NA INLOVE ANG BOYFRIEND KO SA KUYA KO


Hindi ko alam kung matatawa ako o iiyak kasi parang ako na yung naging side character sa sarili kong love story.

May boyfriend ako na sobrang proud ko dati kasi sabi niya “nagbago” na raw siya. As in from pagiging certified bakla noon (aminado siya ha), naging straight daw dahil sa akin. Siyempre ako naman si tanga, kilig na kilig. Feeling ko ako yung babaeng naka-reform ng buhay niya. Parang ako si savior ganon.

Fast forward…

Dinala ko siya sa bahay para ipakilala sa pamilya ko. Todo effort pa ako, nagluto pa si mama, naglinis ako ng bahay, nag make up pa ako kahit pawis na pawis na sa init. Ready na ready na ako ipakita na “eto na po ang future son-in-law niyo.”

Pagdating niya, okay pa eh. Sweet pa siya, hawak kamay ko, todo “po at opo” kay mama. Sabi ko, ay ang bait talaga ng boyfriend ko, jackpot na jackpot.

Tapos…

Lumabas yung kuya ko.

Promise, doon ko nakita yung pagbabago ng aura ng boyfriend ko.

Biglang tumahimik.

Tapos napatingin siya kay kuya ko na parang may slow motion effect pa. As in parang may background music na “I can’t help falling in love…”

Ako: “Beh okay ka lang?”
Siya: “Ah oo… ang tangkad ng kuya mo ah…”

Beh, hindi lang tangkad yung napansin niya. Kita ko sa mata niya, may sparkle. Yung sparkle na dati sa akin niya lang ginagawa.

Habang kumakain kami, si kuya ko nagkukwento lang about trabaho niya, gym, ganun. Etong boyfriend ko, biglang naging interested sa gym.

EH HINDI NGA YAN NAG EEXERCISE DATI.

Boyfriend ko: “Kuya, ilang beses ka nag g-gym?”
Kuya ko: “Mga 4 times a week.”
Boyfriend ko: “Pwede ba sumama minsan… turuan mo ako…”

Ako sa gilid: ???

After nun, napansin ko na parang mas attentive pa siya kay kuya ko kaysa sa akin. Yung tawa niya, mas malakas. Yung ngiti niya, abot tenga. Yung tingin niya… hindi na ako yung target.

Kinabahan na ako.

Kinagabihan, nag chat siya sa akin.

Akala ko sweet message.

Pero ang sabi:
“Love… pwede ko ba hingin number ng kuya mo? Para sa gym lang ha.”

PARA SA GYM LANG???

Doon ko na-realize…

YUNG “STRAIGHT ERA” NIYA, TRIAL VERSION LANG PALA.

Kinabukasan, pumunta ulit siya sa bahay. Hindi na para sa akin. Para kay kuya.

Sila na ngayon nag g-gym.

Sabay pa umalis.

Ako na lang naiwan sa bahay, hawak ang walis, iniisip kung saan ako nagkulang.

Tapos narinig ko pa si mama:
“Anak, parang bagay sila ng kuya mo ah…”

MAMA NAMAN

Ending?

Nawalan ako ng boyfriend.

Pero nagkaroon ng bagong… ewan ko ba… “barkada” si kuya.

At ako? Eto ngayon, nag iingat na…

Kasi baka sa susunod, pati tatay ko pa agawin.

FROM SENDER