AKALA NG FRIEND KO AKO ANG MAGBABAYAD NG INORDER NIYA SA MANG-INASAL….

Tawagin niyo nalang akong Paula, cashier sa isang Mall dito sa Makati..

May friend ako, tawagin na lang nating “Cheska.” Cashier din siya same sa pinagwoworkan ko.

Magkaibigan kami since training days. Pareho kaming nakatayo buong shift at pareho kaming umaasa sa payday para makahinga.

Kakasahod lang namin nun at ininvite ko siya magdinner. Kinausap ko siya nung break namin.

“Te, Mang Inasal tayo. Unli rice.”

Sumagot siya agad,
“What time? PM2 lang ako, solve na.”

Sinabihan ko siya na after ng shift namin diretso na kami sa Mang Inasal para kumain.

So after ng shift, dumiretso na kami sa Mang Inasal. Pagpasok palang namin maingay na, puno ang tables, may pila sa counter, amoy chicken oil at sabaw.
Yung amoy ng chicken nakakagutom na.
Pumila na din kaming dalawa.

Pagdating sa counter, ako ang nauna na nag-order.

PM2 unli rice, halo-halo at iced tea ang inorder ko. Hindi pa aabot ng 500. Sakto lang pang-reward sa sarili ko.

Sabi ko, siya na ang mag-order para sa sarili niya.

“Ate, isang PM2 po… unli rice. Ala carte na palabok. Bangus sisig solo. Dalawang lumpiang togue. Isang halo-halo at large Coke.”

Napatigil ako.
“Akala ko PM2 lang tayo?”

Ngumiti siya at sinabing
“Minsan lang naman. Tsaka kakasahod lang natin.”

Okay. Choice mo yan. Buhay mo yan.
Habang nasa cashier na kami, bigla niyang tinanong:

“Hati ba tayo sa bayad?”

Napalingon ako ulit. “Wait. Magkaiba tayo ng inorder. Bakit ako makikihati?”

Sinabi ko na agad sa cashier, “Ate, separate po ng receipt yung sakin.”

Nakita ko yung titig niya sakin na parang naiinis. Pabulong niyang sabi,

“Akala ko ililibre mo ako kasi ikaw nag-aya.”

Pagkarinig ko yun, kahit alam kong may nakikinig sa likod.

“Te, nag-aya ako kumain sa Mang Inasal. KKB yun, wala akong sinabi na ililibre kita.”

Chineck niya yung jk4s account niya, nasilip kong 300 lang pala laman ng jk4s niya.

Ayaw daw niyang gamitin ATM niya kahit kakasahod lang namin. In-expect niyang ako ang sasalo dahil ako raw ang nag-invite.

Sinabi ko nang maayos,
“Hindi ko babayaran yan. Pang limang tao na yung inorder mo. Hindi ko nga maubos PM2 ko tapos ikaw parang pang buffet na ang order mo.”

Tapos may pahabol pa siya, “Itetake out ko naman kung hindi maubos.”

Te, fiesta ba ‘to?
Pero syempre, hindi ko sinabi yun. May class tayo kahit naiinis.

15 minutes na kaming nakatayo sa cashier. Ang haba ng pila at nakakahiya. Yung crew nakatingin na parang gusto na kaming paalisin kaya yung mga tao sa likod na halatang nagmamadali lumipat na sila sa ibang lane.

Tinawagan niya ang boyfriend niya para humiram ng 1k pero wala din daw pera. Paano magkakapera eh tambay yun.

25 minutes na kaming naka-hold ang linya.
Tinawagan niya ang kapatid niya para humiram ng pera. After ilang ring, buti nalang sumagot na at trinansferan siya ng 1,000 ramdam ko yung tingin niya sakin. Parang ako pa ang kontrabida sa buhay niya.

Nung dumating yung transfer, pinacancel niya yun unli rice at pina-takeout nalang yung pagkain. Damage control.

Ako? Binayaran ko yung food ko at umupo nalang mag-isa. Kumain nalang ako mag-isa.

After niyang makuha order niya, umalis na agad nag-text siya.

“Ininvite mo ba ako sa Mang Inasal para ipahiya? Ang tunay na kaibigan nanlilibre pag siya nag-aya.”

Pero grabe naman kung ililibre ka ng isang tao tapos parang wala ng bukas ang order mo.
Kung alam mo kasing broke ka, bakit ang order mo pang-fiesta? At kailan naging obligasyon ng nag-aya ang magbayad ng gutom ng iba?

Ngayon ako na ang masamang kaibigan.
Buti nga hindi siya nagdadaldal sa work namin e. Kung hindi susupalpalin ko talaga ang bunganga niya