni gina, okey na daw sa kanya ang sampung libo, basta, huwag na daw magpupunta sa kanila ang asawa ko,
binigyan ako ni boyet ang hanggang February 28, at gagawin daw namin sa ibang lugar naman,
Kuya Jay, naawa ako sa asawa ko. nakikita ko na apektado rin sya at ramdam ko na nagsisi rin sya,
Naguguluhan ako. Papayag ba ako sa hinihingi ni Boyet para lang mailigtas ang asawa ko?
Ano po ba ang dapat kong gawin?
Sana po ay mapatuhan ninyo ako,
Geraldine